You are on page 1of 13

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

Paaralan: Divine Word College of Vigan Markahan: Una


Baitang: 5 Pesta: Oct. 1,2021

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman nagagamit ang wikang Filipino upang madaling
maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa
araling pangnilalaman, magamit ang angkop at
wastong salita sa pagpapahayag ng sariling
kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos
na paggalang sa kultura ng nagbibigay at
tumatanggap ng mensahe.

B. Pamantayan sa Pagganap naipapakita ng mga mag-aaral ang sigla sa


pagtuklas at pagdama sa pabigkas at pasulat na
mga teksto at ipahayag nang mabisa ang mga
ibig sabihin at nadarama.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


 Natutukoy ang mga karanasan na kahalintulad ng
napakinggang kuwento.
 Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang
kuwento
 Nakasusulat ng sariling karanasan.

II. NILALAMAN Mag-aral Kang Mabuti Anak

Ni: Lordez Balderama

KAGAMITANG PANTURO
A. References
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Alab Filipino 5
pp. 12-14
2. Mga pahina sa Kagamitang
Pang-mag-aaral.
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4 Karagdagang Kagamitan mula sa
portal Learning Resource ( LR )
B. Iba pang Kagamitang Panturo Kartolina, aklat, powerpoint presentation, manila
paper
III. PAMAMARAAN Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral

A-Balik-aral sa nakaraang Magandang umga sa inyong lahat! Magandang Umaga din Ma’am!
aralin/pagsisimula ng Bagong
aralin Tumayo Tayong lahat para sa
panalangin.

Sa ngalan nang Ama, nang Anak


Nang Espirito Santo Amen.
Panginoon,Maraming salamat sa Amen.
araw na ito, nawa’y ibuhos mo sa
amin ang iyong basbas upang
kami ay matuto sa araw na ito .
Amen

Pakipulot ang mga basura sa ibaba


ng inyong mga silya.

sino ba ang lumiban sa araw na Wala po Ma’am.


ito?

Mahusay!

Bago natin umpisahan ang ating Ang napag-aralan natin


leksyon ngayong araw, maari ba kahapon Ma’am ay tungkol sa
na ilahad ninyo sa akin kung ano pabulang ang koneho at ang
ang napag-aralan natin kahapon? matsing.
Yes , Jomarie.

Mahusay, Jomarie!

Ano ba ang aral na inihatid sa


inyo ng pabula?
Yes Erica, Huwag po tayong pakampante
sa buhay, at huwag titigil kung
Magaling! Yes Joana ayaw nating maunahan po ng
iba.

Mahusay!
B. Paghahabi sa layunin ng Bago tayo dumako sa ating
aralin bagong aralin, mayroon akong
ipapakita sa inyo.

Ano ba ang nasa larawan?

Yes , Ikaw nga Maricor Mga estudyante po o mga


mag-aaral.

Mahusay! Mga mag-aaral na


excited pumasok sa paarala.

Ang tanong ko, kung ikaw ay isa Nararamdaman ko po ay


sa mga mag-aaral na iyan, ano ang excited dahil unti-unti ko na
nararamdaman mo sa pagbabalik pong matatapos ang aking
sa paaralan? Yes , Nimo. elementarya.

Mahusay!

Mahusay! Kailangang bumalik sa


paaralan para matapos ang iyong
pag-aaral sa elementarya at
hinaharap ay magigigng ganap din
kayong propesyunal katulad ni
teacher Curpoz.

Ang huling tanong,ibinibilin ba ng Yes, po ma’am sa bi po ng


inyong ama at ina na mag-aral aking ina na edukasyon lamang
kayo ng mabuti? po ang maari niyang ipamana sa
Yes Leonard. akin.

Mahusay!, tama si Leonard


tandaan mga anak na ang
edukasyon ay hindi katumbas ng
pilak at ginto.

MAribeth, kung ikaw si junior ano Barkada po, hindi naman


ang mga bagay na gusto mong masama ang makipag barkada
pakawalan para sa iyong maayos pero minsan po ay nawawala
na pag-aaral? ako sa landas po na pag-aaral
dahil sa kanila.
Maayos!

