You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province

PURA ACADEMY INC.


Pura, Tarlac
Taong Panuruan: 2018 – 2019

DETALYADONG
BANGHAY - ARALIN
SA FILIPINO
SA LOOB NG LOVE CLASS
(pakitang turo)

Inihanda ni:

ERWIN N. GANDOLA
GURO SA FILIPINO
I. LAYUNIN

a. Natatalakay ang mahahalagang pangyayari sa tekstong sa “Sa Loob ng Love Class”


b. Nabibigyang-halaga ng mga mag-aaral ang papel ng isang guro bilang bayani at
pangalawang magulang
c. Naisasagawa ng mag-aaral ang mga mahahalagang pangyayari, at
kaisipang hinggil sa teksto.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Sa Loob ng Love Class ni: Eric O. Carino
Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig
Kagamitan: tsart, mga larawan ICT.

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
Tayong lahat ay tumayo para sa ating -Iyuko natin ang ating mga ulo at damhin
panalangin. ang presensya ng ating Panginoon,
maraming salamat po sa araw na ito na
muli kami ay nagkatipon-tipon upang
kami ay matuto, salamat po sa panibagong
buhay ay bagong pagasa upang
makapasok sa paaralang ito dalangin ko po
ang kalusugan, katalinuhan at kaligtasan
ng bawat naririto, Ikaw ang siyang
gumabay sa amin at magpala sa aming
buhay ilayo niyo kami sa kaguluhan at
kapahamakan. Ito ang aming samo’t
dalangin sa matamis na pangalan ni
Hesus, Amen.

2. Pagbati
Isang marilag na umaga sa inyong lahat! -Isang marilag na umaga rin po!

3. Pagtala ng lumiban sa klase


Sino o sino-sino ang mga lumiban sa araw
na ito? (pangkatang pag-uulat)

Sa pangkat ng kalalakihan? -ikinalulugod ko pong sabihin na sa araw


na ito ay walang lumiban sa aming
Mabuti kung ganon! pangkat.

Sa pangkat naman ng kababaihan? -ikinagagalak ko pong sabihin na sa araw


na ito ay walang lumiban sa aming
pangkat.
Ako’y natutuwa at sa araw na ito ay
walang lumiban.

4. Balik-Aral
Bago tayo pumalaot sa ating panibagong Tinalakay po natin ang kahapon kung ano
paksa, tayo muna ay magbalik-tanaw sa ang teksto.
ating nakaraang talakayan. Ano nga ba
ang tinalakay natin kahapon.

Tama? Ano ng aba ang kahulugan ng Ang teksto po ay isang babasahin na


teksto? naglalaman ng mga ideya tungkol sa ibat’t
ibang tao impormasyon tungkol sa mga
bagay bagay.

Magaling! Magbigay nga ng uri ng 1. Tekstong informatibo ito ay isang teksto


tekstong inyong nalaman? kung saan bago lahat ng kaalaman,
pangyayari at impormasyon.

2. Tekstong naratibo ito ay naglalahad ng


simpleng pagsasalaysay.

3. Tekstong deskriptibo teksto kung saan


nagtataglay ng impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng tao,
bagay at lugar.
Mahusay! akoy natutuwa at inyong lubos
na naunawaan ang ating tinalakay
kahapon.

B. PAGGANYAK
Ngayon naman bago natin tuluyang
himay-himayin ang nilalaman ng ating
bagong paksa ay magakakaroon muna
tayo ng laro na may kinalaman sa ating
tatalakayin, at ang larong ito ay tatawagin
nating Clash of Class..

Simulan na natin!

Mga tanong Mga sagot

1. siya ang bubusog sa tindang lugaw #si lover vendor


lulusog siya ang mag-aaral

2. tag mo si J siya ang mag-aaral # Jessa batang ina


nanagmahal, nabuntis, nagsisisi at
nagbago ?

3. siya ang ina, ama, bayani at hero # si teacher lover


tinaguriang Dream Maker

4. sila ang mag-aaral na tinaguriang #the trouble maker


teachers enemy no 1. Palagi nalang
napagagalitan

5. siya ay maalaga, masipag at #sarah maalaga


mapagmahal na anak at kapatid at
huwarang mag-aaral?

