You are on page 1of 4

GRACE MISSION COLLEGE

Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

MODYUL 7-8

KOMPOSISYONG PANGMASA
Ito ang isang uri ng komposisyon na madaling ihanda o isulat. Inilalaan ito sa madla
o sa masang mambabasa. Di mahirap ihanda dahil di naman nangangailangan ng matatayog na
pananalita tulad din ng di pangangailangan ng mga kaisipang bunga ng pananaliksik. Popular ito
sa karamihan sapagkat sadyang inihanda at kailangang basahin. Simple ang pahayag gayundin
ang mga salitang gamit kayar di maghahanap ang babasa nito ng pagiging malikhain sa larangan
ng pagbuo ng komposisyong ito. Maliban sa bagay na ito, karaniwang bagay o isyu ang
tinatalakay sa komposisyong pangmasa kaya’t kahit di mataas ang pinag-aralan ng babasa ay
mababasa ito’t mauunawaan.
Katangian ng Komposisyong Pangmasa
1. Simple ang pananalitang gamit. Di mahirap gawin dahil ang tanging kailangan ay
simpleng pananalita na maiintindihan ng masang babasa.
2. Hindi kailangang napakahaba. Di kailangan ditto ang pahayag na maligoy. Higit na
kailangan ang direktang pananalita dahil ang masang babasa ay di lahat may ideya sa
malikhaing komposisyon maliban sa bagay na abala ang lahat.
3. Tumatalakay sa mga pangyayari sa kapaligiran. Hinihugot ang paksa ng komposisyon sa
mga karaniwang bagay na nasa pali-paligid lamang.
4. Hindi kakikitaan ng mga matatalinghagang pahayag. Walang lugar ang mga tayutay,
idyoma sa uring ito ng komposisyon dahil maikli lamang ang pagkakapahayag at masa
ang mambabasa.
Mga Uri Ng Kompoisyong Pangmasa
1. Patalastas- ito ay ang mga paalalang ipinaaabot sa taong bayan na maaaring magbigay ng
tamang direksyon at magturo ng tamang kaalaman sa mga tao. Maaaring nakadikit sa
isang poste ng ilaw o maaari naming sadyang isinulat sa sulatang pisara sa kantong
daanan ng mga taong barangay.
Halimbawa:
Patalastas Pambayan:
a. Ilagay sa tamang lalagyan ang inyong mga basura na kukulektahin sa itatakdang araw
at oras.
Pulang lalagyan- para sa basurang nabubulok tulad ng balat ng prutas, papel, kahoy,
dahoon at iba pa.
-tuwing Lunes, Martes, Myerkules kukunin ang mga basura.
Berdeng Lalagyan- para sa basurang di nabubulok tulad ng plastic,at iba pang
kaparehong material.
-tuwing Huwebes, Byernes at Sabado ang kolekta ng mga basura.
b. ANO : PULONG / ASEMBLEYA
SAAN : BARANGGAY HALL
KAILAN : NOBYEMBRE 26, 2021
SINO : AMA AT INA NG TAHANAN
PAKSA : PLANO SA IKABUBUTI NG IKABUBUTI NG BARANGGAY AT MGA
GAWAIN SA PYESTA
2. ISLOGAN- Ito ay maikling pahayag na tiyak ang paksa o isyu na maaaring nakasulat sa
anyong patula. Simple ang pagkakaanyo at pagkakapili ng mga salita upang madaling
maalala ng madla mambabasa. Idinidikit din ito sa mga lugar na dadaanan ng mga tao at
minsan ay nagsisilbing pampaalala sa mga tao dahil kung uunawaing mabuti may aral na
ipinaaala/ipinababatid.
Halimbawa:
1. Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.
2. Kayamanan ang kagandahang asal.
3. Panatilihin ang sipag at tyaga upang guminhawa ang buhay.
3. TUGMANG DE GULONG- Ito rin ay nakasulat sa anyong patula na may tugma at
kadalasa’y binubuo ng 2 taludtod. Nakatatawa ang diwa ngunit kung susuriin sadyang
nangyayari sa ating mga karanasan araw-araw. Kadalasan nakadikit ito sa mga sasakyan at
nagsisilbng pang-aliw sa mga pasahero lalo na kung di pa umuusad ang sasakyan.
Halimbawa:
1. Ale, mama upong otso singkwenta lamang po.
