You are on page 1of 21

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.1
Panitikan : Mitolohiya
Teksto : “Liongo” (Mitolohiya mula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Wika : Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika
Bilang ng Araw : 5 na Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIa-76)


 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIa-80)


 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIa-76)


 Naibibigay ang pinagmulan ng salita (etimolohiya).

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIa-74)


 Nabibigyang puna ang napanood na videoclip.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIa-78)


 Napangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang
binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIa-78)


 Naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensya
nito sa sarili at sa mga kamag-aaral na kinapanayam.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIa-71)


 Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

Ikatlong Markahan| 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-IIIa-74)


 Nabibigyang puna ang napanood na videoclip.

II. PAKSA

Panitikan : “Masha at Mashayana: Mito ng Pagkakalikha


(Mito mula sa Africa)
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
ni Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang maikling videoclip patungkol sa “Alamat nina


Tungkung Langit at Alunsina” https://youtu.be/DcST43jggFc

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC
a. Kilalanin ang mga pangunahing tauhan sa kuwento.
b. Paano nagsimula ang suliranin ng mag-asawang Tunkong Langit at
Alunsina?
c. Ibigay ang damdaming namayani sa iyo matapos mapanood ang
kuwento. Ipaliwanag

Ikatlong Markahan| 2
2. Pokus na Tanong

a. Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may


iba’t ibang batayan?
b. Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa
pagsasaling-wika?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: MASINING NA PAGKUKUWENTO


Pagpapabasa ng isang halimbawa ng mitolohiya mula sa Africa.

Mashya at Mashayana
Mito ng Pagkalikha (Africa)
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
ni Vilma C. Ambat et.al.
pahina 244

ANALISIS

1. Paano nagsimula ang suliranin sa akda?


2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu at Ahura Ohrmuzd?
3. Bakit tumulong sina Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay
Ahriman Mainyu?
4. Makatuwiran ba ang ginawang pagtulong nina Mashya at Mashayana?
Ipaliwanag.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

pD A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

MITO NG PAGKALIKHA
Ang alamat ng paglikha, mito ng paglikha, o kuwento ng paglikha
ay isang masagisag na pagsasalaysay ng kung paanong nagsimula ang
mundo at kung paanong ang tao ay unang dumating upang manirahan sa
daigdig. Umunlad sila sa mga tradisyong pasambit, kung kaya't
pangkaraniwang may maramihang mga bersiyon; at sila ang pinaka
pangkaraniwang anyo ng mito, na natatagpuan sa lahat ng kultura ng tao. Sa
isang lipunan kung saan nilalahad ito, ang isang alamat ng paglikha ay
pangkaraniwang itinuturing na nagpapabatid ng ganap na mga katotohanan,
patalinghaga o metaporikal, masagisag at kung minsan ay pati na sa diwang
makasaysayan o literal. Ang mga ito ay pangkaraniwang, bagaman hindi
palagi, isinaalang-alang bilang mga mitong kosmohonikal, iyong
naglalarawan ng pagsasaayos o pag-aayos ng kosmos mula sa isang
kalagayan ng kaguluhan o walang tiyak na porma, hugis, kabuuan, tipo, uri,
Ikatlong Markahan| 3
katangian o karakter.
Kadalasang mayroong isang bilang ng mga tampok ang mga mito ng
paglikha. Kadalasan silang itinuturing na mga banal na paglalahad at
maaaring matagpuan sa halos lahat ng nalalaman o nakikilalang mga
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON


Paano nagkatulad o nagkaiba ang mitolohiya ng Africa sa mitolohiya ng
Pilipinas?

Mitolohiya Pagkakaiba
ng Africa

Konklusyon
Pagkakatulad

Mitolohiya
ng Pilipinas
Pagkakaiba

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: IKUWENTO NA YAN


Magsalaysay ng isang nabasa, nabatid o nalamang mitolohiya mula sa
isang tiyak na lugar sa Pilipinas. Ibigay ang sariling reaksyon ukol dito.

