You are on page 1of 15

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 3


Ang Aking Pag-ibig
(Tulang Pandamdamin mula sa England)

Kagawaran ng Edukasyon. Republika ng Pilipinas


Aralin 1 Ang Aking Pag-ibig
Ang Aralin 1 ay naglalaman ng akdang “Ang Aking Pag-ibig” mula sa Italy na isinalin sa Filipino ni Alfonso O.
Santiago. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa kahalagahan ng angkop at mabisang paggamit ng matatalinghagang
pananalita sa pag-unawa mo sa tula na tatalakayin gayon din ang paraan ng paglalarawan nito. Sa araling ito
matatagpo mo ang isang uri ng panitikang ikalalawak ng iyong kaalaman at kaugalian sa lipunan, sa bayan, sa
pamilya at sa iyong kabuuan bilang isang tao.
Alamin
Kompetensing Lilinangin
Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70)
Subukin
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay
na papel
1. Isang uri ng tula na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata.
A. tulang pasalaysay B. tulang patnigan C. tulang liriko D. tulang padula
2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
A. alegorya B. haiku C. soneto d. tanaga
3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
A. pag-ibig sa ama/ina B. pag-ibig sa kaibigan C. pag-ibig sa kapatid D. pag-ibig a kasintahan/ asawa
4. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng tulang liriko o pandamdamin liban sa______.
A. elehiya B. epiko C. oda D. soneto
Para sa bilang 5 at 6

Iniibig kita nang buong taimtim, Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating Laging nakahandang pag-utos-utusan,
Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
-Ang Aking Pag-ibig
5. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona ng tula?
A. mapagtiis B. mapagkumbaba C. masayahin D. mapagmalasakit
6. Ipinahahayag ng persona sa tula ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan
ng ___. A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig B. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
C. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
7. Ang sumusunod ay ang pagpapakahulugan ng tula liban sa____.
A. Ang tula ay isang panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.
B. Ang tula ay nasa anyong tuluyan.
C. Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa ibat- ibang anyo
at estilo.
D. Maitutulad sa awit ang isang tula.
8. Alin sa sumusunod na mga tula ang may tiyak na sukat at tugma?
A. oda B. elehiya C.awit D. soneto
9. Sa awit na “Awit Kay Inay”, anong damdamin ang lumulutang para sa mga ina?
A. pagdadalamhati B. pagkabigo C. pangungulila D. pagmamahal
10. “Malibing ma’y lalong iibigin kita”. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig C.Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
11. “Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing”. Ito’y nangangahulugan ng___
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig C.Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
12. “Walang inang matitiis ang isang anak, Ika'y dakila at higit ka sa lahat”. Ano ang ipinahihiwatig ng taludtod na ito?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
13. Ayon sa tula ano ang pinakadakilang bagay sa lahat?
A. kayamanan B. pamilya C. buhay D. pag-ibig
14. Ang mga sumusunod ay naglalahad ng mga katangian ng tulang pandamdamin/ liriko liban sa_____
A. puno ng masisidhing damdamin ng tao B. itinatampok ng may-akda ang sariling karanasan
C. nagsasalaysay ng kabayanihan ng tauhan sa tula D. nasasalamin ang karanasan at guniguni ng may-akda
15. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng kahulugan ng tulang soneto?
A. tulang damdamin na may labing-apat na taludtod
B. tulang pumapaksa sa simpleng paraan ng pamumuhay
C. tula ng pamamanglaw at kahapisan sa isang minamahal
D. tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tauhan
Balikan
Natuklasan mo sa nakaraang aralin ang isa sa pinakadakilang obra ni William Shakespeare na ang dulang
trahedya na Romeo at Juliet. Ito’y tungkol sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng sigalot na nagdulot
ng trahedya sa pag-iibigan ng dalawa. Naipakita sa aralin kung paano nakatulong ang dula sa paglalarawan ng
tradisyon at kultura ng bansang England. Pero bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral ay basahin mo muna ang nasa
kahon.
Tuklasin
Sa bahaging ito ay tunghayan mo ang kasunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si Elizabeth
Barret Browning ng England (hango sa Sonnet 43).
ANG AKING PAG-IBIG
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kasingwagas ito ng mga bayaning
Kung paano kita pinakamamahal? Marunong umingos sa mga papuri.
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Iniibig kita nang buong taimtim, Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Na ang pananalig ay di masusupil.
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Na nang mangawala ay parang nanamlay
Ng kailangan mong kaliit-liitan, Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
Kasinlaya ito ng mga lalaking At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Malibing ma’y lalong iibigin kita.
Suriin
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan.
May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang
padula at patnigan.
Ang soneto na iyong binasa ay nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang liriko. Ito ay may tiyak na sukat at
tugma na kailangang isaalang-alang. Binubuo ito ng labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.

