You are on page 1of 9

Saint Peter’s College of Ormoc, Inc.

Office of the Director of Student Affairs & Services


http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597
A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2022-2023 School Theme: “Benedictine Education: In the Spirit of Communion, Participation & Mission”

PLANONG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO


Ni: Sheerica Jane A. Mendoza
I. Kasanayang Pampagkatuto
• Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula (F6PN-Ia-g-3.1)
• Nagagamit nang wasto ang mga panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon (F6WG-Ia-d-2)
• Naipagmamalaki ang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito (F6PL-0a-j-1)
II. A. Paksang Aralin
1. Panitikan: Pabula (Si Langgam at Tipaklong)
2. Wika: Panghalip
B. Kagamitan
• Power Point Presentation
• Laptop
• Activity Sheet
C. Sanggunian
• Filipino K-12 Curriculum Guide p. 77
• https://www.mgakwentongbayan.com/si-langgam-at-tipaklong/
III. Pamamaraan
HAKBANG GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati Magandang umaga mga bata Magandang umaga po ma’am
Kamusta kayo? Okay lang Po ma’am
Mabuti po ma’am

Ngayon, meron tayong bagong aralin na tatalakayin.


Ready na ba ang lahat? Opo!

Bago natin simulan ang ating aralin halina’t samahan ninyo ako sa isang panalangin.
2. Panalangin ________, maaari bang pangunahan mo ang ating panalangin sa araw na ito? Opo ma’am Sheerica
Tumayo ang lahat. (Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at Espiritu Santo………
Amen.)

That in all things God may be Glorified!”


Saint Peter’s College of Ormoc, Inc.
Office of the Director of Student Affairs & Services
http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597
A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2022-2023 School Theme: “Benedictine Education: In the Spirit of Communion, Participation & Mission”

Bago kayo umupo, maaari bang pulutin muna ang mga dumi na inyong nakikita sa ilalim
3. Pagbibigay-puna sa ng inyong mga upuan (Pupulutin nila ang mga kalat sa ilalim ng kanilang
silid-aralan upuan)
4. Pagtatala ng mga May liban ba sa klase? Rhea?.... Gracie?
Wala Po ma’am
dumalo Mabuti at lahat kayo ay present.

Halina’t ating simulan ang ating araling tatalakayin


May ipapakita akong mga litrato.

PAGGANYAK
Alam niyo ba kung anong hayop ang mga nasa larawan?
Opo!
Anong hayop ang nasa unang larawan?
Tipaklong
Tama! Ang sa pangalawa?
Magaling! Langgam

Okey, ngayon babasahin natin ng sabay sabay ang kuwento tungkol sa Langgam at
tipaklong at ating alamin kung ano ang nangyari sa kanila.

SI LANGGAM AT TIPAKLONG
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising
na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati,
naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala
PAGGALUGAD sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala.
Bakit ba wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"

"Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam.

That in all things God may be Glorified!”


Saint Peter’s College of Ormoc, Inc.
Office of the Director of Student Affairs & Services
http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597
A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2022-2023 School Theme: “Benedictine Education: In the Spirit of Communion, Participation & Mission”

"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang


panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."

"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo,


habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para
ako ay may makain pag sumama ang panahon."

Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-


ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi umuulan pa
rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at
lumakas ang hangin kasabay ang pagbuhos ngmalakas na
ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kaawa-
awang Tipaklong. Naalala niyang puntahanang kaibigang
si Langgam. Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na
marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si
Tipaklong.

"Tok! Tok! Tok!"

Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba! Ang aking kaibigan," wika ni
Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng


pagkain. Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang
magkaibigan.

"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo.


Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain
pagdating ng tag-gutom."

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon
ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit sa
lahat natuto siyang mag-impok.

Klas, naengganyo ba kayo sa inyong binasang kuwento? Opo!

Sinong maaaring makapagsabi kung ano ang nangyari sa storya?

That in all things God may be Glorified!”


