You are on page 1of 1

September 29, 2020

Gerodias, Leyte M. BEED III FIL


211

Ipaliwanag ang kasabihang “If you fail to plan, you plan to fail” sa konsepto
ng pagpaplano ng aralin.

Ang pagpaplano ay napakahalagang sangkap sa tagumpay lalo na kung


may layunin kang gustong maabot.
Sa konsepto naman ng pagpaplano ng aralin, ang kasabihang “If you fail
to plan, you plan to fail” ay napaka makatotohanang kasabihan dahil ang
pagpaplano ay napakahalaga hinggil sa pagtuturo.
Ito ang batayan ng iyong pagiging epektibo bilang isang guro at sinusukat
nito ang tagumpay sa pagtuturo at pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagpaplano ay
makakapag isip ka ng epektibong teknik at estratehiya upang mabuo ang
ugnayan ng mga gawaing pangmag-aaral at gawain ng guro. Isinasaalang sa
pagpaplano na sa pagtatapos ng aralin ay may matututunan ang mga mag-aaral.
Kung nabigo ang isang guro sa pagpaplano, nangangahulugan ito na siya
ay hindi handa at nagpaplano na mabigo sa kanyang pagtuturo. Kaya, ang
pagbigong magplano ay siya rin ang sangkap sa kabiguan lalo na sa pagtuturo.

You might also like