You are on page 1of 50

WEEK 1

1
KONTEMPORANEONG PANITIKAN
TUNGO SA KULTURA AT PANITIKANG
POPULAR

Ang salitang kontemporaneo ay isang pang-uring tumutukoy sa kasalukuyang panahon.


Anumang salitang itambal dito ay maiuugnay sa kasalukuyang panahon. Kaya naman kapag
itinambal natin ang salitang panitikan sa kontemporaneo, nangangahulugan lamang ito ng
panitikan sa panahon natin ngayon.
Iba’t-ibang kontemporaneong panitikan ang susuriin mo sa bahaging ito: mga babasahin,
mga programa sa radyo, mga palabas sa telebisyon, at pati na rin sa mga pelikula. Susuriin mo
ang mga katangian ng mga panitikang ito, tutukuyin ang mga nagpapatangi rito, at saka bababad
sa ilang halimbawa.
Sa pagdaan mo sa proseso ng pagsusuri sa mga katangian ng mga panitikan at pagbabad
sa halimbawa ng panitikan, mahalagang makapagnilay ka sa katapusan ng bawat aralin. Bakit
nga ba naging popular ang ganitong anyo ng panitikan? Paano ito nakatutulong sa paghubog ng
kultura nating mga Pilipino? Ano ang papel mo bilang taga-konsumo ng iba’t-ibang
kontemporaneo at popular na panitikan.

2
POPULAR NA BABASAHIN
PAGSULONG
Hindi matatwaran ang papel ng panitikan sa buhay ng Pilipino. Sa bawat bahagi ng
kasaysayan ng ating bayan, umusbong ang iba’t-ibang layon. Mula sa mga katutubong tula,
alamat, kuwentong-bayan, at epiko noong panahong pre-kolonyal, hanggang sa mga tula,
balagtasan at sarsuwela noong panahon ng okupasyon, nagmistulang bantayog ang iba’t-ibang
anyo ng panitikan ng katalinuhan at katatagan ng mga Pilipino sa kabila ng mga hamon ng
anumang sitwasyon at panahon.

Noong panahong lumaya ang mga Pilipino mula sa kamay ng mga mananakop niing
gitanang bahagi ng ikadalawampung siglo ay naging mabiling ang ihip ng pagbabagi. Ang
pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig ay nagbunga ng panahon ng kapayapaan na siya
namang naghudyat sa mabilis nap ag-unlad ng teknolohiya. Nakaapekto ito sa maraming aspekto
ng pamumuhay ng tao tulad na lamang ng sa media. Ang dating mano-manong paglilimbag ay
bumilis sa tulong ng mga makabagong makina. Nagdulot ito ng mas mabilis na daloy ng
impormasyon na nakatulong sa pagpapaunlad ng mga kaalaman at kakayahan ng tao.

PAG-UNLAD
MABILIS NA
PANAHON NG PANAHON NG NG KAALAMAN
DALOY NG
KAPAYAPAAN TEKNOLOHIYA AT KAKAYAHAN
IMPORMASYON
NG TAO

3
Kugnay ng mga pagbabagong ito sa daigdig ay ang pag-usbong ng mga makabagong
anyo ng panitikan na tumutugon sa panlasa ng makabagong tao. Iba’t-ibang anyo ng popular na
babasahin ang nagsulputan upang magbigay ng impormasyon at aliw na kailangan ng tao sa
kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Pamilyar ka bas a mga popular na babasahing ito?
Sa ibaba makikita ang mga larawan ng iba’t-ibang popular na babasahin. Isaayos ang
hinalo-halong mga salita upang matukoy ang anyo ng mga ito.

PAGPALAOT

4
Ang mga popular na babasahin tulad ng Pahayagan, Komiks, Magasin, at
Kontemporaneong Dagli ay patuloy na kinawiwilihang tangkilikin ng Pilipino hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga ito ay naghahatid ng mahahalagang impormasyon o ‘di naman kaya ay
nagdudulot ng aliw sa mga mambabasa. Talakayin natin ang mga katangian ng bawat isa.

Ang PAHAYAGAN, na kilala rin sa tawag na diyaryo o peryodiko, ay isa sa


pinakapopular na anyo ng print media. Naglalaman ito ng pinakabagong balita na nakaaapekto sa
mga mamamayan mula sa Pambansa hanggang sa local na nibel. Nakaayos ang mga balita ayon
sa paksa. May mga balita tungkol sa politika, sports, Negosyo, showbiz, at iba pa. naglalaman
din ito ng mga opinyon, artikulo, at mga patalastas. Samakatuwid, ngalalaman ito ng samu’t-
saring balita, artikulo at mga imahen na posibleng pagkainteresan ng iba’t-ibang mga tao.
Arawan ang paglilimbag ng mga ito.

Ang mga diyaryo tulad ng Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Bulletin, at
iba pa ay maaaring ihiwalay sa mga pahayagan tulad ng Abante, Taliba, Pilipino Star Ngayon, at
iba pa. Ang naunang pangkat ng mga diyaryo ay nasa wikang Ingles at pormal ang paraan ng
pagkakasulat. Ang ikalawang pangkat naman ay nasa wikang Filipino at may mga pagkakataong
eksaherado ang mga ilang impormasyong nakaulat. Ang ikalawang pangkat na ito ay tinatawag
na mga TABLOID at nakaayon sa panlasa ng masa o mga mamamayan nasa mababang antas ng
lipunan.
Tulad ng mga pahayagan. MAGASIN ay isa ring popular na anyo ng print media.
Naglalaman din ito ng mga balita, artikulo, opinyon, patalastas, kuwento, at iba pa subalit kaiba
sa mga pahayagan, nakasentro ang mga balita at artikulo ng mga magasin sa isang tema o paksa.
Halimbawa, ang Cosmopolitan magazine ay naglalaman ng mga panitikan na nakatuon sa mga
inyeres ng kababaihan tulad ng kalusugan, kagandahan, at kultura. Ang T3 magazine naman ay
naglalaman ng mga balita at artikulo tungkol sa pinakauso at pinakabagong teknolohiya at
gadgets. Ang Yes! Magazine naman ay tiyak na kagigiliwan ng mga mahilig sa mga balitang
may kaugnayan sa showbiz.
Kapag pinagtabi ang isang pahayagan at isang magasin, makikita agad ang pagkakaiba ng
dalawa sa kalidad ng papel na ginamit at paraan ng pagkakalimbag. Kung ang mga pahayagan ay
gumagamit ng manipis na papel na pinagpatong-patong at tinupi-tupi lamang, ang mga magsin
ay tila aklat na ang paraan ng pagkakalimbag. Mas makapal ang papel na ginagamt dito at
matibay ang pagkakalimbag dahil isang beses kada buwan lamang maglabas ng isyu ang
karamihan sa mga magasin (monthly). May ilang magasin na dalawang beses sa isang buwan
(bimonthly) o ‘di naman kaya ay isang beses kada lingo. Bagamat nakalalamang sa kalidad ng
papel at pagkakalimbag, ang mapupuna anamn sa magasin ay madali maluma ang mga laman
nitong balita at artikulo kung ihahambing sa mga pahayagan na araw-araw ay may bagong balita
at artikulo.

5
Ang KOMIKS ay isang anyo rin ng print media na may higit na diin sa mga imahen. Ito
ay naglalaman ng serye ng mga larawan at diyalogo na naglalahad ng kuwento. Sa Pilipinas ay
mahaba ang kasaysayan nito. Kahit ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal ay lumikha ng
komiks. Ang kaniyang comic strip na version ng “Pagong at Matsing” ay nailathala sa
“Trubner’s Record” sa Europa noong 1884.
Noong unang bahagi ng ikadalawampung siglo, isang bahagi lang ang mga komiks ng
mga “Entertainment Section” ng mga pahayagan at magasin. Subalit ng lumawak ang
popularidad ng mga komiks, nagsimula nang maglathala ng mga komiks n ahiwalay sa
pahayagan at magasin tulad ng “Halakhak Komiks” noong 1946. “Pilipino Komiks” at “Tagalog
Klasiks” noong 1949, at “Silangan Komiks” noong 1950. Naging tanyag din ang mga gumagawa
ng mga komiks tulad nina Mars Ravelo, Tony Valesquez, Pablo S. Gomez, at Carlo J. Caparas.
Ilan sa mga kilalang komiks sa kasalukuyan ay ang “Pugad Baboy” ni Pol Medina, “Zsazsa
Zaturnnah” ni Carlo Vergara, at “The Mythology Class” ni Arnold Arre.
Ang DAGLI ay isang anyo ng maikling sulatin o panitikang tuluyan. Pasalita ang tono at
nagkukuwento, nasabing ninuno ito ng “Maikling Kuweto” na natutuhan mo sa nakaraang yunit.
Karamihan sa mga dagli noon ay pumapaksa sap ag-ibig samantalang ang ilan ay tungkol sa
kalayaan ng Pilipinas at kondisyon ng mga manggawa. Walang nakatitiyak sa pinagmulan at
mga pamantayan nito, subalit ayon sa ilang dalubhasa, ito ay nagsimulang sumulpot noong 1902.
Ayon kay Rolando Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga
pahayagan noon hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento
sa mga kolum, pangunahing balita sa pahayagan. Dagdag pa niya, ang dagli ay nagbanyuhay sa
pagiging anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa. kinilala ang dagli bilang pinakpopular
na anyo ng panitikan sa mga pahayagan noon subalit dahan-dahan itong naglaho matapos ang
unang dekada ng okupasyon ng mga Amerikano.
Sa kasalukuyan ay unti-unting umuusbong ang mga Microstories o Flash Fiiction sa
mundo ng panitikan. Ang mga ito ay mga kuwentong napakaikli lamang tulad ng mga Six-word
story, Twitterature (140 characters), Dribble (50 salita), Drabble (100 salita,)at ang Sudden
Fiction (750 salita). Ang mga ito ay maitutring na kontemporaneong anyo ng dagli. Ang mga
propesor naman tulad nina Aristotle Atienza at Rolando Tolentino ay nagsaliksik ng mga
nailathala at sumikat na dagli noong unang bahagi ng ikadalampung siglo at muling nailathala
para sa kasalukuyang henerasyon ng mag-aaral at mga dalubhasa sa panitikan.
Ngayon naman ay magbabasa ka ng ilang halimbawa ng popular na babasahin. Ang una
mong babasahin ay dalawang halimbawa ng kontemporaneong dagli.

