You are on page 1of 7

I.

PAMAMARAN:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Magandang umaga klas!
Magandang umaga rin po Binibini.
Masaya ako’t narito kayong muli sa ating birtwal na
talakayan upang matuto, kung kaya naman inaasahan
ko na i-mute muna natin ang ating mikropono at
tayo’y mananalangin na pangungunahan ni Marian.
(Mananalangin ang lahat.)

Maraming salamat Marian sa panalangin. Muli isang


mapagpalang araw sa ating lahat.Hangad ko ang
kaligtasan ng bawat isa. Nawa’y kahit nasa alert level
1 na tayo klas, patuloy parin tayong sumunod sa mga
protocols na ipinatupad ng gobyerno, para na rin ito sa
ating kaligtasan gayun din ang kaligtas ng ating
pamilya.

Ganun pa man, naghanda ako ng mga ilang paalala


rito para naman maging maganda ang daloy ng ating
talakayan sa araw na ito.

A. Balik Aral

Bago tayo magpatuloy, balikan muna natin ang iyong


natutuhan sa nakaraang aralin tungkol sa ang
kwentong Akasya at Kalabasa, tama ba klas? At sinabi
din nating isa itong anekdota sapagkat naglalaman ito
ng kawili-wiling pangyayari at may aral itong hatid sa
ating lahat. Ngayon klas, maaari ba kayong magbigay
ng tatlong katangian na mayroon ang anekdotang
Akasya at Kalabasa batay sa ating tinalakay noong
nakaraang linggo? Magtaas lamang ng iyong mga (Sasagot ang mga mag-aaral tungkol
kamay. sakanilang nabalikan na talakayan)

Mahusay ang inyong mga kasagutan, sapagkat ang


Anekdotang Akasya at Kalabasa ay punong-puno ng
magagandang aral o mensahe na maaari nating
pagnilaynilayan. Ito rin ay kawili-wiling basahin.
Ayan alam ko namang kayo’y handang-handa na,
kung kayat atin ng ipagpatuloy ang ating talakayan sa
ika-apat na linggo, sapagkat alam ko namang natututo
kayo sa ating aralin nung ikatlong linggo.

B. Pagsisimula ng Bagong Aralin

May awitin akong iparinig sa inyo na ang pamagat ay


“Nanay ko, Tatay ko” ni Esang De Torres. Nais ko
sanang ipikit ang inyong mga mata at damhin ang
kanta. Pagkatapos mapakinggan ang kanta, bawat
pangkat ay pag-usapan ang kadakilaan ng ina. Ang
bawat pangkat ay magpaparamihan ng maibibigay na
matatalinhagang pananalita at simobolismo na Opo Binibini.
ilalagay sa ating chat box. Ang pangkat na may
pinakamaraming naibigay ay may malaking
puntos. Handa na ba kayo klas?

https://www.youtube.com/watch?v=rT7oCHu2Vcc
- Haligi at Ilaw ng tahanan
(talinghaga)
Naunawaan niyo ba ang awitin klas? - “uha” (simbolismo)- ito ay
simbolismo ng buhay, at
kaligayahan ng mga
magulang.
- Tahanan (simbolismo)-
pagmamahalan ng pamilya.
-

Magaling klas!
Opo Binibini. Sapagkat gumamit po
Sa tingin niyo ba mabisa ba ang pagkakalahad ng mga ito ng mga salitang may simbolismo
salitang ginamit ng may-akda? Ipaliwanag. at matatalinghaga.

Inilarawan niyo ito sa pamamagitan


Paano inilarawan ng may-akda ang paksa ng tula? ng Ina’t ama na mayroong malaking
papel sa buhay ng isang anak.
Gumamit din ito ng iba’t ibang
simbolismo at matatalinghang salita.

Mahusay klas ang inyong mga kasagutan.

Ngayon naman ay ating tatalakayin ang


tula mula sa Uganda na pinagamatang ang “Hele
ng Ina sa Kaniyang Panganay “(Tula mula sa
Uganda) Mula sa “A Song of a Mother to Her
Firstborn” salin sa Ingles ni Jack H. Driber at Isinalin
sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora.

Ngunit bago iyan, atin munang talakayin ang


kahulugan ng tula at ang iba’t ibang elemenot nito.

Ano ang tula?


- Ang tula o panulaan ay isang masining na
anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag
ang damdamin ng makata o manunulat nito.
Kilala ito sa malayang paggamit ng wika sa
iba’t ibang anyo at estilo.

Ang tula ay isang akdang pampanitikan na


naglalarawan ng buhay, batay sa guniguni,
Kaisa ng ating damdamin at ipinahahayag sa
pananalitang may angking aliw-iw. Likha ito ng
isang makata at hinasa sa kalikasan at sa buhay ng tao.
Ang isang tula ay gumagamit ng tumpak na salita at
larawang diwa upang maipahayag ang tunay na
damdamin. Ito‟y pagpapahayag ng mayayamang
kaisipan sa maririkit na pananalita sa pamamagitan ng
taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag
na taludturan o saknong.Layuni ng makata na pukawin
o pumukaw ng damdamin nang mga mambabasa o
makikinig nito upang makilala ang kahulugan ng
buhay na tinatanglawan ng kabutihan at kagandahang
ipinamalas sa pamamagitan ng tula.

