You are on page 1of 8

POSISYONG PAPEL

(SOGIE Bill)

Ang “LGBT” ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong lesbiyana, bakla,


biseksuwal at mga “ transgender". Ginagamit na ito simula pa noong dekada '90, na hango sa
inisyal na "LGB" at upang palitan ang pariralang "Gay Community" na ginamit noong dekada
80's, na kung saan marami sa napapaloob sa komunidad ang nadama na hindi ito ang tamang
kumakatawan sa kanila o sa sinuman na tinutukoy nito. Ang initialismong ito ang naging
pangunahing marka na ginagamit ng karamihan na nababase sa seksuwalidad at kasarian ang
pagkakakilanlan sa mga himpilan ng komunidad at medya sa Estados Unidos at sa ilang pang
bansang gumagamit ng wikang Ingles.
Ang katagang “LGBT” ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng
pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit
upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao na
homoseksuwal, biseksuwal at “ transgender”. Ang Pilipinas ay isa lamang sa mga bansang
nabibilang sa “Most gay-friendly nation in the world”, “Most LGBT-friendly in Asia” at ika-
sampu sa 39 na bansang tanggap ang homoseksuwalidad sa lipunan.
Gayunpaman, malaking isyu parin sa ating lipunan ang “LGBT Community” at nananatili
paring mababang sektor ng lipunan sa ating bansa. Ang mga lesbiyana, bakla, biseksuwal at
“transgender” ay madalas na nahaharap sa hindi pantay na karapatan sa pagkuha ng trabaho,
karapatang sibil sa pagpapakasal at kahit na sa pagsisimula ng sariling negosyo. Ito ang dahilan
kung bakit naisulong ang “LGBT Rights” na nangangahulugang pantay na pagtrato at
proteksiyon laban sa diskriminasyon para sa kanila. Bilang miyembro ng “United Nations”, ang
Pilipinas ay lumagda sa internasyonal na kasunduan na nagsusulong sa karapatang pantao.
Mayroon mang ordinansa laban sa diskriminasyon para sa “LGBT Community”, hindi parin
maiiwasan ang pagmaltrato sa kanila. Sila ay sinasaktan sa pisikal at emosyonal na paraan. Sila
ang madalas na biktima ng “bullying”. Napapasailalim sila sa karapatang pantao ngunit sa
“Family Code of the Philippines” na nangangahulugan na ang kasal ay espesyal na kontrata na
permanenteng pagsasama sa pagitan ng lalaki at babae, ang konstitusyon ng Pilipinas ay hindi
pumapayag sa “Same-sex marriage”. Ito ay malaking kawalan sa kanila sapagkat ang “LGBT”
ay mas makakamtan pa ang kanilang kabuuang potensyal kung sila’y bibigyan ng karapatan at
kalayaan katulad ng mga normal na mag-asawa na may magkasalungat na kasarian. Mas
bumababa ang kanilang tiwala at tingin sa sarili dahil hindi kinikilala at tinatanggap ang relasyon
ng dalawang taong may parehong kasarian sa ating bansa. Pakiramdam nila ay pinagkaitan sila
ng karapatang mahalin ang taong gusto nilang makasama habang buhay. Ang simbahang
katoliko ay isa lamang sa mga hindi pumapayag sa “Same-sex marriage”, ngunit hindi man lang
sinusulosyonan ang kanilang mga sariling isyu.
Wala din tayong karapatang maliitin ang “LGBT Community” dahil kung tutuusin,
maraming mga “LGBT” ang nagbigay na ng pangalan sa larangan ng politika, medya, palabas at
nagbigay na din ng parangal sa bansa. Nangangahulugan lang na hindi sukatan at batayan ang
kasarian sa paggawa ng magagandang bagay dahil hangga’t sa wala kang inaapakang tao, isa
kang magandang imahe at ihemplo para sa lahat.
Kaya’t panahon na para ipatupad ang SOGIE BILL. Ang SOGIE Equality Bill, kapag ito
ay isinabatas, ay hindi magdadagdag ng bago o espesyal na karapatan. Ang hinihingi lamang nito
ay paninidigan at isakatuparan ang batayang mga karapatan nga mga kapwa natin tao at Pilipino.
Kaya nararapat na isabatas na ito ngayon.

Pagtanggap sa kapwa ay isang mabuting bagay. Pagrespeto at pagmamahal sa kanila ay


obligasyon natin. Ang “LGBT” ay katulad din natin na nakatira sa iisang mundo, nilikha ng
iisang Diyos, nakatayo sa iisang araw, nangangailangan ng pagtanggap, pagrespeto at higit sa
lahat, pagmamahal.
POSISYONG PAPEL
(SOGIE Bill)

Paano kung may kapatid, pinsan, o kaibigan kang miyembro ng LGBT—papayag ka


bang mangyari sa kanila ang dinanas ng iba na panlalait at pananakit?

