You are on page 1of 4

PRE-TEST

FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
SY 2021-2022
Panuto: Basahin ang bawat tanong. Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot at isulat
sa sagutang papel.

c. 1. Ang El Filibusterismo ay iniaalay ni Rizal sa ____


a. Pamilya b. Pilipino c. GOMBURZA d. Magsasaka Para sa Blg. 2 at 3, alin

sa pangungusap ang salitang hiram sa wikang kastila?

b. 2. “Araw ng Pasko, may humalik sa kamay at nag-abot ng aguinaldo. Di makabigkas


si Tata Selo ng anumang salita kaya sinabi nilang siya ay napipi na.”
a. Humalik b. aguinaldo c. salita d. napipi
b. 3. Samantala, abala si Basilio sa pagbabasa ng mga aklat sa medicina nang
dumating si Simoun sa kaniyang tahanan upang himukin siyang sumama sa
himagsikan.
a. aklat b. medicina c. tahanan d. himagsikan

a. 4. Laking gulat ni Simoun nang ipagtapat ni Basilio na patay na si Maria Clara, litong-
lito siya at halos sumabog ang kaniyang dibdib. Nagbalik-tanaw siya sa pagkakarinig sa
agonias ng kumbento na nangangahulugang may namatay nang oras na iyon. Ang
agonias ay tugtog ng kampana para sa
a. patay b. binyag c. libing d. orasyon
a. 5. Lumisan sa klase si Placido Penitente na naghihimagsik ang kalooban dahil sa
panghahamak na natanggap. Binalak na niyang huminto sa pag-aaral at maghiganti.
Nadatnan niya pagkauwi ang kaniyang inang si Kabesang Andang at gayun na lamang
ang lungkot na kaniyang naramdaman dahil mataas ang pangarap nito para sa anak na
si Placido. Hinimok siya ng kanyang ina na magbago ng isip ngunit may katigasan ng
damdamin ang anak. Lumabas ito ng bahay, nagpalaboy sa lansangan habang nag-iisip.
Nang makadama ng gutom ay umuwi at patuloy na sinuyo ng pacensiosang ina. Ang
pacensiosa ay nangangahulugang
a. mahinahon b. malambing c. mapagmahal d. matapang
a. 6. Mistulang rosas ang kaniyang mga paa dahil sa sobrang pula nito. Sa
pangungusap na ito, alin ang salitang ginamit sa paghahambing?
a. mistula b. kaniyang c. dahil sa d. rosas at paa
d. 7. Sinasabing siya ay idealista, ikinakatawan niya ang kabataang nakikipag-away
para sa kabutihan, umaapoy ang kaniyang pag-ibig para sa bayan.
a. Simoun b. Isagani c. Basilio d. Placido
c. 8. “Ang kasalanan ay nasa nagtuturo sa mga mag-aaral ng pagkukunwari, nasa mga
sumisisiil sa malayang kaisipan at malayang pagpapahayag ang mga mag-aaral” Sino
ang nagsabi nito sa akda?
a. Basilio b. Macaraig c. Simoun d. Isagani

Anong pananaw/teorya ang naglalarawan sa bawat bilang? (Blg. 9 at


10)
b. 9. Ulila si Basilio, walang pamilya subalit sa huli ay naipakita niyang kayang mabuhay
at makamit ang pinakamimithing pagganap sa pagtitiis, pagtitiyaga at pagsisiskap.
a. romantisismo b. humanismo c. imahismo d. naturalismo
a. 10. Ipinakikita rito ang mga pangyayari sa buhay ng isang mag-aaral na si Placido
Penetente. Ipinalasap sa kanya ang katotohanan ng buhay estudyante sa kamay ng
mabagsik na propesor at sa isang bully na kaklase.
a. humanismo b. romantisismo c. naturalismo d. realismo

d. 11. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang akdang Klasismo?


a. Pagkamalinaw c. Pagkamatimpi
b. Pagkapayak d. Lahat ng nabanggit

b. 12. _______ ang isang akda kung ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga
pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita
at laging nagtatapos nang may kaayusan.

a. Teorya b. Klasismo c. Sikolohikal d. Realismo

d. 13. Bakit nangiti si Simoun nang matigas na sumagot si Isagani na kaya hindi
namimili ng alahas ang kaniyang mga kababayan ay dahil sa hindi nila kailangan ito?