Mayroong tatlong uri ng tula:


1. Ang Malayang taludturan - Isang tula na isinulat
nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang
ano mang naisin ng sumusulat. Ang anyo ng tulang ito
ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng
paghingi ng pagbabago ng mga kabataan.
2. Ang Tradisyonal na Tula - Ito ay isang anyo ng
tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim
na kahulugan.
3. Berso Blanko- Ito ang anyo ng tula na May sukat
na walang tugma at Walang sukat na may tugma.

Ang kasiningan ng isang tula ay makikita sa


paggamit ng mga salitang ginamit ng may-akda

Gumagamit din ito ng mga simbolismo ng isang


bagay, isang kulay, isang tao o kahit na isang
sitwasyon upang magbigay ng mas malalim na
kahulugan kaysa sa literal na kahulugan ng teksto.
Halimbawa:
• Pusang itim - malas, may mangyayaring masama o
hindi maganda
• Kulay puti - kalinisan o kadalisayan

Ang matatalinghagang pahayag o salita ay may


malalim o hindi tiyak na kahulugan na ginagamit din
upang maging mas kaakit-akit ang akdang isinusulat
at sumasalamin sa kagandahan ng wikang Filipino.
Ilan sa mga paraan ng paggamit nito ay ang mga
tayutay at idyoma.
Halimbawa:
- magsunog ng kilay – mag-aral nang mabuti
- bugtong na anak – kaisa-isang anak

Mga Elemento ng Tula:


1. Sukat- Tumutukoy sa bilang ng pantig sa
bawat taludtod. Ang karaniwang ginagamit ay
wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at
lalabingwaluhing pantig. Ang mga ito ay
nagkakaroon ng hati o cesura sa gitna. Ang cesura
ay isang bahagyang pagtigil sa pagbasa at
pagbigkas na hinihingi ng diwa sa isang taludtod.
Mayroon din tayong tinatawag na Malayang
Taludturan na kinakikitaan ng hindi paggamit ng
tradisyunal na bilang ng sukat at tugma.

2. Tugma- Ito ay ang pagkakasintunog ng mga


salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
Nakagaganda ito ng pagbigkas ng tula, at sinasabing
nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
Ito ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig
ng salita ng bawat taludtod batay sa bilang ng
taludtod at ayos ng pagkakatugma tugma.

3. Kariktan- Ang kariktan ay elemento ng tula na


tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o
pumupukaw sa damdamin ng mga
bumabasa.Tumutukoy sa paggamit ng mga pili,
angkop at maririkit na salita. Kailangang magtaglay
ang tula ng maririkit na salita upang maakit ang
mambabasa gayundin ay mapukaw ang damdamin
at kawilihan.Mayroon itong iisang kahulugan lamang.

4. Talinghaga- Ito ang paggamit ng mga


matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa. Ito’y isang elemento
ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan.
Tumutukoy sa paggamit ng matalinghagang
pananalita at mga tayutay (figure of speech).
Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy
sa bagay na binabanggit. Ito‟y isang sangkap ng tula
na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
Hindi direktang pagsabi ng kahulugan ng isang tula,
may tinatatago itong kahulugam.

Naintindihan niyo ba ang kahulugan ng tula at ang


iba’t-ibang elemento nito klas? Kung gayon ay atin ng
talakayin ang Tulang Hele ng Ina Sakaniyang
Panganay. Panoorin at unawaing mabuti ang tula klas.

https://www.youtube.com/watch?v=sBDCDVOUZYY

C. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Batid kong naunawan niyo ang ating pinanood, kung


kaya’t Bago natin hima-himayin ang nakapaloob sa
tulang ating pinanood, atin munang bigyang
kahulugan o pagpapahiwatig ang mga salita na nasa
inyong harapan. Gamitin ito sa pangungusap.
- Supling- Anak
- Naparam- nawala o naglaho
Ihanay ang Hanay A sa kahulugan nito sa Hanay B. - Pagbubuskala-Pagbubungkal
- Hibang-Loko-loko
HANAY A HANAY B - Pinapaginipan- Nais
Supling Nawala o naglaho - Naglalagablab-Nag-aapoy o
Naparam Nais nagliliyab
Pagbubuskala Nag-aapoy o nagliliyab - Daratal- Darating
Hibang Anak
Pinapagimpan Pagbubungkal
Naglalagablab Loko-loko
Daratal Darating

https://wordwall.net/play/29368/815/733

Mahusay klas!