Pagyamanin
Gawain 1.1 Lantad-Damdamin
Panuto: Ilahad ang damdaming naghahari sa Awit Kay Inay at Ang Aking Pag-
ibig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Awitin Kay Inay Ang Aking Pag-ibig

1. 4.
Damdamin
2. 5.

3. 6.
Sagutin ang sumusunod na mga gabay na tanong.
7. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan?
8. Anong uri ng tula ang iyong napakinggan?
9. Bakit itinuring ng may-akda na nag-iisa lang sa mundo ang kanyang ina?
10. Punong-puno ba ng pag-ibig ang nilalaman ng tula/kanta? Patunayan ang sagot.
11. Anong konklusyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong mapakinggan ang nasabing awit?
12. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa kanyang tula?
13. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tulang Ang Aking Pag-ibig?
14. Anong paraan ang ginamit ng makata upang maging mabisa ang kanyang tula?
15. Ayon sa Bibliya may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig;
subalit pinakadakila sa mga ito ang pinakahuli, ang pag-ibig. Ipaliwanag kung bakit itinuturing na pinakadakila sa lahat
ang pag-ibig?
Isaisip
Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang matutuhan at maunawaan ang araling ito. Bilang pagsubok
iyong pag-unawa ng aralin, punan ang mga sumusunod na diyalogo batay sa iyong natutuhan sa aralin.

Sa araling ating tinalakay, ano ang Ang pinagkaiba ng soneto ay


pinagkaiba ng soneto sa ibang uri ng _______________________________
tula?

Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tula


pagsulat ng isang tulang liriko? ang____________________
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.
1. Isang uri ng tula na ipinahahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata.
A. tulang pasalaysay B. tulang patnigan C. tulang liriko D. tulang padula
2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.
A. alegorya B. haiku C. soneto D. tanaga
3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
A. pag-ibig sa ama/ina B. pag-ibig sa kaibigan C. pag-ibig sa kapatid D. pag-ibig sa kasintahan/ asawa
4. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tulang liriko o pandamdamin liban sa______.
A. elehiya B. epiko C. oda D. soneto
Para sa bilang 5 at 6 Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Iniibig kita nang buong taimtim, Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Ang dulo ng hindi maubos-isipin. -Ang Aking Pag-ibig
5. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona ng tula?
A. mapagtiis B. mapagkumbaba C. masayahin D. mapagmalasakit
6. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan
ng _______. A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig B. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
C. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
7. Alin sa sumusunod ang di-nagpapakahulugan sa tula?
A. Ang tula ay isang panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.
B. Ang tula ay nasa anyong tuluyan.
C.Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa ibat- ibang anyo at estilo.
D. Maitutulad sa awit ang isang tula.
8. Alin sa mga sumusunod na mga tula ang may tiyak na sukat at tugma?
A. oda B. elehiya C. awit D. soneto
9. Sa awit na “Awit Kay Inay” anong damdamin ang lumulutang para sa mga ina?
A. pagdadalamhati B. pangungulila C. pagkabigo D. pagmamahal
10. “Malibing ma’y lalong iibigin kita” Ano ang nais ipahiwatig sa huling taludtod ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
11. “Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing” Ano ang ipinahihiwatig ng taludtod na
ito? A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
12. “Walang inang matitiis ang isang anak; Ika'y dakila at higit ka sa lahat”. Ito ay nagpapahiwatig ng___.
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
13. Ayon sa tula ano ang pinakadakilang bagay sa lahat?
A. kayamanan B. pamilya C. buhay D. pag-ibig
14. Ang mga sumusunod ay naglalahad ng mga katangian ng tulang pandamdamin/ liriko liban sa isa. Alin dito ang di-
kasali? A. Puno ng masisidhing damdamin ng tao ang tulang liriko.
B. Itinatampok ng may-akda ang sariling karanasan sa tulang liriko.
C. Nagsasalaysay ng kabayanihan ng tauhan sa tulang liriko.
D. Nasasalamin ang karanasan at guniguni ng may-akda sa tula.
15. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng kahulugan ng tulang soneto?
A. Tulang damdamin na may labing-apat na taludtod
B. Tulang pumapaksa sa simpleng paraan ng pamumuhay
C. Tula ng pamamanglaw at kahapisan sa isang minamahal
D. Tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tauhan
Karagdagang Gawain
Panuto: Bigyan ng kahulugan ang tulang
PAG-IBIG mula sa tulang nabasa.

