You are on page 1of 12

PAARALAN BAITANG/

Ema Emits College ANTAS Baitang 11


Philippines
GURO: DISIPLINA:
Arlinda M. Pestano
PANG-ARAW-ARAW NA ORAS/PETSA MARKAHAN:
BANGHAY ARALIN SA NG 2:00-3:00 p.m Unang Markahan
FILIPINO PAGTUTURO March 17, 2022

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum.Sundin ang
pamamaraan upang matamo ang layunin,maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang
Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation Assessment.Ganap na mahuhubog ang
mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa
Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.
A. Pamantayang Nauunawan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na
Pangnilalaman katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
B. Pamatayan sa Nakagagagwa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang
Pagganap Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ai inaasahang:
sa Pagkatuto a. napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan(F11PS-IIe-87).
b. napagtitibay ang Kakayahang Diskorsal sa pamamagitan ng mga paraan ng
pagpapahaba ng pangungusap,at;
c. nailalahad ang kahalagahan ng pagpapahaba ng pangungusap sa
pakikipagkomunikasyon.
II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay sa
Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.

a. Paksa
KAKAYAHANG DISKORSAL:PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP

III. KAGAMITANG PANTURO


Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw.Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na
mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
1. Mga pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk Pahina 125-126
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources (LR)
b. Iba pang kartolina, marker, tape, bondpaper, laptop, power point,
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa bawat araw.
Para sa holistikong pagkahubog , gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment.
Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng analitikal at kusang magtaya ng
dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A..Balik – aral sa Pang-araw-araw na gawain
nakaraang aralin o
pagsisimula ng bagong A. Panalangin
aralin
Magsitayo ang lahat. Clarrise, pangunahan mo
ang panalingin?
Panginoon, maraming salamat po sa araw
na ito. Gabayan n’yo po kami sa araw na
ito. Amen.
B. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat.


Magandang umaga rin po Bb. Pestano
C. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago kayo umupo pakiayos ng inyong mga


upuan at pakipulot ang kalat na inyong
nakikita.
(aayusin ng mga mag-aaral ang mga upuan
at pupulutin ang mga kalat)
D. Pagtatala ng liban sa klase

Ma. Mariz, maaari mo bang sabihin kung sino


ang liban ngayong araw?
Maam wala pong liban ngayong araw.
Mainam kung ganun.

E. Balik-aral

Ang paksang pinag-aralan natin kahapon ay


ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga
Filipino.
Magbigay ng mga Pahiwatig na ginagamit
Pangkomunikasyon ng mga Filipino,
Crieshell?
Mga salitang di-tuwirang pagtukoy po tulad
ng pahaging at padaplis.
Tama,Magaling! Crieshell.
Ano pa, Janice?
Parinig at pasaring po maam na ang
pinatatamaan ay ang mga nakakarinig hindi
ang kausap.

Tama,Magaling! Janice.
Ano pa, Rogen?
Mga salitang kumukuha ng atensyon sa
pamamagitan ng pandama, ito po ay
paramdam at papansin.
Tama,Magaling!Rogen.
Ano pa, Mariz?
Ito po ay salita na ang dating sa kausap ay
pinatatamaan siya.
Ang sagasaan at paandaran.
Tama,Magaling! Mariz.
Lubos niyo ngang naunawaan ang ating paksa
kahapon.
B. Paghahabi sa Bago tayo magpatuloy, Cristine maaari mo
Layunin ng Aralin bang basahin ang ating layunin.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral
ay inaasahang;
a. napipili ang angkop na mga salita
at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa
kausap, pinag-uusapan, lugar,
panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan.
b. napagtitibay ang Kakayahang
Diskorsal sa pamamagitan ng
mga paraan ng pagpapahaba ng
pangungusap, at;
c. nailalahad ang kahalagahan ng
pagpapahaba ng pangungusap sa
pakikipagkomunikasyon.
C. Pag – uugnay ng May ipapakilala akong matalik kong kaibigan
mga halimbawa sa na si Dora na mahilig mamasyal at
aralin magtanong, lumutas ng problema.
Tutulungan natin si dora na resolbahin ang
kaniyang problema sa pamagitan ng
pagdurogtong ninyo sa kwento.

