You are on page 1of 10

Filipino 8

Ikatlong Markahan
Ikalima hanggang Ikaanim na Linggo
Kontemporaryong Programang Pantelebisyon

I
Ang modyul na ito ay may pangkalahatang layunin na masuri at mahinuha nang wasto ang
paksa, layon at tono isang kontemporaryong programang pantelebisyon.

Layuning pampagkatuto:

1. natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa
paksa
2. nasusuri ang nabasang programang pantelebisyon ayon sa itinakdang pamantayan

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong batay sa teksto. Piliin at
isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

TEKSTO A

(1) Maagap na inasikaso ni Auring si Richard sa pagdating nito sa kanilang bahay. (2) Ipinagluto rin
niya ito ng adobo. (3) Bilang pagtugon sa kahilingan ni Richard na isang Amerikano, tinuruan niya
ito ng mga salitang Filipino at kaalaman patungkol sa pamanhikan, bayanihan, at lamayan. (4) Ang
mga ipinakita at itinuro ni Auring kay Richard ay nagpapakilala sa kulturang Pilipino.

1. Ayon sa teksto, saang bilang matatagpuan ang pamaksang pangungusap?


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
2. Ayon sa unang pangungusap, ano ang tonong isinasaad nito?
A. pag-asam B. paghanga C. pagkaalisto D. pananabik
3. Sa kabuuan, ang layon ng teksto ay ________.
A. ipakita ang kagandahan ng Pilipinas
B. ipakita ang panghihikayat sa panauhin
C. ipakita ang kasayahan ng mga Pilipino
D. ipakita ang pagiging magiliw sa panauhin
4. Sa iyong palagay, bakit gustong matuto ng salitang Filipino ni Richard?
A. Upang hindi siya maloko ng mga Pilipino
B. Upang hindi siya pagtawanan ng mga Pilipino
C. Upang magamit niya at maituro ito sa kaniyang pamilya
D. Upang mabilis siyang makibagay sa mga taong nakakasalamuha niya sa Pilipinas
5. Alin sa kulturang Pilipino ang HINDI nabanggit sa teksto?
A. bayanihan B. lamayan C. pamanhikan D. piyesta

1
TEKSTO B

Ang telebisyon bilang popular na midyum sa komunikasyon ay nakatutulong nang malaki sa


sambayanang Pilipino sa pagkakaroon ng mga kaalaman sa iba’t ibang larangan. May mga programa rin sa
telebisyon na nagbibigay-serbisyo sa mga tao na malaking bagay para sa masang Pilipino. Sa ganitong
paraan, natutugunan ng telebisyon ang iba’t ibang pangangailangan ng mga tao. Isang halimbawa ng
programang pantelebisyon ay isinulat ng isang batikang manunulat na si Fanny Garcia. Ang “Hello…Paalam”
na nagwagi ng pangatlong gantimpla sa kategoryang teleplay, pagsulat ng iskrip sa programang
6. Bakit sinasabing malaki ang naitutulong ng telebisyon sa sambayanang Pilipino?
A. Sapagkat nakapapawi ito ng lungkot
B. Sapagkat nakatutulong ang telebisyon sa problemang kinakaharap ng mga Pilipino
C. Sapagkat nakatutulong ito para sa pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino
D. Sapagkat nakapagbibigay ito ng kaalaman, serbisyo, at pangangailangan ng masang
Pilipino
7. Batay sa unang pangungusap sa teksto, ano ang kasingkahulugan ng salitang nakahilig?
A. daluyan B. hakbang C. lenggwahe D. paraan
8. Anong akda ni Fanny A. Garcia ang nagwagi ng gantimpala sa kategoryang teleplay?
A. “Hello…Goodbye” C. “ Hello… Paalam”
B. “Hello…Love…Paalam” D. “Teleplay”
9. Pang-ilang puwesto nagwagi ang akda ni Fanny Garcia?
A. una B. pangalawa C. pangatlo D. pang-apat
10. Alin sa mga salita ang HINDI kabilang sa pagsasalarawan sa
telebisyon?
A. kategorya B. midyum C. popular D. programa