Aralin 2 Elemento ng Tula


Ang Aralin 2 ay tungkol sa mga elemento ng tula. Nailalantad ang kagandahan ng isang tula dahil sa mga
elementong taglay nito.
Mahalaga sa isang makata na ang kanyang tula ay may magandang kaanyuan dahil naipakikita rito ang kanyang
pagiging malikhain at matiyaga. Mababasa sa araling ito ang tulang nakapalooban ng mga elemento.
Alamin
Kompetensing Lilinangin
Nasusuri ang mga elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)
Subukin
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.
1. Isang elemento ng tula na tumutukoy sa matatalinghagang salita, mga salitang may malalim na ibig
ipakahulugan at mga tayutay. A. kariktan B. taludtod C. sukat D. tugma
2. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng tula liban sa________.
A. kariktan B. taludtod C. sukat D. tugma
3. Anong elemento ng tula ang pagkakapareho ng tunog sa huling salita bawat taludtod?
A. kariktan B. taludtod C. sukat D. tugma
4. Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang sinasagisag ng ibon ay___.
A. digmaan B. kalayaan C. pangarap D. pag-Ibig
5. Dinatnan ng sigwa. Sa literal na pagpapakahulugan ang tinutukoy nito ay__.
A. bagyo B. pag-asa C. umaga D. problema
6. Ano ang sukat ng mga taludtod sa bahagi ng tula ni Baltazar? “Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad; Sa bait at
muni, sa hatol ay salat”. A. lalabindalawahin B. wawaluhin C. lalabing-animin D. walang tiyak na
sukat
7. Ano ang sukat ng tulang Babang-luksa?
A. lalabindalawahin B. wawaluhin C. lalabing-animin D. walang tiyak na sukat
8. Tungkol saan ang tulang Babang-luksa?
A. pag-iibigan ng magkasintahan B. tungkol sa pagiging makabayan
C. pagbabalik tanaw sa alaala ng isang mahal sa buhay D. sakripisyo ng isang magulang
9. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi sa guniguni ng mga mambabasa.
A. Simbolismo B. Tono C. Sukat D. Tugma
10. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
A. Simbolismo B. Sukat C. Tono D. Tugma
11. Ano ang namamayaning damdamin sa loob ng saknong na ito?
“Bakit ba, mahal ko, kay agang lumisan Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At iniwan akong sawing kapalaran At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?”
A. kabiguan B. kalungkutan C. pangungulila D. panghihinayang.
12. Ano ang simbolismong makikita sa saknong ng tula:
“Kung minsan sadya kong dalawin ang Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar ,
bahay Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.”
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan ;
A. dalawin B. bahay C. nag-ibigan D. kaluluwa
13. Ano ang pagpapakahulugan ng simbolong sinalungguhitan?
“Sa paraang ito kung nagkaedad na
Ang puting buhok ko’y di mo makikita”
A. pagganda B. pagkakasakit C. pagtanda D. pagpanaw
14. Anong uri ng tulang pandamdamin/ liriko ang Babang-luksa?
A. Awit B. Elehiya C. Oda D. Soneto
15. Ano ang pagpapakahulugan ng salitang sinalungguhitan?
“Marahil tinubos ka ni bathala
Upang sa isipa’y hindi ka tumanda
A. paglalakbay B. pagluluksa C. pagpupuri D. pagpanaw

Balikan
Sa nakaraang aralin nabasa mo ang isang tulang pandamdamin mula sa England kung saan nasuri at
nabigyan mo ng puna ang estilo ng makata sa pagsulat ng tula. Natukoy mo rin ang mga damdaming nakapaloob dito
na siyang naging sangkap upang maging tulang pandamdamin ito.