Pamagat Pangyayari Reaksiyon


IV. KASUNDUAN

Ikatlong Markahan| 4
1. Magsaliksik ng iba pang mitolohiyang mula sa Pilipinas. Ibigay ang
mensaheng nais ipabatid ng nasabing akda.
2. Basahin at unawain ang akdang “Liongo” mitolohiya mula sa bansang
Kenya.
 Kilalanin ang pangunahing tauhan.
 Paano ipinakita sa akda ang kabayanihan ng pangunahing tauhan?

LINANGIN
Ikatlong Markahan| 5
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIa-76)


 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at
Persia.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIa-80)


 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: suliranin
ng akda, kilos at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIa-76)


 Naibibigay ang pinagmulan ng salita (etimolohiya).

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIa-78)


 Napangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/pagtatalo.

II. PAKSA

Panitikan : “Liongo” (Mitolohiya mula sa Kenya)


Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Kagamitan : Isang halimbawa ng akdang mula sa Persia,
pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
ni Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Ikatlong Markahan| 6
Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGANG PAGBASA
Sa tulong ng dugtungang pagbasa basahin ng may pag-unawa ang isang
halimbawang akda mula Persia.

SHAHNAMEH
ni Ferdowsi Tusi (Hakim Abul-Qasim Mansur)
Sa bansang Persiya isinilang ang isang magiting na mandirigma. Nasa
sinapupunan pa lamang siya ay hinulaan nang magiging bayani siya sa kanyang
paglaki. Ang kanyang ina, si Rubadeh, ay dumanas ng matinding sakit nang
siya’y isinilang ngunit sa tulong ng mapaghimalang ibon na kaibigan ng kanyang
ama, si Zal, ay nailabas ng maayos ang sanggol. Siya ay si Rustam.
Bago nagpaalam ang mapaghimalang ibon, sinabi niya kay Zal na ang
batang isisilang ng kanyang asawa ay kasinlaki ng isang sanggol na leon. At
siya’y magiging bayani at magiging paksa ng isang alamat. Hindi nga nagkamali
ang ibon dahil sa loob ng ilang araw ay naging batang paslit si Rustam at
makalipas ang ilang linggo’y naging kasinlaki na siya ng isang binata. Nang
siya’y lumaki ay nagpakita ng kagilas-gilas na lakas si Rustam. Dahil sa kanyang
kakaibang lakas ay natulungan niyang isalba ang kanyang bayan sa isang
nagwawalang puting elepante sa palasyo. Nalaman ng mga mamamayan ang
ginawang kabutihan ni Rustam kaya simula sa araw na iyon siya’y pinuri.
Nang tumuntong si Rustam sa ensaktong edad na magsanay siya bilang
isang mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansa, napag-
isipan ng kanyang ama na kakailanganin niya ang isang espesyal na kabayong
makakasama niya. Kaya lahat ng mga kabayong mula sa lahat ng sulok ng
Zabulistan at Kabulistan ay ipinarada sa kanyang harapan. Inilalapat ni Rustam
ang kanyang kamay sa likuran ng bawat kabayo upang masigurong kakayanin
siya nito, subalit ang bawat kabayo ay napapaluhod sa kanyang kabigatan.
Malapit na sanang mawalan ng pag-asa si Rustam na makapaghanap ng kabayo
nang dumating ang pangkat ng kabayong dala ni Kabul. Nagtingin-tingin si
Rustam sa mga kabayo at napansin niya ang mag-inang kabayong may dibidib
na kawangis ng leon. Nabanggit ni Kabul na naging mailap ang kabayong ito, sa
loob ng tatlong tao’y wala pang nakapagpapaamo at nakasasakay sa kabayo,
hindi rin pinahihintulutan ng inahing kabayo ang sinomang nagbabalak na
sumakay rito. Namangha si Rustam nang nalaman niya ito kaya agad niyang
sinakyan ang tinutukoy na kabayo ni Kabul at pinatakbo. Nang bumalik si
Rustam kasama ang kabayo’y puro papuri ang kanyang ibinigay sa kabayo at
pinili niya ito. Tinawag niya itong Rakhsh. Simula sa araw na iyon hindi na
naghiwalay ang dalawang matalik na magkaibigan. Nagsimula na ang
paglalakbay si Rustam kasama si