6
KOLESTEROL
Ni Rolando B. Tolentino

Mayroon akong kaibigan, kumain ng isang bandehadong sizzling sisig sa Trellis, ulam sa
tatlong tasang kanin. Matapos sa inakalang niyang reapirmasyon ng sarili sa kaniyang soul food,
sumakit ang kaniyang batok. Hindi siya nakatulog.

Mayroon akong kaibigan, na-stroke sa unang pagkakataon, edad 25. Nangangamba ako
sa susunod pang pagkatok ng iba pang stroke sa pintuan ng kaniyang katawan.

Mayroon akong kaibigan, mahilig sa sisig, chicharong bulaklak, inihaw na bituka ng


manok. IUD hindi ba, PAL, helmet, Walkman, drakula, tuwalya, bimpo, lechong kawali, puwit
ng manok, hipong halabas, at crispy pata. Mahaba pa ang listahan. Si Sharon nga, sabi ng
kaibigan ko, hindi makaklampas ang isnag lingo nang hindi kumakain ng kaniyang paboritong
lechon. Naku, tiyak na matutuwa si Doreen, saan man siya naroroon.
Sino ng aba ang makakatanggi sa sebo at mantika?
Hayaang humigop ng solido’t sabaw na mantika. Hayaan nang magkataghiyawat,
pumutok ang taghiyawat. Sino nga ang makatatanggi sa pagsanib ng kalamansi, toyo, patis, suka,
bawang, sibuyas, at sili sa nagmamantikang katawan ng karne?

Sa isang bansang madalang ang kasaganaan, sino ang makatatanggi?

KAMATIS NA KASINLAKI NG KALABASA


Ni Rolando B. Tolentino

Sa China, nadiskubre na ang scientists ang gnome ng bigas, ang nagbibigay ng kalahati
ng nutrisyon na mga umuunlad na bansa.
Ayon sa dambuhalang Amerikanong agro-kemikal na kompanya, ang Monsanto
Company, “Biotechnology innovations will triple crop yields without requiring more farm land,
saving valuable rainforests, and animal habitants.”
Noong 1970’s. sa pagpapalaganap ng hysteria sa pagsabog ng overpopulation, itinatag
ang Green Revolution. Naalala kong sapilitan kaming pinagbubungkal ng mga lupa para tamnan
ng kamatis, kamote at petsay. Tumitindi raw ang kagutuman ng mundo at ang sagot ay ang
pagtatanim sa paso at maliliit na bakanteng lote. Ito ang panahong nadiskubre ang miracle rice,
ang mga punggok na uri ng palay na nakapagabibigay ng dalawa hanggang tatlong beses na dami
kaysa sa tradisyunal na bigas.
Sapilitang ipinatanim ito sa mga magsasaka. Pinautang sila para makabili ng peligrosong
fertilizer, insecticide, at pestisidyo na kakailanganin ng miracle rice para makapagbigay ng
dalawa hanggang tatlong beses na dami ng palay.
Pero marami pa ring nagugutom. Araw-araw ay 786 milyong tao ang nagugutom. Sa
kasaysayan, kahit pa tumaas ang supply ng pagkain, nanantiling constant din ang pagtaas ng
kagutuman. Wala sa biotechnology at genetic engineering ang sukdulang kasagutan sa
kagutuman.

7
Food dependence, ang pagpalit sa mga magsasaka na magtanim ng export crops, at
kawalan ng lupa ang problema, ayon sa The Ecologist, isang nakabase sa London na
independienteng magasin.
Hindi kamajtisa na kasinlaki ng kalabasa ang papawi ng kagutuman.

Pagkatapos basahin ang dalawang kon temporaneong dagli, basahin anamna ng dalawang
nakaaliw na comic strip sa ibaba.

PUGAD NG BABOY
Ni Pol Medina

8
LIBRENG KOMIKS
Ni Pol Medina

PAGSALIMBAY
GAWAIN 2
A. Maghanap ng isang artikulo mula sa isang Tabloid na amy kaugnayan sa isyu ng kalusugan.
Isipi ang artikulo sa kahanon sa ibaba.

B. Ihambing ang pagakaksulat at nilalaman ng siniping artikulo sa mga dagli at comic strip na
binasa sa naunang mga pahina. Gamitin ang tsart sa baba.
Siniping “Kolesterol” “Kamatis Na Pugad Baboy Libreng
Artikulo Kasinlaki ng Komiks
Kalabasa”
Paksa
Layon
Tono
Pananaw
Paraan ng
pagkakasulat

9
WEEK 2
10
PAGPALAOT
ANTAS NG WIKA
Natural sa atin ang pakikipag-usap sa ating kapuwa dahil bahagi iyan ng ating kalikasan.
Hindi man natin masyado napag-iisipan, subalit natural din na mag-iba ang pamamraan ng ating
pakikipag-usap depende sa kung sino ang kausap natin at sa anong sitwasyon. Hindi ba’t
magkaiba ang iyong pamamaraan ng pakikipag-usap sa iyong mga magulang at sa iyong mga
kaibigan?kung gaano ka kagalang sa iyong mga magulang o sinumang nakatatanda ay maaaring
kabaligtaran naman kung mga malapit na kaibigan o mga kapatid at pinsa ang iyong kausap.
Nagiiba tagala ang ating tonong boses, bilis ng pagsasalita, ekspresyon sa mukha, kumpas ng
kamay, at higit sa lahat, ang mga salitang ginagamit upang umayon sa sitwasyon at sa relasyon
natin sa ting kausap.

Ang mga salita o kaantasan ng wika na ating ginagamit ay mahahati sa dalawa: Pormal at
Impormal.
1. Pormal; Ito ay ginagamit sa mga sitwasyong pormal kung saan piling-pili ang ginagamit na
mga salita at maingat din sa pagbaybay at gramatika. Ito ay impersonal, obhektibo, eksakto, at
tiyak. Kung pasalita, anririnig natin ang ganitong antas ng wika sa mga pormal nap ag-uulat sa
mga opisina at paaralan, at gayundin sa mga programang may seryosong tono tulad ng misa at
pagtatapos. Kung pasulat naman, nababsa natin ang ganitong antas ng wika sa mga seryosong
publikasyon, tulad ng mga aklat, mga sulating akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga
paaralan.

2. Impormal- Ito ay ginagamit sa mga sitwasyong impormal. Ito ang wika ng pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mg apangungusap nito ay
maiikli lamang. Hindi ito mahigpit na pagbaybay at lalo na sa gramatika. Wla itong pamantayang
sinusundan, kung pasalita, ito ang wikang naririnig natin sa bahay, lansangan, telenobela,
noontime variety shows, at iba pa. kung pasulat, maaari natin ito Mabasa sa ilang artikulo sa mga
tabloid at magasin at gayundin sa mga personal na liham sa atin ng ating mga kaibigan.

a. Balbal-o Islang ay yaong mga salitang maituturing na salitang kanto o salitang kalye. Hindi ito
tinatanggap sa mga pormal na sitwasyon dahil sa likas na kagaspangan ng mga ito sa tunog pa
lamang. May iba’t-ibang paraan kung paano ito nabubuo.

 Paghango sa mga salitang katutibo


Halimbawa:
Pormal Na Anyo Balbal
Matanda Gurang
Kapatid Utol
baliw Loko-loko

 Paghihiram sa wkang banyaga


Halimbawa:
Pormal Na Anyo Balbal

11
Mestisa(Espanyol) tisay
Muchacha(Espanyol) Tsimay
Security guard (Ingles) sekyu

 Pagbabaliktad ng buong salita


Halimbawa:
Poramal Na Anyo Balbal
Pinsan Nasnip
Taba Abat
kuya ayuk

 Pagbabaliktad nang papantig


Halimbawa:
Pormal Na Anyo Balbal
Panget Ngetpa
Kotse Tsikot
pulis lispu

 Nilikhang Salita
Halimbawa:
Pormal Na Anyo Balbal
Maarte Maeklat
Esposo Espi
papuri hanep

 Pinaghalo-halo
Halimbawa:
Pormal Na Anyo Balbal
Paghanga (crush) Kilig to the bones
Nauuso In-na-in/trending
masunurin Bow lang nang bow

 Iningles
Halimbawa:
Pormal Na Anyo Balbal
Malas Jinx
Kawalang pag-asa Bad trip
Pagsang-ayon Yes,yes,yo

12
 Dinaglat
Halimbawa:
Pormal Na Anyo Balbal
KSP Kulang sa pansin
LOL Laughing-out-loud
HOHOL Hang-out-hang-out lang

 Pagsasalarawan o pagsasakatangian ng isang Bagay


Halimbawa:
Pormal Na Anyo Balbal
Hilo/pagod Luting
Baril Boga
nakadroga Durog/bangag

b. Ang KOLOKYAL ay yaong mga slaita na natural na nagbago ayon sa paraan ng pagnanalita
ng mga gumagamit nito. Madali pa rin namang mabakas dito ang pinagmulang pormal na anyo
subalit kung susuriing mabuti, makikita na ito ay naging ganito upang bumilis ang paraan ng
pagbigkas ng orihinal nitong anyo.
Halimbawa:

PORMAL NA ANYO KOLOKYAL


Mayroon Meron
Piyesta Pista
aywan Ewan
Iyong Yung

PAGSALIMBAY
GAWAIN 2
Gamit ang siniping artikulo, magtukoy ng tatlong pormal, tatlong balbal, at tatlong
kolokyal na mga salita. Itala ang mga ito sa tsart sa baba.
pormal balbal kolokyal

Bumuo ng isang maikling comic strip na nagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa kalikasan.


Gumamit ng mga salitang Balbal at Kolokyal sa mga diyalogo at bilugan ang mga ito.

13
WEEK 3
14
KONTEMPORANEONG PROGRAMANG PANRADYO

PAGSULONG
Sa nakaraang aralin ay itinuon mo ang iyong atensiyon sap ag-unawa sa iba’t-ibang
popular na babasahin tulad ng mga diyaryo, tabloid, komiks at konteporaneong dagli. Natutuhan
mo na ang mga ito ay bahagi ng tinatawag nating Print Media.

Mula sa print media ay magtungo naman tayo sa dalawang uri ng Broadcast Media: ang
Radyo at nag Telebisyon. Para sa partikular na aralin na ito mo ang iyong atensiyon sa radyo.
Subalit bago ka bumabad sa mundo ng radyo, bigyang kahulugan muna natin ang terminong
Broadcast Media sa pamamagitan ng paghimay rito.