Saint Peter’s College of Ormoc, Inc.
Office of the Director of Student Affairs & Services
http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597
A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2022-2023 School Theme: “Benedictine Education: In the Spirit of Communion, Participation & Mission”

Itaas ang kamay sa gustong sumagot. Okey, ________ Ang kuwento ay naglalahad ng kwento ng dalawang kaibigan
na sina Langgam at Tipaklong. Sa simula, si Langgam ay
nagluto ng pagkain at naghanap ng pagkain habang maganda
ang panahon. Nakita siya ni Tipaklong at inalok si Langgam na
magsaya at kumanta. Ngunit si Langgam ay nagpasyang mag-
ipon ng pagkain para sa mga panahong kailangan niya ito.
Dumating ang tag-ulan at pinuntahan ni Tipaklong si Langgam
para humingi ng tulong dahil gutom na siya. Tinanggap ni
Langgam si Tipaklong at pinakain siya. Dahil sa karanasan na
iyon, natutuhan ni Tipaklong ang kahalagahan ng pag-iipon
habang maganda ang panahon.
Anong klaseng kuwento ba ang Langgam at Tipaklong? May ideya ba kayo?
Ito po ay isang Pabula
Tama!

Habang kayo ay nagbabasa, may napansin ba kayo sa mga nakasulat?


May mga salitang nakadiin
Anu-ano ba mga salitang nakadiin? Maaari niyo bang sabihin ang mga ito?
Siya, niya, ako, akin, tayo, ikaw, ito, iyo
Tama ang inyong mga binanggit. Maya-maya ay atin ring kikilalanin ang mga salitang
ito.
Ang Langgam at Tipaklong ay isang halimbawa ng Pabula. Ano nga ba ang Pabula?
Maaari niyo bang basahin?

Ang Pabula (fable sa Ingles) ay isang uri ng panitikan na naglalayong magturo ng mga
moral na aral sa pamamagitan ng maikling kwento na kung saan ang mga tauhan ay
karaniwang mga hayop, halaman, o mga bagay na may kakayahang magsalita at kumilos (binasa ng mga mag-aaral ang kahulugan ng Pabula)
na parang tao.
PAGLALAHAD Ang mga tauhan sa pabula ay may kani-kaniyang katangian na kumakatawan sa mga
kilos at pag-uugali ng tao, na ginagamit upang ipakita ang iba’t ibang aspeto ng pag-
uugali ng tao.

Naiintindihan niyo ba klas? Opo ma’am

Maliban sa Langgam at Tipaklong, may iba pa ba kayong alam na Pabula? (ang mga mag-aaral ay nagtataas ng kamay at nagbibigay
nang halimbawa ng mga pabula)
Magaling!

That in all things God may be Glorified!”


Saint Peter’s College of Ormoc, Inc.
Office of the Director of Student Affairs & Services
http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597
A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2022-2023 School Theme: “Benedictine Education: In the Spirit of Communion, Participation & Mission”

Ngayon ay pag-usapan naman natin ang mga salitang diin na inyong Nakita sa ating
pabulang tinalakay. Wala po
May ideya ba kayo kung ano ang mga salitang nakadiin?

Ang mga salitang nakadiin sa pabulang binasa ninyo ay ilan sa mga halimbawa ng
panghalip. Ano ng aba ang panghalip?

___________, pakibasa

Ang PANGHALIP o pronoun sa wikang Ingles ay ang uri ng salita na inihahalip o (binasa ng mga mag-aaral ang kahulugan ng Panghalip)
pamalit sa isang pangngalan na nagamit na sa isang pangungusap o talata. Ito ay bahagi
ng pananalita na ginagamit upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng isang
pangngalan.

Maramig salamat_______

Ngayon naman ay pag-uusapan natin ang iba-t ibang uri nga Panghalip. Mayroong
pitong(7) uri ng panghalip ngunit tatalakayin muna natin ang tatlo(3) ngayong araw, ang
Panao, Pamatlig, at Paari.

PANGHALIP NA PANAO
Ang panghalip na panao o personal pronoun sa Ingles ay ginagamit na pamalit sa mga
pangngalan na pangtao. Ito ay may tatlong anyo at tatlong panauhan. Ang tatlong
panauhan ay ang mga sumusunod:
Unang Panauhan
Ang unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita. Halimbawa nito ang mga salitang ako,
ko, kita, tayo, natin, atin, kami, at namin .
Ikalawang Panauhan
Ang pangalawang panuhan naman ay tumutokoy sa taong kinakausap. Halimbawa nito ang mga
salitang ikaw, ng, mo, iyo, kayo, ninyo, at inyo.
Ikatlong Panauhan
Ang ikatlong panauhan ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan. Halimbawa nito ang mga
salitang niya, kanya, sila, nila at kanila.

