You are on page 1of 12

MAHARLIKA: PAMALIT NA KATAWAGAN SA BANSANG PILIPINAS

RONIE FRANCISCO

Isang Panukalang Pananaliksik na Ipinasa bilang katuparan sa hinihingi ng

Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik

HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCE (HUMSS)

MARSO 2020
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na literatura at pag-

aaral kasama ang mga mananaliksik upang mapalakas ang pag-aaral na ito.Ito

rin ay lubos na makakatulong sa mga mananaliksik upang lubos na maunawaan

ang pag-aaral na ito.

Pilipinas

Ayon kay Lalunio, et. al. (2005), ang bansang Pilipinas ay mula sa

Felipinas, na unang ipinangalan ni Ruy Lopez de Villalobos sa bansa sa

karanganlan ni Prinsipe Felipe na naging Haring Felipe II ng Espanya. Sa

pamamagitan ng Presidential Decree 940 na ipinlabas noong ika-24 ng Hunyo,

1976, ang Maynila ang kabisera ng bansa. Ang Pilipinas ay tila tatsulok ang

hugis na matatagpuan sa pagitan ng Taiwan (sa Hilaga) at Borneo (sa Timog).

Napapalibutan ito ng malalaking bahagi ng katubigan: ang Dagat-Celebes sa

Timog, at Dagat Tsina sa Kanluran. May 300,000 kilometro kuwadrado ang laki

nito na halos kasinlaki ng Italya at dalawang beses ang kalakihan sa Gresya.

May 7,100 pulo ang bansa ngunit 2,773 lamang ang may pangalan. Ang

malalaking pulo ay ang Luson, Mindanao at Samar, Leyte, Negros, Palawan,

Panay, Mindoro, Cebu at Bohol.

Ayon kay Carillo (2015), Ang pangalang Pilipinas ay nagmula kay King

Philip II ng Spain noong ika-16 na siglo. Habang nasa paglalakbay sina Ruy

Lopez de Villalobos papuntang Pilipinas, tinawag ni Bernardo de la Torre itong

“Las Islas Filipinas” na tumutukoy lamang sa isla ng Leyte at Samar. Ang


pangalang ito ay ginamit sa buong kapuluan sa kabila ng iba pang mga

pangalan. Noong panahon ng Philippine Revolution, ang estado ay pinangalan

ang bansa ng República Filipina na ang ibig sabihin ay First Philippine Republic.

Mula noong Spanish-American War at Philippine-American War hanggang sa

panahon ng Commonwealth, ang Estados Unidos ay tinawag ang bansa na

Philippine Islands. Simula lamang noong American Period nang gamitin ang

pangalang “Philippines”.

Ayon kay Virgilio Almario, ang Pilipinas ay ibinatay sa lumang alpabeto ng

bansa, ang Abakada, na inalis sa sistema noong 1987. Filipinas ang tunay na

pangalan ng bansa, ayon kay Almario, dahil Las Islas Filipinas ang ipinangalan

ng mga Kastila noong ika-14 siglo. Dagdag ni Almario, ang Filipinas ay

nakabatay sa makabagong alpabeto ng Filipino na binubuo ng 28 titik. Giit niya,

ang mga titik na F at V ay ilan sa mga letrang dati nang ginagamit ng mga

katutubong tulad ng Mëranaw at Ivatan. (Komisyon sa Wikang Filipino).

Matatandaan na ayon sa kasaysayan, ang mga dayuhang Kastila ang

unang nag-pangalan sa ating bansa bilang Filipinas, sa loob ng tatlong siglo dito

mas nakilala ang ating bansa, ang Filipinas din ang ginamit nang unang ideklara

ang ating kasarinlan. Nang dumating ang mga Amerikano tinawag naman nila

tayong Philippines o Philippine Island, tapos ay naging Pilipinas, ang tagalog na

bersyon ng Filipinas na mula naman sa lumang alpabeto. (Armageddon Views,

2013).

