You are on page 1of 9

WESLEYAN UNIVERSITY – PHILIPPINES

Maria Aurora Extension Campus

COLLEGE OF EDUCATION

Wesleyan University-
Grade &
School Philippines Grade 1 Quarter 3
Quarter
GRADE 1
LESSON Date December 10, 2022 Subject Araling Panlipunan
PLAN
Student Ms. Kristine Joy R. San Jose DR. HELEN D. OLANDE
Observer
Teacher PROF. CARMELITA INOCENTE

I. LAYUNIN:
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakilala ng mga batayang
A. Pamantayang impormasyon ng pisikal na kapaligiran ng sariling paaralan at ng mga taong
Pangnilalaman bumubuo dito na nakatutulong sa paghubog ng kakayahan ng bawat batang mag-
aaral
B. Pamantayan sa Buong pagmamalaking nakapagpapahayag ng pagkakilala at pagpapahalaga sa
Pagganap sariling paaralan
 Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo
C. Mga kasanayan sa
sa paaralan (punongguro, guro, mag-aaral, doctor at nars, dyanitor, etc.)
Pagkatuto (Isulat ang code
 Naiisa-isa ang mga gampanin ng bawat taong bumubuo sa isang paaralan.
ng bawat kasanayan)
 Nabibigyang halaga ang mga tauhan sa inyong paaralan.
CODE: AP1PAA-lllb-4
II. NILALAMAN Mga Tungkuling Ginagampanan ng mga Taong Bumubuo sa Paaralan
III. KAGAMITANG
Powerpoint Presentation, mga larawan, index card
PANTURO
A. References:
1.MELCs
2.Curriculum Guide
Pages
3. Mga Pahina sa Gabay
K-12 MELC
ng Guro
pahina 147-154
4. Mga Pahina sa
Araling Panlipunan Learning Packet
Kagamitang Pang Mag-aaral
Pahina 11-13
B. IBA PANG
KAGAMITANG Mga larawan na may stick. Big book
PANTURO
IV. PAMAMARAAN

PANIMULANG GAWAIN Tayo ay tumayo upang manalangin

1. Panalangin Ama na aming Diyos, Salamat po


ng marami sa Inyo, Gabayan ninyo
po kami sa aming klase, Bigyan po
ninyo ng katalinuhan ang mga mag-
aaral na ito upang madami silang
matutunan sa aming klase, Ito po an
gaming samo’t dalangin, sa
pangalan ni Hesus, Amen. - Amen

2. Pagbati Magandang umaga mga Grade 1.


- Magandang umaga rin
po

3. Pagtala ng liban Tingnan ang katabi kung may


lumiban ba sa inyo
- Wala po ma’am

4. Pagsasaayos ng klase Tingnan ang ilalim ng upuan kung


may kalat at kung mayroon man ay - Okay po ma’am
pulutin at ilagay sa inyong bag

A. BALIK-ARAL
Bakit mahalaga ang isang paaralan?
Dito po tayo natututo

Tama! Dahil dito tayo natututo at


nahuhubog an gating kaalaman at
magandang asal

Ano namanang mga nakakaapekto sa


ating pag-aaral na nakapaligid sa ating
paaralan?
Magbigay nga ng bagay na
nakakaapeekto sa atin? Maingay na paligid po

Magaling! Ang maingay na paligid


gaya ng busina ng mga sasakyan. Ang
mga maingay na busina ng mga
sasakyan ay nakakaapekto sa ating pag-
aaral.
Gusto nyo bang makarinig ng isang kuwento?
B. PAGGANIYAK O Ating pakinggan ang kwento na babasahin ko
MOTIBASYON sa inyo. Pakinggan natin itong mabuti!
Opo ma’am.