Uumpisahan ko ang kwento at kayo ang


magdurogtong para matulungan natin si Dora.

Si Dora at si Boots ang laging magkasama


dahil sila ay mahilig mamasyal nakita nila ang
bata na umiiyak dahil ang saranggola ng bata
ay sumabit sa puno.

Simulan mo ang pagdurogtong ng kwento,


Mariz?
Kinausap ni Dora ang bata at pinatahan
naman ito ni Boots para hindi na umiyak,
Sinabi ni dora na kukunin nila ang
saranggola ng bata, pero kelangan nila ng
tulong…
Magaling,! Dugtungan mo, Clarisse?
Tinawag ni Dora ang kaniyang mahiwagang
back pack.
Nagsalita si back pack,
“ako ang kelangan niyo Dora upang
matulungan ang umiiyak na bata”
Sabi ng kaniyang mahiwagang back pack.
Nilabas ni back pack ang mga pagpipilian at
ang laman ng bag a y ang lubid, gunting,
tape, at hagdan…
Magaling! Clarrise.
Dugtungan mo, Ma. Teressa?
Pumili sina Dora at Boots, unang nilabas
ang gunting.
Nagtanong si Dora, magagamit ba natin ang
gunting sa pagkuha ng saranggola?
Mukang hindi Dora tugon ni Boots…
Magaling! Ma. Teressa.
Dugtungan mo naman Janiella?
kaya si Boots naman ang kumuha sa loob ng
bag, nakuha niya ang tape.
Magagamit ba natin ang tape? tanog niya.
Malabo Boots sagot ni Dora.
Kaya bumunot ulit si Dora, nabunot niya
ang hagdan…
Magaling! Janiella.
Dugtunga mo nga Irish?
Ito Boots magagamit ba natin ang hagdan?
tanong ni Dora.
Subukan natin Dora, ang tugon ni Boots…
Magaling! Irish.
Tapusin mo ang kwento, Joy?
Inakyat ni Dora ang puno at nakuha niya
ang saranggola, iniabot ito sa batang
maligaya na dahil kay Dora.
Naresolba na ni Dora at Boots ang problema
kaya nagpatuloy ulit mamasyal ang dalawa.
Magaling! Joy.
Hayaan na muna nating mamasyal sina Dora
at Boots para marami pang matuklasan.
Dumako na tayo sa ating bagong talakayan.
D. Pagtalakay ng Sa iyong palagay ano ang Kakayahang
bagong konsepto at Diskorsal? Christine.
paglalahad ng Ito po ay pangungusap na may koneksyon o
bagong kasanayan pagkakasunod-sunod ng mga salita.
Tama. Magaling!
Ang Kakayahang Diskorsal ay tumutuon
hindi sa interpretasyon ng mga indibidwal na
pangungusap kundi sa koneksyon ng
magkakasunod na mga pangungusap tungo sa
isang makabuluhang kabuuan ng
pangungusap.
Sa madaling sabi ito ay nagpapalinaw ng
pangungusap.

Maaari bang pakibasa, Janiella.


PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN
NG KATAGA- Napapahaba ang
pangungusap sa pamamagitan ng mga
katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala,
at iba pa.
Salamat, pwede ka nang umupo

Ang kataga o ingklitik ay karaniwang


sumusunod sa unang salita sa pangungusap.
Ito ay may labing anim na paang-abay
Man Yata Naman
kaya Ba Nang
Din/rin Na Lamang
Pala Sana Muna
kasi Tuloy Daw/raw
Lang Pa

Ito ang iba pang tinutukoy sa kataga na


pwedeng magamit sa pagpapahaba ng
pangungusap. Hindi tayo makakabuo ng
malinaw at maayos na salita o pangungusap
kung wala itong mga kataga.
Ang mga kataga ay parang sangkap din sa
lutuin, hindi ito sasarap kung kulang ang mga
sangkap.

Halimbawa, pakibasa ng halimbawa, Rogem.