Ingles Broad + Cast


Filipino Malawak + Itapon/ibato

Media – mga pangunahing sangay ng komunikasyong pangmadla; anyong pangmaramihan ng


medium.
Kung susuriin ang hinimay na terminong Broadcast Media, ito ay nagtataglay ng talong
elemento. Una, may itinatapon o ibinabato. Pangalawa, ang kung anumang itinatapon o ibinabato
ay may malawak na saklaw. At pangatlo, nangyayari ito sa pamamagitan ng isang lagusan o
medium. Subalit ano ang itinatapon o ibinabato? Ano ang papel ng media/medium sa itinatapon
o ibinabato? Upang lalo mon maunawaan, pag-isipan ang uganayan ng tatlong nabanggit na
elemento sa diagram sa baba.

15
Sa pinakamadaling salita, ang Broadcast Media ay isang Sistema kung saan ipinadadala
ang mensahe o impormasyon mula sa isang pinagmumulan patungo sa napakaraming
patutunguhan. Nangyayari ito sa pamamagitan ng media na nagsisilbing lagusan ng nasabing
mensahe o impormasyon.

Ngayong malinaw na sa iyo kung ano ang Broadcast Media at alam mon a ang radyo ay
isang anyo nito, itutuon na natin ang iyong atensiyon sa radyo. Malamang ay nakakita,
nakahawak, at nakapakinig ka na sa isang radyo. Ano-ano ang mga alam mong katangian ng
radyo batay sa karanasan mo rito? Itala sa diagram sa baba ang iyong mga sagot.

16
PAGPALAOT
Hindi matatawaran ang papel ng radyo sa buhay ng tao. Mula sa pagiging kaagapay sa
mga araw-araw na gawain, hanggang sa pamumuhay, sadyang hindi maitatanggi ang naidulot
nitong pagpapagaan at iba pang mga positibong pagbabago sa buhay ng tao. Ikaw, ano ang
naging papel ng radyo sa iyong buhay?
Ang RADYO ay isang broadcast medium na nakasandig sa kakayahan ng taong
makarinig. Gumagamit ito ng mga elemento ng tunog-musika, mga epektong pantunog (sound
effects), diyalogo o usapan o mga tinig. Kaugnayan ng mga ito, ang kakayahan ng radyo na
paganahin ang haraya ng tagapakinig ang masasabing pangunahing lakas nito.
Dahil wala namang limitasyon ang kakayahan ng haraya ng mga tao, gamit lamang ang
mga elemento ng tunog ay nadadala na ng radyo ang tagapakinig sa kung saan-saang lugar at
napagagawa nito sa mga tauhan ang mga bagay na mahirap gawin sa telebisyon o pelikula. Dahil
pandinig lamang ang pandamang pinagaganang radyo, ang haraya ng tagapakinig ang
nagsasabiswal ng kaniyang mga naririnig . at dahil wala ngang limitasyon ang haraya. Tulad ng
nasabi na, walang-hanggan din ang kakayahan ng radyo sa pagpapagana rito-mula sa
pagpapasisid sa isangb tauhan sa kaibuturan ng dagat hanggang sa pagpapalipad sa isa pang
tauhan patungo sa ibang mga daigdig!

MGA KATANGIAN NG RADYO


Bilang isang Broadcast Medium, ito ay nagtataglay ng ilang mga katangian, upang higit
na maunawaan ang radyo, kailangang tandan ang sumusunod.
1. Mistulang teatrong pangkaisipan ang mabubuo para sa tagapakinig gamit lamang ang tunog.
Dahil nga pandinig lamang ang pinagagana nito sa madla, ang anumang tunog na niliklikha ng
radyo ay nasasabiswal ng tagapakinig sa kaniyang isipan.

17
2. Mas mura ang produksiyon ng mga programa sa radyo kaysa sa telebisyon. Hindi ito
nangangailangan ng magagandang props, makukulay na kasuotan, o naggagandahang mga
artista. Hindi rin ito nangangailangan ng mamahaling epektong pambiswal (visual effects)ipang
gawing kamangha-mangha ang isang eksena. Tulad ng nasabi na, pagiging malikhain lang sa
paggamit ng mga elemento ng tunog ang kailangan upang paganahin ang haraya ng tagapakinig.

3. Napakapersonal at impormal ng radyo. Kapag ang tagapakinig ay nakikinig sa musika sa


radyo, ito ay naiuugnay niya agad sa kaniyang mga personal na mga alaala. Kapag ang
tagapakinig ay nakikinig sa isang anawnser o DJ (Disc Jock ), hindi niya maiwasang maisip na
isang kaibigan lang ang nakikipag -usap sa kaniya.

4. Mabilisan ang daloy ng imporamsyon sa radyo. Hindi ito tulad sa mga babasahin na maaaring
balikan ang mga impormasyon kapag may hindi naiintindihan. Sa radyo, kapag may mga
impormasyon na hindi agad nauunawan ng tagapakinig, mahirap na itong balikan. Dapat ay
maiksi at malinaw at nakagagayak ang impormasyon na lumalabas dito.

5. Inuulit-ulit ang impormasyon sa radyo. Dahil nga paspasan ang daloy ng impormasyon dito at
ang tagapakinig ay posibleng makalimot agad, mahalagang inuulit-ulit ang impormasyon upang
higit na maalala ng tagapakinig ang impormasyon at maging mabisa sa papel nito bilang
tagapaghatid ng nasabing impormasyon.

6. Kailangang magipagkompetensiya ang radyo sa mga distraksiyon at sa atensiyon ng


tagapakinig. Tandaang isa sa mga bagay nagpapatangi sa radyo sa ibang anyo ng media tulad ng
print at telebisyon ay maaari itong gamitin habang may ibang ginagawa nag tagapakinig. Hindi
ito nangangailangan ng buong atensiyon tulad ng pagbabasa o panonood. Maaari mong
patugtugin at pakinggan ang radyo habang nagmamaneho. Namamlantsa. Naglalaba, nagluluto,
nagtratrabaho at iba pa.

7. Madali ito bitbitin at gamitin saan man magpunta. Nagpapatugtog tayo ng radyo habang nasa
sasakyan, habang nasa opisina, at lalo na kapag gumagawa tayo ng mga gawain sa bahay.
Kumpara sa telebisyon, mas may kakayahan ang radyo na maging kaagapay ng tao sa kaniyang
samu’t-saring gawain.

May dalawang pangkalahatang uri ng radyo. Ang una ay ang mga istasyong AM
(Amplitude Modulation) at ang pangalawa ay ang mga istasyong FM (Frecuency Modulation).
Ang produksiyon ng mga istasyong AM ay mas mura subalit mas maabab ang kalidad ng tunog
na naisasamhimpapawid nito. Ang mga programang maririnig natin sa mga istasyong AM ay
pinaghalo-halong interes ng mga ordinaryong mamamayan- balita, drama, showbiz, musika, at
iba pa. Sa kabilang banda, ang produksiyong naman ng mga istasyong FM ay mas mahal kaya
mas maganda ang kalidad ng tunog na naisasahimpapawid nito. Ang mga programang maririnig
dito ay nakatuon sa musika at mga talakayan tungkol sa popular na kultura.

18
Istasyong FM o AM man ang pakinggan, ang mga programa sa mga ito ay maaaring
pangkatin saw along kategorya. Pasadahan natin ang bawat isa.

1. Balita- Naghahatid ito ng mga pangunahing katotohanan (basic facts) tungkol sa mga
pinakabagong balita mula sa iba’t-ibang kategorya: pambansang balita, local na balita, Negosyo,
relihiyon, showbiz, at iba pa.

2. Editoryal/Komentaryo – Nagpapahayag ng opinyon tungkol sa iba’t-ibang isyu o blaita.


Maaari itong pumuna, pumuri, o tumalakay sa mga aksiyon at patakaran ng ilang pampublikong
opisyal, pangkat, o mga institusyong pampubliko o pribado.

3. Panayam- May kinakapanayam upang makakuha at makapagbigay ng impormasyon,


reaksiyon, opinyon, at iba pa. Maaari itong maging hiwalay na programa o kaya bahagi lamang
ng isang mahabang programa.

4. Talakayan – Naglalayonitong magpalitan ng opinyon o impormasyon. Nagtatalaban ang mga


kaisipan at paniniwala sa mga ganitong programa.

5. Programang Pangmusika – Musika ang binibigyang diin at pinakamahalagang elemnto rito. Ito
ang uri ng program ana may malaking tagasubaybay mula sa mga tagapakinig.

6. Programang Pang-edukasyon – Naglalayon itong makatulong sa pagtuturo o magsilbing


kagamitang pang-edukasyon. Maaari itong gumamit ng iba’t-ibang pormat-balita, panayam,
talakayan, editoryal, komentaryo at drama.

7. Radyo Magasin – Binubuo ito ng marami at iba-ibang bahagi tulad ng isang tunay na magasin.
Maaari itong magtaglay ng panayam, maikling kuwenyto o drama, editoryal, sulat sa editor, mga
puna o opinyon ng mambabasa, mga natatanging ulat, mga tula, pagbabalita, at kung ano-ano pa
tungkol sa tampok na paksa.

8. Patalasta – Ito ay mga anunsiyo tungkol sa produkto, serbisyo, o ideya na naglalayong


makabenta.

PAGGAWA NG ISKRIP PARA SA RADYO


Ang ISKRIP ay isang manuskritong nagsisilbing gabay sa proudksiyon ng programa sa
radyo. Ito ang naksulat na dokumentong pinagbabatayan ng mga dapat sabihin ng DJ (Disc Jock)
at kung ano ang iba pang elemento ng tunog na dapat isahimpapawid sa programa. May
dalawang pangkalahatang uri nito.

1. Kumpletong Iskrip (Fully scripted) – Nakasulat ditoa ng lahat ng dapat patunogin, tatugtugin,
at dapat sabihin ng mga Dj.