ARALIN
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANTELEBISYON
Alam mo ba na isa pang mahalagang midyum sa larangan ng balitang panghimpapawid
(broadcast media) at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon?
Naging bahagi at sinasabing kasama sa araw-araw na gawain (daily routine) ng mga Pilipino ang
panonood ng mga palabas sa telebisyon, simula sa paggising sa umaga sa mga programang
pang-umaga (morning show) hanggang sa oras na bago matulog sa mga programang panggabi
(prime time) na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong
pantelebisyon.
TUKLASIN
Mahilig ka bang manood ng mga programang pantelebisyon tulad ng mga teleserye?
Anong linya sa mga teleseryeng iyong napanood ang tumatak sa iyo? Basahin mo ang linya ni
Amor Power mula sa teleseryeng ‘Pangako Sa ‘Yo’ ni Jodi Sta. Maria.
“Saksi ang Diyos, hindi lahat ng araw sa inyo. Hindi lahat ng batas kayo. Lahat ng ginawa ninyo
sa akin, nakaukit sa puso at diwa ko. Lahat ng hirap at sakit ibabalik ko sa inyo. Lahat kayo!
Matitikman ninyo ang batas ng isang api.”
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa binasang linya. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.
2
1. Ano ang binibigyang pansin sa linyang binasa?
2. Ano ang damdaming nangingibabaw rito?
3. Sa iyong palagay, anong ipinapahiwatig nito?
4. Batay sa sarili mong pananaw, ano ang ibig ipakahulugan ng pariralang may salungguhit sa
binasa mong linya?
5. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Amor Power, pareho rin ba kayo ng mararamdaman?
Bakit?
SURIIN
Binabati kita at matagumpay mong nabigyan ng paghihinuha ang bagong aralin. Ngayon
nama’y iyo nang basahin at unawain ang isang halimbawa ng iskrip sa programang
pantelebisyon, ang “Hello… Paalam” ni Fanny A. Garcia. Ito ay kinilala at nagwagi bilang
pangatlong gantimpala sa kategoryang teleplay.
Hello…Paalam
ni Fanny A. Garcia
MGA TAUHAN
Auring - late 20s to late 30s; dalagang high school teacher
Richard - kasintahan ni Auring; Amerikano; P.E. teacher
Mr. Dela Cruz - nasa 60s; biyudong ama nina Auring at Vincent;
high school principal
Vincent - nakababatang kapatid ni Auring
Cion - katulong sa bahay ng mga Dela Cruz
Paliwanag sa mga linya ni Richard:
1. Ingles lahat sa bahaging bagong dating ang Amerikano;
2. Sa bahaging nakikibagay ang Amerikano ay sa Filipino ang kanyang mga linya. Sakaling
mahihirapan ang Amerikanong aktor, puwedeng gamitin ang mga linya sa Ingles na nakapaloob
sa panaklong ( ); at
3. Ingles lahat ang linya ni Richard sa huling bahagi kung saan dumistansiya siya sa pamilya
Dela Cruz, lalo na kay Auring.

