You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE-SIPOCOT


Impig, Sipocot, Camarines Sur
Taong Panuruan: 2018-2019
Kolehiyo ng Edukasyon

Sipocot National High School


Tara, Sipocot, Camarines Sur
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 10

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 60 minutong talakayan 85% ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang
ay inaasahang:
a. nasusuri ang tula batay sa mga elemento nito;
b. nailalahad ang kahalagahan ng pagsunod sa payo o pagiging masunurin ;
c. nakapagtatanghal ng ginawang tula tungkol sa kadakilaan ng isang ina.

II. PAKSANG ARALIN

a. Aralin: Aralin 3.4 Ang Matanda at Ang Batang Paruparo ni Rafael Palma,
Elemento ng Tula
b. Sanggunian: Filipino 10: Modyul para sa Mag-aaral, pahina 282-283
c. Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, video clip at mga kagamitang biswal
d. Pagpapahalaga: Pagsunod sa Payo

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
PANIMULANG GAWAIN

 Panalangin
Maaari bang tumayo ang lahat para Amen.
sa panalangin.

 Pagbati Magandang Umaga rin po.


Magandang Umaga.

 Pagtala ng Liban
May liban ba sa klase? Wala po.

Mabuti kung ganon.


A. AKTIBITI

Bago tayo dumako sa pormal na


talakayan, magkakaroon muna tayo ng
pangkatang gawain. Hahatiin ko ang klase
sa apat (4) na pangkat.

Bawat pangkat ay bibigyan ko nitong mga


letra at kung sino ang mauna na
makapagbigay ng tamang salita ay
tatanggap ng gantimpala. Para naman sa
ibang pangkat ididikit parin ninyo dito sa
pisara ang mga salitang nabuo.

Handa na ba kayo? Opo.

UKTSA SUKAT

AMGUT TUGMA

NATKIRAK KARIKTAN

AGAHGNILAT TALINGHAGA

B. ANALISIS

Batay sa mga salita na nabuo, ano ang


mahihinuha ninyo?

Ang nahinuha ko po na ang mga salitang


Mahusay! Sa pagbubukas ng ating ito ay kabilang sa elemento ng tula.
panibagong aralin, pagtutuunan natin ng
pansin ang mga elemento ng tula at ang
Tulang pinamagatang “Ang Matanda at
ang Batang Paruparo”.

Bago ang lahat, may katanungan ako


sainyo at sasagutan ninyo ito sa
pamamagitan ng isang debate. Sa inyong
palagay nararapat ba na sumuway sa
payo ng isang nakatatanda? Oo o Hindi?

Mag-aaral 1
Hindi po dahil ang mga nakatatanda ay
nararapat na igalang at sundin dahil mas
malawak ang kanilang karanasan sa
mundong ating ginagalawan. Natitiyak
nila at alam nila kung ano ang mas
nakabubuti para sa ating mga kabataan.

Mag-aaral 2
Opo dahil tayong mga kabataan ay may
mga makabagong paraan upang mas
mapabuti ang isang bagay. May mga
pagkakataon na kailangan natin silang
suwayin dahil may mga bagay rin silang
hindi nalalaman at nauunawaan lalo na
Magaling! Parehong may magandang ngayong makabagong panahon.
pangangatwiran ang dalawang panig.

C. ABSTRAKSYON

Kaugnay ng aking tanong kanina, alamin


natin kung ano ang nangyari sa isang
batang paruparo matapos siyang bigyan
ng payo ng kaniyang ina.

May ipapakita ako sainyong video clip,


manood, makinig, at unawain ang tula.

Video

(manonood)

anong naramdaman ninyo matapos na


mapanood at mapakinggan ang tula?
Sino ang maaaring magbahagi? Malungkot po dahil naging matigas po
ang ulo ng batang paruparo.
Salamat sa iyong pagbabahagi. Nasilaw
ang paruparo sa kagandahan ng ilaw at
kahit na nagbigay ng tagubilin ang
kaniyang inang paruparo ay sinuway niya
parin ito at naging sanhi ito ng kaniyang
kamatayan.

Sa inyong palagay ano ang nais iparating


ng tula? Nais po nitong iparating na mahalaga ang
pagiging masunurin sa ating mga ina at
mga nakatatanda dahil higit na sila’y
marunong na sa buhay at alam nila kun
ano ang mas makabubuti sa atin.

Mahusay! Napakahalaga na maging


masunurin tayo sa ating mga magulang
dahil walang magulang na nagnanais na
mapahamak ang kanilang mga anak.

Bilang mga anak, naranasan na ba ninyo


na sumuway sa mga payo ng inyong ina? Opo.
Tama ba ang inyong inasal? Mali po dahil magulang po namin sila at
nararapat po na igalang namin ang
kanilang mga desisyon at payo.
Ano sa palagay ninyo ang nararamdaman
nila sa tuwing sinusuway ninyo ang mga
payo at utos nila? Nagagalit po.

