You are on page 1of 6

MATAAS NA PAARALAN NG BAGACAY

Ikatlong Panahunang Pagsusulit


Filipino 10

Pangalan: ____________________ Baitang/Seksyon: __________


Marka: ________

Test I- URING PAPILI: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang Akasya o Kalabasa ay isang halimbawa ng anong uri ng akdang
pampanitikan?
a. Anekdota c. Alamat
b. Maikling kuwento d. Talambuhay
2. “Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya,
gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan
lamang upang makapaghalamanan kayo ng isang kalabasa”. Ano ang nais ipabatid
ng pahayag na ito mula sa anekdotang Akasya o Kalabasa?
a. Maging instrumento tayo o daan upang makapagpasaya sa ibang tao at
huwag tayong magdalawang-isip na ibahagi ang ating talento.
b. Kailangan na piliin natin iyong may resulta agad na makikita upang hindi
na tayo gumugol pa ng mahabang panahon o oras sa paghihintay.
c. Huwag tayong matakot na manindigan sa ating prinsipyo sa buhay.
d. Matuto tayong maghintay at magtiyaga upang higit na maging maganda
ang kalalabasan nito.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng anekdota?
a. Ito ay isang piksiyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
b. Ito ay nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
c. Nakapag-iiwan ng aral na isasaisip at isasapuso ng mambabasa.
d. Payak at maikli ang pagpapahayag ng salaysay.
4. Anong elemento ng anekdota ang tumutukoy sa dahilan ng awtor o may-akda
upang isulat ang akda?
a. Tauhan c. Motibo ng awtor
b. Paraan ng pagsulat d. damdamin
5. Sino ang awtor ng akdang Akasya o Kalabasa?
a. Roderic P. Urgelles c. Roselyn T. Salum
b. Consolacion P. Conde d. Alejandro G. Abadill
6. Bakit tinaguriang alamat ng sining sa pagkukuwento si Mullah Nassreddin?
a. Dahil sa mapagbiro at puno ng kakatatawanang estilo sa pagsulat.
b. Dahil sa pilosopo at mayabang na paraan ng kaniyang pagkukuwento.
c. Dahil sa galing niya sa larangan ng pagsulat ng mga kuwento at tula.
d. Wala sa nabanggit
7. Saang bansa nagmula ang anekdotang Mullah Nassreddin?
a. Africa c. Uganda
b. Persia d. South Africa
8. Ang anekdotang Mullah Nassreddin ay nabibilang sa mga uri ng ______________.
a. Sanaysay c. Naglalahad
b. Naglalarawan d. Pagsasalaysay
9. “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi
nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Ano ang nais ipabatid ng pahayag na
ito mula sa anekdotang Mongheng Mohametano?
a. Ang mamamayan ay hindi dapat na pinaglilingkuran sapagkat siya, bilang
pinuno, ang dapat na paglingkuran
b. Ang monghe ay mangmang at walang alam sa buhay
c. Ang monghe ay walang respeto at paggalang
d. Ang mamamayan ay katulad ng hayop na hindi marunong makinig sa
kanilang amo o nangangalaga
10. Ito ay nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa
anyo ng pagsulat.
a. Sanaysay c. Tuwirang Pahayag
b. Pagsasalaysay d. Di-tuwirang Pahayag
11. Ang sumusunod ay ang mga tauhan sa anekdotang Moheng Mohametano
maliban sa _______________.
I. Sultan II. Vizier III. Monghe IV. Mullah Nassreddin
a. I, II, at III c. I at III lamang
b. II, III, at IV d. I, II,
12. Ang pinakamadali at pinakadetalyadong mapagkukunan ng paksa sapagkat ito ay
hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
a. Napanood c. Nabasa
b. Sariling Karanasan d. Narinig o Napakinggan
sa iba
13. Ito ay pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayaring naganap sa isang tao,
pook o bansa?
a. Talambuhay c. Kasaysayan
b. Tala ng Paglalakbay d. Tulang Pasalaysay
14. Ano-ano ang mga maaaring mapagkunan ng paksa sa paggawa ng