Seq. 1. Int.Kitchen/Dela Cruz’s House Evening


Naghahapunan sina Mr. Dela Cruz, Auring at Cion. Nasa kabisera si Mr. Dela Cruz, nasa
kaniyang bandang kaliwa si Auring, at katabi naman ni Auring si Cion; sa bandang kaliwa ni Mr.
Dela Cruz ay bakante ang puwestong para kay Vincent, gayunman, nakaayos na ang pinggan at
mga kubyertos nito. Obvious na si Mr. Dela Cruz ang awtoridad sa bahay: mas siya ang
inaasikaso sa pagkain, mas siya ang pinapauna, nakatingin sa kaniya ang mga kausap.
Auring: Sana, ‘Tay, ako na lang ang inirekomenda n’yong ka-exchange program ng school.
Tingin ko naman, pantay lang kami ng qualifications ni Aida. E di sana, makapupunta na ‘ko sa
Amerika!
Mr. Dela Cruz: Isang school year lang naman ang term bawat grantee kaya maghintay-hintay ka
lang d’yan. Ayokong masabi na komo ako ang principal, ikaw agad ang nakinabang sa exchange
program. Happy compromise muna tayo. Dahil pinauna ko na si Aida, pag ikaw na ang pinasunod
ko, may umangal man, bulong na lang.
Auring: Confirmed na ba kung sino’ng ka-exchange program ni Aida?
Mr. Dela Cruz: Meron na. Richard Johnson ang pangalan, binata, P.E. teacher.
Cion: Siguradong guwapo at macho!
Mr. Dela Cruz: …at Negro.
3
Auring at Cion: (sabay)Ngiii!
Mr. Dela Cruz: Biro lang. Puti si Richard Johnson.
(Mag-aapir sina Auring at Cion)
Mr. Dela Cruz: Sumulat na sa ‘kin si Richard. Sabi, ayaw n’yang mag-hotel o umupa ng bahay
o apartment nang solo. Mas gusto n’yang tumira kasama ang isang pamilyang Pilipino para
mas mabilis daw n’yang makilala’t matutuhan ang buhay at kultura natin. Para mas mabilis daw
s’yang maka-adjust.
Auring: Okey pala ang Richard na ’yan!
(Darating si Vincent, magmamano kay Mr. Dela Cruz na didilim ang
mukha, mapapailing-iling naman si Auring.)
(Hahapay-hapay na mauupo sa kaniyang puwesto si Vincent.)
Mr. Dela Cruz: Kung nagugutom ka, kumain ka. Kung nasusuka, pumunta
ka sa banyo. O dederetso ka na sa kuwarto mo?
(Hahapay-hapay na lalabas ng kusina si Vincent.)
Mr. Dela Cruz: ‘Yong kuwarto ni Vincent ang gagamitin ni Richard. Magkasama na kami ni
Vincent sa kuwarto ko.
Auring: Hindi kaya mahirap kasamahin si Richard, ‘Tay?
Mr. Dela Cruz: Very independent ang mga Amerikano. Teen-ager pa lang, kumakayod na, hindi
umaasa sa mga magulang para mabuhay, hindi gaya n’yang kapatid mo. Prangka ding mga
tao, kaya alam mo agad kung ano ang ayaw o gusto. Ang nakikita ko pa ngang problema e
‘yang kapatid mo. Nakakahiyang ipakisama kay Richard. Walang alam kundi umistambay o
uminom, kumain o matulog!
(Mukhang nasaktan- nalungkot si Auring para sa kapatid.)
Mr. Dela Cruz: At ikaw naman, samantalahin mo ang pagtira dito ni Richard. Pakisamahan mong
mabuti. Dahil si Richard ang current exchange program grantee, kasama s’ya sa panel na mag-
iinterbyu sa mga susunod na applicants. Hasain mo na rin ang Ingles mo sa kanya. Para
pagdating mo sa States, American accent ka na!
Seq. 2. Int. House. Daytime.
Parang hilong-talilong sina Mr. Dela Cruz, Auring at Cion sa paghahanda sa pagdating at
pagtira ni Richard: may nagtatanggal ng mga agiw sa kisame, may naghahakot ng mga gamit ni
Vincent palabas ng kuwarto, may nagpapalis ng alikabok sa mga kasangkapan, etc.
Seq.3. Int. House. Daytime.
Nagsisikip, parang babagsak na ang bahay dahil sa mga usyosong nasa loob na ng bahay
(kabilang dito ang pulis na si Kaloy, nakauniporme, obvious na gustong pumapel para
makapagpakitang-importansiya kay Richard: halimbawa, parang nagtatrapik sa bahay,
pasigang dinidisiplina ang mga usyoso).
Pawisan ang lahat, at halos naliligo na sa pawis si Richard. Parang pamburol na ang suot ng
mga magkakasama sa bahay Dela Cruz, pero mas itsurang gulay ang mga galing sa airport na
sina Richard, Mr. Dela Cruz at Vincent. Nasa salas ang mga maleta’t iba pang dala-dalahan ni
Richard. Lahat ng mata ay nakatutok kay Richard. Tatanggalin ni Richard ang kaniyang
kurbata, sumunod ang amerikana, sumunod ay bubuksan ang kanyang long-sleeved shirt,
panghuli ay huhubarin na ito (sa pagbubukas pa lang ni Richard sa kaniyang shirt ay mako-
concious ang mga konserbatibong kinabibilangan ni Auring, at lalo na siyang hindi
