You are on page 1of 8

Grade Level Grade III

Masusing School San Juan Elementary School Learning Area ESP


Banghay Teaching Dates and
Aralin Time Quarter 3rd Quarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananatili ng mga natatanging
Pangnilalaman kaugaliang Pilipino kaalinsabay ng pagsunod sa mga tuntunin at batas na may
kaugnayan sa kalikasan at pamayanan
B. Mga Pamantayan sa Naipagmamalaki ang mga magagandang kaugaliang Pilipino sa iba’t ibang
Pagganap pagkakataon

C. Mga Kasanayan sa Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at pagsabi ng


Pagkatuto “po” at “opo”

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


 Natutukoy ang natatanging kaugaliang Pilipino
 Naisasabuhay ang mga kagandahang asal ng bawat batang Pilipino
 Naitatala ang mga iba’t-ibang kagandahang asal ng bawat batang
pilipino

Code EsP3PPP- IIIa-b – 14


II. NILALAMAN Mga Magagandang Kaugaliang Pilipino: Pagmamano at Paggamit ng Po at
Opo
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian K to12 Gabay Pangkurikulum E.S.P/ MELC, p.89

B. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao, p.132


Kagamitang
Pangmag-aaral
C. Karagdagang PowerPoint Presentation/ Litrato, tarpapel, worksheet
Kagamitan Mula
sa Postal ng
Learning
Resources
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pagsisimula ng
Bagong Aralin.

Panalangin Tayo’y Tumayo at tayo’y manalangin

(panalangin)
Amen…..

Pagbati Magandang Tanghali mga bata! Magandang Tanghali din po sir Jim
Boy

Bago kayo umupo ay inyo munang pulutin


ang mga kalat sa ilalim ng inyong mga silya.

Page 1 of 8
At ayusin niyo ang inyong mga mga silya
ayon sa linyo ng mgat ito.

Pagtatala ng liban
May lumiban ba sa klase? Wala po sir
Mahusay!
Mga Alituntunin sa klase

Ang mga alituntunin natin sa klase ay?


Sinong gusting magbigay?  Makinig
 Itaas ang kanang
kamay kapag gusting
sumagot/sabihin
 Makilahok
Balik Aral
Sinong nakakaalala sa talakayan natin
kahapon?
Ang ating talakayin kahapon ay tungkol Tungkol sa wastong pagtatapon ng
saan? basura sir

Mahusay! Magbigay nga kayo ng mga paraan


sa wastong pagtatapon ng basura?
Itapon ang mga ito base sa kung
anong at saan ito nabibilang sir. Sa
Nabubulok
Di-nabubulok
At Recycle

Ang mga platics at dapat ilagay sa


compost pit at wag sunusin sir

Sa hiwalay na hukay sir at puwedeng


gawing pataba ang mga pinagbalatan
ng prutas or gulay sir o kaya mga
damo na kalaunan ay ginagawang
pataba sa mga halaman.

Pagganyak “Bawat Bata sa ating mundo ”

Lahat ay tumayo at tayo’y kakanta at


sasayaw

Nagustuhan niyo ba ang sayaw? Opo sir!

Tungkol saan ang sinayaw natin? Tungkol sa aming mga bata sir
Mahusay inyong naintindihan ang gusting
ipahiwatig sa atin ng kanta (Ang mag-aaral ay nakikinig)

B. Paglalapat ng Ngayong araw, ating talakayin ang tungkol


Bagong aralin sa mga magagandang asal o kaugalian ng
mga Pilipino na dapat nating panatilihin at

Page 2 of 8
pagyabungin.

Pagkatapos ng talakayan, kayo ay inaasahang;


 Natutukoy ang natatanging (Ang mag-aaral ay nakikinig)
kaugaliang Pilipino
 Naisasabuhay ang mga kagandahang
asal ng bawat batang Pilipino
 Naitatala ang mga iba’t-ibang
kagandahang asal ng bawat batang
pilipino

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin

Ano ang nakikita ninyo sa unang larawan? Mga batang nagmamano sa lolo at lola
nila ma’am.

Sa ikalawang larawan, ano naman ang


ginagawa ng lalaki sa matanda? Ang ginagawa ng lalaki sa matanda ay
tinutulungan niyang makatawid sa
kalsada
(ang guro ay magpapaliwanag sa bawat ibig
sabihin ng litrato) (Ang mag-aaral ay nakikinig)

D. Pagtalakay ng Ano-ano ang mga magagandang asal o


bagong konsepto at kaugalian ang naipakita sa mga larawan Pagmamano at pagtulong o pagiging
paglalahad ng bagong kanina? matulungin sir.
kasanayan #1
Mahusay!