Tuklasin
Bigkasing mabuti at unawain ang halimbawa ng elehiya.
Babang-Luksa
Salin mula sa Kapampangan ni Olivia P. Dante
sa isang “Pabanud” ni Diosdado Macapagal
1Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw 4Sa matandang bahay napuno ng saya
Tila kahapon lang nang ika’y lumisan; Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta;
Subalit sa akin ang tanging naiwan, Ang biyayang saglit , kung nababalik pa
Mga alaalang di malilimutan. Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.
2Kung ako’y nasa pook na limit dalawin 5Bakit ba, mahal ko, kayagang lumisan
Naaalala ko ang ating paggiliw; At iniwan akong sawing kapalaran
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling. At sa pagyaon mo’y para ring namatay?
3Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay 6Marahil tinubos ka ni Bathala

Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan Upang sa isipa’y hindi ka tumanda


Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw magkapiling. Ay manatiling maganda at bata
7Sa paraang ito kung nagkaedad na 9Kaya, aking mahal , sa iyong pagpanaw
Ang puting buhok ko’y di mo makikita Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay,
At ang larawan kong tandang tanda mo pa Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Yaong kabataan taglay na tuwina. Hindi mamamatay, walang katapusan
At dahil nga rito, ang pagmamahalan
8 10Ang kaugalian ng ninuno natin
Ay hanggang matapos ang kabataan, Isang taon akong nagluluksa mandin
Itong alaala ay laging buhay, Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim;
Lalaging sariwa sa kawalang hanggan Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling.

Tuklasin
Elemento ng Tula
Sukat. Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Tugma. Ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat saknong.
Tono. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
Simbolismo. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga mambabasa.
Talinghaga. Ito’y matatayog na diwang ipinahihiwatig ng makata.
Pagyamanin
Panuto: Suriin ang elemento ng tulang Ang Aking Pag-ibig at Babang-Luksa gamit ang
talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel. (2 puntos bawat sagot)
1. Ang Aking Pag-ibig
Sukat Tugma Tono Simbolo

2. Babang-Luksa
Sukat Tugma Tono Simbolo

Isaisip
Panuto: Tapusin ang mga pahayag na nasa kahon.
Ang mga bagong kaalamang natutuhan ko ay________________________

Magagamit ko ang kaalamang ito sa__________________________________

Nais ko pang matutunan ang_______________________________________

Isagawa
Panuto: Lumikha ng tulang elehiya na may tatlong saknong. Suriin din ang mga elemento ng
nabuong tula. (15 puntos)
Pamagat ng Tula
(Elehiya)

Elemento: Sukat:_______Tugma:_______Tono:_______Simbolo:_______

Tayahin
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.
1. Elemento ng tula na tumutukoy sa matatalinghagang salita, mga salitang may malalim na ibig
ipakahulugan at mga tayutay. A. kariktan B. taludtod C. sukat D. tugma
2. Ang sumusunod ay mga elemento ng tula liban sa________.
A. kariktan B. taludtod C. sukat D. tugma
3. Anong elemento ng tula ang pagkakapareho ng tunog sa huling salita ng bawat taludtod?
A. kariktan B. taludtod C. sukat D. tugma
4. Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang sinasagisag ng ibon ay___
A. digmaan B. kalayaan C.pangarap D. pag-Ibig
5. Dinatnan ng sigwa. Sa literal na pagpapakahulugan ang tinutukoy nito ay__
A. bagyo B. pag-Asa C umaga D. problema
6. Ano ang sukat ng mga taludtod sa bahagi ng tula ni Baltazar?
” Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat”
A. lalabindalawahin B. wawaluhin C. lalabing-animin D. walang tiyak na sukat
7. Ano ang sukat ng tulang Babang-luksa?
A. lalabindalawahin B. wawaluhin C. lalabing-animin D. walang tiyak na sukat
8. Tungkol saan ang tulang Babang-luksa?
A. pag-iibigan ng magkasintahan B. tungkol sa pagiging makabayan
C. pagbabalik-tanaw sa alaala ng isang mahal sa buhay D. sakripisyo ng isang magulang
9. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga mambabasa.
A. Simbolismo B. Tono C. Sukat D. Tugma
10. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
A. Simbolismo B. Tono C. Sukat D. Tugma
11. Ano ang namamayaning damdamin sa loob ng tula?
“Bakit ba, mahal ko, kayagang lumisan Hindi mo ba talos , kab'yak ka ng buhay
At iniwan akong sawing kapalaran At sa pagyaon mo’y para ring namatay ?”
A. kabiguan B. kalungkutan C. pangungulila D. pagkahinayang
12. Ano ang simbolismong makikita sa saknong ng tula:
“Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay Sa bakura’t bahay , sa lahat ng lugar ,
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan ; Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.”
A. dalawin B. bahay C. nag-ibigan D. kaluluwa
13. Ano ang pagpapakahulugan ng simbolong sinalungguhitan?
“Sa paraang ito kung nagkaedad na
Ang puting buhok ko’y di mo makikita”.
A. pagganda B. pagkakasakit C. pagtanda D. pagpanaw
14. Anong uri ng tulang pandamdamin/ liriko ang Babang-luksa?
A. Awit B. Elehiya C. Oda D. Soneto
15. Ano ang pagpapakahulugan ng salitang sinalungguhitan?
“Marahil tinubos ka ni bathala
Upang sa isipa’y hindi ka tumanda”.
A. paglalakbay B. pagluluksa C. pagpupuri D. pagpanaw
Karagdagang Gawain
Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang upang makabuo ng
isang saknong na may tugma. Pumili sa kahon ng sagot.
maitutumbas sarili tibay pagod buti biyaya
pagkakaisa mithiin nagnininggas tiwala gabi silbi
1. Ang kalayaan ay dulot ng _____________ 2. Mga bayaning nalugmok sa _________
Sa’ting bayan itinuturing itong ___________ Inialay sa bayan ang kanilang _________
3. Walang yaman ang _________
Pag-ibig sa bayan mainit at ____________