Ito ang realidad—hindi pa rin tinatrato nang may pagkakapantay-pantay ang mga
mamamayang nagkataon lamang ay nabibilang sa LGBT community, lalo’t higit sa mga nasa
mahihirap na komunidad. Kahit sinasabi pa ng 85% ng mga Pilipino (batay sa survey na
isinagawa ng SWS noong 2013) na dapat silang protektahan sa pamamagitan ng batas, walang
saysay ito kung hindi tayo kikilos para gampanan ang ating tungkulin para sa ating mga
mamamayan at kapwa tao.

Ang SOGIE Equality Bill, kapag ito ay isinabatas, ay hindi magdadagdag ng bago o
espesyal na karapatan. Ang hinihingi lamang nito ay paninidigan at isakatuparan ang batayang
mga karapatan nga mga kapwa natin tao at Pilipino. Kaya nararapat na isabatas na ito ngayon.

Mula preambulo hanggang sa mga prinsipyo, tinitiyak ng ating Saligang Batas ang
pagkakapantay-pantay. Nakapaloob din dito ang pagpapahalaga sa dignidad ng bawat tao at
pagtitiyak ng buong paggalang sa karapatang pantao.

Sinasabi ng mga tutol sa panukalang ito, magkakaroon ng same-sex marriage pag


isinabatas ito. Basa-basa po tayo pag may time. Walang anumang probisyon na nagsasabi na
magkakaroon ng same-sex marriage. Ibang usapin iyon. Huwag po nating palawakin ang
imahinasyon sa paggawa ng sariling interpretasyon. Kalma lang po. Tungkol ang ito sa
pagtatanggol sa mga LGBT mula sa pananakit, pang-aalipusta, at pagkakait ng mga oportunidad
na nabibigay sa isang indibidwal na mamamayan.

Sinasabi rin ng mga tutol sa panukalang ito, matatapakan daw ang religious freedom nila
kapag naipatupad ito. Una sa lahat, matagal nang mayroong proteksyon ang kalayaan sa
pananampalataya sa ilalim ng batas. Tama lang na mag-exercise ng religious freedom. Ang mali
ay kapag sinasabi na okay lang manakit ng isang kapwa taong tignin nila ay makasalanan. ‘Yun
po ang susubukang pigilan ng SOGIE Equality Act.
Buksan po natin ang ating mga puso’t isipan. Huwag po nating sabihing hindi na
kailangan ng mga LGBT ang pagkakaroon ng batas na magtatanggol sa mga karapatan nila dahil
mayroon nang existing laws na gagawa nito. Hindi po ito totoo.

Habang may mga batang sinasaktan ng magulang—binubuhusan ng kumukulong tubig,


nilulunod sa drum para talikuran ang pagiging bakla, nire-rape ng ama para lamang
maramdaman daw na mali ang umibig ang babae sa kapwa babae—kailangan natin ang SOGIE
Equality Act.

Habang may mga mamamayang takot matanggal sa trabaho kaya pinipili nilang hindi
ihayag ang pagkatao nila at kung sino ang minamahal nila, kailangan natin ang SOGIE Equality
Act.

Ipaglaban natin ang pagkakapantay-pantay at pagmamahal sa kapwa.


POSISYONG PAPEL
(SOGIE Bill)

