You are on page 1of 13

2 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Aking Mga Kakayahan: Ipakikita Ko Ba?

May-akda: Rosalina G. Arenas


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Kapag natapos mo ang modyul na ito, inaasahan na


iyong maisakikilos ang iyong sariling kakayahan sa iba’t-
ibang pamamaraan tulad ng pag-awit, pagguhit,
pagsayaw, pakikipagtalastasan at marami pang iba. Ang
mga inihandang pagsasanay ay tiyak na makatutugon
upang makamit ang layuning ito.

Subukin
Kulayan ang bilog kung ang bata sa bawat pahayag
ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang
kakayahan o talento at lagyan naman ng ekis ( ) kung
hindi.

1. Maganda ang boses ni Michelle. Umaawit siya


nang buong galak sa mga programa sa paaralan.

2. May kakayahan si Miguel sa pagguhit ngunit hindi


niya inaayos ang pagkukulay.

3. Mahiyain si Anna. Gayunpaman ay ipinamalas


niya nang buong galing ang pagbigkas ng tula.

4. Mahusay maglaro ng basketbol si Jun. Tinuturuan


din niya ang kanyang kapatid.

5. Madalas tinatamad si Ramon na mag-ensayo


para sa larong takbuhan dahil mabilis na siyang
tumakbo.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Ang Aking Mga Kakayahan:
1 Ipakikita Ko Ba?

Alam mo ba ang iyong kakayahan o talento? Isa ka


rin ba sa mga batang nasa ibaba?

Balikan

May pagkakataon bang naipakita mo ang iyong


mga talento? Ibahagi ang iyong karanasan. Isulat ang
detalye sa ibaba.

Ang aking talento ay ________________________________.


(Kakayahang kaya mong gawin. Halimbawa: Pag-awit, pagsayaw at iba pa)

Naipakita ko ito sa aking mga _______________________.


(Mga tao kung kanino mo ipinapakita ang iyong talento.)

Naipakita ko ito noong ______________________________


____________________________________________________.
(Pangyayari kung kailan mo naipakita ang iyong talento.)

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Paano mo pinahahalagahan ang iyong kakayahan o


talento? Basahin ang kuwento sa ibaba at kilalanin kung
sino sa dalawang bata ang nagpapahalaga sa kanilang
kakayahan.
Ang Magkaibigang Magkaiba
ni: S.O. Dado

Nakagawian na ng magkaibigang Marco at Angelo


ang sabay na gumuhit pagkatapos ng kanilang klase.
Ginuguhit nila ang magagandang lugar sa kanilang
lungsod.
Bagaman parehong may angking husay sa pagguhit,
mapapansin ang kanilang pagkakaiba. Madalian kung
gumuhit si Angelo kaya madalas niyang pilasin ang mga
papel na may maling guhit. Itinatapon lamang niya ito kung
saan-saan.
Pinaghuhusay naman ni Marco ang kanyang pagguhit.
Iniingatan niyang hindi magkamali upang manatiling malinis
ang papel. Maganda kasing tingnan ang larawang
nakaguhit sa isang malinis na papel. Nanghihinayang din
siya kung ito ay aaksayahin.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isang araw, ”Ayoko ng gumuhit. Bukas na lang uli.
Tinatamad na ako,” wika ni Angelo.
“Ang bilis mo namang magsawa. Hindi pa tayo tapos.
Sayang ang oras. Tsaka ang dami mong kalat na papel.
Mas mabuti pa, ibulsa mo muna ang mga iyan,”
mahabang paliwanag ni Marco.
“Dito na lang ang mga ito. Tiyak na dadamputin ito
ng mga mangangalakal,” tugon ni Angelo.
”Akin na lang ang mga iyan. Idadagdag ko sa Eco-
Saver,” sagot ni Marco.
At sabay na silang pumasok sa kani-kanilang mga
bahay.

Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng


wastong sagot sa patlang.
_____1. Sino ang dalawang bata sa kwento?
A. Sina Marco at Angelo
B. Sina Macky at Patrick
C. Sina Angelo at Russel

_____2. Ano ang kanilang kakayahan o talento?


A. Pag-awit B. Pagbabasketbol C. Pagguhit

_____3. Sa paanong paraan nagkaiba ang dalawa?


A. Mabilis kumilos si Marco, samantalang mabagal
si Angelo.
B. Maingat kung gumuhit si Marco, samantalang
bara-bara lamang si Angelo.
C. Mahusay gumuhit si Marco, samantalang
mahusay umawit si Angelo.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_____4. Sino sa dalawang bata ang dapat tularan?
A. Si Angelo, dahil mabilis siyang gumuhit.
B. Si Marco, dahil maingat siyang gumuhit
C. Pareho sila dahil pareho silang may angking
talento sa pagguhit.
_____5. Naipapakita ba ng magkaibigan ang kanilang
talento?
A. Opo, dahil pareho silang gumuguhit sa
kanilang libreng oras.
B. Opo, dahil nagtuturo sila ng pagguhit sa
kanilang mga kaklase
C. Opo, dahil pinapakita nila sa kanilang guro ang
kanilang mga guhit.

Suriin
May iba-ibang talento ang isang batang tulad mo
gaya pag-awit, pagguhit, pagsayaw, pagbigkas ng tula o
pagkukwento, pagiging mahusay sa isports, pag-arte at
marami pang iba. Ang mga kakayahang ito ay dapat
paunlarin sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng
pagsasanay, pagpapaturo, pagsali sa palatuntunan at
paligsahan.

Pagyamanin

Sa bahaging ito, magkakaroon ka ng pagkakataon


upang maipakita ang iyong natatanging talento. Basahin
ang mga gawain. Piliin ang nais mong isagawa. Maaaring
pumili ng higit sa isa.