Halimbawa:
• Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon.
• Ikaw na lang kaibigang Tipaklong
• Habang maganda ang panahon, tayo ay magsaya.

That in all things God may be Glorified!”


Saint Peter’s College of Ormoc, Inc.
Office of the Director of Student Affairs & Services
http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597
A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2022-2023 School Theme: “Benedictine Education: In the Spirit of Communion, Participation & Mission”

PANGHALIP NA PAMATLIG
Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao, bagay at iba pa
na tinuturo. Tinatawag itong demonstrative pronoun sa wikang Ingles. Halimbawa: ito,
nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, roon, at doon, andito o narito, nandiyan o nandyan,
nariyan, naroon, at nandoon.

Halimbawa:
• Ito'y aking iipunin para ako ay may makain pag sumama ang panahon."

PANGHALIP NA PAARI
Ang panghalip na paari ay nagsasaad ng pag-aari at inihahalili sa pangngalan ng
nagmamay-ari ng bagay. Ito ay tinatawag na possessive pronoun sa wikang Ingles. May
dalawang uri ang panghalip na paari. Una ay ang isahan. Ito ay kinabibilangan mga
salitang iyo, akin, at kanya. At ang pangalawa ay ang maramihan. Ito naman ay
kinabibilangan ng mga salitang amin, atin, inyo, at kanila.

Halimbawa:
• Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam
• Ngayon ako naniniwala sa iyo.

Opo ma’am
Naintindihan ba klas?
GAWAIN 1
Para sa ating unang gawain. Tukuyin ang mga pangungusap na may Panghalip sa
Pabulang “Si Langgam at Tipaklong. Bawal nang ibigkas ang mga pangungusap na
nabigyang diin. Itaas ang kamay kung nais sumagot.
(Ang mga mag-aaral ay nagtaas ng kamay)
Alin ang panghalip na ginamit sa pangungusap? Gaya ng dati, naghanap siya ng pagkain.
Tama! Siya ma’am

Meron pa? Si ______ nagtaas ng kamay (estudyante nagtaas ng kamay)


PAGPAPAPALAWAK Alin ang panghalip na ginamit sa pangungusap? Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang
Tama! panahon
Ako ma’am
Sigi, isa nalang at para maisagawa pa natin ang ating pangalawang Gawain
Okey,________ (estudyante nagtaas ng kamay)
Alin ang panghalip na ginamit sa pangungusap? Tayo ay kumanta.

That in all things God may be Glorified!”


Saint Peter’s College of Ormoc, Inc.
Office of the Director of Student Affairs & Services
http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597
A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2022-2023 School Theme: “Benedictine Education: In the Spirit of Communion, Participation & Mission”

Tama! Tayo ma’am

GAWAIN 2
(Group activity)
Para sa pangalawang Gawain. Balikan natin ang Pabulang ating tinalakay.

Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. Magbilang nang 1-3 upang makabuo ng iyong
pangkat sa isang gawain. Pagkatapos ay magtipon kayo ng inyong kagrupo. (ang mga mag-aaral ay nagbilang at nagtipon-tipon)

Klas, bawat grupo ay dapat pipili ng representatib para ibahagi ang inyong sagot. Opo ma’am
Malinaw ba?

Okey, bibigyan ko kayo ng 10 minuto para sagutan ang activity.

I. Magbigay ng buod ng Pabulang “Si Langgam at Tipkalong”.


II. Anu-ano ang mga magagandang katangian ng dalawang tauhan sa istorya?
Langgam Tipaklong
1. 1.
2. 2.
……..
III. Ano ang aral na inyong natutunan sa pabulang “Si Langgam at Tipkalong”.

Tapos na ba?
Ngayon ay ibabahagi na ninyo ang inyong sagot sa inyong kaklase. Opo ma’am
(ang mga representatib ng bawat mag-aaral ay nagbahagi ng
kanilang sagot sa harapan)

Mahusay! Ang gaganda ng sagot ng bawat grupo. Bigyan natin ang ating sarili ng
masigabong palakpakan

GAWAIN 3
At para sa ating panghuling Gawain, sundin ang panuto.
• Humanap ng pares, ang inyong katabi nalang para madali.
• Bawat isa sa inyo ay mabibigyan nga iba’t-ibang pangungusap na may pangnalan na (naghanap ng kapares ang bawat mag-aaral at aktibong sumali
nanggaling sa pabulang “Si Langgam at Tipaklong. sa Gawain)
• Palitan ito ng panghalip at magtulungan sa pagbuo nga bagong pangungusap gamit ang
Panghalip na inyong pinalit.

