You are on page 1of 2

Pamagat ng Iminungkahing Proyekto: Pagbili ng School Service Van ng

Mataas na Paaralang Nasyonal ng Looc


Lokasyon: Maatas na Paaralang Nasyonal ng Looc
Panahon ng Pagsasagawa: Oktubre 2017 - Disyembre 2019
Bilang ng Benepisyaryo: Tinatayang Isang Libo at Limang Daan
Mananaliksik: Gerard Kenneth M. Recaa
Oscar Manlolo
Jeanser Taladtad
Taong Kokontakin: Oscar Manlolo
Tinatayang Gastos: 3.5 milyon
Pagkukunan ng Pondo: NGOs at mga donasyon

Pahayag Pansuliranin

Pangkalahatang Tanong:
Dapat bang bumili ng school service van ang Mataas na Paaralang
Nasyonal ng Looc?

Mga Tiyak na Tanong:


1. Bibigyang prayoridad kaya ng paaralan ang pagbili ng school service
van?
2. Saan kukuha ng pondo ang paaralan para bumili ng school service
van?
3. Sinu-sino ang mga gagamit ng sasakyang sakaling bumili ang
paaralan nito?
4. Ano ang kagandahang maidudulot ng pagbili ng school service van
sa paaralan at sa mga gagamit nito?
5. Anong klase ng sasakyan ang dapat bilhin ng paaralan?

Mungkahing Solusyon
Iminumungkahi ng aming pangkat na bumili ng school service van
ang pamunuan ng Mataas na Paaralang Nasyonal ng Looc. Malaking
tulong ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral at sa trabaho ng mga guro.
Mababawasan ang gastos sa tranportasyon ng mga guro at mag-aaral sa
tuwing pupunta sila sa ibang bayan at paaralan para lumahok sa mga
gawain, seminar o patimpalak pang-edukasyon.
Subalit may mga bagay na dapat isaalang-alang bago bumili ng
sasakyan. Ang pinakaunang dapat alamin sa sandaling magdesisyon na
bumili ng sasakyan ay sukatin muna ang badyet na mayroon ang paaralan.
Matapos itugma ang badyet, alamin naman ang modelo na nararapat sa
para sa pangangailangan ng paaralan.

Kaligiran
Ang paggamit ng school service van ay may magandang naidudulot
hindi lamang sa paaralan kundi pati na rin sa mga guro at mag-aaral. Ang
nasabing school service van ay gagamitin sa mga programa at
transportasyon patungo sa ibang lugar.
Ang nasabing proyekto ay magbibigay ginhawa sa mga guro at mag-
aaral para hindi na sila mahirapang humanap ng sasakyan sa tuwing
pumupunta sa ibang lugar o eskwelahan para dumalo sa mga programa at
patimpalak. Malaki ang maitutulong nito upang mabawasan ang gastusin
sa pamasahe ng mga guro at mag-aaral lalung-lalo na ang mga mag-aaral
na matatalino ngunit hirap sa buhay.
Magagamit din ito ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang
Nasyonal ng Looc sa kanilang lakbay-aral at iba pang gawain na may
kinalaman sa pag-aaral. Malaking tulong din ito sa mga guro kapag may
mga seminar na dadaluhan sa ibang bayan o karatig na paaralan ditto sa
Tablas. Magsisilbi din itong pangunahing sasakyan sa panahon ng sakuna
o biglaang pangangailangan na nangangailangan ng transportasyon.

You might also like