19
2. Balangkas (Semi-Scripted) – Talaan lamnag ng mga hudyat pampadaloy lalo na kung hindi
maitatakda ang nilalaamn ng palitan ng ideya o impormasyon tulad ng sa panayam o talakayan.
May dalawang uri nito.

a. Rundown Sheet – Ito ang listahan ng lahat ng programa ayon sa kanilang pagkakasunod-
sunod, kabilang na ang kalkuladong haba ng oras sa bawat bahagi .
Halimbawa:
1. Introduction (3:00)
2. Commercial break 1 (1:00)
3. 1st Question (0:30)
4.
5.

b. Routine Sheet – Mas detalyado ito kaysa sa Rundown Sheet. Ito’y naglalaman ng aktuwal na
diyalogo at aksiyon at pati na mga remark o puna na sadyang inihanda upang lumitaw na dalib
ang mga ito.
Halimbawa:
JDC: Magandang umaga po sa inyong lahat. Naririto na naman tayo sa “Panayam” na bahagi
ng ating programa. Ito po ang inyong lingcod na si Juan dela Cruz na makakasama ninyo sa
loob ng kalahating oras. Ang ating paksa para sa araw na ito ay ukol sa pagpapanatili ng
kalinisan ng ating kaligiran. Atin pong inimbitahan ang environmentalist na si Ginoong Rene
Aspiro mula sa Haribon Foundation…etc.., (3:00)

Bago natin umpisahan ang pakikipanayam kay Ginoong Aspiro, ilan munang paalala mula sa
ating mga isponsor. (0:30)

COMMERCIAL BREAK (1:00)


JDC: Balik tayo sa ating programa. Tulad ng nabanggit natin kanina.

May sinusunod na pormat ang iskrip para sa mga programa sa radyo. Narito ang mga
tuntuning dapat ninyong sundin kapag magsusulat ka ng iskrip na panradyo.

1. Gumamiyt ng maliliit na letra sa pagsulat sa diyalogo.


2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog at ang emosyonal na reaksiyon ng
mga tauhan.
3. Salungguhitan ang SFx (sound effects) at MSc (music).
4. Hindi lamang kailangang ipakita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi
kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito. Halimbawa, kailangan bang naka-
FADE UNDER ang musika habang nagsasalita ang isang tauhan?
5. Kailangan may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya sa iskrip kapag
minakinilya.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi bago ang uang
salita ng linya upang maging madali ang pagwawasto kapag nagrerekording.

20
7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ang kailangang isulat sa maalaking titik.
Gagamitin lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano sasabihin ang mga linya o diyalogo
ng mga tauhan. Ilagay ang mga ito sa parentesis o saklong at isulat sa malaking titik.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay indikasyon king sino ang
nagsasalita at ano ng uri ng tinig ang maririnig (Halimbawa: Boses 1,2; Lalaki, Babae kung
isusulat ang pangalan ng taong nagsasalita. Halimbawa: Joey, Maria. Ganoon din, kailangang
maging tiyak ang pangalan o katawagan ng gagamitin, tulad Announcer.)
9. Isulat sa malalaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa parentesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang magsasalita o
pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang pagalalgay ng numero sa bilang isa.
Mga Halimbawa:
1. TAL : Ganito ang tunog ng kalikasan
2. SEX : BIRDS CHIRPING
3. TAL : Ngunit ganyang tunog ay unti-unting nawawala dahil ang
4. kalikasa’y sinisira

1. ANA : (GALIT NA GALIT) Ikaw na babae ka, ano bang tsismis ang
2. pinagkakalat mo tungkol mo tungkolsa akin, ha?

1. MCC : FADE IN, SUSUTAIN FOR A FEW SECONDS THEN FADE UNDER FOR
2. ANNCR: Ang regular na paggamit ng pataba sa lupa pagkatapos ng ilang taon ay
3. nagiging sanhi ng pagka-acidic ng lupa. Ito ay nagreresulta sa maliit na ani…
4. MSC : FADE UP THEN FADE OUT.

1. MARIA : (SISIGAW) Nena…Nena… Bumaba ka na ta hindi na natin abutan pa


2. ang showing sa kanto.
3. NENA : (OFF MIKE) Nandiyan na…(Sa Sarili) Naku, makikita ko rin ang paborito kong
artista.

May tatlong elemento na dapat alalahanin sa pagsulat ng iskrip. Ang mga ito ay ang
posisyon ng mikropono, mga epektong pantunog (sound Effects), at musika.
1. Posisyin ng Mikropono – mahalagang matukoy ng manunulat sa iskrip ang relasyon ng
tagaganap (performer) sa mikropon. Ito ang magbibigay ng oryentasyon sa tagapakinig upang
makita niya sa kaniyang haraya kung nasaan ang mga tauhan at kung saan nangyayari ang
eksena. Narito ang ilang mga termino na dapat intindihin;

ON MIC Hindi na kailangang isulat pa sa iskrip ang ganitong posisyon ng


mikropono. Sa ganitong posisyon, nagsasalita ang tagagnap harap mismo
ang mikropono.
OFF MIC Medyo malayo sa mikropono ang tagaganap kaya medyo mahina ang
dating ng tunog sa tagapakinig ng radyo. Sa ganitong posisyon ,
mabibigyan ng oryentasyon ang nakikinig na para bang ang tunig ay

21
nagmumula sa mga kalayuang lugar mula sa pinangyayarihan ng aksiyon.
FADING ON Sa ganitong posisyon, naririnig na pa bang unti-unting lumalapit ang
tagaganap sa mikropono kaya unti-unting ring lumalakas ang tunog
hanggang sa ito’y maging normal. Sa imahinasyon ng tagapakinig , para
bang lumalapit ang tagaganap sa sentro ng aksiyon.
FADING OFF Nagbibigay indikasyon ang posisyong ito na para bang papalayo ang
tagaganap sa mikropono habang ito’y nagsasalita, na para bang sentro ng
aksiyon.
BEHIND Maririnig ang tagaganap na para bang may hadalng sa pagitan niya at ng
OBSTRUCTION pinangyayarihan ng aksiyon tulad ng sa likod ng pinto.
FILTERED MIC Nagbibigay ito ng indikasyon na para bang nanggagaling sa telepono ang
boses. Ginagamit din ang posisyong ito upang ilarawan ang pagsasalita ng
mga langgam, mga engkantada, mga duwende, pagsasalita ng robot, at iba
pa.
ECHO/REVERB Iba’t-ibang antas ng alingawngaw ang maaaring iparinig upang bigyan ng
emosyonal na epekto ang tunog. Ginagamit din ang posisyong ito upang
ilarawan ang tinig ng Diyos, ang boses ng higante o kaya’y upang ilarawan
ang eksena na pananaginip (dream sequence).
2. Mga Epektong Pantunog – Ito ay ang tunog na maririnig sa isang program ana hindi maaaring
uriin bilang salitaan o musika. Ginagamit ang mga epektong pantunog hindi lamang sa mga
dramatikong programa kundi pati na rin sa di dramatikong programa. May dalawang uri ng
tunog. Ang una ay ang natural o realistikong tunog na naririnig sa iyong paligid. Ito ang mga
tunog na nakalilikha ng natural na epekto ng tunog na nanggagaling sa orihinal na
pinagmumulan nito. Ang pangalawa ay mga nilikhang tunog na nagbibigay ilusyon. Ito ang mga
tunog na nilikha sa artipisyal na paraan upang makapagbigay-buhay sa tunog na kinakatawan.

3. Musika-Maraming gamit ang musika para sa radyo at pangunahin dito ay bilang nilalaman ng
mga programang pangmusika. Ginagamit din itong tema, pantransisyon, at bilang background ng
iba’t-ibang programa sa radyo. May kakayahan kasi ang musika na makalikha ng kondisyon ng
damdamin o mood para sa tagapakinig.

Kapag gagamit ng tunog na pang-epekto o musika sa inyong iskrip, hindi lamang


mahalaga na ilagay ninyo ang paggamit ng mga ito kundi kailangang ilagay sa radyo. May
kakayahan kasi ang musika n amalikha ng kondisyon ng damdamin o mood para sa tagapakinig.
SUGUE Tumutukoy ito sa banayad na pagkakasunod ng isang tunog at ng
susunod pang tunog. Ginagamit ito sa pagpapatugtog ng mga
awitinsa programang pangmusika. Sa ganitong Teknik, papatapos
ang isang awitin samantalang kaagad na nakasunod at nag-
uumpisa na ang susunod na awitin. Ang Teknik n aito ay ang
pagpapatugtog ng dalawang magkasunod nang walang gap o
pagitan.
CROSSFADE Tumutukoy sa pagpapatong ng mga tunog. Sa programang
pangmusika, ang crossfade ng mga awitin o tugtugin ay tutukoy sa
pagssisimula na ng ikalawang pangmusikang seleksiyonhabang
tumutugtog pa ang unang pangmusikang seleksiyon. Sa puntong

22
ito, nagpapatong ang dalawang musika at sabay na lumalabas sa
ere. Sadramatikong programa, maaaring ipatong halimbawa, ang
tunog ng ulat at ang pag-ring ng telepono. Ang ibi sabihin nito ,
papatong ang tunog ng telepono sa tunog ng ulan nang mga ilang
Segundo. Ititigil ito pagkatapos at ang tunog ng telepono ang
maririnig na lamang.
BLENDING Dalawa o higit pang magkakaibang tunog ang pinagsama at
lumalabas sa ere nang sabay. Maaaring magkumbinasyon ng mga
sumusunod na tunog: diyalogo at musika, diyalogo at epektong
pangtunog; iba’t ibnag epektong pantunog o kombinansyon ng
nabanggit . malinaw na maririnig ang mga ito sa mga dramatikong
sitwasyon. Halimbawa, habang nag-uusap ang dalawang tauhan,
may maririnig na awiting pinapatugtog bilang background music.
Ang halimbawang ito’y kombinasyon ng diyalogo at musika.
MONTAGE Pagsasama ito ng hindi magkakauganay na mga eksena sa
pamamagitan ng paggamit ng isang musikao iba pang tunog. Iba
ang montage , magkakaiba at maiikling eksena ang pinagsasama o
pinag-uugnay upang
Makapagbigay ng isang epektong makatutulong sap ag-unawa ng
nakikinig sa isang pangyayari. Halimbawa, sapagbibigay
deskripsiyon ng manunulat sa pagsabog ng digmaan, gumamit siya
ng mintage ng magkakaiba at maiikling mga pag-uulat o
pagbabalita ukol dito, mga putok ng baril, mga pagsabog, sigawan
ng mga tao at iba pang maiikling diyalogo ukol sa nagaganap na
digmaan. Pinagsama-sama ang mga eksenang ito sa pamamagitan
ng paggamit ng musika o iba pang mga tunog.
CUTTING/SWITCHIN Ito ay ang biglaang pagpuputol ng isang tunog at ang madaliang
G pagpasok ng isa pang tunog. Halimbawa, maririnig ang tunog ng
malakas at maharot na musika. Biglang ititigil ito at papasok ang
malakas na sigaw ng isang babae.
FADE IN/FADE OUT Ang ibig sabihin nito, kung gagamitin ang epektong pantunog o
musika, ipasok ito sa puntong magsisimula ang paggamit (fade
in)at ititigil o palalabasin ito sa puntong hindi na ito kailangan
(fade out). Nangangahulugan din ito ng pagapapalakas, paghihina
o pagtigil ng bolyum. Sa fade in/fade out, gradwal ang pagpasok o
paglabas ng tunog.
SNEAK IN/ SNEAK Kaunti lang ang pagkakaiba ng sneak in/out sa fade in/out. Sa
OUT sneak in/out, papasok o lalabas ang tunog/ musika ng mahing-
mahina at halos hindi ito mapapansin. Sa fade in/out naman,
gradwal ang pagpasok o paglabas ng tunog. Ang ibig sabihin nito
sa fade in, mahinang papasok ang tunog at unti-unting lalakas
hanggang sa level na aayon sa kagustuhan ng gagamit nito. Sa fade
out, unti-unting hihina ang tunog hanggang tuluyan na itong
mawala o aalisin. Sa sneak in o sneak out naman, ang level ng
lakas ay pantay sa pagpasok at paglaabs ng tunog.
FADE UNDER Hinaan ang bolyum ng tunog o musika at ilagay sa background