C.Pag-uugnay ng mga Mayroon na ba kayong ideya kung


halimbawa sa bagong aralin anong bagong kwento ang Tungkol po sa pag-aaral po
tatalakayin natin ngayon? ma’am

Yes, Angel.

Tama, tungkol sa pag-aaral at bilin


ng mga magulang na tayong mga
bata ay mag-aral ng mabuti.

Ang kwentong babasahin natin


nayong araw ay may pamagat na
“mag-aral ka ng mabuti anak” ni
Lordes Balderama.

Ilabas ang inyong mga libro at


tumungo sa pahina 12. Ang paraan
ng pagbasa ay pangkat-pangkat.

Ang row 0ne muna ang unang


babasa, susunod ang row two at
pagkatpos sabay-sabay tayong
lahat sa huling parte ng kuwento.

Naunawaan ba?
Yes, Ma’am!
Paalala:
1.Ituon ang buong atensyon sa
bumabasa.
1. Iwasan ang makipag-usap sa
katabi habang binabasa na
kabilang row ang kwento.

Handa na ba ?
Yes, po Ma’am!

Okey unang pangkat, basa.


(Unang pangkat)
Mag-aral Kang Mabuti Anak
Kapag araw ng pasukan,
maraming mga magulang ang
naghahagilap ng perang kanilang
pangmatrikula, pang- uniporme
at pambili ng mga gamit sa
paaralan. Sa mga dukhang
magulang, iisa ang kanilang
kinakapitan: pangungutang na
may malaking patubo o interes.
Madaling- araw pa lamang buo
na ang aklat ni Mang Tino sa
gagawing pagmulat sa anak na
mali ang ginagawa nitong
paglalakwatsa. Nabalitaan niyang
malapit nang maging drop-out
ang kanyang anak dahil sa
pagkalulong nito sa barkada at
bisyo. Ipinahanda ni Mang Tino
sa asawa ang baon nilang
mag-ama.

Salamat, row one next row two.


Basa.
(pangalawang pangkat)
Paalis na ang anak patungong
paaralan nang akbayan ni Mang
Tino at ibulong sa anak na
samahan siya sa pinaglilingkurang
restawran. anghali nang dumating
sa pinagtatrabuhahang restawran
ang magama. Nagmumura ang
manedyer na Intsik nang Makita
siyang huli. Manghang- mangha
si Junior nang marinig sa ama na
siya muna ang magiging katulong
sa araw na iyon sapagkat masama
ang kaniyang katawan. Ang totoo
masama ang loob niya sa anak sa
ginagawang pagwawalang bahala
nito sa pag-aaral. Noon lamang
naisip ni Junior na isang tungkulin
ang gagampanan niya pagkat
nabalitaan na marahil nito na hindi
na siya pumapasok sa eskwela
gayong araw- araw ay humihingi
siya ng baon.

