You are on page 1of 13

K

Department of Education
National Capital Region
S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Kindergarten
Unang Markahan-Ika-anim na Linggo- Modyul 1
Pagkakapantay o “Symmetry”

Manunulat: Sarah B. Mondejar


Tagaguhit at Tagalapat: Anna Khariz M. Lico

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Alamin

Sa modyul na ito ay matutukoy ang “symmetry” o pantay na bahagi ng katawan


at mga hugis.

Layunin ng modyul na ito ang:

1. makilala ang mga bagay na may pagkakapantay na hati gaya ng bahagi


ng katawan at mga hugis;

2. maipakita ang pantay na paghahati ng mga bagay sa pamamagitan ng


paglagay ng guhit;

3. masabi ang pantay na paghahati ng mga bagay.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Subukin

Tignan mo ang mga hugis sa ibaba. Gamit ang iyong lapis, subukan mong lagyan ng
guhit ang mga larawan upang mahati ito nang pantay sa dalawang bahagi. Nagawa mo
ba ito?

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Aralin
Pagkakapantay o “Symmetry”

Tuklasin
Ang ginawa mong paglagay ng guhit sa mga hugis upang mahati ito nang pantay
ay tinatawag na pagkakapantay o “symmetry”. Tingnan mo ang iyong katawan, meron
ba itong pantay na pagkakahati?
Kung iyong titingnan ang larawan sa ibaba, ito ay may pantay na pagkakahati o
“symmetry. Bakit kaya nasabing may pantay na pagkakahati ang ating katawan?

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Suriin
Ngayon naman ay humarap ka sa salamin at tingnan ang iyong mukha sa kanan at
sa kaliwa. Kapag hinati ang iyong katawan sa gitna, mapapansin na ang bahaging kaliwa
ay pareho sa bahaging kanan. Pantay ang hati ng ating katawan. Ito ang tinatawag na
“symmetry.”

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
City of Good Character 5
DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Pagyamanin

Alam mo na ang pantay na bahagi ng iyong mukha. Maliban sa iyong mukha at


katawan ay may mga hugis at bagay din na pantay. Sa tulong ng iyong magulang o
gardiyan ay lagyan ng guhit sa gitnang bahagi ang mga hugis upang makita ang pantay
na hati nito.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isaisip

Batay sa iyong ginawa, paano mo matutukoy kung ang isang bagay ay may
pagkakapantay?
Ang isang bagay ay may pagkakapantay kung ito ay may pantay na bahagi. Bakit
natin kailangang hatiin nang pantay ang mga bagay gaya ng pagkain? Ano ang
mangyayari kung hindi pantay ang hati sa pagkain natin?

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isagawa

Ngayon tingnan natin kung kaya mong gawin ang mga ito? Sa tulong ng iyong
magulang o gardiyan ay gawin mo ang mga sumusunod:

A. Kumuha ng isang makulay na papel at hatiin ito sa gitna.


Lagyan ng guhit ang hati nito.

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
B. Gupitin ang makulay na papel na hugis puso.
Lagyan ng guhit na patayo sa gitna nito upang makita ang pantay na hati.

C. Gupitin ang makulay na papel na hugis bola.


Lagyan ito ng guhit sa gitna upang makita ang pantay na hati nito.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Sanggunian
https://drive.google.com/file/d/1BzbDldqqAG-rw8-l9gHf57YMETyNZ9WL/view?usp=sharing

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Sarah B. Mondejar (SRES)
Editor:
Natalia B. Carale, (PES)
Elvira S. Brutas, (CIS-EL)
Hazel Hope Margaret F. Bamba (SSSVES)
Tagasuri:
Ma. Aloha E. Veto, School Head, (BES)
For inquiries or feedback, please write
or call:
Amabelle H. Santiago, School Head, (SMES)
Leah A. De Leon, EPS Schools Division Office- Marikina City
Melissa T. Bartolome, PNU Professor
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City,
Tagaguhit at Tagalapat: Anna Khariz M. Lico (FES) 1800, Philippines
Tagapamahala:
Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala Email Address:
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala sdo.marikina@deped.gov.ph
Elisa O. Cerveza
Hepe - CID
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leah A. De Leon
Superbisor sa Kindergarten

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
City of Good Character 12
DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE

You might also like