Sa ulat ng Balitanghali, Isinusulong ng Komisyon ng Wikang Filipino

(KWK) na "Filipinas" sa halip na "Pilipinas," ang gamiting baybay sa opisyal na


pangalan ng ating bansa. Sinabing nakasaad sa resolusyon ng KWF noong Abril,

na panahon na umano para ibalik sa orihinal na Filipinas ang pangalan ng bansa

sa halip na ang nakagawiang Pilipinas. Sa pamamagitan umano nito ay

mapagbubuklod ang mga Pilipino na may tamang kaalaman kaugnay sa

kasaysayan ng bansa. Sinasabing Filipinas ang tawag sa bansa noong 15th

century na isinunod sa pangalan ng Spanish King na si Felipe II. Pero nagbago

raw ang baybay nito noong 20th Century nang palaganapin na ang abakadang

Tagalog kung saan wala na ang titik "F." Paliwanag ng KWF, ang Filipinas ang

ginamit umanong baybay ng mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Apolinario

Mabini, Andres Bonifacio at iba pa. (GMA Netwrok, 2013).

House Bill 5867

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representes na

naglalayong bumuo ng komisyon para pag-aralan ang posibilidad na palitan ang

pangalan ng Pilipinas. Sa ilalim ng House Bill 5867, iminungkahi ng may-akda na

si Magdalo Rep. Gary Alejano, na ang bubuuing komisyon ay kabibilangan ng

National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National Historical

Commission of the Philippines (NHCP), at Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).

Sinabi pa ni Alejano na ang magiging pangalan ng bansa ay dapat akma hindi

lang sa kalupaan nito, kung hindi maging sa mga mamamayan at sa kaniyang

nakaraan. Bibigyan ng paunang pondo ang komisyon ng P30 milyon, at dapat

makapaglabas ng rekomendasyon sa loob ng isang taon. (GMA Network.com,

2017).
Ayon kay Alejano (2017), ang House Bill 5867 o “An Act Constituting a

Geographic Renaming Commission to Rename Our Country” ay sinumite noong

June 7, 2017 ng Magdalo Partylist. Ito ay para iparating ang mensahe na kung

kailangan nating tunay at ganap na malaya, dapat simulan ito sa pagpapalit ng

pangalan ng ating bansa na iginawad sa atin ng ating mananakop na bansang

Espanya. Ang hangarin ay upang iwaksi at kalasin ang tanikala ng kolonyalismo

at simulan ang pagkakaroon ng ating sariling pambansang pagkakakilanlan.

Pangalan na tunay na kumakatawan ng ating mga hangarin, kasaysayan,

kultura, katangian at simbulo ng kasarinlan at kalayaan.

Ayon sa kolum ng Pipino Star Ngayon (2019), ang pagpapalit sa pangalan

ng Pilipinas ay orihinal na ideya ng diktador na si President Marcos noong

dekada ’70. Pero hindi umubra ang gusto ni Marcos na maging “Maharlika” ang

pangalan ng bansa. Maraming tumutol sa kanyang gusto. Noong 1978, isang

batas ang pinanukala ni Sen. Eddie Ilarde na palitan ang pangalan ng Pilipinas at

gawing Maharlika, pero hindi rin ito nagtagumpay.

Ayon kay Totanes (2019), inilahad ni Alejano na ang pagpapalit ng

pangalan ng bansa ay tutugon sa ating pagkakakilanlan. Ito ay magbubura ng

mga bakas ng kolonyalismo, mapagtitibay ang pambansang pagkakakilanlan at

maipapahayag kung paanong ang bansa, tao, at pambansang wika ay

matutukoy ng buong daigdig. Saad pa nito, na maraming bansa ang nasakop na

bumalik sa kanilang pre-colonized names “as it gives them a sense of national

pride and identity as a free people.”


Ayon kay Ocampo (2017), isang tanyag na historyador ang naniniwalang

isang kahibangan ang panukalang House Bill 5867. Ayon kay Jose Victor Torres

na nagtuturo ng kasaysayan sa Pamantasang De La Salle, hindi maiaalis ang

impluwensya ng mga dayuhan sa Filipinas dahil sa “inculturation” na

pinapakahulugang pagtangkilik ng kultura ng ibang bansa at pagbibigay nito ng

panibagong identidad sa sinakop na bansa. Dagdag pa niya, bunga ng iba’t

ibang kultura na galing sa iba’t ibang dayuhan ang identidad natin bilang Filipino.

Maharlika

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, Ang Maharlika ay isang Malay word

na nangangahulugan ng kapayapaan. Dagdag pa niya, tama si Marcos sa gusto

nitong palitan ng Maharlika ang pangalang Pilipinas. Taong 1978 ay naghain si

dating Senador Eddie Ilarde ng Parliamentary Bill 195 para palitan ng Maharlika

ang Pilipinas pero binatikos ito dahil sa pagkaka-ugnay ng pangalan kay Marcos.

