You are on page 1of 13

NARRA

Paaralan ELEMENTARY Antas 2


SCHOOL
Detalyadon Guro Diosay, John Rey D. Asignatura AP
g Banghay
Aralin Petsa/Oras Markahan Ikatlong Markahan

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA


Araling Panlipunan 2
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa
Pangnilalaman pagsulong ng mga pangunahing hanapbuhay at pagtugon sa pangangailangan ng mga
kasapi ng sariling komunidad
B. Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng mabuting paglilingkod ng
Pagganap mga namumuno sa komunidad tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga kasapi
ng sariling komunidad
C. Mga Kasanayan Naiisa-isa ang mga katangian ng mabuting pinuno AP2PSK- IIIa-1
sa Pagkatuto
(Isulat ang code a.) Naiisa-isa ang mga katangian ng mabuting pinuno
ng bawat b.) Nakapagbibigay ng katangian ng isang mabuting pinuno
kasanayan) c.) Nabibigyang halaga ang katangian ng isang mabuting pinuno

II. NILALAMAN Katangian ng mabuting pinuno


KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina
sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina
sa
Kagamitang
Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina
sa Teksbuk
4. Karagdagang https://www.studocu.com/ph/document/university-of-antique/beed-general/lp-in-
Kagamitan araling-panlipunan-g2/53485988?origin=home-recent-3
mula sa portal
ng Learning https://youtu.be/eQCmjczH6LM?si=abQJyBTTGOFx-KzK
Resource
B. Iba pang
Kagamitang Power Point presentation, Picture
Panturo
Values Focus

Integrasyon E.S. P

III. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


Panimulang Gawain Tumayo ang lahat para sa ating
panalangin.

Sa ngalan ng ama ng anak ng diyos….


Magandang umaga mga bata
Magandang umaga rin po sir

Pahina 1 ng 13
Mga bata bago umupo maari bang pulutin
muna ninyo ang mga basurang nakikita
ninyo sa ilalim ng inyung upuan
Gagawin ng mga bata
Mga bata may liban ba sa ating klase?
Wala po
Akoy nagagalak sapagkat walang liban sa
ating klase.
Gawin ang isinasaad ng panuto:

Isang palakpak- Tumayo ng matuwid

Dalawang Palakpak- Maupo ng maayos

Ikatlong Palakpak- Ilagay ang mga kamay


sa ibabaw ng desk/arm chair

Apat na palakpak- Tumahimik

Limang palakpak- Mata/Tingin sa


harapan.
Magaling!

A. Balik-aral sa Patungkol saan ang nakaraan nating


nakaraang aralin tinalakay?
at/o pasimula ng
bagong aralin Beverlyn?
Sir tungkol sa tungkulin ng pamahalaan
sa kumunindad
Magaling

Magbigay nga ng halimbawa ng tungkulin


ng pamahalaan sa kumunidad?
“Paunlarin, ayusin at papatagin ang ating
komunidad”
Magaling!

Akoy nagagalak! sapagkat na aalala pa


ninyo ang ating nakalipas na aralin.

B. Paghahabi sa Mga bata, marunong ba kayong


layunin ng aralin kumanta? Opo sir

Kung gayon, tayo ay kakanta

Gusto ba ninyong kumanta? Opo sir

Magaling! tumayo ang lahat at tayo ay


kumanta.

https://youtu.be/eQCmjczH6LM?
si=abQJyBTTGOFx-KzK

Nagustuhan ba ninyo ang ating kanta? Opo sir

Magaling!

Pahina 2 ng 13
Ang kantang iyan ay isang katangiang
mabuting pinuno ng ating kumunidad.

C. Pag-uugnay ng Ngayon mga bata, mayroon tayong


mga halimbawa babasahing kwento.
sa bagong aralin
Pero bago natin basahin ang kwento ano-
ano ang dapat nating gawin kapag
nagbabasa?
Basahing mabuti
Tama! meron paba?
Unawain ang binabasa
Magaling!

Ang kwento natin ngayon ay


pinamagatang “Kapitana namin, Idolo
namin”

