You are on page 1of 4

GRACE MISSION COLLEGE

Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

MODYUL 2
( LINGGO 4)
IBA’T-BANG MATATALINGHAGANG PAHAYAG
Mga Kaisipang Angkop sa Pagpapahayag
Ayon kay Pagkalinawan(2004), ang wika ay salamin ng kaisipan at saloobinng tao. Sa pagpapahayag ng
tao, pasulat man o pasalita, wika ang gamit. Piling mga salita ang dapat at yaong malapit sa kalooban ng manunulat.
Nararapat ang piniling mga salita upang ang matamo ay indayog sa pagpapahayag.
Ayon kay Trudgill, ang wika’y di lamang sa pakikipagtalastasan o pagbibigay ng impormasyon, manapa ang
pahayag ay ginagamit upang mapanatli ang magandang ugnayan, pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga mambabasa.
Ayon kay Dr. Ofelia Silapan at Prop. Ligaya Rubin (1999), ang kalinawan, kawastuhan at katiyakan sa
pagsusulat at pagsasalita ay natutupad kung sapat ang talasalitaan sa pagpapahayag.” Sa lawak ng talasalitaan ng
manunulat, nagagamit at nagagawa niyang maiangkop ang mga salitang ito sa anumang isinusulat o sinasabi.

IBA’T IBANG DALUYAN NG MATATALINGHAGANG PAHAYAG


A. SALAWIKAIN
Ang salawikain ay nakasulat sa anyong patula kayat may sukat at tugma. Mayaman ito sa kagandahang
asal at nagsisilbing panggising sa mga taong natutulog sa kasamaang asal. Maituturing na matalinghaga dahil
magkaminsan si tahasang sinasabi ang tunay na kahulugan.
Halimbawa:
Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang kubo na ang nakatira ay tao.
B. SAWIKAIN
Ito ay nagsasad din ng kagandahang asal ngunit di kasinlalim ng ipinahahagay ng salawikain. Kumbaga
tanging mga paalala ito sa taong nakakalimot kaya mababaw lamang ang aral na ibinibigay.
Halimbawa:
Magpakahaba-haba man ang prusisyon sa simbahan pa din ang tuloy.
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
C. KASABIHAN
Ito ay bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa dapat gawin sa buhay. Sa
anyo, kadalasa’y anyong patula na isa o dalawa ang taludtod na may sukat at tugma.
Halimbawa:
1. Sa kapipili, ang nakuha ay bungi
2. Ang tumilaok siyang nangitlog.

D. IDYOMA
Ito ay matatalinghagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang tunay na kahulugan nito. Natututuhan
ang kahulugan ng idyoma sa tulong ng malalim na pagunawa sa diwa ng pangungusap.
Halimbawa:
Naniningalang pugad - nanliligaw
Kabungguang balikat - kaibigan
Di mahulugang kaibigan –matao

E. TAYUTAY
Anumang pahayag ay gumaganda kung katuwang nito’y mga tayutay sa iba’t-ibang uri nito.
1. Pagtutulad/Simili- ang paghahambing ng dalawang bagay sa tulong ng mga salitang pahambing sa masining
na pahayag.
Halimbawa:
Simputi ng labanos ag binti ni Adela.
Ang ugali niya’y kawangis ng asong ulol.
2. Pagwawangis/Metapor- ang paghahambing ng dalawang bagay o tao na di ginagamitan ng anumang salitang
pahambing. Tahasang binabanggit ang salitang katulad ng isang bagay o anumang inihahambing sa
pinaghahambingan.
Halimbawa:
Labanos ang binti ni Adela.
Ang ugali niya’y asong ulol.
3. Personipikasyon- ito ang uri ng tayutay a ang bagay na walang buhay sy mistulang may buhay sa tulong ng
pandiwa. Dito, pandiwa na kadalasang ginagamit sa tao upang ilarawan ay siya ring ipinanlalarawan sa bagay
upang mag-anyong may buhay.
Halimbawa:
Lumalakad ang ulap sa kalawakan.
Tumatangis ang ulap sa kalawakan.
4. Paurintao- uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pang-uri. Ang
pang-uring gamit ay pantao na ikakapit sa bagay kaya ang bagay na inilalarawan ay waring may buhay na’t
gumagalaw.
Halimbawa:
Ang masinop kong sapatos, palagi akong dala-dala.
Ang matalino kong bolpen di ako binibigo.
5. Sinekdoke- uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan. Maaaring bahagi ng
katawan ng isang tao o bahagi ng bagay na kahit bahagi lang ang banggitin, tumutukoy na ito sa kalahatan.