a. Napatunayan ni Simoun na pikon si Isagani


b. Alam ni Simoun kung ano ang ayaw ni Isagani
c. Nalaman ni Simoun na totoong mahirap ang bayang pinagmulan ni Isagani
d. Nakita ni Simoun kay Isagani ang katangiang hinahanap niya sa isang kabataan

b. 14. “Ang taong walang pilosopiya ngunit mabubuti ang gawa ay _______ na mainam
kaysa sa taong mapilosopiya at hindi naisasabuhay.” Ang angkop na salitang
naghahambing para sa pangungusap ay
a.mainam b. higit c. di-gaano d. lalong
c. 15. Alin sa sumusunod na pangyayari sa nobela ang nagpapakita ng pagmamahal sa
magulang?
a. Nais ni Simoun na buhayain ang diwang pagkamakabayan ng mga Pilipino.
b. Nanilbihan si Basilio habang nagpapatuloy ng kanyang pag-aaral ng medisina.
c. Nagpaalila si Juli kay Hermana Penchang upang may maipantubos siya sa ama.
d. Dala ang gulok, binantayan ni Kabesang Tales ang lupang kaniyang pinagyaman.

b. 16. Sa masining na paglalarawan, napupukaw rin ang _________ ng mambabasa o


tagapakinig, damdamin at kuro-kuro ng manunulat.
a. kaalaman b. imahinasyon c. pandinig d. pag-asa

a. 17. Ayon kay Simoun, ang laman ng lamparang sasabog ay


a. likido at nitrogliserina c. sama ng loob at pighati b. mga asero at
dinamita d. luhang tinipon at poot na tinimpi

Basahin ang buod ng Kabanata 35 (Ang Piging) sa ibaba upang masagot ang mga
tanong Blg. 18- 20.

Binibigyang-pugay ni Don Timoteo Pelaez ang lahat ng nagsisidating na bisita. Di


nagtagal ay dumating na rin ang bagong kasal na sina Juanito Pelaez at Paulita Gomez,
kasama si Donya Victorina. Maya-maya pa ay siyang dating din ng Kapitan Heneral
kasunod ang ugong ng tugtugan ng Marcha Real.
Samantalang si Basilio ay nasa harapan ng bahay at nagmamasid-masid,
maraming bagay ang sumasagi sa kaniyang isip. Namasdan si Simoun dala-dala ang
isang lamparang tatapos sa buhay ng maraming panauhin sa bahay na iyon. Kinilabutan
siyang bigla, nais ipatigil ang masamang plano subalit muling naalala ang pagdurusang
sinapit niya at mahal sa buhay sa kamay ng malupit na pamahalaan.
Namataan si Isagani na di mapakali, binalaan ni Basilio na huwag pupunta sa
bahay na pinadarausan ng piging dahil maya-maya lamang, sasabog na ito. Mabilis na
nagpasya si Basilio na lisanin ang lugar.
Samantalang sa gitna ng pagdiriwang ng lahat, may isang papel na umikot,
nakasulat ang MANE THECEL PHARES. Takot at gulat ang naramdaman ng lahat lalo
na ng mga prayle, putlang-putla si Padre Salvi.
Sa pagdilim ng paligid dulot ng paglamlam ng lampara, siya namang karipas ng
takbo ng isang lalaki at tumalon dala-dala ang lampara sa tabing ilog ng bahay.
Nagulantang ang lahat at akmang babarilin ito ng isang panauhin.

d. 18. Anong pagdiriwang ang dinaluhan ng maraming tao?


a. kasal ni Paulita at Juanito
b. kaarawan ni Donya Victorina
c. pagpupugay sa kapitan heneral
d. pagtatagumpay ni Don Timoteo

b. 19. Ano ang damdaming nanaig kay Basilio nang makita ang lamparang dala ni
Simoun? a. awa b. takot c. poot d. inggit

c. 20. Bakit hindi natuloy ang pagsabog ng lampara?


a. Umalis agad si Basilio.
b. May umagaw sa lampara at tumalon sa ilog.
c. Nagkagulo dahil sa nakasulat na MANE THECEL PHARES
d. Nagulantang ang lahat at akmang babarilin ang isang panauhin.

You might also like