You are on page 1of 2

Posisyong Papel hinggil sa SOGIE BILL, Bakit nga ba

hindi isinabatas.
ANG HANGAD NA PROTEKSIYON MULA SA DISKRIMINASYON AT
PAGKAKAPANTAY PANTAY NG KOMUNIDAD NsG LGBT AY MAY MGA
NEGATIBONG EPEKTO SA ATING BANSA KAYA MAS NARARAPAT
KUNG HINDI ITO MAISASABATAS.
Kamakailan lang ay nayanig ang sambayanang Pilipino sa bagong labas na issue
tungkol sa LGBT community. Nagsimula ito nang harangin at hindi papasukin ng janitress
ng Farmers Plaza ang transgender woman na si Gretchen Custodio Diez sa CR ng
pambabae sa nasabing mall. Ayon kay Gretchen, ito ay isang uri ng diskriminasyon
hinggil sa LGBT community. Ito ay iminungkahi pa sa katas taasang korte ng Pilipinas.
Upang matapos ang usaping ito ninais ng ilang sektor na magkaroon ng isang batas na
magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng anumang diskriminasyon sa mga kabilang
sa LGBT, ito ay pinangalanang SOGIE BILL. Ano nga ba ang SOGIE BILL at nararapat
nga ba itong isabatas?
Ang SOGIE BILL ay tumutukoy sa Sexual Orientation, and Gender Equality and
Expression. Ninanais nitong protektahan ang sinumang kabilang sa LGBT mula sa
diskriminasyon. Ito rin ay naglalayang bigyan ang sinumang kabilang sa LGBT mula sa
diskriminasyon. Ito rin ay naglalayang bigyan ang sinumang kabilang sa LGBT ng pantay
na karapatan sa trabaho, edukasyon at serbisyo. Ang sinumang lalabag ukol rito ay
mapapatawan ng kaukulang parusa.
Ito ay nararapat at kinakailangan ibasura ng korte sa kadahilanang hindi ito
karapat dapat na isabatas.
Una, naninindigan ako na dalawa lamang ang uri ng kasarian ng tao na nilikha ng
Diyos sa mundo at ito ay nakasulat sa Bibliya. Ayon pa sa matagumpay na hair dresser
na si Ricky Reyes, “kung may nota ka, sa panlalake ka, kung may kipay ka dun ka sa
pambabae,” dagdag pa nito “ nirerespeto kita bilang tao, nirerespeto kita bilang bading
pero lumugar tayo sa tamang lugar”. Kilala si Ricky Reyes bilang miyembro ng third sex
ngunit maging siya ay hindi pabor o sumasangayon sa SOGIE BILL.
Ayon rin kay Senador Sotto, “if you are a man, you will never be a woman, no
matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth, you do not
have ovaries. You will never be a woman.”
Sumasangayon ako sa pahayag ng hair dresser na si Ricky Reyes at Senador
Sotto, dahil sa simula pa lamang, ang babae ay babae at ang lalake ay lalake. Magpalit
man ng kasarian ang lalake o babae, sa mata parin ng Diyos at ng mga tao siya ay isa
pa ring lalake o babae.
Pangalawa, magiging daan lamang ito upang magkaroon ng special treatments
ang mga LGBT. Noong una pagtanggap lang sa lipunan ang kanilang hinaing. Tuluyan
na nga silang natanggap ngunit bakit ngayon mas madami na silang gustong hingin. Ang
pagpapabatas sa SOGIE Bill ay nangangahulugan ng special treatment para sa LGBT.
Ayon kay Cibac Partylist Representative Eddie Villanueva, “Instead of promoting
equality, the sexual orientation and gender identity and expression bill will only “unduly
give special rights” to some members of society at the expense of others”. Ang nais nitong
ipakahulugan ay magiging banta ito sa academic freedom at freedom of speech at hindi
rin magiging patas kung magpapasa ng batas para sa karapatan ng isang sektor lamang.
Halimbawa nito’y, Rice Trader ka at nag hanap ka ng kargador. Tapos may dalawang
aplikante isang lalaki at isang transman. Kapag hindi mo pinili ang transman dahil sa
pagiging trans niya, pwede ka ng magmulta ng P500,000 pesos o makulong ng anim na
taon.
Pangatlo, maabuso lang ang Sogie Bill ng mga taong mapagsamantala sa mundo
dahil hindi naman natin maiaalis sa tao ang pagiging abuso sa karapatan. Sa
pagsasabatas ng Sogie Bill maaring magamit ito upang maboso ang mga babae. Gaya
na lang ng pahayag sa Senado ni Sen. Ronald dela Rosa, na maaring ang isang maton
ay nagbihis babae para makapasok sa CR ng babae na ang layunin ay makapamboso.
Sa usaping ito maaring magbihis ang lalake bilang isang bakla para sa masamang
layunin.
At ang panghuli ay may mas importanteng issue ang kailangang pagtuunan ng
pansin ang ating gobyerno kaysa sa pagsasabatas ng SOGIE Bill na ang makikinabang
lamang ay ang mga kabilang sa komunidad ng LGBT. Katulad na lang ng kamakailang
balita na sobrang bumagsak ang presyo ng bigas sa bayan ng Nueva Ecija at sa iba pang
lugar.
Sa madaling salita, hindi karapat dapat na isabatas ang SOGIE Bill dahil iilan
lamang sa mamamayan ng Pilipinas ang makikinabang rito at dahil na rin sa negatibong
epekto nito sa ating bansa.

You might also like