Aralin 3 Matalinghagang Pananalita sa Tula


Nakadaragdag ng kapamigatan at kagandahan ng isang katha ang paggamit ng pananagisag at mga
matatalinghagang pananalita. Alamin sa araling ito kung paano ginamit na sangkap ang mga ito sa pagpapaganda ng
isang tula.
Alamin
Kompetensing Lilinangin
Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. (F10PT-IIc-d-70)

Subukin
Panuto: Piliin ang titik ng salitang may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.
1. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
A.Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
2. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
3. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
4. Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?
Kasinlaya ito ng mga lalaking Kasingwagas ito ng mga bayaning
Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Marunong umingos sa mga papuri.
A. Pagwawangis B. Pagtutulad C.Pagtatao D. Pagmamalabis
5. Anong uri ng tayutay ang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing?
A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
6. Ito ay nagbibigay ng mabisang kahulugan sa tula upang ito’y maging maganda, makulay at kaakit-akit
A. Sukat B. Tagpuan C. Tayutay D. Tugma
7. Anong uri ng tayutay ang paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
8. Anong elemento ng tula ang nagtataglay ng malalim o hindi tiyak na kahulugan at sinasalamin ng paggamit nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng isang tula?
A. Sukat B. Tono C. Talinghaga D. Tugma
9. Anong tayutay ang gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba
pa? A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
10. Anong tayutay ang gumagamit ng eksaherasyon sa paglalarawan sa tula?
A. Pagtutulad B.Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
Para sa bilang 11-12.Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga pangungusap.
11. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang binatang nasa kanyang panaginip.
A. Pagtutulad B.Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
12. Ang awa ng Panginoon ay kuta laban sa mga dalita ng buhay.
A. Pagtutulad B.Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
13. O buhay! Kay hirap mong unawain.
A. Pagtutulad B.Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
14. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.
A. Pagtutulad B.Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
15. Naku! Kalungkutan mo ay di matapos-tapos.
A. Pagtutulad B.Pagwawangis C. Pagmamalabis D. Pagtatao
Balikan
Ang aralin 3 ay nakatuon sa pagpapakahulugan sa matatalinghagang pananalita sa tula. Sisisirin at
hihimay-himayin natin ang mga linya ng tula upang maarok ang nais ipabatid ng makata sa kanyang obrang tula.
Sa nakaraang aralin nabasa mo ang isang halimbawa ng tulang pandamdamin ang Babang-luksa
ito’y isang elehiya at punong-puno ito ng masisidhing emosyon o damdamin ng may-akda. Natuklasan mo rin
ang mga elemento ng tula kung saan ginamit mo ito upang masuri ang tulang iyong nabasa.