ANG UNANG ARAW NG ESKWELA


“Yehey! Unang araw ngayon ng aking
eskwela”, masayang bungad ni Ben. “Excited
na akong pumasok “, sabi niya. Kinuha niya
ang kanyang bag at masayang nagtungo sa
paaralan. Pagdating niya sa paaralan ay agad
siyang sinalubong ni Kuya Leonard na
guwardiya ng kanilang paaralan at inalalayan
siya sa kanyang pagtawid. Habang patungo
siya sa kanilang silid aralan ay nasalubong
niya ang kanilang punongguro na si Ma’am Nakikinig ng mabuti.
Precy at binati niya ito ng “Magandang Umaga
po Ma’am Precy!” , wika ni Ben. “Magandang
umaga naman” ang sagot ni Ma’am Precy.
Pagpasok niya sa silid-aralan ay naroon na ang
kanyang guro na si Ma’am Tina at muli niya
itong binati. Inutusan sila na tulungan si Mang
Dolor upang mamulot ng plastic sa harap ng
kanilang silid aralan. Pagkatapos ay bumalik
na sila sa kanilang klase. Bago magsimula ang
kanilang klase ay tinanong sila ni Nars Joy
kung sila ba ay naligo at nagsepilyo bago
pumasok. “Opo Nars Joy”, masayang sagot ng
mga bata. Pagkatapos ng kanilang klase, ay
nagtungo sila sa kantina upang magmeryenda.
Maayos at malinis ang kantina. “Hmmm! Ang
sarap naman po ng sopas na niluto ninyo Aling
Nena” sabi ni Ben. “Syempre naman” wika ni
Aling Nena. Yun ang unang araw ni Ben sa
kanyang klase at masaya niya itong ibinahagi
sa kanyang nanay.
Ano ang pamagat ng inyong napakinggang
C. PAGTATALAKAY kuwento?

- Ang Unang Araw po


ng Eskwela Ma’am.

Sino-sino ang tauhan sa ating kuwento?

- Ben, nanay ni Ben,


Kuya Leonard,
Ma’am Precy, Ma’am
Tina, Mang Dolor,
Nars Joy, at Aling
Nena po

Sino ang punung-guro sa kanilang paaralan?

- Si Ma’am Precy po

Ano ang kanilang ginawa sa harap ng kanilang


silid-aralan?

- Tumulong po kay
Mang Dolor upang
mamulot ng plastic po
ma’am.
Saan sila nagtungo pagkatapos ng kanilang
klase?

- Sa kantina po.

Ating isa-isahin ang mga tauhan sa kuwentong


D. PAGTALAKAY NG “Ang Unang Araw ng Eskwela”.
BAGONG KONSEPTO
NG PAGLALAHAD NG Ben - mag-aaral – tungkulin
BAGONG KASANAYAN - Tungkulin po ni Ben
#1 na mag-aral at matuto
sa paaralan

Kuya Leonard- guwardiya- tungkulin


- Tungkulin po ni Kuya
Leonard na
mangalaga sa
kaligtasan ng mag-
aaral
Ma’am Precy-punongguro-tungkulin

- Tungkulin po ni
Ma’am Precy na
mamahala sa buong
paaralan.
Ma’am Tina-guro-tungkulin

- Tungkulin po ni
Ma’am Tina na
magturo ng mga
aralin
Mang Dolor-dyanitor- tungkulin

- Tungkulin po ni
Mang Dolor na
Nars Joy- nars-tungkulin panatilihing malinis
ang paaralan.

Aling Nena – tagapamahala sa kantina- - Tungkulin po ni Nars


tungkulin Joy na mangalaga ng
kalusugan ng mga
mag-aaral
Karagdagan: - Tungkulin po ni Aling
Nena na pangalagaan
Libraryan – tungkulin niyang tumulong sa mga ang kaligtasan ng
mag-aaral sa tamang paggamit ng mga aklat. pagkain sa mga mag-
aaral

E. PAGTALAKAY NG Panuto:
BAGONG KONSEPTO Tukuyin kung sino ang nasa larawan.
NG PAGLALAHAD NG Magbanggit ng ilan sa kaniyang tungkulin.
BAGONG KASANAYAN
#2

1. 1. Guro po
- Sila po ang nagtuturo
ng iba’t ibang aralin

2.