2. Hudas not pay.
3. Ang marunong magsukli, maraming suki.
4. Ang para ay sa tao, ang sitsit ay sa aso.
5. Step sa break, please.
4.PANALANGIN- Ito’y dasal na binibigkas o binabasa sa isang okasyon o pagtitipon. Ito’y
panalangin mula sa puso ng gumagawa kayat sariling pananalita ang dasal na ito. May pattern o
balangkas ang dasal na sariling gawa.
5.KOMENTARYO- Ito’y maituturing na panunuligsa ukol sa mga isyung nakakaapekto sa
karamihan , maliit man o malaki. May himig ito ng panawagan tungo sa pagpapago o sa
kaunlaran kayat simpleng pananalita ang gamit at diretsahan ang pahayag. Maingat ang
pagkakasulat at maaaring magmungkahi ng solusyon sa ikauunlad ng paksang pinag-uusapan.
6. DAYARI- Ito ay pansariling tala ng mga pangyayaring naganap sa buhay sa isang
indibidwal. Sangkot ditto ditto ang mga karanasang emosyunal, sosyal at ispiritwal.
Napakapersonal kaya di sangkot ang anumang opinion o kuro-kuro, simple ang pananalita na
galing sa puso kayat diretsahan. Walang bahid ng pagsisinungalingan sa pagsulat ng dayari dahil
malaki ang silbi nito sa sumusulat lalo na sa pagdating ng panahon. Sa bagay na ito, ang dayari
ay tunay na napakapaktwal.
Halimbawa:
Nobyembre 12, 2000
- Sinalubong naming ni tita Dulce sa Pili Airport ang ate kong nagtatrabaho sa Dubai.
- Nakatanggap ako ng liham mula sa isang malayong kaibigan na nagtatrabaho sa Manila
si Cindy.
Nobyembre 29, 2006
- Nag-quiz kanina sa Filipino. Buti na lang sa 20 bilang nagkaiskor akong 16.
Disymbre 5, 2000
- Nakita ko sa chapel ng aming iskul ang bago kong crush. Kinilig talaga ako.
- Nakakadismaya ang kagwapuhan niya.
7. JORNAL- Halos kamukha ng dayari ngunit naiiba dahil di lamang pansariling kaganapan sa
buhay ang itinatala. Ang mga pangyayari sa labas ng bahay o sa kapaligiran ay maaaring paksa
ng isusulat sa jornal. Kabilang din ditto ang mga refleksyon, obserbasyon, nadarama at maging
ang mga puna at komentaryo. Sa jornal malayang naisusulat ng awtor ang sariling opinion o
kuro-kuro sa tinatalakay. Ito’y maaring basahin ng iba na di tulad ng dayari na pinagkakatago-
tago ng may-ari dahil sagrado ito para sa kanya.
Halimbawa:
Jornal 1- Awang-awa ako sa kapitbahay namin. Binatilyo na pero palaging nababatukan o
napapanalo ng tatay niya.L Bagamat tunay na may kapilyuhan nakakaawa rin dahil di na niya
nakukuha ang respeto sa sarili.
Jornal 2- Lubhang nakakataba ng puso ang mga papering bunga ng iyong pagsisikap at
pagpupunyagi. Nagsisilbi itong inspirasyon ko upang lalo pang pagbutihin ang aking ginagawa.
Jornal 3- Nakalulungkot isipin na sa kagagawan ng mga nasa pwesto, ang bansa natin ay unti-
unti nang nalulugmok at ang naghihip ay ang masang isang kahig , isang tuka..

PAGSASANAY
Pangalan: _____________________________ Petsa: ____________
Kurso: ________________________________

Gawain 1
A. Sa inyo-inyong barangay itala ang mga patalastas na isinusulat o ipinalalabas ng mga
opisyal. Magtala kahit tatlo.

B. Sumulat ng isang linggong jornal batay sa obserbasyon sa mga pangyayaring


nagaganap sa iyo o sa iyong paligid. Gawing isang maliit na booklet ang iyong jornal.

Gawain 2
Panuto: Sumulat ng komentaryo hinggil sa pagsusulong ng edukasyon sa kabila ng pandemyang
kinakaharap ng ating bansa. Sikaping maging makabuluhan ang iyong komentaryong isusulat.

Inihanda ni:
Ma’am Bhabes

You might also like