You are on page 1of 5

GRACE MISSION COLLEGE

Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

MODYUL 1
( LINGGO 1-3)

ANG RETORIKA TUNGO SA MASINING NA PAGPAPAHAYAG


PANIMULA
Sa buong araw, wala nang ibang pinakamaganda, tanging kung ang ginagawa mo’y ganay na
iyong kausap. Ito man ay ginawa mo ng pasalita o pasulat. Mangyayari ang binaggit kung nasa iyo ang
kaparaanan at estilo para sa mabisang pahayag bukod sa ginawa mo ito nang buong talino at bukal sa
puso. Paano ito maiisagawa? Ano ang mga kaalamang dapat taglayin?
Sa kaganapang ito, mahalagang mapag-aralan ang Agham at sining ng Retorika tungo sa
Masining na Pagpapahayag.
PAGTATALAKAY
Ang salitang Retorika, ay galing sa salitang Griyego na Rhetor na nangangahulugang guro o
maestro o mahusay na mananalumpati o orador. Bilang isang disiplina ng pag-aaral, ang Retorika ay
tumutukoy sa agham at sining ng pagpapahayag maging pasalita man o pasulat sa tulong ng wasto at
makabuluhang paggamit ng wika, kaagapay ng masining at mabisang estilo ng pagpapahayag.
Sa tulong ng mga Pilosopong sina Arestotle at Socrates, ang Retorika o Masining
Pagpapahayag ay lalong umunlad at tumindi. Pinasimulan ang pag-aaral ng Retorika tungo sa masining
na pagpapahayag upang matupad ang maindayog,mabisa at kaakit-akit na paggamit ng mga salita,
malikhain at epektibong pananalita lalo na sa publiko, pamahalaan o hukuman nang sa gayon ay makuha
ang loob o atensiyon ng mg tagapakinig. Nang dahil ditto, ang Retorika ay nagging daan sa paglikha o
pagdebelop ng mga orador o mananalumpati tulad ng pagkilala kay Demothenes na tinaguriang
pinakaharing orador sa Griyego.
ANG MGA SANGKAP NG RETORIKA
Ang anumang pahayag ay nasasangkap ng retorika kapag taglay nito ang tatlong bahaging
sumusunod:
1. Ang kaisipang gustong ipahayag. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit gusto nating
magpahayag. May mahalagang nais nating maipaabot sa ating tagapakinig o tagabasa.
2. Ang pagbuo o organisasyon. Hindi ganap ang kinang at bias ng anumang sasabihin kung ito ay
maligoy at walang kaayusan.
3. Ang estilo ng pagpapahayag. Ang maraming eksperto sa pagsulat ay nagbibigay diin sa ikatlong
bahagdang may kinalaman sa estilo.batid nilang ang anyo o kaayusang akda o komposisyon ay
nakasalalay hindi lamang sa para-paraan ng pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuhan sa
parirala, kundi maging sa panitikan.
KATANGIAN NG MASINING NA PAHAYAG
1. Taglay ng masining na pahayag ang kalinawan sa diwa ng isinulat o sinasalita sa tulong ng mga
piling salita.
2. Angkop sa daloy ng pahayag ang mga salitang ginamit na nilapatan ng tamang gramatika.
3. Masining ang pahayag sa kahusayan nitong mapagugnay-ugnay ang dating kaalaman sa bagong
natutunang kaalaman ng mambabasa.
4. Sapat ang pahayag upang mapanatili ang kawilihan ng mambabasa.
5. Tiyak ng mambabasa ang kabuuang diwa ng pahayag sa tulong ng mga piniling salita at tamang
gramatika sa paksay tinalakay.
KAHALAGAHAN NG MASINING NA PAHAYAG
1. Nakapagpapayaman ng kaisipan ng sinumang bumabasa.
2. Nakagagamot ng kabagutan sa mambabasa.
3. Nakapupukaw sa kawilihan ng mga mambabasa.
4. Nagsisilbing instrumentong panggising sa mambabasa dahil napupukaw ang kakayahang iugnay
ang dating alam sa bagong natutuhan.
5. Nasasalamin ditto ang pagkatao ng manunulat.
6. Isang maganda at malusog na ehersisyo ng utak.
7. Handog ang kagaanan sa pagbabasa ng mambabasa dahil sa maayos na pagkakalahad.
8. Nakatutulong na madebelop ang kasanayan sa masining na pahayag.
PAMAMARAAN SA MASINING NA PAGSULAT NG PAHAYAG
1. Magkaroon ng maraming artikulong binabasa na mapaghahanguan ng kaisipan.
2. Sanayin ang sarili sa palagiang pagsulat ng iba’t-ibang uri ng artikulo.
