You are on page 1of 4

Banghay Aralin Filipino 6

Pamantayan Pangnilalaman:
Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto
Pamantayan sa Pagganap:
Nakapagtatala ng mga kailangang impormasyon o datos
Mga Kasanayan sa Pagkatuto(Kowd):
1.Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong pang-impormasyon. F6PB-Ic-e-3.1.2
2.Napupunan nang wasto ang kard na pang-aklatan. F6EP-Ie-13
Markahan: 1 Linggo: 5 Araw: 4

I. Layunin:
Pagkatapos ng 50 minuto, 100% sa mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakakasulat ng mahahalagang impormasyon o datos.

II. Nilalaman:
Paksang - Aralin:1.Paggamit ng Sanggunian sa Pagtatala ng mga Mahahalagang
Impormasyon tungkol sa isang Paksa
2.Pagsagot ng mga tanong sa binasang talambuhay.
Integrasyon: Nailalarawan si Lea Salonga at ang kanyang naiambag sa lipunan basi
sa kanyang Talambuhay(Aral.Pan.)
Estratehiya: Ikuwento Mo, Saliksik Mo!
Kagamitang Panturo:Projector/pantulong.kahon na kayamanan,diksiyonaryo
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pahina 86
III. Pamamaraan
A. Pagmomodelo
Magkukuwento ang guro tungkol sa Talambuhay ni Lea Salonga at kung paano niya
binigyan ng dangal ang ating bansa.Bigyang halimbawa ang mga mag-aaraal ng mga
awit na nagpasikat kay Lea.

(larawang
kuha mula
sa aklat na
“Ugaling
Pilipino sa
Makabagon
g Panahon
6” pahina
86.)

B. Sa Gabay ng Guro:Ipakita ang larawan ni Lea Salonga (nasa pahina 86 ng aklat


Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 ) “Basahin natin ang mga tanong
tungkol kay Lea Salonga.Ano ang kanyang naiambag sa lipunan?
Tukuyin natin ang mga salita na nasa hanay A sa pamamagitan ng pagdikit ng mga
kaugnayan nito sa hanay B na nakasulat sa isang plaskard.
A B
A. Parangal na natanggap
1. Lea Salonga
2. Pitong taong gulang B. Lugar / Bansa
3. Musika
C. Tao
4. Miss Saigon
5. Theatre World Award D. Edad
6. Pilipinas
E. larangan

F. Palabas sa Tiyatro

C. Basahin ninyo ang mga sumusunod na tanong tungkol sa talambuhay ni Lea Salonga
at sagutin ito ng buong husay(gamit ang kahon ng kayamanan.)

1. Sa anong larangan naging tanyag si Lea Salonga?


2. Bakit isa si Lea Salongga sa itinuring na natatanging Pilipino?
3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, anong talento mo ang nais mong
maipaunlad?

D. Panoorin ang powerpoint ng mga Tanyag na Pilipino at pakinggan ang


mahahalagang impormasyon sa kanila at sa larangan na kanilang
pinagtagumpayan.
 Gumawa ng masining na pagkukuwento batay sa mga tanyag na Pilipino.
 Bibigyan ko kayong ng limang minuto sa pagkukuwento sa iyong napiling
tanyag na Pilipino.
 Narito ang rubric sa pagbibigay ng marka sa bawat isa.
Manny Pacquiao magiting na Catriona Gray lakas loob na sinungkit
boksingerong mahigpit na ipinaglaban ang korona ng Ms Universe 2018, siya
ang kanyang kampyonato sa loob ng ay dalawamput limang taong gulang
ring, siya ay apat napung taong gulang na tubong Albay. Siya ay anak ni G.
na taga Saranggani at panganay na Gray na isang Australyano.
anak ni Mommy Dionesia.

Ano-anong mga kaugalian na dapat taglayin ng isang batang katulad mo upang


magtagumpay sa anumang larangan? Bukod sa aklat ano-anong mga sanggunian ang
pwedeng gamitin sa pagtatala ng mga iba’t ibang impormasyon ?

IV.Pagtataya
Basahin ang isang talambuhay at punan ang mga impormasyon na kailangan sa kard
na pang-aklatan.
Si Jake Zyrus ay isang sikat na mang aawit sa Pilipinas pati narin sa ibang
bansa. Nagsimula ang kanyang karera noong sumali siya sa Little Big Star sa edad na
sampung taong gulang. Nakatira siya sa kanyang ina na si Raquel Pempengco sa
Cabuyao, Laguna.Masaya niyang ibinabahagi ang kanyang buhay sa kanyang mga
kaibigan at kapamilya.

V. Takdang-Aralin
Gumawa ng kard na pang-aklatan basi sa inyong sariling talambuhay.
Pagninilay
A.Bilang ng nakakuha ng 80% sa pagtataya _________________
B.Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng ibang
gawain para sa remediation ________________
C.Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga-aaral na
nakaunawa sa aralin. ________________
D.Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa aralin. ________________
E.Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos.Paano ito nakatulong? ________________
F.Anong suliranin ang aking nararanasan na sulosyunan
sa tulong ng aking punongguro at superbiso? ________________
G.Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? _______________

Inihanda ni:
Jackielyn D. Waniwan

You might also like