Bukas ba?
Bukas pa ba?
Bukas pa nga ba?
Bukas pa nga pala.
Bukas pa naman pala.
Mayroon akong halimbawa dito.
Dugtungan mo nga gamit ang mga Kataga,
Irish?
Kakain na.
Kakain na.
Kakain na daw.
Kakain pa lamang daw.
Magaling! Salamat. Isa pang halimbawa,
Janiice?
Magsasampay ba?
Magsasampay ba?
Magsasampay pa ba?
Magsasampay naman pala.
Magaling! Salamat.
Pakibasa ng sunod, Clarisse?
PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN
NG PANURING- Napapahaba ang
pangungusap sa tulong ng nga panuring na,
ng at g.
Salamat, Clarisse.
Ito ay may dalawang uri ng panuring ang
pang-uri at pang-abay. Ang pang-uri ang
panuring sa pangngalan at panghalip, ang
pang-abay ay bahagi ng pananalita na
nagbibigay-turing sa pandiwa.

Halimbawa. pakibasa ng halimbawa, Janiella.


Si Rogen ay estudyante.
Si Rogen ay estudyante ng EMA EMITS.
Salamat, pakibasa pa ng sunod na halimbawa,
Mariz.
Si Clarrise ang muse.
Si Clarrise ang muse ng klase.
Salamat, Mariz.
Abilidad ng isang tao na makabuo at
makaunawa ng maayos at makagawa ng
makabuluhang pangungusap.

Nauunawaan ba ang halimbawa?


Opo.
Mainam kung ganun, maaari bang magbigay
ng halimbawa, gamit ang na ng Panuring,
Janice?
Si Val ay maingay.
Si Val ay maingay na kumakain sa canteen.
Tama, Magaling! Janice
Isa pang halimbawa Irish?
Lumabas sa klase.
Lumabas sa klase para bumili ng pagkain.
Tama, Magaling! Irish
Pakibasa ng sunod, Joy.
PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN
NG KOMPLEMENTO- Napahahaba ang
pangungusap sa pamamagitan ng
komplememto o ang bahagi ng panag-uri na
nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa.
Meron itong iba’t ibang uri ng komplemento
ng pandiwa.
Pakibasa, Rogen
A. KOMPLEMENTONG
TAGAGANAP- Isinasaad ang gumagawa
ng kilos. Pinangungunahan ng panandang
ng, ni, at panghalip.
Salamat, Rogen.
Ang tagaganap ang nagpapakita ng kilos ng
gumaganap .
Halimbawa. Pakibasa ng halimbawa,
Christine.
Itininda ni Mariz ang ukay.
Itininda ng nanay ni Mariz ang ukay.
Itininda ng kaibigan na babae ang ukay.
Salamat, Christine.
Ang ginamit na pananda ay ang ni, at ng.
ang tagaganap ay si Mariz.

Nauunawaan ba ang komplementong


tagaganap?
Opo.
Magbibigay ako ng halimbawa at inyo itong
dudogtungan.
Dugtungan mo ang halimbawa, Joy?
Pinuntahan ni Mark si Joseph.
Pinuntahan ni Mark si Joseph.
Pinuntahan ni Mark si Joseph para maglaro
ng Basketball.
Tama, Magaling! Joy.
Isa pang halimbawa, Clarisse?
Kinain ni Tyron ang sinabi niya.
Kinain ni Tyron ang sinabi niya.
Kinain ni Tyron ang sinabi niya ng iwan
niya si Clarisse.
Tama, Magaling! Clarisse.
Pakibasa ng sunod Janiella.
B. KOMPLEMENTONG
TAGATANGGAP- Isinasaad kung sino
ang nakikinabang sa kilos.
Pinangungunahan ng mga pang-ukol na
para sa, para kay, at para kna.
Salamat, Janiella.
Ang tagatanggap ay kung sino ang
nakikinabang at kung para kanino tinutukoy
ang pangungusap.
Halimba, pakibasa ng halimbawa, Rogen.
Bumili ng pasalubong si Mariz para sa
kaniyang anak.
Bumili ng pasalubong si Mariz para kina
Jallel at Maverick.
Salamat, Rogen.
Ang ginamit na panda ay ang para sa, at para
kina, ang Tagatanggap ay ang kaniyang anak.

