You are on page 1of 4

QUARTER 3

WEEK 2 (Pebrero 21-26, 2021)


FILIPINO 10
ACTIVITY SHEET 3.2

Panitikan mula sa Afrika at Persia


Aralin 2: Anekdota mula sa Persia/Iran (Mullah Nassreddin)
Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota

Kasanayang Pampagkatuto:
• Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa,tauhan,tagpuan,motibo ng awtor,paraan
ng pagsulat at iba pa.(F10PB-IIIb-81)
• Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi. (F10PT-IIIb-77)

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Tinagurian din siyang alamat ng sining ng pagkukuwento dahil sa mapagbiro at


puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
A. Liongo B. Mullah Nassreddin C. Saadi D. Vizier
2. Ang makatang si Mullah Nassreddin ay naimbitahan sa harap ng maraming tao
upang:
A. magkuwento B. magtalumpati C. magsadula D.umawit
3. Uri ng akdang pampanitikan na nagtataglay ng kawili-wili at nakatutuwang
pangyayari sa buhay ng isang tao.
A. Anekdota B. Talumpati C. Dula D. Talambuhay
4. Sa akdang Mullah Nassreddin ilang beses inimbitahan si Mullah na magtalumpati
sa harap ng maraming tao?
A. apat na beses B. limang beses C. tatlong beses D. isang beses
5. Piliin ang pahayag na hindi tumutukoy o walang kaugnayan sa anekdota.
A. Ang anekdota ay maaari ding personal na pangyayari sa buhay ng manunulat
o mananalumpati.
B. Ang anekdota ay pagsasalaysay batay sa pangyayari sa buhay ng karaniwang
tao.
C. Ang katangian ng anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa
kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.
D. Ang anekdota ay itinuturing na malikhaing akda.
BALIKAN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng
tsek (√) kung ang pahayag ay nagsasaad tungkol sa pamantayan ng pagsasaling-wika at ekis
(x) kung hindi. Ilagay ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin.
2. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang ang salita.
3. Alamin ang paksa ng isinasalin.
4. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
5. Piliin ang mga salita at pariralang isasalin.

TALASALITAAN

Panuto: Isulat ang salitang-ugat at panlaping ginamit sa mga sumusunod na salita.

1. Lumisan
2. Nalito
3. sayangin
4. imbitahan

SURIIN

PAGSUSURI SA AKDA

Panuto: Suriin ang binasang anekdota batay sa paksa,tauhan, tagpuan at motibo ng awtor
at iba pa. Punan ng sagot ang kahon batay sa hinihinging impormasyon. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Ibigay ang paksa ng binasang 2. Ano ang katangian ni Mullah


anekdota. Nassreddin na nangibabaw sa
binasang anekdota?

3. Bilang mambabasa, ano ang iyong 4. Nakatulong ba ang anekdotang


naramdaman sa ginawa ni Mullah ito upang lubusang makilala si
Nassreddin? Mullah Nassreddin? Patunayan.
5. Ano ang motibo ng awtor sa 6. ibigay ang pangunahing kaisipan
paglalahad ng anekdotang ito? na nais iparating ng akda sa
mambabasa.

GRAMATIKA/WIKA

Alam mo ba na…
Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa
buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.
Gumagamit ng iba’t ibang kasanayang komunikatibo sa pagsasalaysay ang anekdota,
ito ay ang mga sumusunod;
1. Ang gramatikal na komponent ay nagbibigay-kakayahan sa nagsusulat upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na tuntuning panggramatika.
2. Ang diskorsal na komponent ay nagbibigay ng kakayahang magamit ang binibigkas
at wikang ginagamit sa pagsulat.
3. Ang estratedyik na komponent ay nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at
hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at
maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang sa
komunikasyon.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Anekdota

1. Dapat ay may iisang paksa lamang.


2. Pumili ng mga napapanahong paksa o isyu.
3. Pumili ng pamagat na angkop sa kuwento.
4. Simulan sa isang makatawag-pansing panimula.
5. Ilahad ang tauhan at tagpuan.
6. Ilahad ang suliranin at punto ng kasukdulan.
7. Dapat maging kapana-panabik ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
8. Wakasan ang kuwento sa maikling paraan.
9. Tiyaking makapag-iiwan ng kakintalan at aral sa mga mambabasa ang isusulat na
anekdota.
MGA PAGSASANAY:
PAGSASANAY 1
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang.Isulat sa iyong sagutang papel
ang letra ng tamang kasagutan.
1. Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang angkop na tuntuning panggramatika.
A. Gramatikal B. Estratedyik C. Diskorsal D. Sosyo-Linguistic

2. Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na


mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe.
A. Gramatikal B. Estratedyik C. Diskorsal D. Sosyo-Linguistic

3. Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang binibigkas at wikang


ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe
at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe.
A. Gramatikal B. Estratedyik C. Diskorsal D. Sosyo-Linguistic

4. Alin sa sumusunod na tanong ang sinasagot ng komponent na diskorsal?


A. Anong salita ang angkop na gamitin?
B. Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap?
C. Paano magiging epektibo ang pagsasalaysay sa harap ng maraming
tagapakinig?
D. Sa paanong paraan ang mga salita ay mapagsama-sama o mapag-uugnay-
ugnay upang makabuo ng maayos na usapan,sanaysay, talumpati, email,artikulo
at iba pa?

5. Alin sa sumusunod na tanong ang sinasagot ng komponent na gramatikal?


A. Anong mga kumpas ang angkop na gamitin sa pagsasalita?
B. Paano ko ipapahayag ang aking pananaw?
C. Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap?
D. Sa paanong paraan ang mga salita ay mapagsama-sama o mapag-uugnay-
ugnay upang makabuo ng maayos na usapan,sanaysay,talumpati,email,artikulo
at iba pa?

Inihanda ni:

Gng. Grace G. Torres


Guro III

You might also like