23
(likuran) na level. Sa Teknik na ito, kasalukuyang maririnig ang
tunog o musika ngunit hihinaan ito upang bigyan daan ang iba
pang tunog tulad ng usapan.
FADE UP Kasalukuyang pa ring ginagamit ang tunog ng musika ngunit
lalakasan ang bolyum.
HIT MUSIC Simulant ang musika sa mataas o malakas na nibel.
PAGSALIMBAY
GAWAIN 1
Ikaw ay naghahanda para sa paggawa ng isang programang panradyp. Punan ang mga
patlang sa gabay sa pagbuo ng programa.
Kategorya ng Radio Magazine
Programa
Pamagat ng
Programa
Paksa Pagmamahal sa magulang
Mga musikang
gagamitin
Mga Epektong
Pantunog na
Gagamitin
Mga taong
Kakapanayamin

24
WEEK 4

25
KONTEMPORANEONG PROGRAMANG PANTELEBISYON
PAGSULONG
Hindi kataka-taka ang pagbaling ng interes ng mga tao mula sa Radyo patungong
telebisyon dahil sa kakayahan nitong pukawin hindi lamang ang mga tainga kundi pati ang mga
mata ng madla. Ang dating hinaharaya lamang sa radyo, ngayon ay makikita na sa telebisyon at
kahit ngayong namumuhay na tayo sa mundong digital, nananatili pa rin ang telebisyon bilang
isa sa mga unang bagay na makikita mo sa bawat tahanang Pilipino, Ikawa, gaano kadalas kang
manood ng mga programa sa telebisyon?
Kapag binuksan mo ang telebisyon, ang unang bubungad sa iyo ay ang iba’t ibang
channels na nagpapalabas ng iba’t ibang programang pantelebisyon. Alam mob a na ang mga
local na channels natin dito sa Pilipinas? Patunayan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa puzzle sa
baba.

GAWAIN 1

Channel 2
A - B
Channel 4
P
Channel 5
V

G
Channel 9
N

P H I N E

Channel 13
P

Ngayon naman ay pumili ng tatlong local na channels na ito na madalas mong panoorin.
Maglista ng limang program amula sa bawat channel na gustong-gusto o madalas mong
panoorin.

Channel __ Channel ______ Channel _____

26
PAGPALAOT
Tulad ng sa radyo, ang telebisyon ay isang anyo rin ng Broadcast Media na maaaring
maglayong mangaral, maghatid ng impormasyon, o magpaligaya. Samakatuwid, ito rin ay
nagpapaabot ng impormasyon o mensahe mula sa isang pinagmulan patungo sa maramihang
patutunguhan.

Subalit hindi tulad ng radyo, ang telebisyon ay may aspektong biswal. Kung sa radyo ay
tainga lamang ang pinapagana mula sa madla, sa telebisyon ay may malaking papel na
ginagampanan ang ating mga mata. Kung sa radyo ay haraya ang nagbibiswal ng mga elemento
ng tunog mula sa medium, sa telebisyon ay hindi na kailangang masyadong magharaya dahil ang
mga elemnto ng tunog ay tinatambalan ng mga elementong biswal. Sa ganoong lagay ay
pinapadali ng telebisyon ang pagtanggap ng madla ng mensahe o impormasyon.

27
Halimbawa, kapag ibinalita sa radyo na maraming tao sa palengke, ang imaheng ito ay
maaring mag-iba-iba depende sa karanasan ng nakikinig at nahaharaya rito. Subalit kapag
ipinakita sa telebisyon kung gaano kasikip at karami talaga ang tao sa palengke, magkapareho na
ang imahen sa isipan ng madla anuman ang kanilang karanasan.

Bilang isang broadcast medium, ang telebisyon ay nagtataglay ng limang katangian. Pag-
usapan natin ang bawat isa.

1. Audio/Visual Medium – Tulad ng natalakay na , ito ang nagpapatangi sa telebisyon mula sa


radyo. Pinadadadali kasi natin ang pagtanggap ng madala sa mensahe o impormasyon Salamat sa
pagtatambal ng mga elementong tunog at biswal. Mas nasasaling nito ang ating ang mga
emosyon at dahil dito ay madali nang nakikita ang sa radyo’y naririnig lamang. Bagamat ito ay
kalakasan ng telebisyon , tandaang maaari rin itong maging hadlang sa panig ng gumagawa ng
programa. Mas nagiging mpanghamom ang paglikha ng mga programa sa telebisyon dahil sa
aspektong biswal.

2. Domestic Medium – ang telebisyon ay isang permanenting bahagi ng karamihan sa mga


Abhay rito sa Pilipinas. Hindi ito madalang nalalabas ng bahay. Kadalasan ay may regular na
skedyul ang bawat pamilya sa panood dito. Halimbawa pagsapit ng gabi, pag-uwi ng lahat ng

28
kasapi ng pamilya ay nagsasama-sama ang lahat para manood ng programa sa telebisyon bago,
habang o pagkatapos maghapunan.

3. Live Medium – Kapag nanonood ka ng isang telenobela at may nangyaring kaguluhan sa isang
lugar, maaaring maputol ang iyong panonood ng telenobela dahil sa isang “Breaking News” of
“Flash Report”. Maliban dito, kadalasan ay inieere nang “Live” ang mga noontime shows tulad
ng “Eat Bulaga” at “It’s Showtime”. Ang kakayahan ng telebisyon na maghatid ng impormasyon
nang “Live” ay isang katangiang nagdudulot ng malaking kapakinabangan sa mga manonood.

4. Transitory Medium – Napakabilis ng daloy ng impormasyon sa telebisyon. Kumurap o


malingat ka lang nang saglit ay posibleng hindi mo na makuha ang ilang mahahalagang
impormasyon dito. Kung magkataon ay mahirap na ito balikan dahil tuloy-tuloy ang daloy ng
impormasyon mula sa telebisyon. Hindi ito tulad ng Print Media kung saan maaaring balik-
balikan ang mga impormasyon.

5. Expensive Medium – Dahil sa biswal na aspekto nito ay nagiging mas mahal ang produksiyon
ng mga programa para sa telebisyon kung ihahambing sa produksiyon ng programang panradyo
o mga popular na babasahin. Sa panig naman ng madla, alam naman nating lahat sa telebisyon
ang pinakamahal sa tatlong anyo ng Mass Media na natalakay na.

Samu’t-sari ang mga programang pantelebisyon at kapag sinuri ang mga katangian ng
mga programang ito ay maaaring pangkatin ang mga ito sa iba’t ibang paraan: ayon sa genre,
ayon sa wika, ayon sa haba, ayon sa oras ng pagpapalabas, fiction o non-fiction , at iba pa. ngunit
upang mas maintindihan natin ang telebisyon sa sa sarili nating lokalisadong konteksto,
pangkatin natin ang mga ito ipinapangkat ng pinakamalalaking local na networks:
“Entertainment” at “News and Current Affairs”.
1. Entertainment – ang mga programang pantelebisyong nasa ilalim ng kategoryang ito ay
naglalayong magdulot ng pagkaaliw sa mga manonood. Inilalayo ang mga programang ito ang
kaisipan ng mga manonood mula sa mga problema at pasakit ng araw-araw na pamumuhay.
Pansamantalang nililibang ng mga ganitong programa ang mga manonood, drama man ito o
katatwanan. Pasok sa ganitong kategorya ng mga palabas ang mga telenobela, sitcom, game
shows, variety shows, at iba pa.

2. News and Current Affairs – ang mga programang pantelebisyon nasa ilalim ng kategoryang
ito ay naglalayong maghatid ng balita at impormasyon sa mga manonood. Nakatutulong ang mga
ito upang maging mulat ang madla sa mahahalagang pangyayari sa Pambansa at local na nibel ng
lipunan. Maaari ring magdulot ng karagdagang kaalaman ang mga ganitong programang
pambalita, mga magazine shows, mga dokyumentaryong pantelebisyon, at iba pa. dahil tunay n
kawili-wili ang panonood.

29
SOBRANG PANONOOD NG TV, KUNEKTADO SA ILANG NAKAMAMATAY NA
SAKIT
Ni Jay Dones
Ang sobrang panonood ng telebisyon ay maaring maiuugnay saw along uri ng
karamdaman na nakamamatay.
Ayon sa isang pag-aaral sa Estados Unidos, na inilathala sa American Journal of
Preventive Medecine, nakumpirmang may keneksiyon ang sobrang panonood ng TV sa
maghapon sa ilang sakit sa puso at cancer.
Ginawa ang pag-aarl sa 221 000 indibidwal na umeedad 50 hanggang 71 taong gulang ng
National Cancer Institute sa Estados Unidos.
Lumitaw sa pagsasaliksik na ang indibidwal na nanonood ng TV ng apat na oras o higit
pa, ay may 15% tsansa na mamatay sanhi ng cancer o heart disease kumpara sa isang tao na
nanonood lamang ng TV ng isang oras o mas mababa.
Tumataas pa ito ng 47% kung ang isang tao ay nanonood ng telebisyon ng pitong oras
kada araw o higit pa.
Bukod sa cancer at sakit sa puso, inimbestigahan din ng mga eksperto ang koneksiyon ng
mahabang panonood ng telebisyon sa iba pang sakit na nakamamatay tulad ng diabetes,
Parkinson’s disease, at liver disease
Sa average , ang isang tipikal na American ay nanonood ng 3 ½ na oras ng TV kada
araw.
Paliwanag ni Dr. Sarah Keadle, pangunahing imbestigador ng research study, ipinapakita
lamang nito na maraming negatibong epekto sa katawan ng tao ang sobrang pag-upo o
‘sedentary lifestyle’.