Nauunawaan ba ang Komplementong


Tagatanggap?
Opo.
Magbibigay ako ng halimbawa at inyo itong
dudogtungan.
Dugtungan mo, Irish.
Nagbigay ng tulong si Rogen para kay Juan.
Nagbigay ng tulong si Rogen para kay
Juan.
Nagbigay ng tulong si rogen para kina Juan
at pedro.
Tama, Magaling! Irish.
Isa pang halimbawa, Christine?
Ipinaabot ni Crieshell ang regalo para kay
Clarisse.
Ipinaabot ni Crieshell ang regalo para kay
Clarisse.
Ipinaabot ni Crieshell ang regalo para sa
kaarawan ni Clarisse.
Tama, Magaling! Christine.
Pakibasa ng sunod Joy?
C. KOMPLEMENTONG GANAPAN-
Isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.
Pinangungunahan ng panandang sa at mga
panghalili nito.
Ang komplementong ganapan ay ang lugar na
pinangyayarihan ng isang pangungusap, ito ay
tinutukoy na lugar o pinangyayarihan.

Halimbawa, pakibasa ng halimbawa, Joy.


Pumapasok si Janice sa EMA EMITS.
Pumapasok siya riyan.
Pumapasok siya roon.
Pumapasok siya rito.
Salamat, Joy.
Ang panghalili na komplementong ganapan
ay ang dito,doon,roon,diyan,riyan, at rito.

Magbibigay ako ng halimbawa at inyo itong


dudogtungan.
Dugtungan mo ang halimbawa, Janice?
Nakita ko sina Clarrise at Mariz sa park.
Nakita ko sina Clarrise at Mariz sa park.
Nakita ko sila roon
Nakita ko sila rito
Nakita ko sila riyan
Isa pang halimba, Irish?
Nailagay niya ang bag.
Nailagay niya ang bag.
Nailagay niya ang bag doon.
Nailagay niya ang bag diyan.
Nauunawaan ba ang komplementong
ganapan?
Opo.
Pakibasa ng sunod, Agnes.
D. KOMPLEMENTONG SANHI-
Isinasaad ang dahilan ng pangyayari ng
kilos. Pinangungunahan ng panandang
dahil sa, o dahil kay at mga paghalili nito.
Salamat, Agnes.
Ano ang pang-unawa mo sa komplementong
sanhi, Janice?
Ito po ay naging sanhi ng isang pangyayari
o ng kilos.
Tama, magbigay ka nga ng halimbawa ng
komplementong sanhi?
Nabasa si Crieshell dahil sa ulan.
Tama, Magaling! Janice.
Meron ditong mga halimbawa ng
komplementong sanhi, pakibasa Rogen.
Naghabol ng grade si Anna dahil sa marami
siyang kulang.
Salamat, Anong sanhi Rogen?

Ang naging sanhi po maam ay dahil marami


siyang kulang na ipapasa kaya si Anna ay
Tama, Magaling! Rogen. naghabol ng grade.
Pakibasa ng isa pang halimbawa, Janice.

Salamat, anong sanhi janice? Nasaktan si Clarrise dahil kay tyron.

Ang sanhi po ay sinaktan ni Tyron si


Clarisse.
Tama, Magaling! Janice.
Nauunawaan ba ang komplementong sanhi?
Opo.
Maaari bang magbigay ng halimbawa, Ma.
Teressa.
Sumakit ang tiyan ni Val dahil sa panis na
ulam.
Tama, Magaling! Ma.Teressa.
Pakibasa ng sunod, Janilla.
E. KOMPLEMENTONG LAYON-
Isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng
pandiwa. Pinangungunahan ng panandang
ng.
Salamat, Janiella.
Ang komplementong layon ay nagsasaad ng
bagay o mga bagay na tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa, pakibasa ng halimbawa, Joy.
Tumanggap ng parangal si Mariz.
Salamat, Joy.
Ang layon ay ang parangal at ang pananda ay
ng. Ito ay sumasagot sa tanong na ano?
Ano ang natanggap ni Mariz?
Ang parangal.

