You are on page 1of 3

PRINCESS SARAH B.

MEDRANO

REACTION PAPER SA ARALING PANLIPUNAN

“PROS AND CONS NG SOGIE BILL”

SOGIE Bill? Ano nga ba ito? Noong taong 2019, ito ay aking naririnig na simula ng umusbong ang
isyu tungkol sa paggamit ng mga transgender sa banyo ng mga babae na kung saan naging malaki at
malawak na isyu ito sa bansang Pilipinas. Naging usap-usapin ito ng mga Pilipino dahil may mga tao din
dito sa Pilipinas ang kabilang sa LGBT. Unang-una ako ay natutuwa sapagkat binigyan kami ng
pagkakataon ngayon na mapanuod, mapag-aralan, at maunawan ng husto ang tungkol sa SOGIE Bill at sa
pros and cons nito. Noong nagsimula ito, ako ay masyadong pang bata kaya naman wala pa akong pake
rito noon at wala pa akong kaalam-alam tungkol sa isyung iyon. Subalit ngayon na asa punto na ako ng
buhay ko na may kakayahan na akong umintindi sa ganitong mga bagay, ako ay natutuwa dahil may
pagkakataon na tayo ngayon na matalakay ito.

Noong buwan ng Agosto 2019, naging matunog ang SOGIE Bill o Sexual Orientation, Gender
Identity and Expression Bill dahil sa inggay na ginawa ni Gretchen Diez kung saan ay hindi siya pinapasok
ng isang security guard sa banyo ng mga babae kahit na isa na siyang transgendered woman. Dahil sa
isyung iyon ay maraming mamamayan ang nabulabog sa usaping ‘discrimination’ na nangyayari sa ating
bansa. Ipinagsisigawan ng mga ito na dapat naisakatuparan ang SOGIE Bill upang matigil na ang
pagkakaroon ng diskriminasyon dito. Bago natin lubos na intindihin ang mga nilalaman ng bill na ito, atin
munang alamin ng mas malalim ang kahulugan ng mismong ibig sabihin ng SOGIE.

Ang Sexual Orientation ay may paliwana na kung saang kasarian ka nagkakagusto (romatik man
o seksual) homosexual: same gender; heterosexual: opposite gender; bisexual:both genders; pansexual:
all genders; and asexual: no attraction. Ang Gender Identity naman ay ikaw ang kumilala ng sarili mong
kasarian hindi ito nakabase sa kasarian mo ng pagkapanganak. Sa madaling salita, hindi ang mga
maselang bahagi ng iyong katawan ang magsasabi ng iyong karapatan bagkus kung ano ang tingin mo sa
sarili mo ay pwedeng mong isabuhay. At ang panghuli ay ang Expression. Ito ay kung paano mo gustong
ipakilala ang iyong sarili sa ibang tao.

Ang nilalaman ng panukalang ito ay ang pagbibigay respeto sa bawat kasarian na ating
makakasalamuha. Tinutulungan tayo nito na makamit ng bawat tao ang pantay-pantay na trato anuman
ang kasarian nito sapagkat hindi lamang ito para sa mga miyembro ng LGBTQ+ Community. Kagaya na
lamang na hindi na pwedeng mamili ng mga aplikante base sa kasarianang mga kumpanya lalo’t na kung
hindi naman ito makakaapekto sa trabahong papasukan. Maaari rin itong gamitin ng mga kalakihan
upang maprotekta nila ang kanilang pagkalalaki.