Syempre nagagalit at sa kabilang dako ay


nasasaktan sila dahil ang kanilang mga
pinakamamahal na anak ay nagiging
matigas na ang mga ulo. Sa bawat
pagsuway sa mga payo nila nadudurog
ang kanilang mga puso dahil ang tanging
nais lamang nila ay ang inyong kabutihan.
Tandaan ninyo klas na walang magulang
ang nagnanais ng masama para sa
kanilang mga anak.

Ngayon, dumako na tayo sa elemento ng


tula.

Ito’y nahahati sa apat, ang sukat, tugma,


kariktan, at talinghaga.

Ang sukat ay tumutukoy sa ano? Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod

Tama. Narito ang halimbawa: Mula sa


tanaga ni Ildefonso Santos

A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/lu/pa/--nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig

Ang tugma naman ay tumutukoy sa ano?


Tunog ng mga huling pantig sa bawat
taludtod.
Tumpak. Narito ang halimbawa: Mula sa
tulang Kundiman ni Jose Rizal

Tunay ngayong umid yaring dila’t puso


Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo
Tugmang Patinig

Ano naman ang kariktan?


Ang pagpili at pagsasaayos ng mga
salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan
Mahusay! Narito ang Hal.: Mula sa Tulang nito.
Tinig na Darating ni Teo S. Baylen

Ito ba ang mundong hinila kung saan


Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?
Kariktan-lalabndalawahing pantig,
tugmang ganap at tayutay

Ano naman kaya ang talinghaga?


Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito
ang kahulugan ng tula o ang
ipinahihiwatig ng may-akda.
Magaling! Narito ang halimabawa mula sa
tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez

Putol na tinapay
At santabong sabaw
Sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga-Nararanasang gutom ng
isang mahirap.

Naunawaan na po ba ang elemento ng


tula?
Opo.
Kung gayon, magkakaroon muli tayo ng
isang pangkatang gawain.

Susuriin ninyo ang tulang tinalakay natin


kanina. Isusulat ninyo ito sa papel na
ibibigay ko at pagkatapos ng limang
minute ay ipapasa ninyo saakin. Maaari na
kayong magsimula.
ELEMENTO NG PAGSUSURI ELEMENTO NG PAGSUSURI
TULA TULA
a. Sukat a. Sukat Lalabindalawahing
b. Tugma pantig
c. Kariktan b. Tugma Tugmang Patinig
d. Talinghaga c. Kariktan Lalabindalawahing
Paglalahat Batay sa Pagsusuri pantig, Tugmang
Ito ba’y tulang tradisyonal o Malaya? patinig, Tayutay
Patunayan. d. Talinghaga Ang pagsuway sa
Nasasalamin ba sa tula ang kultura ng payo ngating mga
bansang pnagmulan nito? Sa paanong magulang ay
paraan? Patunayan. walang maidudulot
na kabutihan
Paglalahat Batay sa Pagsusuri
Ito’y tulang tradisyunal dahil ito’y
nakabatay sa apat na elemento ng tula.
Nasasalamin sa tula ang kultura ng
ating bansa. Sa pamamagitan ng
pagpapakita na ang mga payo ng
nakatatanda ay marapat lamang na
sundin dahil sila’y may malawak ng
karanasan sa kanilang mga buhay. Ang
mga nakatatanda ang gumagabay sa
mga kabataan.

D. APLIKASYON

Tulaan ng Tanghalan
Magpapangkatang gawain tayo, hahatiin
ko ulit kayo sa apat na pangkat. Sa loob
ng limang minute, kailangan ninyong
makagawa ng isang tula tungkol sa
kadakilaan ng isang ina na ginamitan ng
simbolismo at matatalinhagang
pananalita. Kailangan hindi bababa sa 2
saknong. Lapatan ito ng himig upang
maging mganada ang gawain at
itatanghal ito sa klase.

Narito ang pamantayan.

Pamantayan:
Kahusayan ng Tula (Kasiningan at
talinhaga) - 60%
Himig o Melodiya (Tinig) - 30%
Kabuuang Pagtatanghal - 10%
Kabuuan - 100%

Napakahusay ng bawat pangkat kaya


naman palakpakan niyo ang inyong mga
sarili.

IV. PAGTATAYA

Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa iyong ina at ilarawan ito gamit ang
tatlong matalinghagang pananalita.

V. TAKDANG ARALIN
1. Basahin at unawain ang maikling kwentong “Ang Alaga” ni Barbara Kimenye
na isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson

Inihanda ni: Nabatid ni:

NESRINE KAE A. ZAPANTA DAISY F. TAMOY


Gurong-Mag-aaral Gurong Tagapamatnubay

Pinagtibay ni:

JHONNA F.REYES, HT-III


Ulong Guro sa Filipino

You might also like