Halimbawa:
Huwag na huwag kang tutuntong sa aming hagdan.
Sampung mga kamay ang nagtulong-tulong sa paggawa ng proyekto.
6. Oksimoron- sa uring ito ng tayutay palasak na gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat ang
kahulugan upang ipahayag ang diwa ng pangungusap.dalawang salitang maaaring positibo o negatibo sa
kalahatan.
Halimbawa:
Hihiga’t babangon siya sap ag-aalaga.
Lakad-takbo siya sa paghahanap ng nawawalang anak.
7. Metonimya- ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang katawanin ang isang bagay o pangngalan. Sa halip
na payak o simpleng salita ang tukuyin,pinapalitan ito ng salitang matalinghaga.
Halimbawa:
Ang ina ng bansang Pilipinas ay maliit sa sukat ngunit malaki ang puso.
Ilaw siya sa karimlan ng mga taong naguguluhan.
8. Pagtawag- ang bagay na abstrak, walang buhay at hindi nakikita ay kinakausap o tinatawag na parang may
buhay at nakikita . Ang pagtawag sa salitang abstrak ay may himig ng pagnanais o ng parang hinanakit.
Halimbawa:
Kaligayahan kay ilap-ilap mo.
Ulap iduyan mo ako.
9. Paradoks- katumbas ito ng mga salawikain o sawikain na nagbibigay-ral at puno ng kagandahang asal.
Madalas, nagsisilbing pampaalala sa nakakalimot ng kagandahang asal.
Halimbawa:
Kung may isinuksok may madudukot.
Ang di lumingon sa pinanggalingan di makararating sa paroroonan.
10. Paglumanay/ Eupemismo- ang orihinal na katawagan ay pinagagaan sa kahulugan, sa pagpapalit ng ibang
katawagan upang di maging mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon.
Halimbawa:
Iginupo ang puri (ginahasa) ng batang iyan ang kaniyang kadugo.
Iba ang tabas ng mukha niya ( pangit o maganda) sa mga kapatid.
11. Pag-uyam/ Ironiya- ito ang pagtukoy sa kabaliktaran ng katotohanan na may pangungutya. Ginagawa ang
pag-uyam upang di tahasang ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan ng pangyayari.
Halimbawa:
Ang ganda ng damit mo para kang manang.
Ang ganda ng mga grades mo, karamiha’y bagsak.
12. Hiperbole/ Eksaherasyon- sobra sa dapat o katotohanan ang binabanggit na pahayag. Kung susuriin ang
diwa ng pahayag animo’y may pagyayabang na nais ipangalandakan.
Halimbawa:
Bumaha ng pera sa amin ng dumating ang tatay galing Saudi.
Wala akong pakialam kahit ikaw na lamang ang lalaki sa mundo.
13. Onomatopeya- ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig ng kahulugan nito. Sa bagay na ito, lubhang
kailangang sensitibo sa tunog ng salita ang nakikinig upang maiugnay sa tinutukoy.

Halimbawa:
Dinig na dinig ko ang langingit ng kawayan.
Ang kalabog ng martilyo ay napakalakas.
14. Aliterasyon- ang pag-uulit ng tunog-katinig sa simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag. Pare-pareho
naming titik ng patinig ang simula ng karamihan ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
Si Berto ay bababa ng bahay bukas ng bukang liwayway.
Katulong, katuwang, kabalikat sa karamihan ng kinamulatan.
15. Asonansya- ang maraming pag-uulit ng magkaparehong tunog-patinig sa simulang titik ng mga salita sa loob
ng pahayag. Ditto pare-pareho naman ang titik ng patinig ang simula ng karamihan ng mga salita sa loob ng
pangungusap.
Halimbawa:
Aalis ako anak sa aking anyong aninag ang kasiyahan.
Isinilang sa ilang ang isang inakay ng inangbayan.
16. Alusyon-ang pag-alalang muli sa kaalamang patuloy na naiimbak sa likod ng utak ng taong may pinag-aralan.
Kabilang ang mga ito sa ating wikang Frozen na naaalala’t nagagamit sa panahong talagang kailangan. Ito ang
mga salitang kapag nabanggit, agad matutukoy kung nasa kategoryang literature, mitolohiya o bibliya.
a. Alusyon sa Heograpiya- sa pangungusap ay may binabanggit na nauukol ang kaisipan sa heograpiya.
Halimbawa:
Mt. Mayon ang Mt. Fuji ng Pilipinas.
Lungsod ng Baguio ang Amerika ng Pilipinas.
b. Alusyon sa Literatura- may binabanggit sa pangungusap na tinutukoy din sa literature na isang kilalang
tao o pangyayari.
Halimbawa:
Wala na yatang Maria Clara sa panahong kasalukuyan.
Marami pa ring Donya Victoria ang nakakalat sa lipunan.
c. Alusyon sa Mitolohiya- tauhan o pangyayaring bahagi ng mitolohiya ang nasa loob ng pahayag.
Halimbawa:
Adonis sa laki ng katawan ang mga lalaking nag-eehersisyo sa tuwi-tuwina.
Ang kapalaran niya’y Oedipus Rex.
d. Alusyon sa Bibliya- ang ginagamit na pangalan ng tao o pangyayari sa akda ay hango sa bibliya.
Halimbawa:
Ang tiwala’t pagmamahal sa kaniyang asawa’y walang iniwan kay Jose na asawa ni Maria.
Walang iniwan kay Job ang nagging kapalaran niya.
GAWAIN 1
Gawing masining ang sumusunod na mga pahayag.
1. Matalinong mag-aaral si John.
2. Ang mundo ay magulo.
3. Ang dalaga ay maraming manliligaw.
4. Malawak ang UNC.
5. Maini tang panahon.
GAWAIN 2
Gumawa ng booklet na kung saan ito ay naglalaman ng salawikan,sawikain, kasabihan, idoma at tayutay.
Magbigay ng sampung halimbawa at bigyan ito ng paliwanag sa ibaba. Maging malikhain sa paggawa.

Inihanda ni:
Ma’am Bhabes
Instructress

You might also like