You are on page 1of 3

Grade 1-Q1-ESP-LAS 1

EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 1

Name:______________________________________ Date: ____________________


Grade:______________________________________ Section: ___________________

Quarter: 1 Week: 1 LAS No. 1


MELC(s: Nakikilala ang sariling: gusto, interes, potensyal, kahinaan, damdamin / emosyon
(EsP1PKP- Ia-b – 1)

Let Us Discover
Panuto: Basahin at unawain ang kwento.
Ang Magkaibigang Ben at Miko
Isinulat ni: Desiree L. Saren

Sina Ben at Miko ay mga mag-aaral sa unang baitang. Sila’y masayahin at aktibo sa loob
ng klase.
Isang araw, tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang hilig o interes.
Unang sumagot si Ben, sinabi niyang may interes siya sa pag-awit. Sa katunayan, lagi niyang
sinusundan ang mga himig ng mga kantang napapakinggan niya. Nabanggit niya rin na madalas
silang umaawit ni Miko sa tuwing naglalakad pauwi. Narinig niyang mahusay sumunod ng tiyempo
at natatama ng kanyang kaibigan ang tono ng kanta kaya alam niyang mayroon itong potensyal sa
pag-awit katulad niya.
Pinalakpakan si Miko at hiniling ng kaniyang mga kaklase na siya’y umawit sa harap ng
silid-aralan. Inamin niya na may kakayahan siyang kumanta subalit kahinaan niya ang magtanghal
sa harap ng maraming tao.
Nalungkot si Ben noong nalaman niya ang kahinaan ni Miko dahil naniniwala siya sa
kakayahan nito. Subalit sinabi niya na tutulungan niya ang kaibigan upang mapaunlad ang tiwala
sa sarili.

Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa iyong nabasang kwento. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

___1. Paano nasabi ni Ben na may interes siya sa pag-awit?


A. Madali niyang nasusundan ang himig ng mga kanta.
B. Mahusay siyang bumasa ng mga kuwentong pambata.
C. Madali niyang nasusundan ang pagpinta.
___2. Bakit nasabi ni Ben na may potensyal si Miko sa pagkanta?
A. Magaling siyang gumiling.
B. Nakakabasa siya ng mga aklat.
C. Mahusay sumunod ng tiyempo at natatamaan niya ang tono.
___3. Ano ang kahinaan ni Miko?
A. Pagkain ng gulay.
B. Nahihiya siyang sumayaw.
C. Mahiyain sa harap ng maraming tao.
___4. Anong naramdaman ni Ben ng malaman niya ang kahinaan ni Miko?
A. Si Ben ay masaya.
B. Si Ben ay nagulat.
C. Si Ben ay nalungkot.
Let Us Try

Panuto: Hanapin sa mga sumusunod na mukha ang mga damdaming inilarawan sa bawat bilang.
Iguhit ito sa inyong kwadernong panggawain.

Let Us Apply

Panuto: Gumuhit ng tala. Sa loob nito ay isulat ang isang kahinaan na kailangan mo pang
paghusayan.

Let Us Do

Panuto: Isulat sa kwadernong panggawain ang titik ng tamang sagot.


_____1. Alam ni Lito na hilig niya ang pagsasayaw dahil .
A. palagi siyang napapaindak sa tuwing nakakarinig ng mga tugtugin sa radyo
B. wala siyang ibang gustong gawin maliban sa pagsusulat at pagbabasa.
C. palagi siyang gumuguhit sa kanyang kwaderno.
_____2. Napagtanto ni Rosa ang interes niya sa pag-awit dahil .
A. palagi siyang napapaindak sa tuwing nakakarinig ng mga tugtugin sa radyo.
B. wala siyang ibang gustong gawin maliban sa pagsusulat at pagbabasa.
C. madalas siyang sumasabay sa himig ng mga kanta.
_____3. Sinabi ng guro ni Sam na siya ay may potensyal sa pagguhit dahil palagi siyang .
A. gumuguhit ng mga magagandang tanawin.
B. nanonood ako ng mga paligsahan sa pagtakbo.
C. nasasabayan ko ang mga himig ng mga kantang napakikinggan.
_____4. Si Mona ay mayroong kakayahan sa pagpipinta dahil
.
A. nagluluto siya ng masasarap na ulam.
B. napipinta niya ang mga halaman sa paligid.
C. sa tuwing pinapabasa siya ay nababasa niya ang mga salita.
____5. Sa dami ng taong nanonood, nakalimutan ni Ana ang liriko ng awit dahil sa kaba . Anong
kahinaan meron siya?
A. Nahiya siyang humarap sa maraming tao.
B. Hindi siya marunong kumanta.
C.Ayaw niyang kumanta.

You might also like