Ano ang inyong napansin sa ating Larawan ng guro na nakasuot ng pang-


aktibidad? Base sa mga larawang superhero, larawan ng nagtitinda at
nakapaskil? larawan ng isang babaeng may anak.
Isang gurong maituturing na bayani, at
larawan ng mga kabataang may ibat ibang
Tama! Iba pang kasagutan? personalidad sa buhay
Tumpak!
Sa inyong palagay patungkol saan kaya Tungkol po sa kabataan o mag-aaral at ng
ang ating paksa? isang guro.

Tumpak!
Sa tingin niyo sino-sino ang mga Sila ang mga kabataang minsang
kabataang ito. napagkaitan ng mabuhay ng normal.

Mga kabataang napariwa sa buhay.


Mahusay! ang mga taong ito ay may
kinalaman sa ating paksang tatalakayin,
sila ay ang ating mga pangunahing tauhan
na matatagpuan sa Sa Loob ng Love Class

C. Paglalahad
Ngayon ay ating tatalakayin ang tekstong
may pinamagatang Sa loob ng Love Class
ni Eric O. Carino

Sino sa inyo ang may nakakaalam sa


kwentong ito?

Sino na sa inyo ang nakaranas nang (sasagot ang piling mag-aaral)


umibig?

Ngayon klas ating matutunghayan ang


isang gurong umibig sa kanyang mga
mag-aaral.

Makinig ng mabuti.

D. Pagtatalakay
Upang lubos nating maunawaan ang
nilalaman ng teksto ating alamin ang
kahulugan ng mga salitang mahirap
unawain.
.
1. Paghawan ng Sagabal
 Ipinupukol Ibinabato
 Pasanin Pabigat
 Paglingap Paglilingkod
 Kumakalinga Nag-aalaga
 Tinalikdan Tinalikuran

2. Gabay na Katanungan

1.Bakit itinuturing na pasanin sa Sila ay tinuturing na pasanin sa loob ng


eskwelahan ang mga mag-aaral na paaralan dahil ilan sa kanila ay madalas
binanggit sa teksto? lumiliban sa klase at pasaway.
Ipinapakita po ng guro ang pagiging
malapit niya sa mga mag-aaral upang
makuha ang loob at makapagbukas ng
saloobin ang mga mag aaral na sa tingin
po ng guro ay may problema
2. Paano ipinapakita sa salaysay ang
naiibang pagmamahal ng guro sa Nagkakaroon din po ng home visiting
kanyang mag-aaral? upang malaman ang dahilan ng madalas na
pagliban ng mga mag aaral at dahil dito
pinagtuuang ituro ang aral ng buhay at
hindi lamang ang aral mula sa mga aklat.

3.Sino ang maaaring makaimpluwensya Mga kaibigan -malaki ang impluwensiya


kung bakit maraming mag-aaral ang ng barkada sa pag aaral ng isang bata
nagiging problema ng mga guro? maari nitong mapabayaan ang kanyang
pag aaral dahil sa mga ito at higit sa lahat
maaaring masira nag kanilang buhay dahil
sa maling daana ng tinatahak.
Mga magulang- dapat sila ang unang
nakakaalam at tumututok sa mga anak
nila.

Mga guro -bilang pangalawang magulang


sa loob ng paaralan dapat nilang kilalanin
ang kanilang mga mag-aaral sapagkat may
mga mag-aaral na kailanga bigyang pansin
at bigyan ng konsidirasyon.

4. Kung ikaw ang guro ng mga mag-aaral Opo upang hindi mapariwara ng landasin
na binabanggit sa teksto, gagawin mo rin ang mga magaaral at upang mabago ang
baa ng ginawa niya? kanilang buhay habang maaga pa.
Opo upang malaman ng bawat mag-aaral
na nakakaranas ng problema na hindi
dapat sila mawalan ng pag-asa sa buhay.
Dahil habang nabubuhay may pag-asa.

5. Bakit pinamagatang sa Loob ng Love Pinamagatang sa Loob ng Love Class ang


Class ang teksto? teksto dahil sa labis na pagmamahal ng
isang guro na walang inaantay na
anumang kapalit, higit dito pinakita niya
na walang batayan ang pagiging mabuting
guro.