3. Makipagpalitan ng kaisipan sa iba/kapwa upang yumaman ang sariling kaisipan/ideya.
4. Maglaan ng oras sa panonood sa telebisyon, sa mga pelikula, sa mga panoooring pang-entablado
at iba pang pamaghahanguan ng kaisipan.
5. Maglakbay at maging sensitibo sa pa-oobserba ng plaigid.
6. Mag-surf sa internet upang makapangalap ng maraming impormasyon sa larangan ng pagsulat.
7. Panghawakan ang emosyong nasa mataas na lebel na maging hanguan ng paksang isusulat.
ANG SAKLAW NG MASINING NA PAHAYAG
1. Tao/ mga tao. Tumutukoy ito sa mga tao o lipunang makikinig o di kaya’y babasa ng isinulat o
ipinahayag ng manunulat.
2. Kasanayan ng manunulat. Kung walang kasanayang pansarili ang manunulat mahirap magkaroon
ng sining ang mabisang pahayag.
3. Wika. Ang wika ay sadyang makapangyarihan.
4. Kultura. Malaki ang kinalaman ng kultura sa pagpapaunlad ng sinabi o ipinahayag dahil sa
anumang gampanin ng isang mamamayan, tuwina ito’y saklaw ng kulturang kinabibilangan.
5. Pilosopiya. Tumutukoy ito sa pansariling pilosopiya ng manunulat o di kaya’y pilosopiya ng iba
na mapag-aangkahan ng ipinahahayag ng manunulat,para sa makatwirang pagpapaniwala sa
mambabasa.
6. Sining. Kumakatawan ito sa taglay na talino ng manuulat o mananalita sa larangan ng pagsasalita
o pagsusulat.
ANG MASINING NA PAGSULAT NG PAHAYAG
Bagaman ang retorika ay nakapokus sa mabisa na pagpapahayag, hindi ito inilalayo sa mga
batayang kaalamanng pambalarila. Nakasentro pa rin ito sa estruktura ng pagpapahayag sa Wikang
Filipino. Nagpapahalaga ito sa wastong paggamit ng mga salita at sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
salitang ito sa bawat pagpapahayag. Kahit na sabihing may paraan ng pagpapahayag, ang pasalita at ang
pasulat, hindi pa rin natatakasan ang naipamulat na sa atin ng balarila. Sa huling bagay na ito, kung
pasalita ba o pasulat, nagkakaroon ng pagkakaiba ng register o uri ng mga salitang ginagamit. Gayunman,
nakaagapay pa rin ditto ang maraming tuntuning pambararila. Ang pagpapakinis ng pahayag ay nagiging
tungkulin naman ng retorika. Maipakikita ito sa mga ganitong paraan.
A. Mga Pangungusap. Ang bawat pangungusap ay dapat magtaglay ng kaisahan at kakipilan. May
kaisahan kung nagkakatulong-tulong ang mga salita sa paglikha ng isang diwa. May kakipilan
naman kung maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa sa tama at epektibong
estruktura.
B. Mga Parirala at Sugnay sa Loob ng Pangungusap. Sa pagsasangkap ng mga salita, parirala, at
sugnay sa isang pangunusap, tungkulin ng retorika na isaalang-alang ang (1) pagkakasunod-
sunod ng mga parirala o sugnay ayon sa panahon, (2) paralelismo, at (3) wastong gamit ng mga
pangatnig. Ang ganitong mga paraan ay nakatutulong pa rin sa paglikha ng kaisahan, diin o
emphasis, at pagkakaugnay o kohirens.
1. Ayon sa Panahon. Ang pagkakaugnay –ugnay ng mga bahagi ayon sa panahon ay
umaalinsunod sa kronolihikal na pagkakasunod-sunod ng mga kilos at pangyayari.
Halimbawa:
a. Maaga siyang bumangon, lumabas sa banyo, naghilamos doon, saka nagtuloy sa kusna at
naghanda ng aalmusalin.
b. Binyksan niya ang cabinet ng mga damit, pumili ng isusuot, saka isinarang muli iyon.
2. Ayon sa pag-aagapayo paralelismo. Ang paraang ganito ay nakatuon kaagad sap ag-aagapay na
nagbibigay ng himig ng pag-uulit. Ang paraang pag-uulit naman ay nakakatulong sa
pagbibigay-diin o emphasis. Sa ayos na ganito, ang pinag-aagapay sa isang bahagi ng
pangungusap ay may magkatulad na estruktura, maaaring kapwa pandiwa, kapwa
pangngalan, kapwa pang-uri, kapwa pariralang magkauri.
Halimbawa:
a. Ang lahat ng ginawa nina del Pilar, Bonifacio, ay para sa bayan at para sa mamamayang
Pilipino.
b. Kailangan ng isang makata ang pagyakap sa tradisyon ng panitikan at tradisyon ng bayan.

PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO


Maraming paraan ang magagawa kung gagamitin ang wikang Filipino sa pagpapahayag. Maaaring
pormal at di-pormal ang paggamit ng mga ito. Kapag pormal magiging (1) pili ang mga salitang
gagamitin (2) may pagkaseryoso sat ono, (3)iniiwasan ang paggamit ng pagdaglat na pahayag tulad ng
lang, utol,pare,mare (4) iniiwasan ang mga pamilyar na tawag na tulad ng itay,inay,aking ate at
kuya,kasi,okey,dehins, at mga kauri nito. Sa pormal, ang gagamiti g salita ay lamang, kapatid,
kumpare,kumara, ama,ina, aking mga kapatid, sapagkat,tama lamang, higit na tama, salapi,bibig,sigarilyo,
hindi. Ang mga salitang impormal na nabanggit ay magagamit lamang kung ang mga ito ang paksa ng
isang pormal na pagsulat. Sa pormal na pagsulat, karaniwang malawak ang saklaw at higit na
makabuluhan ang paksa.
Ma iba-iba pa ring anta sang wika, may iba-iba ring rehistro. Ang anta sang nagpapakilala ng uri
ng wikang ginagamit; kung minsa’y nagpapakilala rin ito sa pinanggalingang lugar ng pagpapahayag,
kung minsa’y nagpapahwatig ng kasanayan at kakayahang bunga ng pagbasa at edukasyon; kung minsa’y
dahilan sa impluwensya ng mga kasamahan.
Ang antas ay maaaring (1) pampanitikan o literari, (2) kolokyal, (3) lalawiganin at (4) balbal.
Pampanitikan o literari, na bunga ng katutubong kakayahan at kasanayan sa paggamit ng malikhain at
makahulugang pananalita; kolokyal, na bunga rin ng kasanayan sa paggamit ng mg pang-araw-araw na
salit ng komunikasyon; lalawganin, kung impluwensya ng lalawigang pinanggalingan; at balbal, na bunga
ng pinagmulang na karaniwa’y pinakamababang antas ng lipunan o maaari naming impluwensya ng mga
kabataan, o particular na grupo, na lumilikha ng sarili nilang wikang may kakaibang tunog o appeal.
Ang paraan ng paggamit ng wika ng iba pang kinabibilangan ng mga alagad ng sining-pintor,
eskultor, arkitekto, artista-at ng mga manunulat na tinatawag na columnist sa mga dyaryo ay maaaring
teknikal bagaman kasisinagan ng pagkamalikhain, sapagkat sila’y mga alagad ng sining.

MGA GAWAIN
GAWAIN 1: IPAHAYAG MO!
Bumuo ng sariling graphic organizer upang maipahayag ang konsepto ng Masining na Pamamahayag.
Isulat ito sa isang malinis na papel.

GAWAIN 2: HALAGA KO, IHAYAG MO!


Panuto: Ano ang halaga ng mga sumusunod sa pagsusulat? Talakayain at gamitin ang sariling pananalita.
a. Pagbasa ng iba’t-ibang akda
b. Pakikipag-ugnayan sa kapwa
c. Patuloy na pagsasanay sa pagsulat
d. Ang pansariling emosyon ay may maitutulong sa pagsusulat

GAWAIN 3: Mga Parirala at Sugnay sa Loob ng Pangungusap


Panuto: bumuo ng mga pangungusap na ginagamit ang set ng mga parirala o mga sugnay na nasa ibaba
para makabuo ng mga pahayag na umaalinsunod sa panahon. Lagyan ng kinakailangang simuno at
wastong pangatnig.

1. Tinanaw ang tumatawag; dumungaw sa bintana; tumayo sa pagkakaupo.


2. Pinaputukan ang magnanakaw; nang makarinig ng ingay na nagmumula sa silid

GAWAIN 4: ANG AKING KARANASAN


Panuto: Sumulat ng isang karanasang di mo malilimutan. Sikaping maging masining ang iyong
paglalahad. Maging malikhain at malinis ang pagkakasulat. Isulat sa isang buong papel. Maging
malikhain.

Godbless
Ma’am Bhabes
Instructress

You might also like