A. Indak, Giling, Hataw!


Pumili ng isang mabilis at masayang musika. Lapatan
ito ng sayaw. Maaaring isama ang ibang miyembro ng
6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
pamilya o mga kaibigan. Humandang ipakita ang inyong
natapos na sayaw.

B. Gintong Boses, Inyong Pakinggan.


Pumili ng isang awit na maaaring sabayan ng minus
one o anumang instrumento. Tawagin ang mga
kasambahay, kapitbahay o kaibigan at ipamalas sa kanila
ang iyong talento sa pag-awit.

C. Artista sa Bahay Ko!


Pumili ng isang eksena sa paborito mong palabas sa
telebisyon. Gayahin ang pag-arte ng artista dito. Ipakita
ito sa iyong mga kaibigan, kapamilya o kapitbahay.
(Paalala. Hilingin sa magulang na i-video ang alinman sa mga napili
mong gawain. Maaaring ipadala sa messenger o email address ng guro
ang video. Kung wala naming kakayahang mag-video, gamitin ang
rubrik na nasa pahina 9. Kopyahin ito sa isang malinis na papel at
kulayan ang mga angkop na nangyari o naramdaman pagkatapos
isagawa ang Gawain.)

Isaisip
Isulat sa loob ng puso ang mga bagay na nais mong
gawin upang magamit o maipakita mo ang iyong talento.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Gusto kong gumuhit ng


magagandang bahay.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Gaya-Gaya, Kuhang-kuha!
Sa bahaging ito ng aralin, gayahin ang ipinapakitang
talento ng mga bata na kapareho ng talentong taglay
mo. Kulayan ang angkop na kahon sa baba ng bawat
larawan na nagpapahayag ng mga nangyari habang
isinasagawa mo ang mga ito. Maaaring i-video o kuhanan
ng larawan ang iyong pagganap. Maaaring pumili ng
higit sa isa.

Mahusay sa isports Pagsayaw Pagkukwento

Pagbigkas ng tula Paggamit ng Pagguhit o


instrumento Pagpipinta

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Rubrik:
Nagawa ko nang Nakaramdam ako ng Masaya ako habang
mahusay ang mga hiya habang isinasagawa ko ang
talentong ipinakikita sa isinasagawa ang aking aking mga talento
larawan na tulad ng mga talento.
talento ko.
Marami akong mali o Napuri ako ng aking Natuwa ang aking
nakalimutan habang mga magulang. mga magulang at iba
isinasagawa ko ang pang nakapanood ng
aking mga talento. aking pagganap
Ipapakita ko pa sa iba Ipagmamalaki ko na Hindi ko na muling
ang aking talento. ako ay isang batang ipapakita ang aking
may maraming talento mga talento.

Tayahin

Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag


ay nagpapakita ng pagsasagawa ng talento at
malungkot na mukha kung hindi.

1. Nagpiprisinta akong sumali sa sayaw kapag may


programa sa paaralan.

2. Nagkakantahan kami sa videoke kapag walang


pasok ang nanay at tatay ko.

3. Tinatago ko lang sa bag ang mga natapos na art


activity. Hindi ko ito pinapasa sa guro.

4. Hindi ako dumadalo sa mga pag-eensayo namin


para sa pag-arte.

5. Palagi akong nag-eensayo sa pagtugtog ng gitara


kasama ang kapatid ko.
9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Lights, Camera, Action!


Sa gawaing ito, kakailanganin mo ang tulong ng
iyong mga magulang, kapatid o iba pang kasama sa
bahay.
Isipin na kalahok ka sa isang paligsahan ng talento.
Ang mga magulang mo ang magsisilbing hurado. Ang
mga kapatid o iba pang kasama sa bahay ay ang
magiging iba pang kalahok. Ipakita nang buong husay
ang iyong talento upang makuha mo ang gantimpala.

Kulayan ang mga gawain sa ibaba na iyong sinunod


upang makamit ang unang gantimpala.
Nag-ensayo muna ako Nahihiya akong ipakita
bago ang paligsahan. ang aking talento.
Nagpatulong ako sa Inisip ko na mahusay
aking mga magulang. ako.
Hindi ko binigyang Ginawa kong mabuti
Nakamit ko ang unang
halaga ang talento ko. nang mahusay ang
gantimpla dahil…
aking pagtatanghal

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
11
Likhang kwento hango sa DLL ni Sheryl O. Dado “Ang Dalawang Bata”
Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 2
Sanggunian
Tayahin Isagawa: Subukin
1. 😊 Ang pagsasanay ay 1.
nangangailangan ng 2.
2. 😊 “performance”. Pakitingnan
ang larawan o video na 3.
3. ☹ 4.
ipapakita ng bata.
4. ☹ Pagbatayan ang rubriks para 5.
sa score.
5. 😊 Balikan
Isaisip Ang mga sagot ay
Karagdagang Gawain
Ang mga sagot ay maaaring maaaring magkaiba-iba.
magkaiba-iba.
Ang pagsasanay ay
nangangailangan ng Tuklasin
Pagyamanin 1. A
“performance”.
Ang pagsasanay ay 2. C
Pakitingnan ang larawan o
nangangailangan ng 3. B
video na ipapakita ng bata
“performance”. Pakitingnan 4. B
ang larawan o video na 5. A
ipapakita ng bata
MAHUSAY! BINABATI KITA SA PAGKAKATAONG ITO.
12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosalina G. Arenas (Guro, Nangka Elementary School)


Mga Tagasuri: Sheryl O. Dado (Guro, Fortune Elementary School)
Elena M. Santos (Principal, San Roque Elementary School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like