Nauunawaan ba?
Opo.
Isa pang halimbawa, pakibasa Clarrise.
Ginawa niya ang programang ito para sa
ikauunlad ng ating bansa.
Salamat, ano ang layon na tinukoy sa iyong
nabasa Clarisse?
Layon niyang paunlarin ang ating bansa at
ang pananda na ginamit ay ng.
Tama, Magaling! Clarisse.
Nauunawaan ba ang komplementong layon?
Opo.
Maaari bang magbigay ng halimbawa,
Christine?
Nagbigay ng tulong si Marcos sa mahihirap.
Ang ginamit na pananda ay ng at ang layon
nito ay tumulong.
Tama, Magaling! Christine.
Pakibasa ang huling komplemento, Irish.
F. KOMPELEMENTONG
KAGAMITAN- Isinasaad ang
instrumentong ginamit upang
maisakatuparan ang kilos.
Pinangungunahan ng pariralang sa
pamamagitan ng at mga paghalili nito.
Salamat, Irish.
Ang komplementong kagamitan ay ginagamit
para maisakatuparan ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa, pakibasa ng halimbawa, Mariz.
Inikot ni Alex ang park.
Inikot ni Alex sa pamamagitan ng bisekleta
ang park.
Salamat, anong kagamitan ang ginamit ni
alex? Mariz.
Sa pamamagitan ng bisekleta po maam.
Tama, Magaling!
Pakibasa ng sunod na halimbawa, Janice.
Si Raul ay naghukay sa bakuran sa
pamamagitan ng pala.
Salamat, anong bagay o instrumento ang
ginamit ni Raul? Janice.
Sa pamamagitan ng pala.
Tama, Magaling!
Nauunawaan niyo ba ang komplementong
kagamitan?
Opo.
Mainam kung ganun, maaari bang magbigay
ng halimbawa, Clarisse.

Tama, Magaling! Clarisse.


Isa pang halimbawa, Mariz.

Tama, Magaling! Mariz.

Maaari bang pakibasa ang sunod, Joy?


PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN
NG PAGTATAMBAL- Napagtatambal
ang dalawang payak na pangungusap sa
pamamagitan ng mga pangatnig na at,
ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa.
Salamat, Joy.
Ang pagtatambal ay pagtatambal ng dalawang
payak na pangungusap, para makabuo ng
dalawang payak na pangungusap.
Halimbawa, pakibasa ng halimbawa, Rogen?
Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay
at nagtitinda sa palengke ang kaniyang
nanay.
Salamat, Rogen.
Napansin niyo ba na dalawang pangungusap
ang nabuo gamit ang at?
Opo.
Mainam kung ganun, pakibasa ng isa pang
halimbawa, Joy?
Dumating ang kanyang guro sa kanilang
bahay subalit nakaalis na ang kanyang mga
magulang.
Salamat, Anong ginamit na pagtatambal joy?
Ang ginamit pong pagtatambal ay
subalit,kaya naging dalawa din ang
pangungusap.
Tama, Magaling! Joy.
Nauunawaan niyo ba ang pagtatambal?
Opo.
Kung ganun, maaari bang magbigay ng
halimbawa, Rogen?
Binigay ko na ang lahat ngunit hindi padin
sapat.
Tama, Magaling! Rogen.
E. Pagtalakay ng
bagong konsepto
paglalahad ng
bagong kasanayan
#2
F. Paglinang sa Alamin pa natin nang mabuti ang ating paksa.
kabihasaan Ipapangkat ko kayo sa dalawa, ito ang unang
(Tungo sa grupo at itong kabila ang pangalawang grupo.
Formative
Assessment) Magbibigay ako ng mga salita na pahahabain
niyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga
pananda, sasabihin ko kung saang
pangungusap ang gagamitin. Ito ay pabilisan
ng sagot ang unang makasagot ng tama ang
siyang may puntos.
May dalawang puntos ang mananalo.

Ang unang pangungusap na gagamitin ay ang


Paggamit ng Kataga

AALIS SIYA
Sagot: Pala, na nga, kasi, yata, sana,
naman, nga, daw, lamang.
(ibibigay ang puntos sa nanalo)

ang sunod ay Paggamit ng Komplementong


Tagatanggap.

NAGPALUTO

Sagot: para sa, para kay, para kina.


(ibibigay ang puntos sa nanalo)

Ang sunod ay Paggamit ng Komplementong


sanhi.

NAPASO SI BOYET

Sagot: dahil sa, dahil kay.


(ibibigay ang puntos sa nanalo)

Ang sunod na Paggamit ay ang


Komplementong Layon.

NAGTINDA
Sagot: ng.
(ibibigay ang puntos sa nanalo)

Ang sunod ay magbibigay ako ng limang


puntos sa makakatama ng sagot kung anong
paggamit ito ng Pangungusap.