Tuklasin
Ang Kariktan ng Tula
Isa sa mga elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan ang tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang
salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad at iba pa.
Pagsanib ng Gramatika at Retorika
Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng isang tula. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag nang
patayutay o tayutay.
Ang tayutay ay nagbibigay ng mabisang kahulugan upang maging maganda at makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag sa isang tula. Kaya’t mainam na magsanib ang gramatika at retorika. Tamang gamit ng mga salita at
pagkakabuo ng mga pangungusap na sasabayan ng matatalinghagang pahayag na magpapaganda sa isang tula.
Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad o simile. Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp.
Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba
pa.
2. Pagwawangis o metapora. Ito ay katulad ng pagtutulad, naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran
ang ginagawang paghahambing.
3. Pagmamalabis o hyperbole. Pagpapalabis sa normal upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag.
4. Pagtatao o personipikasyon. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay.

Pagyamanin
Panuto: Pumili ng isang matalinghagang pananalita na ginamit sa bawat saknong ng tulang Ang Aking
Pag-ibig. Ibigay ang kahulugan at halimbawang sitwasyon na maaaring maiugnay mo dito. Gawin ito gamit
ang H tsart.
1. Lipad ng kaluluwang ibig na 3. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat
2. Kasinlaya ito ng Kahulugan
mga lalaking na,
marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
Kasingwagas ito ng mga bayaning At kung sa Diyos naman na
Marunong umingos sa mga papuri. ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin ka
Matalinghagang Sitwasyon
1. 1.
pahayag
2. 2.
3. 3.
Isaisip
Panuto : Gumawa ng sariling kahulugan ng salitang talinghaga gamit ang concept map.

TALINGHAGA
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
2. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
3. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
4. Anong uri ng tayutay ang saknong sa ibaba?
Kasinlaya ito ng mga lalaking Kasingwagas ito ng mga bayaning
Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Marunong umingos sa mga papur
A. Pagwawangis B. Pagtutulad C. Pagtatao D. Pagmamalabis
5. Anong uri ng tayutay ang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
6. Ito ay nagbibigay ng mabisang kahulugan sa tula upang ito’y maging maganda, makulay at kaakit-akit
A. Sukat B. Tagpuan C. Tayutay D. Tugma
7. Anong uri ng tayutay ang paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay?
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
8. Anong elemento ng tula ang nagtataglay ng malalim o hindi tiyak na kahulugan at sinasalamin ng paggamit nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng isang tula? A. Sukat B. Tono C. Talinghaga D. Tugma
9. Anong tayutay ang gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, anaki’y,animo, at iba pa.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
10. Anong tayutay ang gumagamit ng eksaherasyon sa paglalarawan sa tula.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
Para sa bilang 11-15. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga pangungusap.
11. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
12. Ang awa ng Panginoon ay kuta laban sa mga dalita ng buhay.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
13. O buhay! Kay hirap mong unawain.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
14. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao
15. Naku! Kalungkutan mo ay di matapos-tapos.
A. Pagtutulad B. Pagmamalabis C. Pagwawangis D. Pagtatao

Aralin 4 Paksa ng Tula - Ang Pamana ni: Jose Corazon de Jesus


Magagandang damdamin at larawan ang mapupukaw sa mambabasa ng tula kung marangal at
makabuluhan ang paksa. Ang mga mararangal na tema ng tula ang maikikintal sa isipan ng mambabasa na maaaring
magsilbing tanglaw at sulo sa kanilang buhay na tinatahak.