Rakhsh. Isang araw buong hapong nangaso si Rustam sa lugar na malapit sa


Turan sa bayan ng Samangan. Nang makahuli siya ay iniluto niya ito at kinain. Sa
kanyang kabusugan at pagod siya’y nakatulog habang si Raksh ay kumakain ng
damo. Dumaan ang isang pangkat ng mga sundalong Turanian at
Ikatlong Markahan|
napagkasunduang 7 ang kabayo. Nakipaglaban si Rakhsh, napatay niya ang
hulihin
isang sundalo, niyapakan niya ang isa, ngunit sa huli’y nabigo siyang ipagtanggol
ang sarili. Kaya tinangay siya nga mga sundalong Turanian. Laking gulat ni Rustam
nang sa kanyang pagising ay wala na ang kanyang kabayo, wala na si Rakhsh.
na nakapulupot sa braso ni Sohrab. Biglang naalala ni Rustam ang pulseras
na ibinigay niya kay Prinsesa Tahmina maraming taon na ang nakalipas.
Hindi siya puwedeng magkamali, sigurado siyang iyon talaga ang nag-iisang
pulseras na binigay niya sa prinsesa nang sila’y nagkahiwalay. Naisip niyang
maaaring ito’y
Ikatlong ibinigay ng
Markahan| 8 prinsesa sa kanyang katunggali dahil ito ay ang
kanyang anak kaya agad niyang niyakap si Sohrab. Nayanig ang buong
mundo ni Rustam. Naramdaman niya ang lukso ng dugo, ngunit huli na ang
lahat dahil hindi na humihinga si Sohrab. Isang mapait na kamatayan dahil
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: CABBAGE RELAY
a. Kilalanin ang mga pangunahing tauhan sa akda.
b. Batay sa kwento, ilahad ang suliraning kinaharap ng mga tauhan.
c. Kung ikaw si Rustam iiwan mo rin ba ang babaeng iyong
pinakamamahal kapalit ng iyong kabayo? Bakit?
d. Tukuyin ang mahalagang aral ng akda sa mga mambabasa.

2. Presentasyon

Liongo
(Mitolohiya mula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
ni Vilma C. Ambat et.al.
pahina 245

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION TO…
a. Talakayin ang naging suliranin ng tauhan?
b. Makatuwiran ba ang kanyang mga naging desisyon sa buhay?
Patunayan.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: JUMBLED WORD


Sa pamamagitan ng mga salitang nasa loob ng kahon, tukuyin ang
pinagmulan nito na may kaugnayan sa mitolohiyang binasa.

mtinrlaraie _____________________________________

zio _____________________________________

iaiatlnrpre _____________________________________

zaaf _____________________________________
Ikatlong Markahan| 9
gaal _____________________________________

Pangkat II: Mungkahing Estratehiya: STORY BARD


Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng
tauhan, kilos at gawi at desisyon ng tauhan

Suliranin

Kilos at gawi

Desisyon ng tauhan

Pangkat III: Mungkahing Estratehiya: DEBATE/PAGTATALO


Ang pangkat ay mahahati sa dalawang panig na siyang magtatalo sa
paksang ibibigay ng guro.

Paksa: Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon


ni Liongo?

Pangkat IV: Mungkahing Estratehiya: TALK SHOW


Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiyang mula sa Africa at
Persia.

