You are on page 1of 20

ARALIN 3.

2 ANEKDOTA
MONGHENG MOHAMETANO SA
KANYANG PAG-IISA

ERIC B. HUAB
GURO SA FILIPINO X
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
• Nasusuri ang binasang anekdota batay sa : paksa,
tauhan, tagpuan,motibo ng awtor,paraan ng pagsulat at
iba pa.
(F10PB-lllb-81)
PANGKATANG GAWAIN
• HAHATIIN ANG KLASE SA DALAWANG PANGKAT
• BAWAT PANGKAT AY BIBIGYAN NG COUPON
BOND AT PENTEL PEN
• SA PAPEL ILALAGAY ANG SAGOT SA IBINIGAY NA
TANONG
• PUMILI NG ISANG TAGAPAG-ULAT SA KLASE
• BIBIGYAN LAMANG NG 5 MINUTO PARA SA
NASABING GAWAIN
MALAWAKANG PAGPAPALIWANAG

PANGKAT 1:
Maituturing mo bang mabuti ang pamumuno ng lider sa
inyong barangay /lugar? Ano-ano ang kanyang mga katangian
bilang isang mabuting pinuno?
MALAWAKANG PAGPAPALIWANAG
PANGKAT 2:
3. Magbigay ng limang paraan para makatiyak ang mga
mamamayan na
mabuting pinuno ang mailuluklok sa puwesto.
a.____________________________________________________
_______
b.___________________________________________________
________
c.____________________________________________________
_______
d.___________________________________________________
PANIMULANG KONSEPTO
Ang anekdota ay isang pagsasalaysay ng isang makatawag-
pansin o nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao na
kadalasa’y kilala o tanyag. Ang pagsasalaysay ay karaniwang
maikli lamang na hinango sa totoong pangyayari sa buhay ng
isang tao.Maaari rin namang likhang-isip lamang subalit
nahahawig sa katotohanan.
PANIMULANG KONSEPTO
Layon nito na makapagpabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang
kung ang karanasan o pangyayari ay makatotohanan.
PAGPAPALAWIG NG TALAKAYAN
• Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat
pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.
• Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik.
• Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak
sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng
anekdota.
Narito ang ilang katangian ng anekdota:
a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng
kahulugan sa pagsulat ng anekdota .Lahat ng mga pangyayari ay
dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa
kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.Di-dapat mag-
iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod
pang mangyayari.
TI.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng
_anekdota
PAMONGHENG MOHAMETANO SA
KANYANG PAG-IISA

(Mula sa mga anekdota ni SAADI ng


Persia o Iran)
Ni: Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni:
Roderic P. Urgelles
Isang araw, ang Mongheng Mohametano ay
nag-iisa at nananampalataya sa disyerto. Ang
Sultan naman ay namamaybay sa
kanyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay
matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya
na hindi nagtaas ng kanyang ulo ang
Mongheng Mohametano habang dumadaan
siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng
balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng
hayop, hindi siya nagtataglay ng pagggalang at
kababaang loob”. Kung kaya ang vizier o
ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano!
Ang Sultan ng buong mundo ay dumaan sa iyong
harapan .Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang
pagggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano,”Hayaan
mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang
para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang
magandang gawa. Sabihin mo sa kanya, ang hari
ay nilikha para sa
kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi
nilikha ang mamamayan para
paglingkuran ang Sultan”.
PAGNILAYAN

PANGKATANG GAWAIN

MALAWAKANG PAGPAPALIWANAG
PANGKAT 1

1. Ilarawan ang Mongheng Mohametano.


2. Anong katangian ng Mongheng Mohametano ang naibigan mo?
Bakit?
3. Ipaliwanag “Ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kanyang
nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran
ang Sultan’.
PANGKAT 2
1. Kung ikaw ang Mongheng Mohametano, ano ang iyong gagawin
kung dumaan sa iyong harapan ang Sultan habang ikaw ay
nananampalataya?
2. Anong pangunahing kaisipan ang nais ihatid ng anekdota sa mga
mambabasa?
3. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang
anekdota anong paksa ang nais mong isulat?
KUMPLETUHIN MO!
A. Ang ________________ ay isang uri ng
_____________na tumatalakay sa kakaiba o
______________ pangyayaring naganap sa buhay ng
isang kilala, sikat o tanyag na tao
KUMPLETUHIN MO!
B. Ang pangunahing ____________ ng isang anekdota
ay ang makapaghatid ng
isang magandang karanasan na ________________. Ito
ay magagawa
lamang kung ang karanasan o pangyayari ay
_______________________.
KUMPLETUHIN MO!
C. Ang isang ______________________ay nagdudulot
ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid
sa mga mambabasa. _____________ mag-iwan ito ng
anumang bahid ng pag-aalinlangan na may mga susunod
pang mangyayari.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like