mapapatingin kapag hubad na si Richard; sa kabilang banda, mapapalatak naman ang ibang
babae at bakla).Sensitive ang magkakasambahay sa bahay Dela Cruz (gayundin ang ibang
mapapel na usyoso) bawat pangangailangan ni Richard (halimbawa: itatapat dito ang
bentilador; may magpapaypay dito; may magtitiklop ng kurbata o iba pang damit nito, ilalagay
sa tabi nito). Pero kahit nahihiya si Auring kay Richard, maagap siya sa pag-aasikaso kay
Richard dahil siya naman talaga ang hostess.
Mr. Dela Cruz: (hihilahin si Auring sa nakaupong si Richard). Richard, let me introduce to you my
daughter, my one and only daughter. Her name is Aurora but we call her Auring for short. Richard
(tatayo, kakamayan si Auring) Nice to meet you, Auring!
4
Auring: (titingala kay Richard, conscious na conscious). Hello, Kaloy (ipapakilala ang sarili,
makikipagkamay). Hi, hello, my name is Carlos Madiaga. I’m a policeman, you know. In case of
trouble, just go to me. By the way, Kaloy is my nickname.
(Mag-uunahan na ang ibang usyoso sa pakikipagkilala kay Richard, magigitgit ito. Pasigang
didisiplinahin ni Kaloy, mauubusan ng pasensiya.)
Kaloy: (itutuon ang baril sa mga usyoso) Baba, baba! Pag di kayo bumaba, isa-salvage ko
kayong mga lintik kayo! (Kandarapa sa pagbaba ang mga usyoso.)
Seq. 4. Kitchen. Evening
Naghahapunan na ang pamilya Dela Cruz at sina Richard at Cion. Si Richard na ang nasa
kabisera; nasa bandang kanan niya si Mr. Dela Cruz, nakatabi naman si Vincent; nasa bandang
kaliwa pa rin si Auring, katabi pa rin si Cion. Nahihiyang mag-Ingles si Cion at Vincent kaya
nakayuko, ang pagkain ang inaasikaso, pakinig-kinig lang. (Obvious na si Richard, hindi na si
Mr. Dela Cruz, ang superstar sa bahay; pati si Mr. Dela Cruz ay kasama sa pag-aasikaso kay
Richard.)
Mr. Dela Cruz: How did you like that dish? We call that adobo.
Richard: It’s delicious, really!
Mr. Dela Cruz: It’s Auring’s specialty, you know.
Richard: (kay Auring) Your Filipino dishes taste great. And I could have sworn my mother
cooked that steak!
Auring: (pa-humble pa) You see, I bought some American cookbooks. I experimented on some
recipes and so…
Richard: Lucky for me I know how to keep physically fit. Because with your kind of cooking, I’d
outweigh (iaarte) any sumo wrestler!
(Tawanan sina Auring at Mr. Dela Cruz). Mapapansin ni Richard na tahimik, nakayuko pa rin
sina Vincent at Cion.
Richard: Could I make one request? I’d like to learn how to speak your language. I’d appreciate
your talking to me in Tagalog so I’d learn faster. 10
Auring: Bilib din ako sa Amerikanong ‘to, magaling makibagay!
Richard: How’s that again?
Mr. Dela Cruz: Ulitin mo sa Tagalog. Umpisahan na natin ang lesson.
Auring: (marahan, malinaw na sasabihin) Bilib kami sa’yo. Kasi, marunong kang makibagay.
Richard: I’ll take that as a compliment, thanks!
Seq. Int. Bedroom. Midnight.
Nasa magkabilang gilid ng kuwarto ang higaan nina Cion at Auring. Hindi makatulog si Auring
pero hindi dahil malakas ang hilik ni Cion.
Auring: (sasalat-salatin ang palad na hinawakan ni Richard sa pakikipag- usap, kakausapin ang
sarili) No’ng nakipagkamay s’ya sa akin, ang higpit ng hawak n’ya. Ang init-init ng kamay n’ya.
Ang lamig-lamig naman siguro ng kamay ko, nakakahiya. (Ihihimas sa pisngi ang kamay,
hahalik-halikan, ipapatong sa dibdib) Ang lakas ng tibok ng puso ko. Siguro, ito na nga ‘yong
tinatawag na love at first sight. (pipikit) Richard….Richard…
Seq.6. Int. Sala. Daytime
Tinuturuan ni Auring ng Filipino si Richard
Auring: (idadaop ang kanang palad sa may itaas ng dibdib) Ako.
Richard: (ituturo ng kanang hintuturo ang sarili) Ako.
Auring: (ituturo ang kanang hintuturo kay Richard) Ikaw.
(Obvious kay Richard na nako-conscious si Auring.)
(titingin na lang kay Cion na nagpipili ng bigas sa di kalayuan, ituturo ito.) Siya. (Pagbaling ni
Auring, lalong mako-conscious dahil nakatingin pa rin sa kanya si Richard, mag-iisip ng paraan
para indi mahalata.
Auring: Teka, teka, ‘buti pa, ang next lesson natin, mga bahagi ng katawan! (sasabayan ng turo
ng daliri sa sariling parte ng kaniyang katawan) Buhok.
Richard: Buhok. 11