PAGSALIMBAY
GAWAIN 2
A. Tukuyin ang paksa, tono at layunin ng binasang akda.
Sobrang Panonood ng TV, Konektado sa ilang Nakamamatay na
Sakit
Paksa

Tono

Layunin

30
B. Isipin mong ikaw ay gagawa ng isang programang pandokyumentaryong pantelebisyon
(Dokyu) tungkol sa isang aspekto ng kulturang Pilipino. Isipin at itala sa diagram ang apat na
kailangan upang makabuo nito.

Ang mga kailangan sa


pagbuo ng Dokyu

PAGPALAOT
MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL
Sa puntong ito malinaw na malinaw n sa iyo ang hindi matatawarang papel ng
pagpapahayag at pakikipagtalastasan sa buhay ng tao. Mula personal na nibel hanggang sa
mundo ng Mass Media, nagpapahayag ang mga tao ng kanilang mga saloobin at pananaw para sa
iba’t-ibang kadahilanan.
Sa ating pagpapahayag ay gumagamit tayo ng iba’t ibang estratehiya upang maging
malinaw ang ating pahayag, isa sa mga estratehiyang ito ay ang pagpapakita ng lohikal ng
uganayan ng iba’t ibang kaisipan, pangyayari, o kensepto upang makapangatwiran. Ilan sa mga
estratehiyang ito ay pagpapakita ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan atresulta,
kondisyon at bunga/kinalabasan. Sa mga ganitong pagkakataon ay gumagamit tayo ng mga
salitang PANG-UGNAY.

1. Dahilan at Bunga/Resulta – nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi


naman ng bunga o kinalabasan ang result anito.
Halimbawa:
Nag-aaral siyang mabuti kaya/kaya naman (dahilan + pang-ugnay (PU) resulta)
natuto siya nang husto.
Nag-aaral siyang mabuti. Dahil dito/ Bunga (dahilan + PU + resulta; may hinto sa pagitan
nito/ Tuloy natuto siya nang husto. ng dahilan at resulta)
Sapagkat/Pagkat/Dahil nag-aaral siyang (PU + dahilan resulta; may hinto pagkatapos
mabuti natuto siya nang husto ng dahilan)
Natuto siya nang husto (resulta + PU + dahilan)
sapagkat/pagkat/kasi/dahil nag-aaral siyang
mabuti

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan.


Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahil sa, at kasi sa pagsasabi
ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya,
kaya naman, dahilan dito, at bunga nito.

.2. Paraan at Layunin – ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o
naiisipan sa tulong ng isang paraan.
Halimbawa:
Upang/Para matuto nang husto, nagaaral (PU + layunin + paraan may hinto pagkatapos

31
siyang mabuti. ng layunin)
Nag-aaral siyang mabuti upang/para/nang sa (paraan + PU + layunin)
ganoo’y matuto nang husto.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang sa ganoon upang
maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta – Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta.
Halimbawa:
Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng (paraan + resulta)
kaniyang kurso.
Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa (resulta + paraan)
matiyagang pag-aaral

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong itp. Inihuhudyat ng sa ang


paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan – Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: una,
tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo
ang hunga o kinalabasan ng arrow.

Halimbawa:
Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, sana’y (PU + kondisyon + bunga)
natuto ka nang husto.
Natuto ka sana nang husto kung nag-aral (bunga + PU + kondisyon)
kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

Halimbawa:
Kapag/Sa sandalling/basta’t nag-aral kang (PU + kondisyon + bunga)
mabuti, matututo ka nang husto.
Matututo ka nang gusto kapag/sa (bunga + PU + kondisyon)
sandalling/basta’t nag-aral kang mabuti

Sa unang paraan ()salungat sa katotohanan ang kondisyon, ginamit ang pang-ugnay na


kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang
bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandalling… o basta’t upang ipahayag na
maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

32
PAGSALIMBAY
GAWAIN 2
A. Ngayong natukoy mon a ang mga kagamitan na kakailanganin mo, pag-isipan naman ang mga
hakbang na gagawin upang mabuo ito. Ipaliwanag ang resulta ng bawat hakbang sa pamamagitan
ng paggamit ng mga Pang-ugnay. Bilugan ang mga pang-ugnay na ginamit.

Paliwanag sa Hakbang + Resulta


1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

33
34
WEEK

35
PELIKULA
PAGSULONG
GAWAIN 1
Magkatuwaan muna tayo! Tingnan at suriin ang anim na larawan sa ibaba. Ano-ano ang
ipinakikita ng bawat isa?

Sa unang tingin ay walang ugnayan ang mga larawang ito subalit nais kong hamunin
kang paliparin ang iyong haraya! Tingnang mabuti muli ang aim na larawan at subukang gawan
ng koneksiyon ang mga ito. Gawan mo ito ng kuwento at isipin bilang isang pelikulang
pinalalabas sa iyong isipan. Ano ang iyong nakikita? Ano ang iyong naririnig?

36
Gawan ng pagkakasunod-sunod ang mga larawan hanggang sa makabuo ng kuwentong
may simula, gitna, at wakas. Isulat sa balangkas sa ibaba ang bilang ng larawan, ang iyong
likhang salaysay, at ang musikang tumutugtog sa bawat bahagi.

Larawan # Likhang Salaysay Musika

PAGPALAOT
Ang PELIKULA ay isang pagtatanghal sa pamamagitan ng pagpapalitaw sa iskrin ng
mga larawang napakabilis ang pagkakasunod-sunod, kaya nakalilikha ng ilusyon ng galaw o
reproduksiyon ng galaw na kinuhaan ng larawan. Maliban sa pagtatanghal na napanonood ng
madla, pumapatungkol din ang pelikula sa agham ng sinematograpiya at sa industriya ng
pelikula.

Ang pelikula bilang isang palabas ay nagtataglay ng ilang katangian.


1. Ito ay Audio-visual – tulad ng sa telebisyon, nagtatambalan din ang mga elementong tunog at
biswal sa pelikula-musika, sayaw, tunog, imahen, galaw, panitikan, kasaysayan, sining at iba pa.

2. Ang lahat ay isinasakongkreto sa pelikula. Ang internal ay dapat gawing external, ang
abstrakto gawing pisikal, upang maging angkop sa pelikula. Ang hindi nakikita o naririnig ay
hindi mailalagay sa screen.

3. Ang mga imahen sa pelikula ay putol-putol. Hindi kailangang kita ang lahat dahil hindi
eksaktong reproduksiyon ng totoong buhay. Isa itong flat na screen na ginagalawan ng mga
putol-putol na tao o bagay.

37
4. Ang pinagputol-putol na imahen ay pinagsama-sama upang may makita tayong kabuuan.
Kung may sampung bahagi ang isang bagay, dalawa o tatlo lang na bahagi nito ang kailangan
upang katawanin ang bagay na iyo. Ang kabuuan ay nanggagaling kapuwa sa mga bahaging
nakikita mo, at sa hindi mi nakikita. Kaya, sa pelikula ay tila naninilip lang tayo. Hindi natin
kumoletong nakikita o naririnig ang lahat kaya intersado tayo.

5. Dahil dito walang iisang imahen o tunog ang kumpleto nang wala ang sinundan nito, at ang
kasunod nito. Ang kahulugan mula sa pelikula ay nanggagaling sa koneksiyon ng mga elemtong
magkataliwas, o magkaiba man lamang. Mga imahen at tunog. Liwanag at dilim. Ingay at
katahimikan, bida at kontrabida.

6. Dahil hindi kailangang ibigay ang lahat, ang pelikula ay may kakayahang mag-distort ng oras
at ng espasyo. Kapag sinabi ng karakter na pupunta siya sa kusina para kunin ang dinuguan,
magka-cut ang pelikula at nandoon na siya sa may kusina. Hindi na kailangang ipakita ang
matagal na proseso ng paglalakad mula sa pinanggalingan ng karakter patungo sa kusina.

7. Ang pelikula ay nakapako sa kasalukuyan. Walang hinaharap, walang nakalipas sa pelikula/


lahat ng pinanonood mong nangyayari ay nangyayari ngayon. Bagamat ganito ang lagay,
parating panghinaharap ang oryentasyon ng mga pangyayari. Habnag nanonood tayo sa
nangyayari sa harap natin ay nagtatanong na tayo kung ano ang mangyayari sa susunod. Ang
pagkasabik sa mga mangyayari ay isang mahalagang bahagi ng karanasan ng manonood ng
pelikula.

8. Ang pelikula ay may tiyak nah aba. Ang pelikula ay kailangang maglaman ng mapanonood sa
loob ng dalawa o tatlong oras. Ayon sa mga pananaliksik, ang isang tao ay kaya lang tumanggap
ng impormasyon-mga imahen at tunog-sa loob ng humigit-kumulang 90 minuto sa isang upuan.
Pagkatapos nito ay nababawasan na ang pokus niya sa pinanonood.

9. Ang pelikula ay produkto ng teknolohiya. At dahil sa teknolohiyang nagbuhat mula sa agham


ng sinematograpiya, may kakayahan ang pelikulang gayahin ang mga kapana-panabik na
kasanasan ng tao. Sa pamamagitan ng kamera ay puwede nitong ilayo o ilipad, iakyat o ibagsak,
ipasok sa panamakamaliit na lunga, palanguyin sa dagat o iwala sa dilim ang mga manonood.

10. Ang pelikula ay nangangailangan ng pera para gawin. Dahil ito ay produkto ng teknolohiya
at ng maraming tao, natural lang na mangailangan ito ng malaking puhunan bago mabuo.

38
Mula sa katangian ng pelikula na inilatag, mahihinuha ang sumusunod na mga aspekto ng
pelikula na ginamit sa pagsuri ng pelikula.