Ang SOGIE Bill o ang House Bill 258 ay ipinatupad ni Senator Risa Hontiveros
na layong mapoprotekta umano sa mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender o ang
lahat ng kasapi sa grupong LGBTQ+ dito sa ating bansa. Matapos dumanas ng
diskriminasyon and isang transgender woman nang ‘di ito payagang gumamit ng
restroom na pambabae sa isang mall, lumakas ang panawagang isabatas ang SOGIE
Bill. Naging mainit ang usapin ukol dito dahil sa maraming oposisyon ang umusbong
mapa-senador man o ang mismong mamamayan ng bansa. Samu’t saring ang
pagbatikos ang umusbong nang mas lalong ipinagtibay ito ni Senator Risa Hontiveros
upang maipasa at maging ganap na batas. Marami ang tumututol at gayon din ang
sumasang-ayon maaaring makadulot ito nang mga di-kanais-nais na mga bagay na
hindi natingustong mangyari sa ating lipunan at maging sa ating bansa. Kaya ako ay
lubos na tumututol na maipatupad ang bill na ito. Oo nga’t matulungan ang LGBTQ+ na
magkaroon ng kalayaan at upang maprotektahan sa mga nanlalait sa kanila ngunit iba
pa din kapag ang bill na ipapasa ay nakapukos sa pangkalahatang sektor ng bansa
hindi sa iisang sektor lamang.
Ang SOGIE bill ay magiging banta upang hindi maging patas ang lahat.
Maaaring magsilbi itong instrumento na pwedeng gamitin ng mga kasapi ng LGBTQ+
sa pang-aabuso at panlalamang. Maaaring magresulta ito sa pagkakaroon ng
diskriminasyon sa mga hindi kasapi ng LGBTQ+. Ito ay pinagtibay dahil sa mga
ebidensiyang aking nakalap galing sa mga kilalang personalidad na tulad ko ay lubos
na tinututulan ang pag-aapruba sa SOGIE Bill na maging ganap na batas.
Ayon kay CIBAC Partylist Representative Eddie Villanueva magiging banta
lamang daw ito sa academic freedom at freedom of speech kung saan aabusuhin
lamang ng mga kasapi ng LGBTQ+ kapag hindi nila nakuha ang gusto nila o kung tingin
nila ay inaapi sila ng kabilang kasarian. Ito ay nagpapakita ng hindi patas na trato
katulad na lamang ng nangyari kay Gretchen Diez at sa janitress sa isang mall sa
Quezon City, kung saan pinalabas ng janitress si Diez sa pambabaeng cr ngunit hindi
man lang siya kinuhanan ng maikling statement at konting atensyon lamang. Dito pa
lamang makikita mo na hindi sila patas sapagkat panig lamang ni Diez ang kanilang
tinututukan. Kaugnay dito, hindi magiging patas kung magpapasa ng batas na para sa
isang sector lamang. Hindi itatanyag ng SOGIE Bill ang ekwalidad o pagkakapantay-
pantay sa bansa bagkus ay magbibigay lamang ito ng espesyal na karapatan sa mga
LGBTQ+.
Ayon kay Brother Eddie Villanueva magiging banta ang SOGIE Bill sa kalayaan
ng tao na ipahayag ang kanyang paniniwala basi sa kanyang relihiyon. Sabi niya, “What
happens to a Christian like me… If we are to be threatened by punishment every time
we share our Bible-based beliefs on matters of transgenders and Homosexuals?” na
may punto naman.
Ang SOGIE Bill ay hindi na kailangan sapagkat marami ng mga batas ang
tumatalakay sa diskriminasyon dahil ang tunay na kailangan ng lahat ay pagmamahal at
pagkakaintindihan. Ang pagiging pantay-pantay ang dapat na unang isaalang-alang
kapag gumagawa o kapag nagpapatupad ng batas nang sa ganun ay walang
masamang reaksyon ang mangyayari. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay may mabuting
epekto sapagkat tayo ay napapalibutan ng dalawang uri ng epekto.
POSISYONG PAPEL
(SOGIE Bill)

Maaaring mali sa paningin ng iba pero hindei para sa akin. Nilalang ng Diyos ang tao na
mayroong pantay-pantay na karapatan nang walang pinipili o kinikilingan na kasarian, lahi at
estado sa buhay. Panahon na siguro para buksan natin ang ating mga puso para sa mga miyembro
ng LGBTQ.

Tao rin sila na nangangailangan ng proteksiyon at pagrepesto. Kailangan natin na mas


tingnan ang mga aspeto at anggulo na kung saan sila ay tao lamang. Buksan natin ang ating mga
mata, isipan, at puso at subukang unawain ang isa’t isa.

Ang pagiging isang LGBT ay hindi isang sakit na kailangan natin lubayan at hanapan ng
lunas, sapagkat kailangan natin silang tanggapin, respetuhin, unawain, at mahalin tulad ng
pagmamahal natin sa iba. Dahil kagaya mo, tao rin sila.

Dahil sa mga isyung ito, ang ating pamahalaan ay gumawa ng mga batas upang
maprotektahan ang karapatan ng mga tao na kabilang sa grupo ng mga LGBTQ+. Hangarin ng
mga mambabatas na mabigyan ng patas na karapatan ang mga ito sa lahat ng aspeto ng ating
lipunan.

Sa pananaw ng isang karaniwang mamamayang tulad ko ay napapanahon na para


magpasa ng ganitong batas para maprotektahan ang kanilang mga karapatan.

Pero kung iisipin, bakit kailangan pa natin magkaroon ng isang batas para ibigay ang
nararapat na paggalang sa isang grupo ng tao.

Walang kuwenta ang mga naipapasang batas kung salat sa kaalaman at pang-unawa ang
mga tao sa lipunan. Dahil sa makabagong panahon at sa likas na pagdami na miyembro ng mga
LGBTQ+, mainam na isama sa asignatura ng mga mag-aaal kung paano bigyan ng respeto at
paggalang ang sensitibong kalagayan ng mga tomboy at bakla.
Sila rin ay mga tao tulad natin. Mayroon din silang damdamin at mga karapat na
kailangan nating kilalanin. Hindi naman paglabag sa karapatan ng nakararami ang pagpasa sa
batas SOGIE. Hindi naman nito maaapakan ang dignidad ng mga totoong lalaki at babae. Bagkus
magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay ng indibidwal anumang seksuwalidad mayroon siya.
Kaya nawa’y maging bukas ang ating mga isipan.

You might also like