(sabay-sabay )
Dala ng kanyang ama ang
pantrabahong damit na gagamitin
niya. Itinuro ang buong lilinising
restawran, lalo na ang kubeta at
kusina. Maselan daw ang Intsik na
may-ari. Mabibigat ang
pinabubuhat sa kanya. Alam ni
Junior na sa sulang na limapu’t
walo, hindi na kaya ng kanyang
ama ang mga bubuhating iyon.
Pagkatapos
ng buong umagang trabaho,
pinatulong siya sa kusina. Nang
sumapit ang oras ng tanghalian,
binigyan lamang sila ng mainit na
sabaw.
Pinagsaluhan nila ang kanilang
baong kaunting kanin at dalawang
tinapa.
Matapos na
silang kumain nang isalaysay ni
Mang Tino ang kanyang buhay ang
ginawa ng kanyang ama sa
pagtataguyod sa kanya.
Ngunit drop-
out din ang kanyang kinalabasan
sapagkat nagayuma siya ng
kanyang barkada. Walang kakibu-
kibo si Junior. Parang isang linggo
siyang nagtrabaho. Iyon ang
matagal nang ipinaliliwanag ng
kanyang ama. Hindi niya
maunawaan noon. Ngayon lamang
niya ito naiintindihan. Ngayon
lamang nabuksan ang kanyang
isip. Ayaw ng kanyang amang
sapitin niya ang sinapit nito.
Anak, hindi
sana ako ganito kung nakinig
lamang ako sa lolo at lola mo.
Hanggang sa kamatayan ko ay
pagsisisihan ko ang aking pagiging
drop-out sa haiskul. Ikaw,
mag-aral kang mabuti, iyan ang
tanging pamana ko sa iyo. Ikaw
ang panganay sa inyong
magkakapatid. May sakit na ako sa
baga at iyan ay di alam ni ng iyong
ina…” Maikli lamang ang sinabi ng
kanyang ama tulad noong mga
nakaraang buwan ngunit bawat
salita ay tumagos hanggang
kaluluwa ng anak.
“Itay,
ipinapangako ko po… Hindi na
naituloy ni Junior ang iba niyang
sasabihin. Sapat nang puhunan
ang mga luhang umaagos sa
kanyang mga mata.

D.Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
Hula ko, sagot ko!
bagong kasanayan #1
Naunawaan ba ang binasa class?

Kungnaunawaan magkakaroonj
tayo ng isang laro, ang hula ko,
sagot ko!

Simple lamang ang tuntunin ng


laro mayroon akong ipapakitang
mga larawan ay ibigay ang inyong
hinuha o hula sa maaring
pangyayaring isinaad sa binasang Yes, Ma’am.
akda. Naunawaan ba?
Okey kung naunawaan ang
tuntunin umpisahan na natin.

Unang larawan Mike, pagmulat ni mang Tino sa


kanyang anak sa mali nitong
gingawa, Ma’am.

Mahusay Mike!

Susunod Jomarie. Malapit na itong maging


drop-out sahil po ito po ay
nabarkda.

Mahusay Jomarie!
Ikaw naman Erika. Nabarkada po kasi siya.

Mahusay Erika!

Ikaw naman celyn. dinala ang anak sa


pinagtatrabahuhan upang
Makita ang paghihirap niya
upang mapag-aral lang siya.

Mahusay celyn!

Muhuay! Nakabuo na tayo ng


maiksing story line na hangi
mismo sa akdang binasa. Para sa
iyo Tungkol saan ang binasa Yes, ma’am naawa po si junior
mong kuwento?
sa kanyang Ama kaya dito
Vanesa nakapag-isip siyang mag-aral
Mahusay ! ng mabuti.
E.Pagtalakay ng bagong Nakikita niyo ba ang nasa pisara? Yes, ma’am.
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Ito ay isang concept map.

Pagkamit ko
ng Aking sa
Pangarap
Buhay

Mayroon akong makukulay na


papel dito, kumuha ng isa at
pagkatapos ay sulatan kung ano
ang inyong ginagawa upang
makamit ang inyong mga
pangarap.

Pagkatapos, ay isa-isa ko kayong


tataawagin at ibahagi lamang ng
kaunting segundo ang inyong
ginagawa upang makamit ninyo
ang inyong mga pangarap sa
buhay, pagkatapos ay idikit ito sa
concept map.
Yes, Ma’am!
Naunawaan ba ?

(Tinapos ng guro at mag-aaral ang


gawain)

(isa! Dalwa! Tatlo! Apat!


Bigyan ng limang bagsak ang Lima!)
sarili dahil sa maayos at mahuay
na pagbabahagi mga anak!

Mag-aral ng mabuti upang ang


buhay ay mapabuti!

F.Paglinang sa Kabihasaan Ngayon , naman hatiin ang klase


( Tungo sa Formative sa taltong pangkat.
Assessment )
Kumuha dito ng manila paper at
pentlepen. Bawat isa sa inyo sa
pangkat ay magbahagi ng sariling
sariling sagot sa hinihinging
katanongan sa bawat hanay.