5
Auring: Noo.
Richard: Noo.
Auring: Kilay
Richard: Kilay.
Auring: Mata.
Richard: Do you realize that you’ve got beautiful, very expressive eyes? They were the first
things I noticed about you. Even without you talking, I can tell what’s on your mind just by
looking at your eyes.
Auring: (iirap) Bola!
Seq. 6-a. Int. Bedroom. Daytime
Nakaharap sa salamin sa banyo si Auring, kinakausap ang sarili.
AURING: Talaga bang maganda, expressive ang mga mata mo? (iaarte ng mga mata ang
bawat emosyon). Masaya… Malungkot… Nagagalit… Umiibig… (maiisip) Sabi n’ya nakikita sa
mga mata ko. Ano na kaya’ng iniisip n’ya?
Seq. 7. Ext./Int. Late Afteternoon.
Bababa ng traysikel si Richard (nakaangkas sa may likod ng tricycle driver), ibababa ang
maraming plastic bag ng groceries mula sa loob ng traysikel. Nakatanaw sa kaniya sa bintana
sina Cion at Auring.
Cion: Naku, Ate, piyesta na naman! (Kahit sawayin ni Richard, tutulong ang dalawang babae sa
pag-aakyat ng groceries. Mauuna si Cion sa kusina.)
Auring: Ikaw talaga, kago-groceries mo pa lang, heto ka na naman!
Richard: Ayaw mo kasing magpabayad sa tutoring, (Well, you won’t let me pay the tutoring
so…)
Auring: Tumigil ka nga d’yan!
(May kukunin si Richard na bungkos ng imported na chocolates.)
Richard: Favourite mo, alam ko! (Here, I know this is your favourite!)
(Flattered si Auring pero biglang…)
Isang kapitbahay, Auring! Auring! Ang tatay mo, nabundol ng kotse! Hit and run!
Auring: (mabibitawan ang bungkos ng mga tsokolate) Diyos ko!
Richard: (hihilahin sa kamay si Auring) Let’s go!
Seq.8. Int. Hospital Room. Evening
Obvious sa mga benda ni Mr. Dela Cruz na ang kaniyang kondisyon ay hindi naman ganoon
kagrabe pero hindi naman ganoon ka-minor.
Auring: Kung hindi ka pa hinanap ni Richard, hindi mo pa malalamang nadisgrasya ang Tatay!
Puro ka barkada, puro ka lakwatsa!
Vincent: Ang Ate talaga! Kaya ko bang hulaan na madidisgrasya pala ang Tatay!
Auring: Nangatuwiran ka pa! And for your information ha, si Richard ang nag-report sa pulis ng
hit and run kay Tatay. Hindi lang ’yan. “Yong mga gastos na labas na sa Medicare, sinagot na
rin ni Richard.
Vincent: Dollars naman ang pera n’ya, e di pakinabangan!
Mr. Dela Cruz: Auring, batukan mo ’yang kapatid mo. (Nakangiting anyong susunod si Auring
pero agad tatayo at didistansiya si Vincent, kunwari’y babarilin si Auring.) (Papasok si Richard,
may dalang mga prutas, ice cream, at iba pang pagkain.)
Richard: Kain na
Seq. 9. Int. Sala. Daytime
Parang nag-o-oral objective test sina Richard at Auring. Nakaupo sa lapag si Richard, sa sopa
nakaupo si Auring.
Auring: Pagtutulungan ng mga Pilipino.Halimbawa: kapag may bahay na itinatayo.
Richard: Bayanihan.
Auring: Very good!... Pakikipag-usap ng mga magulang ng binata sa mga magulang ng dalaga
para pag-usapan ang kasal ng dalawa.
Richard: Pamanhikan.