LIONGO SHAHNAMEH
(Akda mula sa Kenya) (Akda mula sa Persia)

Pagkakatulad

Pagkakaiba Pagkakaiba

RUBRIK

Ikatlong Markahan| 10
Kailangan
 Mga Napakahusay Mahusay
Katamtamang
pang
Husay
Kategorya 10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
May mga Lahat ng
Ang mga datos /gawain inilahad ay
Kaangkupan datos/gawain ay Angkop ang na hindi higit na
sa inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ngan ng
kaangkupan . ng kaangkupan
kaangkupan. sa gawain.
Maliwanag Hindi
Napakahusay ng Mahusay ang
ang ginawang malinaw ang
ginawang ginawang
pagpapaliwan ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwana
ag/ pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng g/ pagkakabuo
pagkakabuo ng
mensaheng ng mensaheng
ng mensaheng mensaheng
ipinababatid. ipinababatid
ipinababatid. nais ipabatid.
Halos lahat
ng miyembro
Ang lahat ng ng pangkat
miyembro ng ay walang
Dalawa sa
pangkat ay disiplina.
miyembro ng
nagkakaisa at Hindi maayos
May pangkat ay
may respeto sa ang
pagkakaisa at hindi maayos
isa’t isa. presentasyon
pagtutulungan na nakikilahok
Napakaayos ng .
ang bawat sa
kanilang Nangangaila-
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayo
ipinakitang ngan ng
Maayos ang s ang ipinakita
presentasyon disiplina at
ipinakitang nilang
dahil lahat ng respeto sa
presentasyon presentasyon
miyembro ay bawat
ng bawat isa. at may
kumikilos sa isa.Kailangan
respesto sa
gawaing lahat ng
bawat isa.
nakaatang sa miyembro ay
bawat isa. nakikipagtulu
-ngan sa
gawain.
Malikhain at Walang
Napakamalikhain
mahusay ang buhay ang
at napakahusay Maayos na
pagpapalutang ipinakitang
Pagkamalikha ng pagpapalutang napalutang
sa nais pagpapalutan
in/ Kasiningan sa nais ipabatid ang ideya na
ipabatid na g ng
na mensahe/ nais ipabatid.
mensahe/ mensahe /
impormasyon
impormasyon. ideya.
Pagtatanghal ng pangkatang gawain

 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

Ikatlong Markahan| 11
Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng
kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro
ANALISIS

1. Ano ang naging gawi at kilos ni Liongo?


2. Paano nakatulong ang pag-alam sa etimolohiya ng salita sa kayarian
ng akda?
3. Ilahad ang kultura ng bansang Kenya na masasalamin sa kabuuan ng
kuwento.
4. Anong mahalagang aral ang nais ipabatid ng akda sa mga mambabasa?
5. Iugnay ang mga pangyayari sa akda sa kasalukuyan.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