Dahil kay Rose, nahuli ng dating si Jane.


Sagot: Komplementong Sanhi
(ibibigay ang puntos sa nanalo)

Sa papamagitan ng internet, napapabilis ang


pagkuha ng impormasyon.
Sagot: Komplementong Kagamitan
(bibilangin ang puntos at sasabihin ang
nanalo)
G. Paglalapat ng Ano ang kahalagahan ng pagpapahaba ng
Aralin sa Pang- pangungusap, kapag tayo ay nakikipag-usap?
araw – araw na Janice. Napapanatili nito ang magandang usapan.
buhay
Ikaw Irish?
Nagkakaroon ng magandang relasyon sa
pagitan ng mga nag-uusap.
Magaling! Irish.
H. Paglalahat ng Aralin Muli nating balikan ang ating mga tinalakay.

Ano ang mga paggamit na pangungusap?


Rogen.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga,
Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring,
Pagpapahaba sa pamamagitan ng
komplemento
At pagpapahaba sa pamamagitan ng
pagtatambal.
Tama, Magaling! Rogen.
Janice, ano ang nakapaloob sa pagpapahaba sa
paggamit ng komplemento?
Komplementong tagaganap,
Komplementong tagatanggap,
komplementong ganapan,
komplementong sanhi ,
Komplementong layon
at komplementong kagamitan
Tama, Magaling!
Nauunawaan ba?
Opo!
Meron pa bang katanungan?
Wala na po!
I. Pagtataya ng aralin Dahil lubos na ninyong naunawaan ang ating
aralin, meron akong ibibigay na pagsusulit.

(ibibigay ang papel na sasagutan)


Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng
kaganapan ng pandiwa. Pumili sa mga
sumusunod: tagatanggap, tagaganap,
ganapan, sanhi, layon, at kagamitan.

1. _______ Regular na umiinom ng


gamot ang aking lola.
2. _______ nabaon sa utang si Marites
dahil sa pagkakalulong sa sugal.
3. _______ magkakasundo lamang
sila sa pamamagitan mo.
4. _______ ibinalot ni jay ang mga
tirang pagkain.
5. _______ naghanda ng regalo si
Thea para sa kaniyang kapatid.
Tapos na ba magsagot ang lahat?

Opo.
Ipasa ang papel pauna at makipagpalitan sa
kabila.
(ipapasa ang papel pauna at
makikipagpalitan sa kabila)
Sagot.
1. Layon
2. Sanhi
3. Kagamitan
4. Tagaganap
5. Tagatanggap
(ipapasa ang papel)
Ipasa ang papel pauna
J. Karagdagang Kunin ang inyong kwaderno at pakisulat ang
Gawain at Takdang- inyong takdang aralin.
Aralin (isusulat ng mga mag-aaral ang takdang
aralin.)
Tapos na bang magsulat?
Opo.
Janiella, maaari bang pakibasa ang panuto?
Panuto:Isulat sa patlang ang uri ng
kaganapan ng pandiwa. Pumili sa mga
sumusunod: tagatanggap, tagaganap,
ganapan, sanhi, layon, at kagamitan.

1. ______ Nagtayo sila ng mansyon sa


kapatagan.
2. ______ Nabubuhay ang ating mga mga
ninuno sa pamamagitan ng pangungusap at
pagsasaka.
3. ______ Binili ni Rogen ang bulaklak.
4. ______ Nagpiknik sila sa tabing ilog.
5. ______ Nagluto ng pagkain si Clarisse
para sa mga bisitang darating.
May tanong pa?
Wala na po!
Kung ganun, paalam na hanggang sa muli.
Paalam na rin po!
V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo.Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa
bawat lingggo.Paano mo naisakatuparan .Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulunga ? Tukuyin
ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong
pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng paggabay
ng guro (bawat pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remedyasyon
E. Alin sa aking mga estratehiya
ang epektibong gamitin? Bakit
nasabing ito ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?
Inihanda ni:
Arlinda M. Pestano
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

G.Mark Angelo S. Solas, LPT.


Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:
G.Emerson L. Guerra,LPT.
Tagapag-ugnay ng Asignatura ( Filipino )

Pinagtibay ni:
Dr. Junrey P. Petere
Prinsipal

You might also like