You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division Office of Gapan City
KAPALANGAN MUNTI ELEMENTARY SCHOOL

SUMMATIVE TEST IN ESP I


Pangalan:_________________________ Lebel:_________________
Seksiyon: _________________________ Petsa:_________________
I.A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alam ni Lito na hilig niya ang pagsasayaw dahil_______.

A. palagi siyang napapaindak sa tuwing nakakarinig ng mga tugtugin sa radyo


B. wala siyang ibang gustong gawin maliban sa
pagsusulat at pagbabasa.
C. palagi siyang gumuguhit sa kanyang kwaderno.

2. Napagtanto ni Rosa ang interes niya sa pag-awit dahil____________.

A. palagi siyang napapaindak sa tuwing nakakarinig ng mga tugtugin sa radyo.


B. wala siyang ibang gustong gawin maliban sa pagsusulat
at pagbabasa.
C. madalas siyang sumasabay sa himig ng mga kanta.

3. Sinabi ng guro ni Sam na siya ay may potensyal sa pagguhit


dahil palagi siyang ____________.

A. gumuguhit ng mga magagandang tanawin.


B. nanonood ako ng mga paligsahan sa pagtakbo. C. nasasabayan ko
ang mga himig ng mga kantang napakikinggan.
4. Si Mona ay mayroong kakayahan sa pagpipinta dahil ___________.
A. nagluluto siya ng masasarap na ulam.
B. napipinta niya ang mga halaman sa paligid.
C. sa tuwing pinapabasa siya ay nababasa niya ang mga salita.

5. Sa dami ng taong nanonood, nakalimutan ni Ana ang liriko ng awit dahil sa


kaba. Anong kahinaan meron siya?

A. Nahiya siyang humarap sa maraming tao.


B. Hindi siya marunong kumanta.
C. Ayaw niyang kumanta.
I.B. Basahin ang pahayag. Piliin ang mukhang tumutukoy ng iyong damdamin.
Iguhit ito.

galit saya lungkot gulat takot hiya

1.Tinulungan ko si kuya sa mga gawaing bahay.


2. Naku! nadapa ang bata.
3. Inagaw ni Mila ang laruan ni Bel.
4. Nagkasakit ang aking matalik na kaibigan.
5. Umiiyak ako sa gitna ng dilim.
I.C. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pakiramdam ng bagong paligo?

A. Malinis at magaan ang pakiramdam


B. Mabaho, mainit at malagkit ang katawan

2. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa paliligo?

A. Sipilyo, tubig, at bimpo


B. Tubig, sabon, at shampoo
3. Kailan tayo dapat maligo?
A. Araw-araw B. Isang beses sa isang lingo

4. Tingnan ang mga larawan. Alin sa mga sumusunod ang mgadamit panloob?

A. B.

5. Kailan dapat palitan ang mga kasuotang panloob?

A. Magpalit ng kasuotang panloob kapag ito ay marumi na.


B. Magpalit ng kasuotang panloob nang madalas at kung kinakailangan.

II. Isulat ang letra ng tamang sagot sa bawat katanungan.

1. Napagtanto ni Rosenda na magaling siyang sumayaw dahil


_______________.
a. natutuwa siya kapag nakakakita ng mga makukulay na babasahin.
b. gustong-gusto niyang sumali sa paligsahan ng sayaw sa paaralan.
c. madalas niyang sinasabayan ang himig ng mga awitin.

2. Magaling umawit si Karen . Alam niyang siya ay may kakayahan na isakilos


ang __________?

a. pag-awit
b. pagguhit
c. pakikipagtalastasan

3. Si Nita ay kinakikitaan ng galing sa pakikipagtalastasan dahil


___________.
a. marunong siyang makipag-usap
b. magaling siyang gumuhit
c. mahusay siyang bumasa
4. Naiguguhit ni Alven ang magagandang tanawin na kanyang nakikita. Siya
ay_________.

a. magaling tumula
b. magaling bumasa
c. mahusay na mangguguhit

5. Agad na nakuha ni Hannah ang mga hakbang ng sayaw na pinapanood niya


sa telebisyon. Siya ay ___________.

a. isang mahusay na tagaguhit


b. Isang magaling na mang-aawit
c. isang mahusay na mananayaw

III. Isulat ang OPO kung nagpapakita ng gawaing nakapagpapalusog ng katawan at


HINDI PO kung hindi sa inyong kwadernong panggawain.

1. Paborito ni Ana ang sitaw, kalabasa at okra na ulamin.

2. Ako ay naliligo isang beses isang linggo.

3. Mahilig manood ng teleserye si Sita. Palagi siyang natutulog ng alas dose ng


gabi.
4. Sinisiguro ni Lisa na nakakainom siya ng walong basong tubig o higit pa sa
isang araw.

5. Tuwing umaga, madalas magkasamang magjogging sina Yayo at mga


kaibigan sa plasa.

You might also like