E. Paglalahat

Anong katangian ng guro sa tekstong Ang katangian ng guro ay may malasakit


binasa? sa kapwa at mapagmahal sa kanyang mga
estudyante.

Ano namang katangian ng mga mag-aaral Sila ay ang mga pasaway o trouble makers
na nabanggit sa teksto? kung tawagin ng ibang guro, masipag,
matulungin.

Bakit sila tinawag na trouble makers? Silay tinawag na trouble makers dahil sila
ang mga mag-aaral na may mabababang
grado at laging lumiliban.

Sa anong dahil bakit sila laging lumiliban? Dahil po sa mga problemang kinakaharap
sa buhay.
Ano ang ginawa ng isang guro upang
mabago ang buhay nila? Hinusgahan ba Nilapit niya ang kanyang sarili sa kanila
niya sila? upang malaman ang mga suliranin nito.
Nag home visiting siya upang malaman
ang dahilan kung bakit sila lumiliban sa
klase
Mahusay! Ako’y natutuwa at inyong Opo sir!
naintindihan ang ating paksa?

E. Paglalapat

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng Pamantayan sa Pagbibigay Grado


pangkatang gawain hahatiin ko kayo sa nilalaman 40%
dalawang pangkat. Bawat pangkat ay may mensahe 30%
kanya kanyang gawain na nagpapakita ng pagkamalikhain 30%
pagmamahal at pasasalamat sa mga guro.
(awit para sa mga guro, tula, pag-guhit ng
larawan at pagsasadula)

G. Pagpapahalaga
Anong damdamin ang nangingibabaw sa Ako po ay masaya dahil sa kabila ng lahat
kabuuan ng teksto/talakayan? ng suliranin ng mga mag-aaral sa teksto ay
may isang guro na tumanggap at humubog
sa kanila upang magbago at hindi maligaw
sa landasin ng buhay.

Ako naman po ay malungkot dahil sa


kabila ng kanilang murang edad ay may
naka-atang ng malaking obligasyon sa
Mahusay! halip na makapag aral sila ay maspiniling
Ang pagmamahal at pag aaruga ng isang tumulong sa mga magulang upang mag-
ina ay higit na kailangan ng isang bata alaga ng batang kapatid, nagtitinda para
kaya naman isa ring layunin ng isang guro may pang matrikula na hindi dapat nila
bilang isang ina sa loob ng paaralan ang gampanin ang Mga bagay na ito.
ibigay ang kailangan ng anak na hindi
mababasa o nasusulat sa aklat.

Bilang isang mag-aaral may mga


pagkakataon na bang kayo ay nagkaroon
ng problema at kayo ay tinulungan ng
inyong guro?
Noong ako po ay napabarkada at nakakuha
ng mababang marka pinayuhan po ako ng
aking guro na iwasan muna ang madalas
nap ag-sama sa aking guro at tutukan ang
pag-aaral

Noong ako poy nag-kaproblema sa aking


bayarin ako po ay nahihiyang pumasok
dahil di makakakuha ng pagsusulit. Ako
poy kinausap na guro na pumasok parin at
Magaling! Hindi talaga natin naiiwasan kumuha ng pagsusulit upang hindi mahuli
ang pagbabarkada kaya minsan hindi natin sa klase at gagawan na lang daw nya ng
maiwasang sumama sa gala at paraan ang aking problema.
mapabayaan ang pag-aaral. Ang
pagbabarkada ay di naman masama dapat
bilang isang mag-aaral magkaroon ng
limitasyon pagdating sa mga bagay na
maaaring makaapekto sa inyong pag-
aaral.
Klas inyong pakakatandaan na ang
kahirapan ay hindi hadlang sa pag-aaral
kaya naman sa simpleng paraan hanggat
kayang tumulong ng guro ay gagawin at
gagawin ito.

IV .PAGTATAYA

Panuto: Sumulat ng replektibong sanaysay tungkol sa tekstong tinalakay sundan ang


batayan sa pagsulat
Nilalaman 30%
Organisasyon 30%
Wika at gramatika 20%
Bokabularyo 10%
Mekaniks 10%

V. TAKDANG GAWAIN
Sumulat ng liham pasasalamat sa gurong gusto mong pasalamatan.

You might also like