Bilang isang batang Pilipino, magandang asal


ba ang pagmamano sa mga nakatatanda? Opo!

Bakit? Paano mo nasabing magandang asal


ang pagmamano at pagtulong sa mga
nangangailangan? Dahil ang mga ito po ay nagpapakita
ng pagpapahalaga, pagmamahal at
pagrespeto sa mga nakatatanda at sa
kapwa sir

Tama! Kilala ang bawat Pilipino na sila ay


magagalang at matulungin, at ito ay dapat
nating panatilihin dahil isa ang mga ito sa
pagkakakilanlan nating mga Pilipino.

Naintindihan ba? Opo sir!

Sino ang nagmamano sa mga nakatatanda sa Ako sir


inyo halimbawa sa lolo at lola ninyo, sa mga
magulang, sa mga tita at tito?

Page 3 of 8
Palakpakan natin sila! Sino naman ang
marunong tumulong sa mga sir, ako!
nangangailangan?

Sa inyong mga magulang, paano niyo sila


tinutulungan? sir sa pamamagitan ng pagwawalis,
paghuhugas, paglilinis at pagbantay
sa mga nakababatang kapatid ma’am.
Iniiwasan din naming ang pagkalat
upang hindi makadagdag sa gawain
ng nanay namin ma’am. Kami rin ay
masunurin sa kanila ma’am.

Paggamit ng po at opo sa tuwing


Tama! Maliban sa pagmamano at pagtulong, nakikipag-usap sa mga mas
ano-ano pa kaya ang mga paraan upang nakatatanda sir
maipakita natin ang ating pagpapahalaga sa
ating pamilya at sa mga tao sa ating paligid?

Mahusay! Ano pa, ano ang dapat itawag sa Apung/lolo at lola/ para sa mga
mga magulang ng nanay at tatay niyo, sa magulang ng aming nanay at tatay
mga kapatid nila? ma’am at anti/tita at angkel/tito
naman para sa mga kapatid nila.

Ate/manang at kuya/manong sir.


Paano naman sa mga kapatid ninyong
nakatatanda kesa sa inyo, ano tawag ninyo sa
kanila?

Wow! Ang babait niyo talaga Grade 3.


Palakpakan ninyo ang inyong sarili.

Ngayon, base sa mga nabanggit ninyong mga Ang magandang asal ay ang
kaugalian, ano ang ibig sabihin ng pagpapakita ng pagpapahalaga,
magandang asal? pagmamahal at pagrespeto sa kapwa
sir

Mahusay mga bata!

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng
paglalahad ng bagong pangkatang gawain ang iskor ng bawat
kasanayan #2. grupo ay ibabase sa ating batayan.

(Ang mag-aaral ay nakikinig)

May katanungan ba sa ating batayan?

Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo.

May katanungan ba? Wala po sir

Page 4 of 8
Pagkatapos ninyo sa gawain ninyo ay idikit
ninyo ito sa pisara para inyo itong ipresenta
pag tapos na ang lahat sa kanilang gawain.
maliwanag?

Unang Pangkat:

Panuto: Basahin at unawain ang kwento.


Piliin at kopyahin sa sagutang papel ang mga
pangungusap na nagpapahayag ng pagiging
magalang at matulungin.

“Ang Batang Matulungin at Magalang”

Ikalawang Pangkat:
Panuto: Hanapin sa crossword puzzle ang
mga salita na nagpapahayag ng pagtulung at
paggalang sa kapwa.

A P U N G P
X V T Y H M
M G K U Y A
A N T I P N
N Y O P O O
A T E D H N
N E N Z S G
G P Q L M S
Pahalang:
1. 5.
2.
3.
4.

F. Paglinang sa
Kabihasaan Lahat at tumingin sa pisara Oral Recitation
Manood at makinig sa kwento.

(Si Jose ang Batang Magalang)


https://youtu.be/bLvRGf9pv5Q

Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? Ang mga tauhan sa kwento ay sina
Jose, Nanay Lorna, Mang Melchor,
Aling Helen, mang Caloy at Ben po sir

Sino ang batang magalang sa kwento? Si Ben po sir

Ano-ano ang mga magagandang katangiang Pagiging magalang sa mga


o magagandang asal na ipinakita ni Ben sa nakatatanda, pagiging masunurin at
kwento? matulungin sa magulang at sa kapwa
at pagmamalasakit sir

Ano-ano ang mga ginamit na salita sa kwento Ang paggamit ni Ben ng po at opo sa

Page 5 of 8
na nagpapakita ng paggalang sa mga tuwing nakikipag-usap sa mga
nakatatanda? nakatatanda sir

Mahusay mga bata!

