You are on page 1of 4

St.

Bernard Subdivision, Abogado, Paniqui, Tarlac

FIRST QUARTER EXAM


GRADE 1 – ESP (OCTOBER 13-14, 2022)

SCORE

Pangalan:

TEST I. Basahin nang mabuti ang kuwento. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot sa bawat
katanungan.
Iba’t Ibang Kilos, Ipamamalas Sa Inyo!
Isinulat ni: Janice N. Libre

Ang pag-awit ng bata ay napakaganda


Timbre ng kanyang boses ay nakakahalina
Sa tono ng kanta ay nakakasunod siya
Kaya ang mga tao sa kanya ay natutuwa.
Sa pagsayaw ni Islaw, lahat ay napapasigaw
Katawan niya’y umiindayog sa saliw ng tugtog
Pilantik ng kamay at padyak ng kanyang mga paa
Sa musika tuwina ay nakasasabay siya
Si Carlo nama’t Lito, magkaibigang totoo.
Sa pakikipagtalastasan, pareho silang panalo
Nagbibigayan sila ng kanilang kuro-kuro
At pagkakaintindihan ay kanilang natamo.
Gamit ni Ana ay lapis, sa pagguhit ng mga hugis
Tinitiyak niya palaging kanyang gawain ay malinis
Angkin niyang talento’y kanyang pinagyayaman
Dahil ito’y biyayang bigay ng Amang makapangyarihan.

___1. Napagtanto ni Rosenda na magaling siyang sumayaw dahil ______.


a. natutuwa siya kapag nakakakita ng mga makukulay na babasahin.
b. gustong-gusto niyang sumali sa paligsahan ng sayaw sa paaralan.
c. madalas niyang sinasabayan ang himig ng mga awitin.
___2. Magaling umawit si Karen . Alam niyang siya ay may kakayahan na isakilos ang
__________?
a. pag-awit b. pagguhit c. pakikipagtalastasan
___3. Si Nita ay kinakikitaan ng galing sa pakikipagtalastasan dahil ___________.
a. marunong siyang makipag-usap
b. magaling siyang gumuhit
c. mahusay siyang bumasa
___4. Naiguguhit ni Alven ang magagandang tanawin na kanyang nakikita. Siya ay_________.
a. magaling tumula
b. magaling bumasa
c. mahusay na mangguguhit
___5. Agad na nakuha ni Hannah ang mga hakbang ng sayaw na pinapanood niya sa telebisyon.
Siya ay___________.
a. isang mahusay na tagaguhit
b. Isang magaling na mang-aawit
c. isang mahusay na mananayaw
TEST II. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng mabuting gawain na
nagpapalusog at tumutulong sa paglinang ng sariling kakayahan at MALI kung ito ay hindi tama.

_____________11. Paglilinis ng sarili araw-araw.

_____________12. Pagkain ng gulay at prutas.

_____________13. Madalas na pag inom ng softdrinks at iba pang may artipisyal na flavor na mga
inumin.

_____________14. Pag-ehersisyo dalawang beses sa isang linggo.

_____________15. Pag-iwas sa pagpupuyat.

TEST III. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____16. Alam ni Lito na hilig niya ang pagsasayaw dahil.


A. palagi siyang napapaindak sa tuwing nakakarinig ng mga tugtugin sa radyo
B. wala siyang ibang gustong gawin maliban sa pagsusulat at pagbabasa.
C. palagi siyang gumuguhit sa kanyang kwaderno.
_____17. Napagtanto ni Rosa ang interes niya sa pag-awit dahil.
A. palagi siyang napapaindak sa tuwing nakakarinig ng mga tugtugin sa radyo.
B. wala siyang ibang gustong gawin maliban sa pagsusulat at pagbabasa.
C. madalas siyang sumasabay sa himig ng mga kanta.
_____18. Sinabi ng guro ni Sam na siya ay may potensyal sa pagguhit dahil palagi siyang.
A. gumuguhit ng mga magagandang tanawin.
B. nanonood ako ng mga paligsahan sa pagtakbo.
C. nasasabayan ko ang mga himig ng mga kantang napakikinggan.
_____19. Si Mona ay mayroong kakayahan sa pagpipinta dahil.
A. nagluluto siya ng masasarap na ulam.
B. napipinta niya ang mga halaman sa paligid.
C. sa tuwing pinapabasa siya ay nababasa niya ang mga salita.
____20. Sa dami ng taong nanonood, nakalimutan ni Ana ang liriko ng awit dahil sa kaba. Anong
kahinaan meron siya?
A. Nahiya siyang humarap sa maraming tao.
B. Hindi siya marunong kumanta.
C.Ayaw niyang kumanta.

TEST IV. Piliin ang larawan na nagpapakita ng pagtulong upang mapalakas ang iyong kahinaan.
Lagyan ng ang kahon.
TEST V. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa kakayahan at MALI
naman kung hindi.

________26. Ipagmamalaki ko ang aking kakayahan.

________27. Ikahihiya ko ang aking mga kakayahan.

________28. Pauunlarin ko ang aking mga kakayahan.

________29. Ibabahagi ko ang aking mga kakayahan.

________30. Takot akong ipakita ang aking mga kakayahan.

TEST VI. Ilagay sa loob ng kahon ang ipinapakitang kakayahan ng larawan.

31-32.

33-34.

35-36.

37-38.

39-40.

You might also like