Professional Documents
Culture Documents
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod
Lungsod Quezon
CID - LRMS
Filipino
Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Republika ng Pilipinas
Ang kuwento ay orihinal na isinulat ni
CONCESA C. SALVADOR at iginuhit ni
ALBERTO D. JAVIER.
plakard
tagaktak
naulila
abala
hangang-hanga
1
Talaan ng Nilalaman
Talasalitaan..................................... 2
Tampok na Kuwento..................... 3 -14
Gabay sa Pagkatuto.................... 15
Gawain 1........................................ 16
Gawain 2........................................ 17
Aral ng Kuwento............................ 18
Pamantayang Pangnilalaman.... 19
Tungkol sa Sumulat........................ 20
Tungkol sa Gumuhit....................... 21
2
''Beep! Beep! Beep!'' tunog ng dyip.
''Bruuum! Bruum! Bruum!'' tunog ng
motorsiklo. ''Wii! Wii! Wii!'' sirena ng
ambulansiya. '' Kling! Klang!'' sirena ng
trak ng bumbero. '' Pipiip! Pipiip! Pipiip!''
busina ng kotse sa pagpapatabi sa mga
tao o ibang sasakyan.
3
Ito ang mga tunog na araw-araw
na naririnig sa kalsada. Mga tunog
na pamilyar at normal nang kasama
sa buhay ni Adam.
4
Siya ay nagmula sa mahirap ngunit
masayang pamilya. Panlima siya sa
kanilang magkakapatid na maagang
naulila sa ama. Tanging paglalabada
ang pinagkakakitaan ng kaniyang ina.
5
Tuwing hapon, pagkatapos ng
kaniyang klase ay kaagad siyang
dumidiretso sa kalsada. Nagtatawag at
nangongolekta ng mga pamasahe ng
bawat pasahero.
6
" Welcome Rotonda! Welcome
Rotonda! Sakay na po kayo! Sakay na
po kayo!'' sigaw ni Adam. Tagaktak
man ang pawis, masaya pa rin
siyang nagtatawag ng mga pasahero.
7
Araw-araw ay aliw na aliw ang
mga pasahero sa kaniya. Pasayaw at
paawit niya silang tinatawag.
8
''Beep! Beep! Beep!'' ang tunog
ng dyip. ''Sakay na po kayo! Sakay na
po kayo! Pamasahe beinte lang po!
Beinte lang po!'' awit niya habang
hawak ang plakard na ang nakasulat
ay Welcome Rotonda.
9
Ito ang naisip niyang paraan upang
makatulong sa kaniyang pamilya. Dahil
dito , hangang - hanga ang mga
dyipney drayber sa kaniyang kasipagan.
10
Siya ay masipag na bata, at laging
tumutulong sa kaniyang pamilya. Sa
kaniyang pag-aaral, siya rin ay na-
ngunguna.
11
Sa kabila ng kaniyang pagiging
abala ay hindi niya napapabayaan
ang kaniyang pag-aaral.
12
''Wii! Wii! Wii!'' ingay ng
dumaraang ambulansiya. '' Bruuum!
Bruum! Bruum!'' tunog ng mga
humaharurot na motorsiklo. ''Kling!
Klang! '' ingay ng malaking trak ng
bumbero. ''Pipiip! Pipiip!'' busi na
ng mga kotse sa trapik na kalsada.
13
Mga tunog na paboritong-paborito
niya, nagbibigay kulay sa buhay niya.
14
Gabay sa Pagkatuto
Sagutin ang mga sumusunod
na tanong:
15
Gawain 1
16
Gawain 2
17
Aral ng Kuwento
Hindi hadlang ang kahirapan para
hindi na makapagpatuloy sa pag-aaral.
Ang taong masipag at madiskarte sa
buhay , malayo ang mararating at
matutupad ang mga pangarap.
18
Pamantayang Pangnilalaman:
Nakapagpapahayag ng panimulang
kasanayan sa wikang pasalita sa
pakikipagtalastasan sa iba't
ibang konteksto.
Code:
MT1OL-Ic-i-1.2
19
Ang may-akda ng kuwento na si
Gng. Concesa C. Salvador ay isang
guro sa Ikaapat na Baitang. Siya
ay nagtuturo ng Asignaturang Ingles
sa Paaralang Elementarya ng Doña
Juana at kasalukuyang Teacher II.
20
Ang gumuhit ng mga larawan na
si G. Alberto D. Javier ay isang guro
sa Ikaapat na Baitang. Siya ay
nagtuturo ng Agham sa Paaralang
Elementarya ng Southville 8C at
kasalukuyang Teacher I.
21
22
Alpabetong Filipino
Aa Bb Cc Dd Ee
Ff Gg Hh Ii Jj
Kk Ll Mm Nn Ññ
NGng Oo Pp Qq Rr
Ss Tt Uu Vv Ww
Xx Yy Zz
Ganoon na lamang ang
pagsusumikap ni Adam upang
makatulong sa kaniyang pamilya.