Bakit kailangan nating maging magalang at


bakit natin kailangang taglayin ang mga Upang mahalin din tayo ng ibang tao
magagandang asal? sir

Ano pa kaya?
Upang tayo ay igalang din sir
Magaling!

Ano pa? Upang lumaking magalang at mabait


sir
Mahusay!

Tama! Ngunit, tandaan ninyo na hindi lang


ito ang rason mga bata, bilang isang Pilipino
ay kasali na ito sa ating kultura-ang pagiging
magalang at matulungin. Gumamit ng po at
opo sa tuwing nakikipag-usap sa mga
nakatatanda at dapat ay lagging handang
tumulong sa kahit sino mang
nangangailangan. Ang mga ito ay mga
kaugaliang tayong Pilipino lamang ang
tumataglay at ito ay hinahangaan ng mga
banyaga. Ang mga ito rin ang dahilan kung
bakit gustong-gusto ng mga banyaga ang
mga Pilipino. At dapat nating ipagmalaki ang
mga ito. Naintindihan ba mga bata? Opo sir!

Uuitin ko, bakit kailangan nating taglayin


ang mga magagandang asal bilang isang
Pilipino?

Mahusay! Bilang isang Pilipino, ikinararangal


mo ba na ikaw ay magalang at matulungin?

Dapat lang. Ipagmalaki mo ito sa kahit na


anong pagkakataon. Ang mga magagandang
asal na ito ay mga katangiang natatangi
lamang sa atin na lubos na hinahangaan ng
mga banyaga, at bilang isang Pilipino,
nararapat lamang na ipagmalaki mo ito.
Kung kaya, kailangan niyo itong matutunan,
maisagawa at maisabuhay dahil ang mga ito Dahil sa parte na ito ng ating kultura
ay hindi dapat mawala sa ating kaugalian. at ang mga ito ay ang ating
Maliwanag? pagkakakilanlan sir.

Bakit kailangang malaman, maisagawa at


maisabuhay ninyo ang pagiging magalang at Opo sir!
matulungin?

Mahusay! Opo sir!

Page 6 of 8
Dahil ang mga ito ay parte na ng ating
kultura at ito ay ating pagkakakilanlan
sir
G. Paglalapat ng Bakit nga ba kailangan nating matutunan,
aralin sa pang araw- maisagawa at maisabuhay ang mga
araw magagandang asal tulad ng pagiging Dahil ang mga ito po ay parte ng ating
magalang at matulungin? kultura bilang isang Pilipino at ang
mga ito ay ang pagkakakilanlan natin
sir.

Mahusay!

(Ang mga bata ay nakikinig)

H. Paglalahat sa Mga bata ano ulit ang ating talakayan


Aralin ngayon? Mga kagandahang asal po sir

Magbigay nga kayo. Pagmamano at pagsasabi ng po at opo


sir

Pagsunod rin sa mga payo ng mga


nakakatanda po sir
I. Pagtataya ng
Aralin A. Panuto: Piliin ang tamang sagot at
bilugan ito.
1.Ito ay mga katagang ginagamit kapag
nakikipag-usap sa mga nakatatanda.
1. B
a. Bakit at hindi
b. Po at opo
c. Ayoko at hindi

2.Ginagamit natin ang mga katagang ito


kapag nakikipag-usap sa mga nakatatandang
kapatid. 2. A

a. Manong at manang
b. Angkel at anti
c. Lolo at lola

3.Ginagamit natin ang mga katagang ito sa


tuwing nakikipag-usap sa kapatid ng ating
mga magulang. 3. C

a. Lolo at lola
b. Manong at manang
c. Angkel at anti

4.Ginagamit ang mga katagang ito kapag


nakikipag-usap sa magulang ng ating nanay
at tatay 4. A

a. Apung o lolo at lola

Page 7 of 8
b. Anti at angkel
c. Manang at manong

5.Ito ay kaugaliang nagpapakita ng


pagmamalasakit, pagmamahal at paggalang
sa ating kapwa. 5. A

a. Magandang asal
b. Pangit na kaugalian
c. Kawalan ng pakialam

V. KARAGDAGANG
GAWAIN
(OPSIYONAL)
J. Takdang-Aralin
Panuto: Maglista ng lima (5)
natatanging kaugalian ng mga
Pilipino ilagay ito sa inyong
kuwaderno.

VI. Tala

VII. Paglilinay

Inihanda ni: Iniwasto ni:


Jim Boy Cadiente Bumalin Cecelia Mina Reboca
Intern Gurong Tagapagsanay

Page 8 of 8

You might also like