Siya si Kapitana Cruz. Ang aming pinuno


sa Barangay Mag-aba. Hanga talaga kami
sa kanya! Siya ang nangunguna sa lahat
ng mga programa sa aming komunidad
tulad ng paglilinis sa aming
barangay.Ipinapabatid niya sa mga
opisyal ng barangay at mga taga brgy.
Mag-aba na sama-samang maglilinis lalo
na sa tabing dagat. Dahil dito,
napapanatili niya ang kalinisan ng aming
kadagatan at ang aming barangay.Kilala
siya sa pagiging masipag, maaasahan,
matiyaga, matulungin sa kaniyang kapwa
at mapagmahal sa kalikasan. Ano mang
oras na siyaay tawagin ng kanyang mga
kabarangay, tiyak aksiyon agad si
kapitana.
Mga bata nagustuhan ba ninyo ang ating
kwento?
Opo sir
Tungkol saan ang ating kwento?
Tungkol sa kanilang pinuno ng barangay
Ano ang katangian na ipinapakita ni
kapitana cruz?
masipag, maaasahan, matiyaga,
matulungin sa kaniyang kapwa at
mapagmahal sa kalikasan
Bakit mayroong pagkakaisa at
pagtutulungan sa kanilang barangay
sir dahil sa katangiang meron ang
kanilang kapitana.
Magaling

D. Pagtatalakay ng Sa ating pagtatalakay. kompletuhin muna


bagong konsepto natin kung ano ang salitang ito.
at paglalahad ng
bagong P_N_N_
kasanayan #1 K_T__G_A_
“P I N U NO”

Pahina 3 ng 13
“K A T A N G I A N”
Kung kayo ang tatanungin, kapag narinig
niyo ang salitang pinuno, ano ang una
ninyong naiisip?
Lider sir
Magaling!

Basahin natin ang kahulugan ng isang


pinuno

PINUNO - Ang pinuno o lider ay isang


taong nagpapatakbo ng isang lugar o
bayan o grupo. Siya ang nangunguna at
Halimbawa: nangangasiwa sa gawaing itinakda ng
pangkat, samahan o grupo ng mga tao.
Ang pinuno ng aming barangay ay
nagtataglay ng mabuting ugali kaya
naman siya ay minamahal at ginagalang
ng lahat.

Sino ang pinuno ng barangay?

- tatay
- kapitan
- lolo

Magaling!
Si kapitan sir
Kapag namn narinig ninyo ang salitang
katangian, ano ang una ninyong naiisip?

Magaling!

Ngayon, basahin natin ang kahulugan ng


katangian?

KATANGIAN- Ang katangian ay isang


Halimbawa: kakayahan, ugali,karakter ng tao o
abilidad na taglay ng isang tao.
Binoto namin si Mayor dahil sa kanyang
katangian. Siya ay mapagmahal, mabait,
matapang, madasalin, at matalino.

Ano ang katangian?

-Pangarap
-maganda ang Ugali

Magaling!
Maganda ang Ugali sir
Ngayon, mayroon tayong babasahing
usapan at ibigay ninyo ang mga
katangian o ugali na narinig ninyo:

Pahina 4 ng 13
Mangingisda: Para sa akin, isang pinuno,
Maka-Diyos ang pipiliin ko, ang pinuno na
may malalim na pananampalataya sa
Diyos upang siya ay magabayan sa
kaniyang pamumuno.

Magsasaka: Naku! Tama ka pare. Basta


ang Diyos ang manguna tiyak magiging
makatao ang mamumuno sa atin. Iyong
tipong magiging palakaibigan sa lahat ng
tao sa kaniyang nasasakupan. Wala
siyang pinipiling paglingkuran maging
mahirap man o mayaman.

Manlilinis: Aba! Tama ang mga katangian


na hinahanap ninyo. Gayundin, dapat ang
pinuno ay may malasakit at
mapagmamahal sa kapaligiran. Ito ay sa
pangunguna sa pagpapatupad ng mga
programang pangkapaligiran tulad ng tree
planting at paglilinis sa komunidad.

Ingat yaman: Para sa akin naman ay


dapat talagang mapagkakatiwalaan ang
isang pinuno at matapat sa lahat ng
bagay.

Tindera: Ang pagiging responsable


naman ang isa sa aking hinahanap para
magampanan niya nang buong husay ang
kanyang tungkulin. Hindi sa simula at sa
eleksiyon lang magaling.

Inhenyero: Tama kayo mga kasama. Higit


sa lahat dapat ay pantay at walang
kinikilingan ang isang namumuno. Siya ay
patas sa pagtrato at pagpapatupad ng
anumang batas o polisya.

Titser: Kung ang mga katangian na


inyong mga nabanggit ay nasa isang
pinuno, tiyak ang kaunlaran ng ating
komunidad, bayan, at bansa. Sana
maging matalino ang bawat isa sa pagpili
Ngayon, ano ang mga katangian na ng mga namumuno.
nabanggit sa usapan?

Basahin natin lahat ang nabanggit.

MGA KATANGIAN NG ISANG PINUNO


- Maka-Diyos
- Makatao
- May malasakit at pagmamahal sa
kapaligiran
- Mapagkakatiwalaan
- Matapat

Pahina 5 ng 13
- Responsible
Magaling! - Pantay at walang kinikilingan

Ang lahat ng ito ay ang mga dapat


taglayin ng isang namumuno, hindi puro
kasiraan ng kumunidad ang ginagawa.