2. Dyanitor po
- Sila po ang
nagpapanatili ng
kalinisan sa paaralan
3.

3. Nars at Doktor po
- Sila po ang
nangangalaga ng ating
kalusugan sa paaralan
4.

4. Guwardiya po
- Sila po ang
nangangalaga ng ating
kaligtasan

5.

5. Punongguro po
- Sila po ang pinunong
namamahala ng
buong paaralan.

Panuto:
F. PAGLINANG SA Makinig sa bawat sitwasyon na babasahin ng
KABIHASAAN (Tungo sa inyong guro. Kilalanin kung sino ang
Formative Assessment) tinutukoy sa bawat sitwasyon. Isulat ang
inyong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Sumasakit ang ngipin ni Beth. Kanino


kaya siya pwedeng lumapit sa paaralan 1. Doktor o Nars
upang masolusyunan ang kanyang
nararamdaman?
2. Siya ang aking pangalawang magulang.
Natuto ako sa kanyang magbasa,
magsulat at magbilang.
3. Gustong gusto ni Letty magbasa ng 2. Guro
mga kwentong kanyang paborito. Sino
ang maaari niyang lapitan upang
makahiram ng kanyang kwentong
paborito? 3. Libraryan
4. Binati ni Betty ang namumuno sa
kanilag paaralan. Sino ang kanyang
binati?
5. Tinulungan siya ng isang kawani ng
paaralan upang tumawid sa kabilang
daan. Sino kaya ang tumulong sa kanya 4. Punongguro
upang tumawid?

5. Guwardiya
Nakikinig ng mabuti.
G. PAGLALAHAT NG Atin ulit ilarawan ang bawat tungkulin ng mga
ARALIN taong bumubuo sa ating paaralan

TANDAAN NATIN!
 Punongguro- sila ang pinunong
namamahala ng buong paaralan.
 Guro- sila ang nagtuturo ng iba’t ibang
aralin.
 Doktor o Nars- sila ang nangangalaga
ng kalusugan ng mga mag-aaral at
kawani ng paaralan.
 Mag-aaral- sila ang natututo sa
paaralan upang magbasa, magbilang at
magsulat.
 Libraryan- Sila ang tumutulong sa mga
mag-aaral sa tamang paggamit ng mga
aklat.
 Guwardiya- sila ang nangangalaga sa
kaligtasan ng mga magaaral, mga taong
bumubuo sa ating paaralan at mga
pangunahing bisita ng ating paaralan.
 Diyanitor- Sila ang nagpapanatili sa
kalinisan ng mga silid at iba pang
bahagi ng paaralan.
 Kawani ng Kantina- sila ang may
tungkuling pangalagaan ang kaligtasan
ng pagkain ng mga mag-aaral.

Panuto: 1. Punong guro


H. PAGTATAYA NG Suriin kung kaninong tungkulin ang nasusulat 2. Libraryan
ARALIN sa bawat bilang. Piliin ang wastong sagot sa 3. Dyanitor
loob ng kahon. Isulat ang inyong kasagutan sa 4. Guwardiya
malinis na papel. 5. Guro

Libraryan Guwardiya
Guro Dyanitor
Punong guro

1. Pinamumunuan ni Gng. Garcillano ang


mga guro at mag-aaral sa buong
paaralan.
2. Tinuturuan ni Bb. Santiago ang mga
mag-aaral ng tamang paggamit ng mga
aklat.
3. Pinapanatili ni Mang Gener ang
kalinisan ng paaralan.
4. Chinecheck ni Kuya Lito ang aking
uniporme at ID.
5. Si Gng. Ramos ay nagtuturo ng
asignaturang Araling Panlipunan.
I. TAKDANG ARALIN Takdang Aralin:
Gumuhit at magtala ng dalawang istruktura na
madadaanan ninyo patungo sa inyong paaralan
at isulat ang kahalagahan nito sa inyong
pagpasok o pag-uwi mula sa paaralan.
V. Mga tala
VI. Pagninilay
A. Bilang ng magaaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng magaaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.

Inihanda ni:
Kristine Joy R. San Jose

Ipinasa kay:
DR. HELEN D. OLANDE

You might also like