Gayahin ang talahanayang ito:


Pinakamimit Lugar na Mga
hing maging nais taong
puntahan mahalag
a sa iyo

Pagkatapos maisulat lahat ng


hinihining sagot sa bawat hanay,
gumawa ng isang repleksyon kung
paano ninyo makakamit ang
pngarap ninyo sa buhay.

Pagkatapos ay , ibahagi ang


(ang bawat pangkat ay maayos
inyong pinal na output sa klase
na gumagawa sa ibinigay na
pangkatang gawain)
Mahusay ! ngayon ibahagi na ang
inyong mga gawain.

(tinapos ng guro at mag-aaral ang


pangkatang gawain)

Mahusay ! Nawa’y magkatotoo


lahat ng mga binahagi ninyo sa
klase at maging ganap kayong
propesyunal balang araw! Pagbati
sa inyong lahat.
G.Paglalapat ng aralin sa Balikan natin ang binasang
pang-araw-araw na buhay kwento katulad ni junior, Paano
mo ipinapakita ang iyong
pagmamahal sa iyong mga Naipapakita ko po ang
magulang? Yes Lorena pag-mamahal ng aking
magulang sa pamamagitan po
nag pag-aaral ng mabuti.

Mahusay!
Ano namang ugali ni junior bago Ayaw ko pong gayahin ma’am
sia nagusing sa katotohan ang yong ginagawa niya noon na
ayaw mong gayahin? nakikipag barkada,
Yes Marife naglalakwatsa at pinababayaan
po ang kanyang pag-aaral.
Dahilan po sa kanyana na
muntikan silang ma drop-out.
Magaling!

Gamit ng mga makukulay na


papel , gumawa ngmaikling liham
para s inyong mga magulang.
Ilahad sa liham ang inyong (inilabas ng mga mag-aral ang
pangako na mag-aaral kayo ng kanilang cellphone at lumikha
mabuti. sila ng mensahe sa kanilang
mga magulang)
Mahusay mga anak!
H.Paglalahat ng aralin “Ang katandaan sa mga walang
kaalaman ay taglamig; sa mga
kaalaman ay tag-ani”

Ano sa inyo ang ibig sa bihin


ng kasabihang ito?
Yes, Marvin

Ito po ay nagbibigay
importansya ng edukasyon sa
buhay ng tao.

Magaling!
Tandaan, na mahalga sa ating
lahat ang mag-aral ng mabuti.
Dahil ito lamang ang inyong
maaring sadigan sa landas na
inyong tatahakin maging sa
inyong katandaan. Tandaan na
ang kamangmangan ay
mayroong pangit na dulot sa
ating buhay,gamitin nating susi
ang edukasyon upang
makawala tayo sa hawla ng
kangmangan.

Naunawan ba ?
Yes, Ma’am!
I-Pagtatayang Maglabas ng buong papel para sa
aralin/ebalwasyon inyong pagsusulit.
Panuto:Isalaysay ang iyong
naging karanasan sa buhay
upang mas lalo pa kayong
mag-aral ng maayos at mabuti.
Halimbawa:
Hindi ka makabili ng iyong
bagong damit dahil kapos ang
iyong magulang. (Iba-iba ang naging sagot ng
mga mag-aaral)

Mahusay!

J.Karagdagang gawain para sa Para sa inyong takdang-aralin,


takdang-aralin at remediation Gumupit ng isang larawan na
gusto niyong maging balang araw
Halimbawa: pulis
Ilahad kung bakit pulis ang gusto
mong maging balang araw.

Paalam ! Paalam po!

IV. MGA TALA/REMARKS


V.
PAGNINILAY/REFLECTION
A.Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba para sa
remediation
C.Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D.Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E.Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking
naranasan na na solusyunan sa
tulong ng guro.
G.Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa guro

Inihanda ni:

Joaana Marie Curpoz


Minasid ni/nina:

Francis Emy Asuncion


(Guro)

You might also like