KULTURA NG KENYA

Ang Kenya ay pinagkalooban ng masaganang kasaysayan, kultura at


likas na pamana. Sikat at kilala bilang ang duyan ng sangkatauhan. Kenya din
ang isa sa mga pinaka-cosmopolitan mga bansa sa Africa – walang sinuman
ang nag-iisang kultural na elemento ang maaaring gamitin upang ilarawan
ang mga tao bilang isang buo. Maaari mong sabihin na ang mga lokal na
populasyon ng bansa ay madaling kumakatawan sa higit pang mga
pagkakaiba-iba kaysa sa maraming iba pang mga bansa sa Africa.
Pinakamahalaga sa Kenyans ay ang estado sa ilalim ng Pula, Puti at Itim na
kulay ng watawat at ang espiritu ng Harambee – na ang ibig sabihin ay
paghila-sama bilang isang komunidad.
Ang tradisyonal na paniniwalang African-play ay may makabuluhang
papel sa buhay ng mga Kenyans sa kabila ng pag-angkop sa modernong mga
pagpapahalaga. Ang mga Kenyans ay may pagsasanay ng tradisyonal na
mga pagpapahalaga ng kababaang-loob, pag-aalala para sa mga kapitbahay
at pagpapanatili ng relassyong pagkakamag-anak. Ang paniniwala sa
pamahiin ay hindi karaniwan maliban sa maliban sa mga lugar na rural. Mga
gawain tulad ng pag-aasawa, pagpapangalan sa anak, paglilibing at iba pang
mga ritwal ng pagpapasa pa rin ang mabigat naiimpluwensyahan sa
pamamagitan ng tradisyunal na paniniwala at kasanayan at saklaw mula sa
komunidad sa komunidad.
Ang ilang mga komunidad ay nananatili pa sa mga tradisyonal na
pamumuhay ng African kaysa sa iba. Naninirahan sila sa kubo, naglalakad
nang walang sapin ang paa, bihisan sa roba at pinapalamutian ang kanilang
buhok na may kulay lupa. Ang Maasai tribe ay sikat sa pagpapanatili ng isang
lagalag na paraan ng pamumuhay umiikot sila sa paligid kasama ng mga
baka at naghahanap para sa pastulan. Sila ay tribo ng mga mandirigmang
may mataas na pagtatangka sa paggawa ng makabago at dahil dito ay
nagkamit sila ng dakilang paggalang (at pag-usisa) sa internasyunal.
Ang isang pagbisita sa mataong lungsod, mga bayan at mga nayon ng
Kenya ay isang pambukas isip sa pagpapasiya ng mga tao. Mula mismo sa
Ikatlong Markahan| 12
kaswal na manggagawa, sa nababagsakang masalimuot na industriya, sa
mga tagapangasiwa sa pamilihan ng sapi at higit pang mga susunod pa sa
baybay-daan kung saan bawat kalalakihan at kababaihan sa lahat ng edad ay
kumikita ng ikinabubuhay para sa kanilang mga pamilya. Araw-araw may mga
kayamanan dito: Minsan ang negosyo ay mabuti, iba pang mga oras
maglakad sila sa bahay na may walang anuman. Ang entrepreneurship ay
ang makina sa likod ng mga katangian ng matapang na trabaho at tiyaga ng
mga Kenyans ay mnmanatiling nagkakaisa sa pakikipagsapalaran para sa
tagumpay at katuparan.
http://kenyahighcom.org.my/culture/?lang=tl

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON


Sa tulong ng grapikong presentasyon, sagutin ang sumusunod na
katanungan. Paano susuriin ang mga kaisipang naapaloob sa mitolohiya na may
iba’t ibang batayan?

Liongo
(Mitolohiya Batayan
Kaisipan
mula sa
Kenya)
APLIKASYON

Magbigay ng mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiya. Itala sa


tsart at lagyan ng tsek ( ∕ ) ang kolumnkung ito ay makatotohanano di
makatotohanan at ipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolumn.

Kaisipan MK DMK Paliwanag

1.
IV. 2.

3.

4.
KASUNDUAN
1. Basahin at unawain ang akdang “Maaaring Lumipad ang Tao.”
2. Magsaliksik ng gabay sa pagsasaling-wika.

Ikatlong Markahan| 13
3. Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIa-71)


Ikatlong Markahan| 14
 Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

II. PAKSA

Wika : Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika


Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpaparinig ng isang awiting naisalin sa ibang wika.

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiiya: BOX OF FAITH
a. Sa dalawang awiting iyong narinig, alin ang mas higit mong naunawaan?
Bakit?
b. Paano nakatulong sa awitin ang pagsasalin nito sa ibang wika?