(Montaño, 2019).

Ayon sa ulat ni Jorge Cariño ng ABS-CBN News, taliwas sa paniniwala ng

ilanang tunay na kahulugan ng salitang Maharlika. Ito ay matapos mabanggit ni

Pangulong Rodrigo Duterte ang ideya ng pagpalit ng pangalan ng bansa sa

"Maharlika" mula Pilipinas. Ayon kay Rolando Borrinaga, isang historyador mula

sa National Commission for Culture and the Arts, "malayong tao" o "free man"

ang tunay na kahulugan ng salitang "maharlika." Sa isang talumpati sa

Maguindanao, sinabi ni Duterte na tila magandang palitan ng "Maharlika" ang

pangalan ng bansa. Mas angkop daw ito sa pagkakakilanlang "Malay" ng mga

Pinoy sa halip na Pilipinas o the Philippines na ibinigay ng mga Kastila. Pero


ayon kay Borrinaga, hindi rin Malay ang "Maharlika" kundi Sanskrit o wika ng

mga taga-India.

Ang pagbabago ng pangalan ng Pilipinas sa “Maharlika” ay

nangangailangan ng bagong batas at pag-apruba ng publiko sa isang

reperendum. Sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si Salvador Panelo na

kailangan ang pagkilos ng kongreso upang baguhin ang pangalan ng bansa. Ang

Artikulo XVI, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1987 ay nagsasaad na ang

Kongreso ay maaaring, sa pamamagitan ng batas, magpatibay ng isang bagong

pangalan para sa bansa, isang pambansang awit, o isang pambansang selyo,

“na ang lahat ay magiging tunay na mapanimdim at simbolo ng mga ideya,

kasaysayan at tradisyon ng mga tao.” Kung tapos na, ito ay magiging epektibo

lamang pagkatapos ng pagpapatibay nito ng mga tao sa isang pambansang

reperendum. (Sentinel Times, 2019).

Ayon sa Kilusan para Palitan ang Pangalan ng Pilipinas sa ngalang

Maharlika (KPPM) (2019), ang ating bansa ay hindi tunay na malaya kung ang

pangalan ay Pilipinas, sapagkat ang pangalang Pilipinas ay walang kabuluhan at

walang katuturan, dahil ang ngalang ito ay hango sa pangalan ng dating hari ng

Espanya na si King Philip II na siyang nag utos at nagpahintulot na nakawin ang

kalayaan at dignidad ng ating bansa at ng ating mga kababayan. Samantalang,

ang pangalang Maharlika na ating ipapalit sa ngalang Pilipinas ang ibig sabihin

ay (according to Tagalog dictionary) ay Nobility o’ kagalanggalang na angkop na

angkop sa pagkatao nating lahat.


Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, bukas siya sa posibilidad na pagpapalit ng

pangalan ng bansa sa “Maharlika” lalo pa’t ang Philippines ay palaging iniuugnay

kay King Philip II ng Spain na naging mananakop ng bansa sa loob ng 300 taon.

Sabi ni Lacson na bagaman at nasubok ang katapangan ng ating mga ninuno,

ang 300 taong pananakop ay labis na nakaimpluwensiya sa ating kultura at ugali

na hindi natin maaring angkinin na sariling atin. (Andal at Escudero, 2019).

Epekto ng Pagpapalit ng Pangalan ng Bansa

Ayon kay Saludar (2019), hindi na dapat pang pag-aksayahan ng

panahon ang panukalang palitan ang pangalan ng Pilipinas o Philippines upang

tawaging Maharlika. Wala naman daw itong epekto sa buhay ng masang Pilipino.

Ang dapat palitan ay ang ugali ng mga namumuno sa bansa na madalas

mangako sa eleksyon pero hindi naman natutupad. Bukod sa ugali ay ang dapat

palitan ay ang mga opisyal ng gobyerno na puro pagsasamantala sa kaban ng

bayan ang inaatupag.

Walang mabuting maidudulot ang pagpapalit ng pangalan ng bansa. Isang

pag-aaksaya lamang ang planong ito. Sayang ang oras at pera. Sa halip na ito

ang tutukan, ang pagpaparami ng trabaho at pagkain ang dapat iprayoridad.

Tutukan din ang tumataas na bilang ng kriminalidad at ang paglaganap ng droga

na hindi mapigilan sa kabila na araw-araw ay may mga napapatay at naaaresto.