pagsasalaysay?
I. Nabasa II. Napanood III. Sariling Karanasan IV. Likhang-
isip
a. I, II, at III c. I, II, at IV
b. I, II, III, at IV d. I at II lamang
15. Nais gumawa ni Nicole ng akda patungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal kung saan
ay ilalathala niya ang mga pangyayaring naganap sa buhay nito. Anong uri ng
pagsasalaysay ang pinaka-angkop na gamitin ni Nicole sa kaniyang pagsulat?
a. Nobela c. Talambuhay
b. Kasaysayan d. Tala ng Paglalakbay
(Travelogue)
16. Ano ang salin sa wikang Filipino ng pahayag na “I love you”.
a. Ako mahal ikaw c. Mahal kita
b. Mahal kita ikaw d. Ako iniibig ikaw
17. Uri ng pagsasalaysay na batay sa tunay na pangyayari.
a. Anekdota c. Alamat
b. Maikling kuwento d. Talambuhay
18. Matapos marinig ni Darwin ang usap-usapan sa Brgy. Manguiring patungkol sa
isang babaeng aswang ay agad-agad siyang gumawa ng maikling kuwento patungkol
dito. Anong uri ng mapagkukunan ng paksa ang ginamit ni Darwin?
a. Sariling Karanasan c. Likhang-isip
b. Napakinggan sa iba d. Panaginip o Pangarap
19. Sinoa.ang
Roselyn
may akda
T. Salum
ng awiting “Ako’y Pinoy”c. Florante
b. Hans Roemar T. Salum d. Manuel L. Quezon
20. Ano ang salin sa wikang Filipino ng pahayag na “A big fire”.
a. Ang malaking sunog c. Isang malaking sunog
b. May malaking sunog d. Ang mga nasunugan
21. Ayon sa PAG-ASA, “bukas ng umaga papasok sa Philippine Area of Responsibility
ang bagyong Nikolas.”
Anong uri ng pagpapahayag ng mensahe ang ginamit sa itaas?
a. Tuwirang Pahayag c. Di-Pormal na Pahayag
b. Pormal na Pahayag d. Di-Tuwirang Pahayag
22. Ano ang salin sa wikang Filipino ng pahayag na “It’s too late”
a. Huli na ang lahat c. Huli ka! Pero di kulong
b. Nahuli ng pagdating d. Nahuli ang lahat
23. Ayon sa aking panananaw, bukas ng umaga papasok sa Philippine Area of
Responsibility ang bagyong Nikolas. Anong uri ng pagpapahayag ng mensahe ang
ginamit sa itaas?
a. Tuwirang Pahayag c. Di-Pormal na Pahayag
b. Pormal na Pahayag d. Di-Tuwirang Pahayag
24. Ayon kay Santiago, ang sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa pagsasaling-
wika, maliba sa ______.
I. Diwa ng talata II. Estilo ng nasa wikang isasalin III. Panulat
na ginamit
a. I, II at III c. II at III lamang
b. I at II lamang d. I at III lamang
25. Ano ang salin sa wikang Filipino ng “Bagacay National High School
a. Mataas na Paaralan ng Bagacay Hayskul c. Pambansang Mataas na
Paaralan ng Bagacay
b. Pambangsang Paaralan ng Bagacay d. Mataas na Paaralan ng
Bagacay
26. Sa tulang “Bubble Gum”, ano ang isinisimbolo o isinasagisag ng bubble gum?
a. Isang pagkain c. Isang binata
b. Isang dalaga d. Isang lalaking pabaya
27. Ano sa kasalukuyang panahon ang bansang Persia?
a. Iraq c. Uganda
b. Iran d. Africa
28. Sino ang may akda ng sanaysay na “Ako ay Ikaw”
a. Roselyn T. Salum c. Hans Roemar T. Salum
b. Consolation P. Conde d. Roderic P. Urgelles
29. Si Christine Mae ay isang vlogger at daan-daang libo ang kaniyang subscribers sa
YouTube. Ang nilalaman o content ng kaniyang mga bidyu ay tungkol sa kaniyang
mga pinupuntahang lugar sa iba’t ibang panig ng bansa. Nilalapatan niya ang
kaniyang bidyu ng voiceover bilang pagsasalaysay sa napuntahang niyang mga lugar
at pati na rin ang kaniyang mga karanasan habang siya ay nagbibiyahe. Anong uri
ng pagsasalaysay ang ginamit ni Christine Mae?
a. Anekdota c. Talambuhay
b. Kasaysayan d. Tala ng Paglalakbay (Travelogue)
30. Ang sumusunod ay mga salitang maaaring maging katumbas ng salitang
“Mahirap” maliban sa ________.
a. Dukha c. Hikahos
b. Pobre d. Sagana