6
Auring: Very good again!... Next: pagbuburol sa namatay sa bahay sa loob ng ilang araw at
gabi.
Richard: Lamayan
Auring: (guguluhin ang buhok ni Richard) Ang galing-galing talaga nitong estudyante ko!
Richard: (nakangiting sasapulin sa galang-galangan o wrist si Auring)
Ikaw naman ang bibigyan ko ng test, okay? (Ok, my turn!)
(Hihilahin ni Auring ang kamay, mapapasulyap kay Cion.)
Richard: May boyfriend ka? (Iiling si Auring.)
Richard: Nag-break kayo? (Did you break up?)
Auring: (tatawa)Wala pa ‘kong naging boyfriend. Not even one.
(Nagtatanong ang reaksiyon ni Richard.)
Auring: Balak kong magmadre, maski no’ng bata pa’ko. Pero pinakiusapan ako ng Tatay.
Subukan ko daw munang kumuha ng ibang kurso, magtrabaho. Tapos, kung talagang
pagmamadre pa rin ang gusto ko, papayagan na n’ya ako. Sinunod ko ang Tatay. Pinili kong
mag-teacher. Para pag madre na ‘ko, magmi-missionary work ako. Magtuturo ako sa mga
national minorities, kahit pa sa bundok.
Heto, nalibang sa pagti-teacher. Gustong magpunta sa Amerika, hopefully, next school year.
Richard: (manunumpa) By the power invested in me, I
promise you, America here you come! (Magiging wistful ang
expression ni Auring
ANO ANG PROGRAMANG PANTELEBISYON?
Gaya ng pelikula, ang mga programang
pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng
isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang
panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad,
pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga
kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng
pinanonood na mga programa sa telebisyon.
May tinatawag na infotainment na isang uri ng media na nagbibigay ng mga
impormasyon at kasiyahan sa mga tao sa pamamagitan ng iba’t ibang programang
pantelebisyon. Ang mga programang ito ay nagsisilbing libangan na rin ng mga tao sapagkat
naaaliw sila sa panonood ng mga game show, variety show, at iba pang programa tulad ng
panonood ng teleserye. Panandaliang nawawala ang kanilang problema sa pamamagitan ng
panonood ng mga ito. Sa kasalukuyan, ang mga milenyal ay nahuhumaling naman sa panonood
ng dramang mula sa South Korea. Samakatuwid, may kani-kaniyang audience ang mga
programang pantelebisyon: may pambata, pangkabataan, pangmatanda, at iba pa. May mga
programa rin sa telebisyon na nagbibigay ng serbisyo sa mga tao na malaking bagay para sa
masang Pilipino. Sa ganitong paraan, natutugunan ng telebisyon ang iba’t ibang
pangangailangan ng mga tao.