Ang mga salitang ito ay ating nakita sa ating paksang


pinanood kanina.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad Ang persona ng tula ay INA. Ang


ng bagong kasanayan #1 kaniyang pangarap sakanyang
Batid kong naunawan at naintindihan niyo ang inyong panganay na ay anak ay ang hindi
napanood na tula klas, tama ba ako? Kung gayon ay
may inihanda akong mga katanungan dito para mas mapantayang kasiyahan nito
lalo pa nating maunawaan ang tula. hanggang siya ay lumaki.

Sa maikling bidyo na ating pinanood kanina klas,

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang Opo. Dahil maayos ang
kaniyang pangarap? pagkakagamit ng mga salita sa tula.
Mayroong kahalagahan na tutugon sa
pansala ng mambabasa dahil
ipinapakita at ipinaaalala dito kung
paano magmahal ang isang ina
sakanyang anak. Gumamit ito ng mga
salitang umaakit sa mga mambabasa.

2. Masining ba ang tulang tinalakay?

Inihahambing ang sanggol sa isang


mandirigma dahil nais niyang
mamuno ang kaniyang anak sa
kalalakihan at hahalikan sa yakap ng
kaaapohan.

3. Sa anong bagay inihahambing ang sanggol?


Bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa
katangiang taglay niya?

Tumpak ang inyong mga kasagutan klas. Talaga


namang lubos niyong naunawaan ang tulang Ang Hele
ng Ina sakanyang Panganay. Mahusay!
Upang mas lalo pang mapaigting ang kaalaman natin
sa ating pinanood kanina, dumako na tayo sa unang
Gawain na inyong gagawin klas.

E. Paglinang sa Kabihasaan

Gawain 1: : PATUNAYAN MO!


Panuto: Suriin ang napakinggang tulang, “Hele ng Isang Ina sa Kaniyang Panganay”
batay sa kasiningan at bisa nito. Gamit ang tsart, bigyan ng patunay ang iyong mga kasagutan.
Gawin ito sa isang hiwalay na papel.

HELE NG ISANG INA SAKANIYANG PANGANAY


ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI
Sukat

Tugma
Kariktan

Talingahaga

Bisang Pandamdamin

Bisang Pangkaisipan

Naging mabisa ba ang istilo ng pagkakasulat ng tula?


- Naging epektibo ang pagkakagamit ng mga salita at angkop din yung mga antas na 
ginamit dito. Bagamat may mga ibang salita na malalalim dahil ito'y isang tula,
kaya pili ang mga salitang mga ginamit. 

Gawain 3: SUL-DAMDAMIN!
Panuto: Iayos ang mga salita sa loob ng kahon at iantas ito batay sa damdaming
ipinahahayag ng bawat isa. Kopyahin ang pyramid sa hiwalay na papel at isulat dito ang mga
isinaayos na mga salita. Sa ituktok ng pyramid ilagay ang salitang may pinakamasidhing
damdamin.

A. B.
Lungkot Ginugusto
Lumbay minamahal
dalamhati sinisinta
pighati hinahangaan
pagdurusa nililiyag

F. Paglalapat ng Aralin sa pang-araw-araw na buhay

Paano mo maipakita ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang?

G. Paglalahat ng Aralin

Anong aral o mensahe ang nainis ipabatid ng may akda sa ating mga mambabasa?
- Ito ay nagpapakita ng walang hanggang
pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak lalo na kung ito ay panganay, sabi nga nila
masarap daw sa pakiramdam ang masilayan ang iyong anak, lalo na kung ito ay unang
anak.
- Layunin din ng
may akda na ipalaganap ang tulang ito dahil gusto niyang malaman ng mambabasa lalo
na sa mga naging unang anak/panganay na iparamdam sakanila ang mga pagmamahal, pa
gsusumikap at pagsasakripisyo simula ng nasa tiyan pa ito. 
- Nais din nitong ibahagi saatin na kahit anong mangyari ay mahal parin tayo ng ating mga
magulang lalo na ang ating
mga ina kahit hindi natin ito nararamdaman.At huling layunin nito ay ibahagi kung paano 
naipapadama ng isang ina ang pagmamahal lalo na sa pamamagitan ng pag-awit.
-
- PAGMAMAHAL. Ito ay makabuluhan dahil gumamit ang may akda
ng mga simbolismo at mga matatalinhagang salita.Ito rin ay napapanahon dahil ang 
tulang ito ay nangyayari sa totoong buhay at kinakantahan ng mga ina ang mga anak nila.

H. Pagtataya ng Aralin
https://wordwall.net/play/29323/663/404

I. Takdang-aralin at remediation.

BISA NITO, SURI KO!


Panuto: Ipabasa sa nakatatandang kasama sa bahay o sa isang kakilala ang tulang, “Ilaw ng
Tahanan”, suriin ito batay sa kasiningan at bisa, kahulugan ng mga simbolo at matatalinghagang
pahayag, at iantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag. Kopyahin a ng pormat sa
hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
.

IV. KASUNDUAN

Saliksikin ang Buod ng Unforgettable na Isang Maikling Kwento sa East Africa. Basahin at
unawain itong mabuti.

You might also like