Professional Documents
Culture Documents
MODULE
FILIPINO G10 | Q3M7
GRAMATIKA
“Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin”
I. KASANAYANG SA PAGKATUTO
Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw sa
akda F10WG-IIId-e-74 \
Mapanuring naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa: saril,
panlipunan, pandaigdig F10PS-IIId-e-81
PANGKALAHATANG IDEYA
Ang Persiya
Persiya ang dating tawag sa bansang Iran, Noong 1935, pinalitan ito ng kanilang pamahalaan
dahil “Iran” ang ibig sabihin ng pangalan ng kanilang bansa sa wikang Persian.Sinulatan nila ang
mga bansang may ugnayan sa kanila na ang pangalang Iran na ang itawag sa kanila sa halip na
Persiya, Ito ay sumisimbolo sa isang bagong kabanata sa kanilang kasaysayan pagkatapos nilang
makalaya sa impluwensiya ng Britanya at Russia.
Noong una’y hindi pa sanay ang iba lalo na ang mga hindi Iranian kaya’t hindi nila agad matukoy
na ito na pala ang dating Persiya subalit katagalan at sa pamamagitan na rin ng ilang pangyayayring
naglagay sa Iran sa ilang malalaking balitang pandaigdig tulad nang lusubin ng Allied Forces ang
Iran noong 1941 at nang magkaroon ng nationalization ng Industriya ng langis sa ilalim ng
pamumuno ng Prime Minister Dr. Mohammad Mosaddeq, nakilala na sila nang lubusan bilang
bansang Iran at unti-unti nang nakalimutan ang dating Pangalang “Persiya.”
PAGTUKLAS
KASANAYANG PANGWIKA
Nang lumaki si Edipo ay marami siyang naririnig na hindi siya tunay na anak ng hari at
reyna ng Corinto. Dahil dito, nagpunta siya sa isang manghuhula at itinanong ang
katotohanan. Hindi naman nasagot ang kanyang tanong. Sa halip, isang orakulo ang
isinalaysay sa kanya. Siya raw ang papatay sa sariling ama at magiging asawa ng sarili niyang
ina. Sa pag-aakalang sina Haring Polivio at Reyna Merope ang tunay niyang magulang,
iniwan niya ang Corinto at nagtungo sa Tebas. Doon ay nakatagpo niya si Haring Layo at
napatay. Walang kamalay-malay si Edipo na siya pala ang tunay niyang ama. Hindi naglaon
at naging asawa niya si Reyna Yocasta. Lingid sa kanyang kaalaman, siya pala ang kanyang
tunay na ina. Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Eteocles at Polinice.
Dumating ang panahon na nalaman ni Haring Edipo ang katotohanan, binulag niya ang
kanyang sarili at nilisan ang Tebas, si Reyna Yocasta naman ay kinitil ang sariling buhay.
Ang dalawang anak na naiwan, sina Eteocles at Polinice, ay nag-agawan sa koronang iniwan
ng hari.
Pag-isipan at Pag-usapan
1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kuwento ng dalawang mag-ama sina Rustam at Sohrab
at Haring Layo at Haring Edipo?
2. Ano ang naging papel ng orakulo o hula sa buhay ng mag-amangHaring Edipo at Haring Layo?
3. Masasabi mo bang tama ang maniwala sa mga orakulo o hula? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Bakit kinakailangang umalis ni Edipo sa Corinto?
5. Ano ang naghihintay sa kanya pag-alis niya sa Corinto?
6. Ano ang nangyari kay Haring Edipo at Reyna Yocasta matapos nilang malaman ang
katotohanan?
PAGLINANG
am
ISAISIP NATIN
Panuto: Punan ng maikling sambitla ang mga pangungusap upang makompleto ito. Sa linya bago ang
bilang ay isulat ang damdaming nangingibabaw sa pangungusap. Maaaring pumili ng maikling sambitla
at damdamin sa kahon sa ibaba.
Maikling Sambitla Damdamin
Aray kasiyahan
Ngek pagkagalit
Wow pagkabigla
Hay pagkainis
Ayy pagkadismaya
TIYAKIN NA NATIN
Panuto: Naunawaan mo bang mabuti ang dalawang akdang binasa mo sa araling ito? Batay sa iyong
naramdaman habang binabasa o pinakikinggan ang dalawang akda, ano ba ang damdaming nangibabaw
sa mga ito? Isulat ito sa angkop na kahon sa ibaba at ipaliwanag ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
wastong pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw. Kung para sa iyo ay higit pa sa
isa ang damdaming nangibabaw ay mangyari lamang na isulat ito sa ibang papel.
PAGLALAPAT
PALAWAKIN PA NATIN
Mababakas sa akdang binasa ang kabiguan at matinding sakit na nadama ng ama nang malaman
niyang napatay niya ang sarili niyang anak. Kung nagkaroon lamang siguro sila ng pagkakataong
makilala ang isa’t isa, marahil ay walang tunggaliang nangyari. Sa kasalukuyang panahon ay maraming
mga magulang at mga anak ang hindi nagkaroon ng pagkakataong magkakilala. Ang iba ay inaabandona,
ang iba naming magulang ay naghihiwalay agad. Anuman ang sanhi, iisa pa rin ang maliwanag na dahilan
– walang kahandaan sa pagiging magulang. Marami ang naglulunsad ng mga programang humihimok sa
mga magulang na maging responsible sa pagganap nila ng kanilang mga tungkulin bilang haligi at ilaw
ng tahanan. Kung bibigyan ka ng pagkakataong maglunsad ng isang programa upang mahikayat ang mga
magulang na maging responsible, ano kaya ito? Pumili ng isa sa mga gawain sa ibaba. Anuman ang iyong
napili, siguruhing mapanuring maihayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng pagiging
responsableng magulang sa sarili, lipunan, at daigdig.
Visual Gumawa ng isang poster na magpapakita ng kahalagahan ng
pagiging responsableng magulang sa sarili, lipunan, at daigdig.
Verbal/Kinesthetic Maghanda ng isang infomercial na nagpapakita ng kahalagahan ng
pagiging responsableng magulang sa sarili, lipunan, at daigdig.
Musical Bumuo ng isang awiting magpapalutang sa kahalagahan ng
pagiging responsableng magulang sa sarili, lipunan, at daigdig.
SANGGUNIAN: Marasigan, EV. Del Rosario MGG. Dayag AM. (2019) Pinagyamang Pluma,
Ikalawang Edisyon, Phoenix Publishing House, 927 Quezon Avenue, Quezon City.
Lagda ng Magulang