Ang tunay na lider may puso, at may


malasakit sa mga mamamayan.

Gusto ba ninyo maging isang pinuno o


lider?

Magaling!
Opo sir
Kaya wag kalimutan ang mga mabuting
katangian ng isang lider.

Naunawn ba mga bata?

Opo sir

E. Pagtatalakay ng Ngayon mga bata, magkakaroon tayo ng


bagong konsepto pangkatang gawain.
at paglalahad ng
bagong Narito naman ang mga pamantayan sa
kasanayan #2 gawaing panggrupo
a. Gumawa ng tahimik
b. Makipagkooperasyon
c. Pakinggan ang ideya ng bawat grupo
Naunawan ba mga bata?
opo sir

Para sa unang grupo, basahin ang


gagawin.
Unang Grupo: isa-isahin ang mga letra at
at buuhin ang mga ito, mabubuo ang mga
mabuting katangian ng isang pinuno.

1. MATAPAT
2. MAKA - DIYOS
3. MAKA - TAO
4. MAY MALASAKIT
5. MASIPAG
Para sa pangalawang grupo, basahin ang
inyong gagawin.
Ikalawang grupo: Magbigay ng limang
katangian ng isang mabuting pinuno

1.
2.
3.
4.
5.
At para naman sa ikatlong grupo.
Ikatlong grupo: sagutin ang tanong na,

Pahina 6 ng 13
bakit mahalagang magkaroon ng isang
mabuting pinuno?

Naunawan ba mga bata?


Opo sir
Narito naman ang rubriks sa inyong
gawain.

Basahin nga ito Ingrid


Ingrid: Rubriks sa gawain

Naisagawa ng maayus - 30 puntos


Pamamahala sa oras – 10 puntos
Kooperasyon – 10 puntos

Kabuuhan – 50 puuntos
Naunawan ba mga bata?
Opo sir
Kung gayon mayroon lamang kayong 3
minuto sa paggawa.

Maari nakayong magsimula.


(Sumunod ang mga bata)
Tapos na ba mga bata?
Opo sir
Tunghayaan natin ang presentasyon ng
unang grupo.
(Ang unang grupo ay magpapakita ng
kanilang gawa)
Okay palakpakan natin ang unang grupo

Ngayon naman ay ang ikalawang grupo


(Ang ikalawang grupo ay magpapakita ng
kanilang gawa)
Magalig! ngayon naman ay ang huling
grupo
(Ang ikatlong grupo ay magpapakita ng
kanilang gawa)
Magaling mga bata! palakpakan ninyo
ang inyong mga sarili dahil lubos ninyong
naunawaan ang ating tinalakay.

Dahil dyan bibigyan ko ang bawat grupo


ng 50 puntos.

May katanunga paba mga bata?


Wala napo
Naunawaan na ba mga bata?
Opo sir

F. Paglinang sa Ngayon kumuha ng lapis at sagutan ang


Kabihasaan aking ibibigay na gawain.
(Tungo sa
Formative Basahing mabuti ang panuto upang
Assessment) masagutan ng tama.

Pahina 7 ng 13
Dalawang minutong sasagutan, maari na
kayong magsimula.

Makalipas ang 2 minuto

Tapos naba mga bata?


Opo sir
Makipagpalit sa katabi at lagyan ng
iniwasto ni.

Ang mahuhuli kung nagpapalit ng sagot


ay mag parusa.

Nauunawan ba mga bata?


Opo sir
Ngayon narito ang sagot.

Sino ang naka perfect?


Sir si Ingrid po
Sino pa?
Si janilla po
Magaling mga bata halos sa Inyo ay

Pahina 8 ng 13
mataas ang puntos, sa mga hindi naka
perfect ay pagbutihing Mabuti upang kayo
ay maging mataas sa sunod.

Ako’y natutuwa sa inyo dahil naunawan


ninyo agad ito.

Ngayon may katanungan paba mga bata?


Wala napo
G. Paglalapat ng Mga bata magkakaroon tayo ng isang
aralin sa pang- pangkatang gawain.
araw-araw na
buhay Para sa mga pangkat na gawain bawat
grupo ay may kanikanilang gagawin.

Unang Ikalawang Ikatlong


Pangkat Pangkat Pangkat
Panuto: Panuto: Panuto:
Lagyan ng Isulat sa Ibigay ang
masayang loob ng mga
mukha hugis puso katangiang
kung ito ay ang mga meron ang
nagpapakit katangian bawat isa
a ng na dapat sa grupo.
mabuting taglayin ng
katangian isang
ng isang mabuting
pinuno at pinuno.
malungkot
na mukha
kung hindi.