Ako’y nalungkot habang pinapanuod ang bidyo sapagkat nalaman ko na maraming tao ang hindi
nakakapag-aral at pinapadrop-out ng eskuwelahan dahil lang sa kanilang gender identity, at ako’y lalo
pang nalungkot at nag-alala dahil madami ang nadidiskrimina dahil lamang sa kanilang piniling kasarian
sapagkat ako ay sang-ayon sa pahayag ng isang panig na hindi lang mga kasapi ng LGBTQ+ ang
nadidiskrimina kundi pati ang mga babae at lalaki din. Lalo akong naliwanagan sa SOGIE Bill ng malaman
ko ang mga pros and cons nito. Ang mga pros ng SOGIE Bill ay ang mga sumusunod:

 Ang malawak na seleksyon ng mga oportunidad sa trabaho bilang grupong LGBTQ+ ay


hindi limitado sa isang partikular na tungkulin dahil lamang sa kanilang mga
kagustuhang sekswal.
 Pagkakapantay-pantay hindi lamang para sa LGBTQ+ kundi para sa lahat ng tao sa
bansa.
 Upang makapagbigay ng pagiging patas at pagkakapantay-pantay para sa diskriminasyon
sa isang tao batay sa kanilang sekswal na kagustuhan.
 Ang pagpaparusa para sa mga naturang aksyon ay maaaring makapigil sa ibang tao na
gawin ang gayong pag-uugali sa isang tao batay sa kanilang sekswal na oryentasyon.

Ang mga cons naman ng SOGIE Bill na base sa bidyo ay:

 Ang labis na karapatan para sa komunidad ng LGBTQ+ at ang SOGIE BILL ay magreresulta
sa hindi paggalang sa ating mga kababaihan sa pangkalahatan.
 Maaaring gamitin ng maraming komunidad ng LGBTQ+ ang batas bilang dahilan o
pagbabanta sa ibang tao na hindi sumasang-ayon sa kanilang mga tuntunin.
 Hindi rin igagalang ng panukalang batas ang Batas ng Simbahan. Isipin na ang isang
transgender ay nais na maging isang madre o isang padre.
 Ang isang transgender ay lalampas sa mga hangganan ng isang moral na prinsipyo o
karaniwang pag-uugali.
 Ang SOGIE Bill ay sisira sa kalayaang pang-akademiko at relihiyon at gayundin ang mga
karapatan ng kababaihan.

Ngunit bakit nga ba hindi ko maibigay ng lubusan ang aking pagsuporta sa pagsasabatas ng
SOGIE Bill? Habang pinapanuod ko ang bidyo, hindi maalis sa akin ang bahagi na “Gender Identity” na
nagbibigay karapatan sa mga tao na sila mismo ang maaring magdeklara ng kanilang kasarian. Kaya’t
naman kahit ikaw ay isang maskuladong lalaki ngunit ang tingin mo sa iyong sarili ay babae, maaari kang
gumamit ng banyo ng mga babae sapagkat kinikilala mo ang iyong sarili bilang babae. Hindi ako sang-
ayon sa ganitong pangyayari sapagkat ang ganitong klaseng mga kilos ay maaring magkaroon na
negatibong epekto sa lipunan. Paano na lamang ang mga mararamdaman ng mga musmos na babaeng
bata sa loob ng cr? Maari din itong maging ugat sa paggawa ng “harassment.” Naniniwala ako na kahit
ang tingin mo sarili mo ay babae, dapat na respetuhin mo pa din ang privacy at karapatan ng totoong
mga babae.

Gaya nga ng sabi ng spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Panelo, “Hindi ka


pupuwedeng mag-legislate for a particular class lang, eh nagdi-discriminate ka na sa lagay na yun (You
can’t legislate for a particular class only, that would be discrimination),” Kung iisipin ay mainam na isama
sa asignatura ng mga mag-aaral kung paano bigyan ng respeto at paggalang ang sensitibong kalagayan
ng mga tomboy at bakla. At kung iisipin din dapat nga na mas ituon natin ang atensyon sa pagsasabatas
ng Anti-Discrimination Bill na mas unibersal ang tinatalakay. Dito sa panukalang-batas na ito, natatalakay
nito ang lahat ng klaseng discrimination sa nararanasan ng mga tao sa ating bansa kumpara sa SOGIE Bill
na ang tinatalakay lamang ay ang diskriminasyon sa kasarian.

You might also like