You are on page 1of 15

Modyu 4 Konsepto ng

Distansya at lokasyon
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Ika-Apat na Markahan – Modyul 1: Naipaliliwanag ang kahulugan ng distansya
at ang mga salitang malapit at malayo.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Pangalan :Ma. Teresa D. Ygana
Editor: Pangalan : Edna P. Obias
Tagasuri: Pangalan : Ma. Cecil L. Atuan, Birnalyn S. Lorayes
Tagaguhit: Pangalan :
Tagalapat: Pangalan :
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan
1
Ikaapat na Markahan
Modyul 1 Distansya at lokasyon
Naipaliliwanag ang kahulugan ng distansya at
ang mga salitang malapit at malayo.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa Unang baitang ng
Modyul 1 para sa araling Naipaliliwanag ang kahulugan ng distansya at ang mga
salitang malapit at malayo.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan sa Unang Baitang Modyul 1 ukol


sa Naipaliliwanag ang kahulugan ng distansya at ang mga salitang malapit at
malayo.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral ng


unang baitang. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makatutulong ito sa pag-aaral upang maipaliliwanag
ang kahulugan ng distansya at ang mga salitang malapit
at malayo.
May mga pagsasanay kang sasagutan upang masukat
mo ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Tingnan ang mga distansiya ng mga larawan


Piliin ang letra ng wastong sagot.

1.
Ano ang distansiya ng puno sa upuan?
A. malayo B. malapit C. di- kalayuan

2.
Ano ang distansiya ng walis sa dustpan?
A. malayo B. malapit C, Di-kalayuan
3.
Ano ang distansiya ng poste sa basurahan?
A. malayo B. malapit C. di-kalayuaan

4.
Ano ang distasiya ng bata sa puno?
A. malayo B. malapit C. di-kalayuan

5.
Ano and distansiya ng bola sa laruan ? mag-aaral.
A. malayo B, malapit C. di -kalayuan

BALIK-ARAL

Panuto: Piliin ang tauhan sa paaralan na pina


hahalagahan mo. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang tauhan sa paaralan na masipag magturo
sa mga mag-aaral?
A. Guro
B. Dyanitor
C. gwardiya
2. Sino ang tauhan sa paaralan na nangangasiwa
ng silid-aklatan?
A. Principal
B. Librarian
C. guro
3. Sino ang tauhan sa paaralan na nangangasiwa sa
mga batang nagkasakit habang nasa paaralan?
A. Guwardiya
B. Nars
C. dyanitor
4. Sino ang tauhan sa paaralan ang nangangasiwa
ng kalinisan ng kapaligiran?
A. Guro
B. Dyanitor
C. guwardiya
5. Sino ang tauhan sa paaralan ang namumuno at
gumagabay sa lahat ng guro?
A. Principal
B. Guro
C. nars
ARALIN
Ating pag-aralan ang larawan.

Anong bagay ang makikita mong malapit sa lamesita? Ang


malapit sa lamesita ay maliit na bisikleta. Malapit ang kanilang
distansiya. Anong bagay ang malapit sa maliit na upuan? Ang
malapit sa maliit na upuan ay telebisyon. Malapit ang kanilang
distansiya. Ano naman ang distansiya ng telebisyon at
lampshade? Malayo ang distansya ng telebisyon at lampshade.
May nga bagay na malayo may mga bagay na malapit. Ito ang
nagsasabi ng distansiya ng bawat bagay. Dahil sa ganitong
distansiya masasabi natin na malayo ang isang bagay. O
masasabi natin na malapit ang isang bagay.
Sa loob ng inyong tahanan anu-ano ang mga bagay na
makikita mong malayo at malapit sa isang bagay?
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Balikan ang larawang napag aralan at ikahon
ang wastong sagot.
1. Ano ang distasiya ng pintuan at telebisyon?
malapit malayo di-kalayuan
2. Ano ang distansiya ng aklat sa bisikleta?
malapit malayo di-kalayuan
3. Ano ang distansiya ng relo at kabinet?
malapit malayo di-kalayuan
4. Ano ang distansiya ng plorera at bisikleta?
malapit malayo di-kalayuan
5. Ano ang distansiya ng lamesita at plorera?
Malapit malayo di-kalayuan
Pagsasanay 2
Panuto: Pagmasdan ang dalawang bagay sa larawan at
bilugan ng pulang krayola ang tamang distansiya