2. Presentasyon

How Do I Love Thee?


by Elizabeth Barret Browning
www.poemhunter.com>Poems
Ang Aking Pag-ibig
Ikatlong Markahan| 15 Salin ni Alfonso O. Santiago
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
ni Vilma C. Ambat et.al.
pahina 187
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: BOWL OF QUESTION
a. Malapit ba ang salin sa isinasalin? Patunayan?
b. Naging matapat ba ang tagpagsalin sa kanyang ginawa?
c. Aling bahagi ang hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

ANALISIS

1. Literal ba o idyomatiko ang pagsasalin? Ipaliwanag.


2. Nagustuhan mo ba ang salin? Kung hindi, paano mo ito aayusin?
3. Isa-isahin ang mga hakbang na dapat isinaalang-alang sa pagsasaling-
wika. Patunayan.

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Pagsasaling- Wika

Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng


pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin.Ang isinasalin
ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
(Santiago,2003).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya
ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na
kumonsulta sa diksyunaryo .Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng
kahulugan,halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa
pagsasalin ay kailangang- kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng
diwang nais ipabatid ng awtor,gayundin sa wastong paggamit ng mga
salita,wastong pagkakabuo at pagsusunod-sunod.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.


Ang kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin, kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin.
Kaya kung ang lahat ng salin ay patas,nagiging higit na mahusay na
tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin
ay may Ikatlong Markahan|sa16paksa.Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at
higit na kaalaman
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: OPINYON KO’Y PAKINGGAN

Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika?

APLIKASYON

Gamit ang mga kaalamang natamo sa aralin, isalin ang isang bahagi ng
akda sa wikang Filipino.

BasedMarkahan|
Ikatlong on the 1982
17 winning book by Lualhati Bautista, dekada ‘70
showed how Martial Law crept into the Bartolome family headed by the
father Julian, and a strong mother Amanda, facing the tragic circumstance:
an activist as Jules,US Navy as Gani who married his girlfriend at a young
IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang awiting Ingles at isalin ito sa Filipino. Isaalang-


alang ang mga pamantayan sa pagsasalin.
2. Humanda para sa paglikha ng pagsusuri.

ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIa-78)


 Naisusulat ang pagsusuri ng akdang binasa sa naging impluwensya
nito sa sarili at sa mga kamag-aaral na kinapanayam.
Ikatlong Markahan| 18
II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.1


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: ANG AWIT NG BUHAY KO

Pagpapaawit ng isang awiting Ingles na sinaliksik ng mga mag-aaral at


isinalin sa Filipino.

ANALISIS

1. Matapos magawa ang gawain, ano ang iyong naramdaman?


2. Malapit ba ang salin sa pinagsasalinan? Ipaliwanag.
3. Naging matapat ba ang ginawang pagsasalin? Patunayan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: Y SPEAK

Paano makatutulong sa pagsulat ng isang pagsusuri ang mga natamong


kaalaman sa araling tinalakay?

Ikatlong Markahan| 19
APLIKASYON

GOAL - Nakasusulat ng pagsusuri sa isang akdang binasa sa naging


impluwensya nito sa sarili at sa mga kamag-aaral na kinapanayam

ROLE - Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong


paaralan.

AUDIENCE - Mga guro at mga mag-aaral ng paaralan na mahilig magbasa ng


akdang pampanitikan

SITUATION - Ang pahayagang Filipino ng inyong paaralan ay


nangangailangan ng mga manunulat na tatalakay sa
impluwensya ng isang akda sa sarili at sa iba pang mga
kamag-aaral.

PRODUCT - Pagsusuri ng isang akdang pampanitikan

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Kabuluhan ng nilalaman
B. Lalim ng mga pananaw
C. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan
D. Kalinawan ng pagkakasulat
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan
 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

Ikatlong Markahan| 20
1. Sumulat ng isang mabisang dayalogo na gagamitin sa bubuuing
patalastas pantelebisyon o panradyo na nagtatanghal ng kagandahan
ng alinmang bansa sa Africa.
2. Basahin at unawain ang akdang “Mullah Nassreddin”, anekdota mula
sa Persia.
3. Magsaliksik ng mga kaalaman tungkol sa panitikan ng Persia.

Ikatlong Markahan| 21

You might also like