That in all things God may be Glorified!”


Saint Peter’s College of Ormoc, Inc.
Office of the Director of Student Affairs & Services
http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597
A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2022-2023 School Theme: “Benedictine Education: In the Spirit of Communion, Participation & Mission”

Mahusay! Mabuti at naintindihan niyo ang ating aralin ngayong araw.

Tandaan, ang panghalip ay mga salitang pamalit sa isang pangngalan na nagamit na sa


isang pangungusap o talata. Ito ay bahagi ng pananalita na ginagamit upang maiwasan
ang paulit-ulit na pagbanggit ng isang pangngalan.
Okey klas? Okey po ma’am
Mukhang handa na kayo para sa ating pagsusulit. Kumuha ng isang-kapat na papel at
PAGTATAYA sagutan ang mga sumusunod:

I. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong tungkol sa pabulang "Si Langgam at
Tipaklong" at sa paggamit ng panghalip. Isulat ang tamang sagot sa patlang. Maaaring sagot ng mga mag-aaral:

1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa pabula?___________


a. Langgam 1. a at b
b. Tipaklong 2. ang sagot ay nakabase sa mag-aaral
c. Ibon 3. Sagot:
d. Ato a. Siya
2. Ano ang pangunahing aral na maaaring makuha mula sa pabula? b. Sila
____________________________________________________ 4. Sagot:
3. Itala ang tamang panghalip na nagbibigay turing sa mga sumusunod na a. Siya
pangngalan. b. ako, siya
a. Si Leo ay mabait. _________ c. Siya, sila
b. Si Joseph at Juan ay magkaibigan.___________ d. Ako, siya, kami, tayo
4. Gamitin ang tamang panghalip sa pagbuo ng pangungusap. 5. Sagot:
a. ______________ ang tumulong sa akin sa gawaing bahay. a. Pamatlig
b. ______________ ang nagwagi sa paligsahan. b. Panao
c. ______________ ang naghatid sa iyo sa eskwelahan. c. Paari
d. ______________ ang bibili ng pagkain sa tindahan.
5. Ano ang uri ng panghalip sa mga sumusunod na pangungusap?
a. Ganito katahimik kung walang batang naglalaro sa labas._____
b. Kayo na ang bahala sa mga gamit dito sa paaralan.__________
c. Ang puno ng mangga na nasa lupain na iyan ay atin._________

II. Panuto:Basahin ang pangungusap. Tukuyin ang panghalip at kung anong uri ito.

1. Akin na ang libro na hindi mo na ginamit dahil kailanganin ko. 1. Panghalip: akin
Uri: Paari
2. Kami na ang bahala sa bahay habang wala kayo. 2. Panghalip: kami, kayo

That in all things God may be Glorified!”


Saint Peter’s College of Ormoc, Inc.
Office of the Director of Student Affairs & Services
http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597
A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2022-2023 School Theme: “Benedictine Education: In the Spirit of Communion, Participation & Mission”

Uri: Panao
3. Nandoon lang pala ang gulay na kanyang hinahanap. 3. Panghalip: nandoon
Uri: Pamatlig
4. Iyan na pala ang hinihintay mong mga kaklase. 4. Panghalip: Iyan
Uri: Pamatlig
5. Sinabi ko na sa kanila ang mga bagay na gusto kong sabihin. 5. Panghalip: akin
Uri: Paari

Tapos na ba kayo klas? Opo ma’am


Isumite na ang inyong mga papel.

May natutunan ba kayo sa araw na ito? Opo!


Mabuti naman at may natutunan kayo sa ating aralin ngayon.
Bago natin tapusin ang ating klase, isulat niyo muna ang inyong takdang aralin.

TAKDANG ARALIN:
PAGTATAPOS NA Panuto: Sa isang short bondpaper, sumulat ng iyong sariling pabula.
GAWAIN
Tayo ay tumayo para sa pagtatapos na panalangin.. (Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at Espiritu Santo………
(Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at Espiritu Santo……… Amen.) Amen.)

That in all things God may be Glorified!”

You might also like