Alamin
Kompetensing Lilinangin
1. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay. (F10PU-IIc-d-72)
2. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula. (F10WG-IIc-d-65)
Subukin
Panuto: Tama o Mali. Isulat sa patlang bago ang bilang ang letrang T kung ang pahayag ay Tama at M
naman kung ito ay Mali. Sa papel mo ito gawin.
_____1. Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa kabuuang kaisipan ng tula.
_____2. Ang tema ng tula ay tumutukoy sa matatalinghagang pananalita at kariktan sa tula.
_____3. Ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tungkol sa mapait na karanasan ng may-akda sa pag-ibig.
_____4. Ang Babang-luksa ay may temang kawili-wili.
_____5. Ipinapakita sa tulang Pamana na lahat ay gagawin ng isang magulang para sa ikabubuti ng kanyang anak.
_____6. Nasasalamin sa tula na ang tanging naitugon ng kanyang anak sa kanyang magulang ay ang pagiging ganid
at materyalestiko.
_____7. Ang paksa ng tula ay kinailangang hango sa buhay o sariling karanasan ng makata.
_____8. Sa pagsulat ng isang tula kailangang hitik sa mensahe na ipinahahayag ng iilang mga salita lamang.
_____9. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga paksang halaw lamang sa imahinasyon o guniguni ng makata.
_____10. Ang tulang Pamana ay isang halimbawa ng tulang liriko/ pandamdamin.
_____11. Ang tulang Pamana ay isang halimbawa ng soneto.
_____12. Ang damdaming namamayani sa tulang Pamana ay kabiguan.
_____13. Ayon sa tula walang yaman ang magiging katumbas na halaga sa pagkakaroon ng isang ina.
_____14. Nagtataglay ng kariktan at talinghaga ang tulang Pamana.
_____15. Binubuo ng lalabindalawahing pantig ang tulang Pamana.
Balikan
Sa nakaraang aralin nabigyan mo ng pagpapakahulugan ang mga matatalinghagang pananalita sa tula.
Nasuri mo rin ang uri ng mga tayutay at ang kahulugan nito sa tula.

Tuklasin
Basahin ang isang elehiya at pansinin ang paksang ginamit ng makata.
Ang Pamana
ni: Jose Corazon de Jesus

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw ”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. at huwag nang makita pang ika’y nalulungkot mandin,
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”
Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay ”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni
At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay, Bathala
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mabuti nang malaman mo ang habilin!
Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Iyang piyano, itong silya’t aparador ay alaming
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.” Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha “Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang
Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay
At sa halip na magalak sa pamanang mapapala, At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Pagka’t di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay

Suriin
PAKSA
 Ito ang tema ng tula tumutukoy kung tungkol saan ang isang tula/ kaisipan ng buong tula.Ito ay maaring
tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa
kapwa at marami pang iba.
Pagyamanin
Panuto: Tala-Kaisipan: Mula sa tulang “Ang Pamana”, mag-isip ng mga salitang maaari mong maiugnay sa
akda. Mula sa mga salitang itinala, tukuyin mo kung ano ang paksa. Paalaala: Maaari mong tawagan ang
iyong guro kung di mo maintindihan ang Gawain.
1. 6.
PAKSA NG TULA

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Isagawa
Pagninilay
Panuto: Bilang isang anak, ano ang iyong sagot/tugon sa ikinikilos at sinasabi ng isang ina sa tulang “Ang
Pamana”. Isulat ito sa pamamagitan ng isang liham. (15 puntos)
Tayahin
Tama o Mali
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali.
_____1. Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa kabuuang kaisipan ng tula.
_____2. Ang tema ng tula ay tumutukoy sa matatalinghagang pananalita at kariktan ng tula.
_____3. Ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tungkol sa mapait na karanasan ng may-akda sa pag-ibig.
_____4. Ang Babang-luksa ay may temang kawili-wili.
_____5. Ipinapakita sa tulang pamana na lahat ay gagawin ng isang magulang para sa ikabubuti ng kanyang anak.
_____6. Nasaalamin sa tula na ang tanging naitugon ng kanyang anak sa kanyang magulang ay ang pagiging ganid
at materyalestiko.
_____7. Ang paksa ng tula ay kinakailangang hango sa buhay o sariling karanasan ng makata.
_____8. Sa pagsulat ng isang tula kailangang hitik sa mensahe na ipinapahayag sa kakaunting mga salita.
_____9. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga paksang halaw lamang sa imahinasyon o guniguni ng makata,
kinakailangang batay sa namasid o naranasan ng makata.
_____10. Ang tulang Pamana ay isang halimbawa ng tulang liriko o pandamdamin.
_____11. Ang tulang Pamana ay isang halimbawa ng Soneto.
_____12. Ang damdaming namamayani sa tulang Pamana ay kabiguan.
_____13. Ayon sa tula walang yaman ang magiging katumbas na halaga sa pagkakaroon ng isang ina.
_____14. Nagtataglay ng kariktan at talinghaga ang tulang Pamana.
_____15. Binubuo ng lalabindalawahing pantig ang tulang Pamana.
Karagdagang Gawain
Panuto : Bumuo ng isang tula na may kahawig sa tulang tinalakay na “Ang Aking Pag-ibig”. Ang nasa kahon
ang magsisilbi mong gabay upang mamayani ang damdamin ng iyong tula. (5 puntos sa bawat kahon)
Paglalarawan ng pag-ibig ng isang anak _________________________________________________