7
Katulad ng mga programang pantelebisyon na ang layunin ay makapagbigay ng
totoong kalagayan ng mga tao sa isang lugar tulad ng mga dokumentaryong programang
pantelebisyon. Ito ay mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong
proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa
isang lipunan.

Karagdagang kaalaman:
Ang paghihinuha ay pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang bagay o
sitwasyong naganap. Ito ay maaaring magmula sa iyong sariling paniniwala at pagkakaintindi sa
isang konteksto ng pangyayari.
Paksa-bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap.
Layon - intensiyong tinutukoy sa isang akda.
Tono - tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat.
Ang pagsusuri ay proseso ng paghimay ng isang paksa sa maliit na bahagi upang magkaroon ng
mas mainam na pagkaintindi sa paksa.

PAGYAMANIN
Gawain 1: P-L-T
Panuto: Bigyang-hinuha ang paksa, layon, at tono sa akdang binasang “Hello…Paalam” ni Fanny
A. Garcia. Kopyahin ang pormat at isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

PAKSA LAYON TONO


Intensyong Damdamin o
Bahaging
tinutukoy ng iskrip saloobing
Binibigyang Diin sa
ipinahahayag ng
Iskrip
iskrip

Gawain 2: Crossword Puzzle


Panuto: Tukuyin ang tamang salitang bubuo sa crossword puzzle na may kaugnayan sa araling
tinalakay. Gawing gabay ang mga paglalarawang ibinigay sa pahalang at pababa. Isulat ang
sagot sa hiwalay na papel.

8
Pababa:
1. sumasalamin sa katotohanan ng buhay
4. kasingkahulugan ng hilong-talilong
Pahalang
2. propesiyon nina Auring at Richard
3. Tawag sa mga kabataang naaaliw sa panonood ng dramang mula sa South Korea
5. pagbuburol sa namatay sa bahay sa loob ng ilang araw at gabi
Gawain 3: Suriin Mo
Panuto: Suriin ang binasang iskrip ng isang programang pantelebisyong pinamagatang, “ Hello..
Paalam”. Kopyahin ang pormat at gawing gabay ang inihandang pamantayan. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.

Pamantayan sa Pagsusuri sa Akdang Binasa

I. Pamagat:
II. Mga Tauhan:
III. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan b. Suliranin c. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa
Paglutas ng Suliranin
d. Mga ibinunga
IV. Paksa:
V. Tono:
VI. Layon:
VII. Repleksyon:
Paglalahad kung paano maisasabuhay ang aral na natutuhan sa pinanood
na dokumentaryo.

ISAISIP
Panuto: Punan ang patlang sa bawat pangungusap upang mabuo ang mga kaisipan tungkol sa
aralin. Gawin ito sa hiwalay na papel.
1. Natutuhan ko mula sa aralin na sa pagsusuri ng akdang nabasa, mahalagang magkaroon ng
paghihinuha sa paksa, layon, at tono nito
dahil_____________________________________________________.
2. Nadagdagan din ang aking kaalamang may kaugnayan sa paksa sa pamamagitan ng
______________________________________________.

9
3. Nakatutulong din sa pagsusuri ng isang programang pantelebisyon kung may itinakdang
pamantayan dahil _________________________.
KARAGDAGANG GAWAIN
Mahusay at binabati kita! Natutuwa ako at narating mo na ang huling gawain. Hangad
ko na isabuhay mo ang mga aral na iyong natutuhan sa modyul na ito. Ika’y maging handa na
rin para sa susunod na modyul.
Panuto: Magbigay ng isang paborito mong programang pantelebisyon at tukuyin mo ang
paksa, layon, at tono nito. Kopyahin ang pormat at isulat ito sa hiwalay na papel.

PAKSA

PABORITO MONG
PROGRAMANG
PANTELEBISYON
LAYON

TONO

10

You might also like