1.kurakot
na pinuno.
2.matulung
ing pinuno.
3.mapagbi
gay na
pinuno
4.mapagm
alupit na
pinuno.
5.Maasaha
n sa lahat.
Naunawaan ba ang gagawin ng bawat
grupo?
Opo sir
Mayroon lamang kayong 3 minuto para sa
gawaing ito. ngayon maari na kayong
magsimula,
(Gagawin ng mga bata)
Tapos naba ang lahat?
Opo sir
Ngayon unang grupo maaari na kayong
magsimula.
(Ang unang grupo ay magpapakita ng
kanilang gawa)

Pahina 9 ng 13
Magaling, ngayon namn ang
pangalawang grupo.
(Ang ikalawang grupo ay magpapakita ng
kanilang gawa)

Magaling mga bata, at ang ikatlong grupo


namn. (Ang ikatlong grupo ay magpapakita ng
kanilang gawa)

Magaling mga bata! palakpakan ninyo


ang inyong mga sarili dahil lubos ninyong
naunawaan ang ating tinalakay.

Dahil dyan bibigyan ko ang bawat grupo


ng 50 puntos.

May katanunga paba mga bata? Wala napo

Naunawaan na ba mga bata? Opo sir

H. Paglalahat ng Mga bata ngayong naintindihan na ninyo


Aralin ang ating tinalakay.

Tungkol saan ang ating tinalakay?

Ej.

Ej: Sir tungkol po sa katangian ng


mabuting pinuno.
Magaling, ano namn ang pinuno?

Trisha.

Trisa: Sir ang pinuno ay isang lide kung


saan sya ang nangangasiwa ng kanyang
nasasakupan.
Magaling!

Ano namn pag sinabing katangian?


Sir ang katangian ay isang paguugali ng
isang namunumo.
Mahusay!

Ngayon namn magbigay nga ng


halimbawa ng katangian ng isang pinuno?

Ingrid.
Ingrid: Maasahan, mapagkakatiwalaan
Magaling, meron paba?

Joseph
Joseph: maasikaso, mabait
Magaling!

Jasper
Jasper: Maka – Tao, Maka – Diyos
Magaling!

Pahina 10 ng 13
Magaling, akoy natutuwa dahil mabilis
nyo itong naunawaan.
Wala napo
May katanungan paba mga bata?

Magaling mga bata akong lubos na


nasisiyahan.

Lagi lamang nating tatandaan kapag may


mabuting katangiang meron ang isang
pinuno ay maayus ang pamamahala nito
sa kanyang nasasakupan.

I. Pagtataya ng Kumuha nga papel at isulat ang ating


Aralin pagtataya
Panuto: Lagyan ng TAMA ang
pangungusap kung ito ay nagpapakita ng
mabuting pinuno, lagyan ng MALI kung
hindi.

_____ 1. Ang kapitan ng aming barangay


ay hindi tumutulong sa mahihirap.

_____ 2. Ang lider ng aming samhan ay


laging tumutulong.

_____ 3. Laging inaaway ng principal ang


kanyang mga guro.

_____ 4. Tinatapon ng kapitan ang


basura sa tamang basurahan.

_____ 5. Namimigay ng ayuda ang mga


lider mula sa ibat ibang lugar.
Tapos naba ang lahat
Opo sir
Kung tapos na ay makipagpalit sa katabi
at lagyan ng iniwasto ni.

Narito ang mga tamang sagot.

1. MALI
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. TAMA

Tapos nabang e check?


Opo
Sino ang naka perfect?
Sir kami po
Magaling! akong lubos na nagagalak
sapagkat kayong lahat ay perfect.

J. Karagdagang Para sa inyong takdang aralin isulat ito sa


gawain para sa inyong kwaderno.

Pahina 11 ng 13
takdang-aralin at Panuto: Sa iyong palagay, bakit
remediation mahalaga magkaroon ng mabuting
pinuno?

Naunawan ba mga bata? Isulat ito sa sagutang papel

Maari na kayong magsimula. Opo sir

Makalipag ang 2 minuto.

Tapos naba mga bata?

Ngayon ligpitin ang inyong mga gamit at Opo sir


pulutin ang mga basura sa ilalim ng
inyong mga upuan.

Tapos naba lahat?

Paalam mga bata Opo sir

Paalam napo aiming guro


IV. Mga Tala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-
aaral na nakukuha
ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng iba pang
gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ng
remedial? Bilang
ng mga mag-aaral
na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong

Pahina 12 ng 13
kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni/nina:

John Rey D. Diosay


PANGALAN NG/MGA MAG-AARAL
Ipinasa kay:

Jonalyn R. Usanastre

Pahina 13 ng 13

You might also like