EFFECTS VSUAL EFFECTS ACTING PLOT/STORYLINE DIRECTION

MUSIC SOUND MGA ASPEKTO NG


PELIKULA

GENRE EDITING COSTUME DESIGN SET DESIGN CINEMATOGRAPHY

At dahil ang pelikula ay pagsasabiswal ng isang kuwento o naratibo, mahalagang matukoy ang
mga bahagi ng kuwento nito. Ang estruktura ng kuwento ng isang pelikula ay hindi naman
nalalayo sa natalakay na antin na ibang anyo ng panitikan alamat, epiko, at maikling kuwento.
Ang kuwento ng isang pelikula ay nagtataglay ng sumusunod na bahagi:

Simula- eksposisyon ng mga elemto ng pelikula.


Problema – magpapatakbo sa daloy ng pelikula
Pataas na Kilos – mga hakbang sa paglutas ng problema
Resolusyon - Punto kung saan magtatagumpay (o hindi) ang tauhan sa pagresolba ng problema

Hindi maaaring manatili sa nibel ng kaisipan lamang ang mga kuntil-butil ng karunungan na
iyong natutuhan, sa puntong ito ay makabubuti kung makapanood ka ng isang pelikula at
matukoy ang mga katangian, aspekto , at estruktura ng kuwento na natalakay. Nirerekomenda
naming ang mga pelikulang “Tanging Yaman”, “Magnifico”, o “Anak”, bilang pelikulang iyong
panonoorin. Pagkatapos makapili at makapanood ng pelikula ay basahin ang isang suring-
pelikula ng “Anak” sa baba

39
SURING-PELIKULA NG “ANAK”
1. Tauhan
- Vilma Santos bilang Josie (ina at OFW na nagtatrabaho sa Hong Kong)
- Claudine Barreto bilang Carla (panganay na anak ni Josie)
- Joel Torre bilang Rudy (asawa ni Josie)
- Baron Geisler bilang Michael (pangalawang anak ni Josie)
- Amy Austria bilang Lyn (matalik na kaibigan ni Josie at OFW sa Hong Kong)
- Cherry Pie Picache bilang Mercy (matalik na kaibigan ni Josie OFW sa Hong Kong)
- Sheila Mae Alvero bilang Daday (bunsong ank ni Josie)
- Leandro Munoz bilang Brian (kasintahan ni Carla)
- Tess Dumpit bilang Norma
- Cris Michelena bilang Arnel
- Hazel Ann Mendoza bilang Young Carla
- Daniel Morial bilang Young Micahel
- Gino Paul Guzman bilang Don Don
- Jodi Sta. Maria bilang Bernadette
- Odette Khan bilang Mrs. Madrid

Nagampanan nang maayos ng mga tauhan ang mga karakter na kanilang ginampanan. Ang
bawat salitang kanilang binibigkas at ang paraan ng kanilang pag-arte ay makatotohanan.
Ang bawat pangyayari ay nakaantig ng damdamin, kung kaya’t magiging emosyonal ang
manonood. Lahat ng pangyayari ay kapana-panabik sapagkat hindi moa lam kung ano ang
susunod na mangyayari at ang mga “plot twist”. Ang buong husay na pagganap ng mga
artista ang nagbigay buhay sa buong kuwento kaya’t itoy naging makatotohanan.

2. Istorya o Kuwento
Aang istorya ay tungkol kay Josie, isang in ana nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang
matustusan ang kanilang pangangailangan. Binanggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan
ng magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak. Bagama’t siya ay malayo sa kanila, tiniis
niya ang mga pasakit ng kaniyang amo at ang kaniyang pagnanais na makasama ang kaniyang
mga anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi rin isya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho
sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kaniyang pagbabalik, hinarap niya ang
matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael ay
mahiyan at walang kimi at si Carla, na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-puwera lamang.
Lahat ng hirap at tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga
araw na lumilipas ay nakilala niya ang kaniyang mga anak. nakita niya ang mga bisyo at
karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, pagalalgay ng tattoo, paghithit ng rugby,
panlalalaki at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang
pagkawala ng iskolarsip ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kaniyang mga anak,
nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos
nito ang perang ibabahagi sana niya.

40
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad
ni Carla. Ang kaniyang paglaki ng walang gumagabay sa kaniyang tabi ang nagtaboy sa kaniya
para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan sin ni Carla ang pagmamahal ni
Josie sa kanila bagama’t malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay
nagbalik-loob si Carla sa kaniyang ina at nagpakatino na siya bilang anat at nakatatandang
kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
Base sa aking reaksiyon sa pinanood na palabas, ang puso ko ay naantig at naging
emosyonal sa mga piling pagkakataon. Ang bawat pangyayari ay kaabang-abang sapagkat ang
pelikula ay kakaiba sa paraan ng pagkakalahad ng kuwento bagama’t ang kabuuang kuwento ay
pangkaraniwan, hindi mo masasabi kung ano ang susunod na mangayyari.
Malalim ang istorya sapagkat hindi ito pangkaraniwan lamang na may mag-aaway at
magbabati. Ipinapakita ng kuwento ang detalyado at eksaktong mga pangyayari kung bakit
nagkaganoon ang kanilang pamilya. Hindi paligoy-ligoy ang istorya sapagkat pkus nito ang mga
pangyayari kung bakit kinamumuhian siya ng kaniyang anak na si Carla.
Ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Vilma Santos ay nagpapakita ng katapangan
sa pagharap niya sa suliranin-ang paglayo ng loob ng kaniyang anak sa kaniya. Hindi niya
tinakbuhan bagkus ay hinarap niya ito ng buong lakas. Bagama’t may mga pagkakataon na
mahuhulaan mo ang susunod na pangyayari, mas marami pa rin ang kaganapan na hindi mo
mahuhulaan ang susunod.
Ang wakas ng kuwento ay masaya sapagkat nagkaayos ang mag-ina at nagsimula ng
bagong buhay ang mga tauhan bilang isang buong pamilya.

3. Pananalita
May mga pagkakataon na nagmumura ang karakter ngunit itoy nagdadala sa mas mataas
na antas ng tunggalian sa pagitan ng mga karakter. Ang mga salitang ginamit ay hindi malalalim
nap ag-unawa ng mga manonood. Direktang ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang saloobin
ng walang paligoy-ligoy.

4. Tema o Paksa
Ito ay patungkol sa siang ina na nagtatrabaho bilang OFW sa Hong Kong at tinitiis na
malayo sa pamilya upang mabigyang ito ng magandang buhay. Naglalayon ito na ipaintindi sa
mga kamag-anak ng mga OFW na hindi sila umalis para takas an ang kanilang mga
responsibilidad at obligasyon. Ipinahahtid lamang nito na handing gawin ng isang ina ang lahat
para sa kaniyang mga anak. at kahit anuman ang mangyari babalik at babalik ka pa rin sa iyong
ina.

5. Pamagat
Ang pamagat ay angkop sa pelikula sapagkat sa kaniya nagsimula ang problema, noong
pinipilit niya na lumayo ang kaniyang ina sa kanilang magkakapatid. Ito rin ay sumisimbolo sa
mga paghihirap ng ina at ang kaniyang mga paghihirap makuha lang ulit ang loob ng kaniyang
mga anak.

41
6. Sinematograpiya
Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa bawat pangyayari. Ang pagpalipat-lipat ng
anggulo at pokus ng camera ay mas nagbigay ng kulay sa buong kuwento. Katulad rin ng visual
effects. Mas napaigting nito ang bawat pangyayari, mas nagkakaroon ng malawak na “access” sa
mga pangyayari. Na-adjust rin ang mga camera upang mabigyan ng diin ang mga ginagawa ng
bawat karakter at para na rin masundan ang mga aksiyon na kanilang ginagawa.

7. Aspektong Teknikal
Sa mga ganitong klaseng pelikula, nangangailangan ito ng mga musika upang mas
maantig ang damdamin ng mga manonood. Ang mga eksena ay hindi putol-putol, sunod-sunod
ang pagakakalahad ng mga impormasyon. Mayroon ring koordinasyon sa ilaw at tunog kaya’t
hindi ito magulo tingnan. Ang editing ay napakahusay sapagkat sunod-sunod ang mga
pangyayari at ito ay nakabuo ng maganda at epektibong pelikula.

PAGSALIMBAY
GAWAIN 2
A. Pagkatapos mong manood ng isang pelikula, suriin ang ilang elemnto nito gamit ang
balangkas sa baba.

Pamagat

Paksa/Tema

Layon

Gamit sa mga salita

Mga Tauhan

B. Himayin ang estruktura ng kuwento ng napanood na pelikula gamit ang balangkas sa baba.

Simula

Problema

Pataas na Aksiyon

Resolusyon

42
WEEK 6

43
PAGPALAOT
MGA PAALALA SA KAHUSAYANG GRAMATIKAL
Sa katapusan ng aralin na ito ay magsusulat ka ng isang suring pelikula ng isang
napanood na pelikula. Subalit bago ka magsimula magsulat, magbalik-aral sa ilang mga araling
gramatikal upang maging mabisa ang iyong sulatin.

1. Baybayin nang buo ang mga salita.


Halimbawa:
“Ewan, ayoko nung meron sayo, sakin yung konti. Di ka aalis? Umalis ka kundi…”
Pagkakamali: Pagwawasto:

“Ewan, ayoko nung meron sayo, sakin “Aywan, ayaw ko noong mayroon sa iyo, sa
yung konti. Di ka aalis? Umalis ka kundi…” akin iyong (‘yong) kaunti. Hindi ka aalis?
Umalis ka kung hindi…”

2. Alisin ang di-kailangang kudlit


Makaluma: Makabago:

Nguni’t, bawa’t, dapa’t, datapwa’t, sapagka’t, Ngunit, bawat, dapat, datapwat, spagkat,
subali’t, bagama’t subalit, bagamat
Walang salitang HANGGAT, subalit mayroong HANGGANG!

3. KAPAG kaysa PAG


Halimbawa:
“Huwag kayong magulo pag umalis ako, kung hindi lagot kayo.”
Pagkakamali: Pagwawasto:

“Huwag kayong magulo pag umalis ako, “Huwag kayong magulo kapag umalis ako,
kung hindi lagot kayo.” kung hindi lagot kayo.”

4. U sa gitna ng katinig na W sa unang pantig.


“Bwisit, Hwebes na anamn, kapuwa ko.”
Pagkakamali: Pagwawasto:

“Bwisit, Hwebes na anamn, kapuwa ko.” “Buwisit, Huwebes na anamn, kapwa ko.”