1. payong at bangka
malayo malapit
2. puno at bahay
malayo malapit

3. orasan at telebisyon
malayo malapit

4. bulaklak at puno
malayo malapit
5. upuan at unan
malayo malapi

PAGLALAHAT

Ating napag aralan ang distansiya ng bawat bagay.Kung


ito ba ay malapit o malayo.
Panuto: Isulat mo ang mga bagay sa iyong tahanan na
malapit at malayo sa iyo
Malapit Malayo
1. _______________ 1.__________________
2.________________ 2.__________________
3.________________ 3.__________________

PAGPAPAHALAGA

Mahalagang malaman ang distansiya ng mga bagay


kung ito ba ay malayo o malapit lamang. Mas madali
mong masasabi ang distansiya ng dalawang bagay kung
alam mo ang kanilang layo o lapit. Nais kong sagutin mo
ang mga patlang at piliin ang sagot sa kahon
1._____________ ang tawag sa lapit o layo ng pagitan ng
dalawang bagay.
2. Masasabi mong _______________ ang mga bagay sa
isa’t isa kung ang mga ito ay magkatabi.
3. Masasabi mong _________________ ang mga bagay sa
isa’t isa kung maraming hakbang ang pagitan ng mga
ito.
malayo Distansiya malapit

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Pag aralan ang larawan at sagutin ang mga


katanungan. Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ano distansiya ng plorera at bote?


A. malayo B. malapit C.di-kalayuan
2. Ano ang distansiya ng kahon at lampshade?
A. malapit B. malayo C. di-kalayuan
3. Ano ang distansiya ng sofa at pintuan?
A. malapit B. malayo C. di-kalayuan
4. Gaano ang distansiya ng lamesita at pintuan?
A. malapit B. malayo C. di-kalayuan
5. Gaano ang distansiya ng sofa at lamesita?
A. di -kalayuan B.malayo C. malapit

SUSI SA PAGWAWASTO
6.
B 5. malayo 5.
A 4. malayo 4.
A 3. malapit 3.
B 2. malapit 2.
B 1. malayo 1.

Sagot: Sagot:
Paunang Pagsubok Pagsasanay 1

malapit 5. C 5.
malapit 4. B 4.
malayo 3. B 3.
malayo 2. A 2.
malayo 1. B 1.
Sagot: Sagot:
Pagsasanay 2 Panapos na Pagsusulit

SANGGUNIAN
Miranda, Ocampo, Amita, Reyes, De Ramos, Tiamzon, Adriano, Quintos. Araling
Panlipinan 1. 1ST Ed. Republika ng Korea ng Prinpia Co., Ltd. 54 Gansanro 9gil,
Geumcheongu, South Korea 2017
AP1KAP-IVd-7 MELC
https://images.app.goo.gl/UPxEvGDKBh1XXLz48
https://images.app.goo.gl/ufgiGn5Tv4Mjrxvq7
https://images.app.goo.gl/kXGQrw3kL9b6x1aWA
https://images.app.goo.gl/SLwCheamabhEDh4v6
https://images.app.goo.gl/ZgT1gqAems3KwHgv7
https://images.app.goo.gl/cBsMrAJFPuHAZmmW9
https://images.app.goo.gl/egyfW9xPNXU7JY2y6
https://images.app.goo.gl/D7UjAJYCCD4WpHeJA
https://images.app.goo.gl/nW3FB3ETbVm5pUdZ7

You might also like