You are on page 1of 16

Modyul para sa

Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan –Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Kaugnayan ng Lokasyon, Distansya, at
Transportasyon sa Pang-araw-araw na Pamumuhay

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Roselyn E. Calasang
Editor:
Tagasuri: Ma. Cecilia L.
Atuan Tagaguhit: Edison P.
Clet Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD


(EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez
(Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao
(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

Araling
Panlipunan
1
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Kaugnayan ng Lokasyon, Distansya, at Transportasyon sa Pang-araw-araw na Pam

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Baitang 1 ng
Modyul 8 para sa araling Kaugnayan ng lokasyon, Distansya, at
Transportasyon sa pang-araw-araw na Pamumuhay.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 1 Modyul 8 ukol sa


Kaugnayan ng Lokasyon, Distansya, at Transportasyon sa Pang-araw-araw
na pamumuhay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

INAASAHAN

 Nasasabi ang dahilan ng isang mag-aaral sa


paggamit ng tiyak na transportasyon patungo sa
paaralan galing sa kanyang tahanan.

 Natutukoy ng mga bata ang mga sasakyan o


uri ng transportasyon na maaaring gamitin sa
pagpunta sa malalayo at malalapit na lugar.

 Naikukwento ang mga lokasyon na


pinanggagalingan na mga mag-aaral patungo sa
paaralan.
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Tukuyin ang pangalan ng mga sumusunod na


transportasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. A. traysikel B. dyip C. bisikleta

2. A. bisikleta B. traysikel C. eroplano

3. A. traysikel B.bangka C. motorsiklo

4. A. bisikleta B. tribike C. kalesa

5. A. pedicab B. balsa C. barko


BALIK-ARAL

Panuto: Bilugan ang mga istruktura o gusali na iyong


nadadaraanan mula sa tahanan patungo sa paaralan.

computer shop palengke/ talipapa

grocery store laundry shop

botika gas station


ARALIN
Malapit ba o malayo ang inyong bahay sa paaralan?
Paano ka pumapasok sa paaralan araw-araw? Ikaw ba
ay naglalakad o sumasakay?
Iba’t iba ang paraan ng pagpasok ng mga mag-aaral sa
paaralan.
Malapit lang ang bahay namin sa paaralan kaya kami a

Malayo ang bahay namin sa paaralan kaya kami ay sumakay sa

Hindi gaanong malayo ang aming bahay sa paaralan kaya kami ay nag

Tandaan Mo:
May kinalaman ang lokasyon at distansya ng
tirahan sa paraan ng pagpasok sa paaralan araw-
araw.
Kung malapit lang ang paaralan, maaaring lakarin
na lamang ito.
Sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyan ang
mag- aaral ayon sa lokasyon at distansya ng
bahay sa paaralan.
Nag-iiba rin ang paraan ng sasakyan batay sa uri
ng pook ng tirahan-kapatagan,
kabundukan,katubigan, o malubak na daan.
PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Iguhit ang bituin ( ) kung ang sasakyan ay


maaaring gamitin sa pagpunta sa malapit na lugar at
Tatsulok ( )naman kung ginagamit ito sa pagpunta sa
malayong lugar.Isulat ang sagot sa patlang na makikita
pagkatapos ng bawat larawan.

1.

2.

3.

4.

5.
Pagsasanay 2

Panuto: Pagdugtungin Ang Hanay A sa Hanay B. Hanapin


kung anong transportasyon ang maaaring sasakyan ng
mga mag-aaral ayon sa layo o lapit ng kanilang
tahanan.

HANAY A HANAY B

1. A. Sasakay sa balsa

2. B. Sasakay sa bus

3. C. Sasakay sa
traysikel

4. D. Sasakay sa bangka

5. E. Sasakay sa bisekleta
Pagsasanay 3

Panuto: Sabihin kung ito ay Tama o Mali. Isulat ang iyong


sagot sa patlang na makikita sa unahan ng bawat
bilang.

1. Kung malapit lang ang ating bahay


sa paaralan pwede na natin itong lakarin kung
papasok.

2. Maaaring sumakay sa bisikleta sa


pagtawid ng ilog mula sa tahanan papunta sa
paaralan.

3. Ang dyipni ay sasakyan kapag malayo


ang ating bahay sa paaralan.

4. Pwedeng lumangoy sa dagat mula


sa isla kung papasok sa paaralan sa kabilang bayan.

5. Ang traysikel ay maaari nating


sasakyan kung tayo ay nakatira sa isang baryo.
PAGLALAHAT

Panuto: Saan maaaring gamitin ang sasakyang ito?


Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. A. bundok B. loob ng isang barangay

2. A. ilog B. kapatagan

3. A. dagat B. kapatagan

4. A. lungsod B. paikot ng pamayanan

5. A. bayan B. sa malubak na baryo


PAGPAPAHALAGA

Panuto :Iguhit sa loob ng kahon ang iyong


nararamdaman sa mga batang mag-aaral na malalayo
ang tahanan sa paaralan, lalong lalo na ang mga
mag- aaral na kailangan pang sumakay sa bangka o
balsa upang pumasok araw-araw.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na


makikita sa unahan ng bawat bilang.

1. Kung malayo ang iyong tahanan sa


paaralan anong pwede mong gawin upang di
mahuli sa klase?
A.Lalakarin na lamang ito
B.Maaaring magbisikleta
C.Gigising ng tanghali
2. Alin sa mga sasakyan ito ang maaari mong
gamitin kung ikaw ay nakatira sa kabilang ilog?

A. B. C.

3. Ang paglalakad ay isang magandang


ehersisyo sa pagpasok sa paaralan kung malapit lang
ang ating tahanan.
A. Mali B. Tama C. Minsan
4. Bukod sa paglalakad ano pa ang maari
nating sasakyan kapag di kalayuan ang ating
tahanan sa paaralan?

A. B. C.

5.Ano ang tawag sa sasakyang ito na


ginagamit ng mga magsasaka sa paghahakot ng
kanilang produkto papunta sa kalapit na bayan?
A. kuliglig B. traysikel C.traktor
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

1. www.google.com..ph

2. Batayang aklat sa Araling Panlipunan Baitang


1; Kagamitan ng Mag-aaral pahina 212-219.

You might also like