You are on page 1of 12

K

Department of Education
National Capital Region
SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Kindergarten
Unang Markahan- Ika-Pitong Linggo Modyul 2
Pagpapakita ng Pagkilos/Paggalaw Gamit ang Iba’t Ibang
Bahagi ng Katawan

Manunulat: Lani G. Favorito


Tagaguhit: Mary Jann S. Leal

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay makatutulong upang maipakita ang pagkilos/ paggalaw gamit
ang iba’t-ibang bahagi ng ating katawan.

Ito ay tatalakayin sa ika-pitong linggo ng unang markahan.

Layunin ng modyul na ito ang:


1. maituro ang pangunahing bahagi ng katawan;

2. maipakita ang pagkilos/paggalaw gamit ang iba’t-ibang bahagi ng ating


katawan;

3. masabi ang mga pamamaraan ng pangangalaga sa iba’t-ibang bahagi ng


katawan.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Subukin

Tignan ang larawan sa ibaba. Subukan mong gawin ang mga kilos na ito. Nagawa
mo ba? Ano-ano pa ang maipakikita mong paggalaw/ pagkilos gamit ang ibang bahagi
ng iyong katawan?

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Aralin Pagpapakita ng Pagkilos/ Paggalaw Gamit
1 ang Iba’t-ibang Bahagi ng Katawan

Tuklasin
Pag-aralan natin ang paggalaw gamit ang iba’t-ibang bahagi ng ating katawan. Sa
tulong ng iyong magulang o “guardian”, awitin ang “Kung Ikaw ay Masaya”. Sabayan ito
nang pagkilos o paggalaw ng iyong katawan.

Awitin: Kung Ikaw ay Masaya


Kung ikaw ay masaya, pumalakpak ka 2x
Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya pumalakpak ka.
• Palitan ang salitang may guhit ng mga sumusunod na
pagkilos o paggalaw
Pumadyak umikot ka Tumalon ka
sumayaw ka Kumembot Kumaway-kaway

3
.City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Suriin

Simula paggising sa umaga hangggang sa pagtulog mo ay marami kang ginagawa.


Bawat gawain ay nangangailangan ng pagkilos o paggalaw ng katawan.
Babasahin ng iyong magulang o “guardian” ang kwento. Isakilos mo ang mga
salitang may salungguhit. Sagutan ang mga tanong pagkatapos.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Ang Umaga ni Ana
Maagang nagising si Ana. Dumiretso siya sa kusina at nakita niyang naghahain
si Nanay.
“Nay, ano po ang ulam natin”? tanong ni Ana. “Nagluto ako ng patatas na may
itlog,” sagot ni Nanay.
“Wow! Ang sarap po niyan.” Napapalakpak sa tuwa si Ana. “O sige, maghugas
ka na ng kamay at kakain na tayo,” utos ni nanay kay Ana. Patakbong nagpunta si
Ana sa lababo pero maagap si Nanay. “Ana, maglakad ka lang para hind ka
madapa,” ang paalala ni Nanay.
Pagkatapos maghugas ay naupo na si Ana upang kumain ng agahan.
Nagtimpla din ng gatas si Nanay para kay Ana. “Salamat po Nay, pagkatapos ko
pong kumain, ay tutulungan kitang magligpit ng mesa.” masayang sabi ni Ana.
“Walang anuman anak. Ako ang magdadala ng pinggan at baso sa lababo at
ikaw naman ang magpunas ng lamesa.”

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Babasahin ng iyong magulang o “guardian” ang tanong at sagutin mo ito.
1. Ano ang ginagawa ni Nanay nang makita siya ni Ana?

2. Bakit napapalakpak sa tuwa si Ana?

3. Ano ang iniutos ni Nanay kay Ana bago kumain?

4. Bakit pinaalalahanan ni Nanay si Ana na maglakad lang?

5. Paano tinulungan ni Ana ang kaniyang Nanay pagkatapos nilang kumain?

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Pagyamanin
Upang mas lalo mo pang maintindihan ang ating aralin, sa tulong ng iyong
magulang o “guardian”, gumawa ka ng “puppet” na gumagalaw. Sundan ang panuto
na nasa loob ng kahon.

Panuto sa paggawa:
1. Kulayan ang larawan sa ibaba.
2. Gupitin ito sa tulong ng iyong magulang o
gardiyan.
3. Idikit sa matigas na papel at gupitin.
4. Butasan sa may parte ng may hugis na bilog.
5. Ilusot ang bilog na fastener para madugtong
ang mga bahagi ng katawan.
6. Pagalawin mo ang iba’t-ibang bahagi ng
katawan ng “puppet.”

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
City of Good Character 8
DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isaisip
Ano-ano ang mga pagkilos o paggalaw ng katawan ang kaya mo nang
gawin? Bakit kailangan mong isakilos ang iyong katawan?

Isagawa

Lagyan ng masayang mukha(☺) ang patlang kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng pagkilos ng pangangalaga sa katawan at (), kung hindi.
__________1. Maghuhugas ako ng kamay bago at pagkatapos kumain.
__________2. Maliligo ako araw-araw.
__________3. Magsisipliyo ako isang beses sa isang araw.
__________4. Kakain ako ng masustansyang pagkain.
__________5. Iinom ako ng “softdrinks” araw-araw.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Sanggunian
https://commons.deped.gov.ph/MELCS-Guidelines.pdf

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lani G. Favorito (BES)
Editor:
Natalia B. Carale, (PES)
Elvira S. Brutas, (CIS-EL)
Hazel Hope Margaret F. Bamba (SSSVES)
Tagasuri:
Ma. Aloha E. Veto, School Head, (BES)
For inquiries or feedback, please write
Amabelle H. Santiago, School Head, (SMES) or call:
Leah A. De Leon, Education Program Supervisor
Schools Division Office- Marikina City
Melissa T. Bartolome PNU Professor
Tagaguhit/ Tagalapat: Mary Jann S. Leal (SNES) 191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City,
Tagapamahala: 1800, Philippines
Sheryll T. Gayola Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala
Email Address:
sdo.marikina@deped.gov.ph
Elisa O. Cerveza
Hepe - CID
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leah A. De Leon
Superbisor sa Kindergarten

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE• EXCELLENCE

You might also like