5. I sa gitna ng katinig Y sa unang pantig:


Halimbawa:
“Sa Byernes, a-syete, sasakay ako ng dyip.”
Pagkakamali: Pagwawasto:

“Sa Byernes, a-syete, sasakay ako ng dyip.” “Sa Biyernes, a-siyete, sasakay ako ng diyip.”

44
6. Para sa mga unlaping nagtatapos sa NG…
 Magiging N, Kapag sunod ang D,L,R,S,T
 Magiging M, kapag sunod ang P at B
 Halimbawa ay sa pagbaybay ng bilang 11-19:
11- labing-isa
12- labindalawa
13- labintatlo
14- labing-apat
15- labinlima
16- labing-anim
17- labimpito
18- labingwalo
19- labinsiyam
20- dalawampu

7. May gitling kapag…


 Unlaping wakas katinig, salitang ugat na simula patinig “Mag-aral dahil kayo ang pag-
asa ng mag-anak.”
 Inuulit ang salitang ugat o ang unang 2 patinig nito. “Araw-araw, kasa-kasama kita sa
aking alaala.”
 Unlapi at pangngalang pangtangi Taga-Baguio ang nag-Hudas sa tagabukid.
 De-, ga-, walang-, may-, di-, Debaril, ga-higante, may-kabobohan, di-tapat
 Huwag masindak sa dalawa, tatlo, o apat na gitling tulad ng walang-kapag-i-pag-ibig.

8. Iwasto ang pagbabahanghay ng pandiwa.


Halimbawa:
“Nakakalungkot na kinakalimutan ang papag-usapan para sa ikakabuti ng ating
pinakakaingatan na tila ilinalabas tayo at ihinihiwalay sa ating kalooban”
Pagkakamali: Pagwawasto:
“Nakakalungkot na kinakalimutan ang “Nakalulungkot na kinalilimutan ang
papag-usapan para sa ikakabuti ng ating papag-usapan para sa ikabubuti ng ating
pinakakaingatan na tila ilinalabas tayo at pinakakaingatan na tila inilalabas tayo at
ihinihiwalay sa ating kalooban” inihihiwalay sa ating kalooban”

9. NG laban sa NANG
 NANG
 Ginagamit bilang pang-abay na pamaraan (adverb of manner)
“Lumakad siya nang dahan-dahan.”
“Ang tumatakbo nang matulin, kung matinik ay malalim”
 Ginagamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.
“Sayaw nang sayaw ang mga bata.”
“Kanina pa siya ikot nang ikot.”
 Ginagamit sa simula ng pangungusap.
“Nang dumating ang guro, tumahinik ang klase.”

45
“Nang tumunog ang batingaw, tumigil ang lahat sa pagsagot.”
 Ginagamit bilang pagdadaglat ng NA at NA.
“Wala nang makakain sa bahay”
“Nakita mo nang mainit ang kaniyang ulo, kukulitin mo pa!”
 NG
 Kapag sinusundang ng Pangngalan/Panghalip
“Bumili si Anton ng pagkain.”
“Natalo sila ng aking kapatid.”
 Kapag sinusundan ng Pang-uri.
“Kumuha siya ng malamig na tubig.”
“Sinalanta ang bayan ng malakas na bagyo.”

10. Mga karagdagang paalala…


 KANYA hindi KANIYA
Pgkakamali: Kunin mo sa KANIYA.
Pagwaswasto: Kunin mo sa KANYA.
 Walang salitang KILA AT TIGA
Pagkakamali: Ang banner na ito ay KILA Chot na TIGA-3F.
Pagwawasto: Ang banner na ito ay KINA Chot na TAGA-3F.
 KINA/SINA vs. KANILA/SILA
Pagkakamali: KINA Joel tayo makikikain.
Pagwawasto: Sa KANILA tayo makikikain.
Pagkakamali:SINA Joel ang magpapakain sa atin.
Pagwawasto:SILA ang magpapakain sa atin.
 HINDI imbes na DI, subalit kung hindi maiiwasan gawing ‘DI.
 MAYROON imbes na MERON
Pagkakamali: MERON kaming kamote.
Pagwawasto:MAYROON kaming kamote.
 KAUNTI imbes na KONTI
Pagkakamali: KONTI lang ang ilagay mong hot sauce!
Pagwawasto: KAUNTI lang ang ilagay mong hot sauce!

PAGSALIMBAY
GAWAIN 3
A. Tukuyin ang pagkakamlai sa pangungusap. Bilugan ang pagkakamlai at isulat ang
pagwawasto nakalaang kahon

1. Di ko alam kung ano ang meron mamaya,

2. Dapat ay nagtatala kayo ng kuwaderno pag


nagtuturo ang guro.
3. TigaBinangonan raw ang nanalo.

4. Na sa kuwarto ang aking mga libro.

46
5. Ng nag-pasya ang mga hurado, wala nasa
kanila ang desisyon.
6. Tuwing may salosalo, walang nakakalimot
magdala ng lechon.
7. Kinakanina lang ay tuwangtuwa si Emil
ibinigay nang kaniyang ama.
8. Ang sarap naman nang wlaang pasok!

9. Myerkules ng akoy nabasbasan ng pari.

10. Sa labingpitong taon ko sa mundong ito,


wala pang nagbibigay sa aking nang ganyan
kagandang regalo.

B. Pagpapahalga
Dahil alam mon a ang mga katangian ng isang pelikula, maalam ka na sa iba’t ibang aspekto
nito, nakapanood ka na ng isang pelikula at nakabasa ng isang suring-pelikula, panahon na para
magsulat ka na ng sarili mong suring-pelikula. Sa pagsulat nito ay siguraduhing
maipagmamalaki ang iyong kahusayang panggramatika. Maaaring sundan ang mungkahing
balangkas sa baba,

1. Mahalagang impormasyon tungkol sa pelikula.


2. Buod ng pelikula.
3. Pagkokomento sa tatlo hanggang limang aspekto ng pelikula.
4. Pangkalahatang opinyon tungkol sa pelikula.

47
WEEK 7

48
PANGWAKAS NA GAWAIN:
SOCIAL MEDIA AWARENESS CAMPAIGN
PAGSULONG
Muling paganahin ang iyong haraya. Sa pagkakataong ito, isipin mo na ikaw ay isang
Public Relations (PR) Practitioner. Ang pangunahin mong trabaho ay gumawa ng mga Public
Relation Campaign at siguraduhin ang maayos na pagsasatupad nito.
Ikaw ay nilapitan ng UNICEF o United Nations Children Funs, isa sa pinakamalaking
pandaigdigang organisasyon na naglalayong pangalagaan ang Karapatan ng mga bata. Nais
nilang humingi ng tulong sa paglikha ng isang Social Awareness Campaign na:
1.Islogan
2. Sanaysay
3. Maikling Video
4. Poster Design
At ang lahat ng Content Materials na ito ay ipapaskil mo sa isang Social Media Page/Platform na
ginawa para sa partikular na Social Media Campaign na ito.

PAGPALAOT
Ang Social media ay isang makabagong anyo ng Mass Media. Nagsisilbi itong lagusan
ng samu’t-saring impormasyon na umaabot sa napakaraming tao mula sa iba’t-ibang panig ng
daigdig gamit ang kompyuter at Internet. Ang isa sa nagpapatangi sa Social Media mula sa
tradisyonal na anyo ng Mass Media ay User-Generated Content nito. Ang mga programa o
palabas kasi sa telebisyon o radyo ay likha ng malalaking networks samantalang ang mga
programa o palabas sa Social Media ay maaaring magmula sa mga gumagamit mismo nito,
samakatuwid, binibigyan ng Social media ang mga tao ng kapangyarihan na lumikha ng sarili
nilang palabas, programa, o anumang uri ng content na maaari nilang ilagay sa Social Media
nang libre para sa sinumang interesado. Ang ilan sa mga sikat na Social Media paltforms ay
Facebook, Twitter at Instagram.
Ang social media campaign ay naglalayong manghikayat ng mga tao na maniwala o
kumilos para sa isang paniniwala o isyu. Maaaring ang kampanya ay may kaugnayan sa negosyo
upang mahikayat ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto o serbisyo. Maaari ring ang
kampanaya ay may kaugnayan sa mga isyung panlipunan, upang mahikayat ang mga tao na
paniwalaan ang isang partikular na panig ng isyu.

PAGSALIMBAY
Bumuo ng pankata na may apat hanggang limang kasapi (maaaring ang mga miyembro ay
kasama sa bahay). Ang pangunahing layunin ninyo ay makabuo ng isang Social Media
Campaign para sa UNICEF na naglalayong magmulat sa mga tao tungkol sa mga problema ng
kabataang Pilipino at magpaalam ng mga pamamaraan kung paano makatulong. Hindi bababa sa
apat content Materials ang inaasahn sa inyo. Ang mga Content Materials na inaasahan mula sa
inyo ay ang sumusunod:

49
1. Islogan
Ang islogan ag magsisilbing tema ng buong Social Media Campaign. Ito dapat ay
naglalagom ng paniniwala ninyo tungkol sa isyung panlipunan nan ais ninyong talakayin. Maiksi
lang dapat ito at kawili-wiling basahin at pakinggan.

2. Sanaysay
Ang sanysay na ito ang magpapaliwanag ng konteksto ng isyung panlipunan na nais
ninyong talakayin. Ipaliliwanag ninyo rito kung saan ito nagmula at kung paano ito nakaapekto
sa atin sa kasalukuyan. Magbigay rin ng mga rekomendasyon kung paano matutugunan nag
nasabing isyung panlipunan. Ito ay maglalalman ng sampu hanggang labindalawang
pangungusap lamang.

3. Maikling Video
Ang maikling video ang magpapaliwanag sa konteksto at mga rekomendasyon para sa
inyong napiling isyung panlipunan sa paraang video. Taglay nito ang mga elementong biswal,
tunog, musika, at naratibo na nagsasanib puwersa upang mabisang maipaabot ang
pinakamensahe ng islogan sa manonood. Ito ay may habang dalawa hanggang apat na minute.

4. Poster Design
Ang poster design ay magtatampok ng nabuong islogan sat iba’t-ibang elementong
biswal upang bigyang impormasyon ang mga titingin dito tungkol sa isyung panlipunan nan ais
ninyong talakayin. Ang disenyo nito at iba’t-ibang elemento nito ay dapat angkop sa napiling
isyu at nabuong islogan.

50

You might also like