Marami pang dapat pagbuhusan ng atensiyon kaysa sa pagpapalit ng pangalan.

Wala naman itong maitutulong sapagkat kahit palitan ang pangalan ng bansa

kung ang mamamayan naman ang may deperensiya, balewala ito. Mas
maganda kung mababago muna ang pag-uugali at magkakaroon ng disiplina ang

mamamayan. (PhilStar.com, 2019).


BIBLIOGRAPIYA

Alejano, G. (2017). Nakuha noong Pebrero 29, 2020 mula sa

https://www.facebook.com/GaryAlejano/posts/ang-house-bill-5867-o-an-

act-constituting-a-geographic-renaming-commission-to-

re/1219600841499219/

Andal, R. at Escudero M. (2019). Nakuha noong Pebrero 27, 2020 mula sa

https://www.philstar.com/pilipino-star-

ngayon/bansa/2019/02/13/1893318/republic-maharlika-ok-sa-senado

Carillo, A. (2015). Nakuha noong Pebrero 27, 2020 mula sa http://halo-halong-

info.blogspot.com/2015/02/kasaysayan-ng-pangalang-pilipinas.html

Cariño, J. (2019). Nakuha noong Pebrero 29, 2020 mula sa https://news.abs-

cbn.com/news/02/13/19/historyador-nilinaw-ang-kahulugan-ng-maharlika

Dapat bang palitan ang pangalan ng Pilipinas? Hunyo 12, 2017. Hinalaw noong

Pebrero 29, 2020 mula sa

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/614089/dapat

-bang-palitan-ang-pangalan-ng-pilipinas/story/

EDITORYAL - Huwag palitan ang Pilipinas. Pebrero 17, 2019. Hinalaw noong

Pebrero 29, 2020 mula sa https://www.philstar.com/pang-masa/punto-

mo/2019/02/17/1894287/editoryal-huwag-palitan-ang-pilipinas

EDITORYAL - Sayang lang ang oras sa ‘Maharlika’. Pebrero 15, 2019. Hinalaw

noong Pebrero 29, 2020 mula sa https://www.philstar.com/pang-

masa/punto-mo/2019/02/17/1894287/editoryal-huwag-palitan-ang-pilipinas
Filipinas ‘di Pilipinas – Almario (Ituwid ang kasaysayan). Nakuha noong Pebrero

27, 2020 mula sa http://kwf.gov.ph/filipinas-di-pilipinas-almario-ituwid-

ang-kasaysayan/

Lalunio, L., et. al. (2005). Nakuha noong Pebrero 27, 2020 mula sa

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/heograpiya.htm

Montaño, L. (2019). Nakuha noong Pebrero 29, 2020 mula sa

https://radyo.inquirer.net/163080/duterte-gustong-gawing-maharlika-ang-

pangalang-pilipinas#ixzz6FbPqKXD7

Ocampo, J. V. (2017). Nakuha noong Pebrero 29, 2020 mula sa

https://varsitarian.net/filipino/20170714/kailangan-ba-talagang-baguhin-

ang-pangalan-ng-filipinas

Pilipinas nga ba o Filipinas? Hulyo 8, 2013. Nakuha noong Pebrero 27, 2020

mula sa http://armageddonviews.weebly.com/blog/pilipinas-nga-ba-o-

filipinas

Pilipinas o Filipinas: Ano nga ba ang dapat na baybay sa pangalan ng ating

bansa?. Hulyo 3, 2013. Nakuha noong Pebrero 27, 2020 mula sa

https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/315662/pilipinas-o-

filipinas-ano-nga-ba-ang-dapat-na-baybay-sa-pangalan-ng-ating-

bansa/story/

Saludar, E. (2019). Nakuha noong Pebrero 29, 2020 mula sa

https://tonite.abante.com.ph/pagpapalit-ng-pangalan-ng-pilipinas-hindi-

kailangan/
Sentinel Times (2019). Nakuha noong Pebrero 29, 2020 mula sa

https://www.sentineltimes.net/2019/02/pilipinas-o-maharlika.html

Totanes, B. (2019). Nakuha noong Pebrero 29, 2020 mula sa

https://buzzflare.com/ph/2019/02/13/duterte-pabor-na-palitan-ng-

pangalang-maharlika-ang-pilipinas/

Tunay na KatotohananTunay na KatarunganTunay na Kalayaan (2019). Nakuha

noong Pebrero 29, 2020 mula sa https://www.maharlikaonline.com

You might also like