Ito ba ang mundong hinila kung saan


Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran

Mula sa tulang “Tinig na Darating” ni Teo S. Balen


31. Anong anyo ng tula mayroon ang tulang nasa itaas?
a. Tradisyonal na Tula c. May sukat ngunit walang tugma
b. Malayang Taludturan d. Walang sukat ngunit may tugma
32. Ito ay ang paglalahad ng mga bagay o kaisipan sa pamamagitan ng sagisag.
a. Simbolismo c. Sukat
b. Tugma d. Matatalinghagang pahayag
33. Ano ang motibo ng awtor sa akdang Mullah Nassreddin?
a. Manghamak ng tao c. Magbigay motibasyon
b. Magpatawa d. Mang-asar
34. Ang sumusunod ay ang katangian na dapat taglayin ng isang pinuno, maliba sa
_________________.
a. Mapagkumbaba c. Gahaman sa kapangyarihan
b. Mahusay na lingkod d. Walang tinatangi
35. Saang bansa nagmula ang anekdota na Mongheng Mohametano?
a. Persiya c. Uganda
b. South Africa d. Pilipinas
36. Ang akdang Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa ay isinalin sa wikang
Filinino ni _____________.
a. Consolation P. Conde c. Roderic P. Urgelles
d. Roselyn T. Salum d. Hans Roemar T. Salum
37. Ano ang isinasagisag ng punong akasya sa anekdotang Akasya o Kalabasa?
a. Pagiging matatag sa iba’t c. Maikling pagtitiyaga at magandang
ibang pagsubok resultad. Pangangalaga sa kalikasan
b. Mahabang proseso na may
magandang resulta
38. Siya ang nagpayo kay Mang Simon na kunin ng kanyang anak ang buong kurso
sa haiskul?
a. Iloy c. Punong-guro
b. Aling Irene d. Alkade-mayor
39. Ito ay ang malalim o hindi lantad na kahulugan ng isang pahayag.
a. Simbolismo c. Sukat
b. Tugma d. Matatalinghagang pahayag
40. Ano ang sinisimbolo ng agila sa kantang “Sa Kuko ng Agila” ni Freddie Aguilar?
a. Mga Amerikano c. Kakisigan
b. Katapangan d. Mga Pilipino
41. Sino ang may akda ng anekdotang Mongheng Mohamentano?
a. Mullah Nassreddin c. Nelson Mandela
b. Idries Shah d. Florante
42. Sa awiting Ako’y Pinoy, anong salita ang maaaring maitumbas sa salitang
“kalayaan”?
a. Kasarinlan c. Kasaganahan
b. Kapayapaan d. Kahusayan

Test II- Pag-isa-isahin:


43-44 - Dalawang uri ng sanaysay
45-48 - Mga elemento ng tula
49-50 - Dalawang uri ng pagpapahayag

GOOD LUCK!!!

Inihanda ni: Iwinasto ni: Nabatid ni:

ALVIN N. GARCIA RUBELINE P. BELCHES LILIA R. NACARIO


Estudyanteng Guro Gurong Tagapamatnubay Principal I

You might also like