Mga sakripisyo ng isang magulang _________________________________________________

Ang tunay na Pamana para sa’yo _________________________________________________

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO


 Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
 May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at patnigan.
 May apat na uri ng tayutay ang tinalakay sa modyul na ito; pagtutulad o simile, pagwawangis o metapora, pagmamalabis o hyperbole
at pagtatao o personipikasyon.
 Sa pagsulat ng tula ay dapat magsanib ang gramatika at retorika upang maging maganda ang isang katha.

Aralin 5 Lingguhang Pagtataya


Panuto: Basahin ang sumusunod na paglalarawan. Isulat sa sagutang papel ang tayutay na ginamit.
1. Siya’y uminom ng isang baldeng gatas.
2. Animo’y isang paruparo kung manligaw si Basti sa dalaga.
3. Sumasayaw ang mga alon sa dalampasigan ng Cagayan de Oro.
4. Ang kanyang balat ay parang kaliskis ng isda kung hihipuin.
5. Mga basing-sisiw ang mga batang sa kalye naninirahan.
6. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nagniningning sa tuwa.
7. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah.
8. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
9. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kanyang pagpanaw.
10. Bumaha ang luha sa muling pagkikita ng magkapatid.
11. Nagalit ang langit sa paglapastangan sa inang kalikasan.
Para sa bilang 12-15. Gumawa ng sariling pangungusap na matayutay.
12. Pagtutulad ___________________________________________________
13. Pagwawangis_________________________________________________
14: Pagmamalabis________________________________________________
15. Pagtatao_____________________________________________________
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1 – ANG AKING PAG-IBIG Aralin 2 – ELEMENTO NG TULA
Subukin Pagyamanin (1-15) Tayahin Subukin Pagyamanin (1-15) Tayahin
1. C 1. C 1. A 1. A
2. C 2. C 2. A 2. A
3. D 3. D 3. D 3. D
4. B 4. B 4. B 4. B
5. C 5. C 5. A Isagawa 5. A
6. C 6. C 6. A 6. A
7. B Isagawa 7. B 7. A 7. A
8. D 8. D 8. C 8. C
9. D 9. D 9. C 9. C
10.B 10.B 10.D Isaisip 10.D
11. C 11. C 11. C 11. C
12. D 12. D 12. B 12. B
13. D 13. D 13. D 13. D
14. C 14. C 14. B 14. B
15. A 15. A 15. D 15. D

Aralin 3 – MATATALINGHAGANG PANANALITA SA TULA Aralin 4 – PAKSA NG TULA (ANG PAMANA)


Subukin Pagyamanin (1-15) Tayahin Subukin Pagyamanin (1-15) Tayahin
1. A 1. A 1. T 1. T
2. D 2. D 2. M 2. M
3. D 3. D 3. M 3. M
4. B 4. B 4. M 4. M
5. B 5. C 5. T 5. T
6. C 6. C 6. M 6. M
7. D Isaisip 7. D 7. M Isaisip 7. M
8. C 8. C 8. T 8. T

Aralin 5 – LINGGUHANG PAGTATAYA


1. PAGMAMALABIS
2. PAGTATAO
3. PAGTATAO
4. PAGTUTULAD
5. PAGWAWANGIS
6. PAGTUTULAD
7. PAGWAWANGIS
8. PAGTATAO
9. PAGTATAO
10. PAGMAMALABIS
11.
12.
13.
14.
15.
Filipino 10
Ikalawang Kwarter – Modyul 3
SUMMATIVE TEST
I. Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.
tayutay elehiya tono simbolismo bagyo kalayaan tugma kariktan
epiko pag-ibig sa kasintahan/ asawa soneto tulang liriko

1. Isang uri ng tula na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata.


2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat
taludtod.
3. Uri ng pag-ibig na nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”.
4. Hindi kabilang sa halimbawa ng tulang liriko o pandamdamin.
5. Isang elemento ng tula na tumutukoy sa matatalinghagang salita, mga salitang may malalim na ibig
ipakahulugan
at mga tayutay
6. Elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog sa huling salita bawat taludtod.
7. Katulad ng ibong nasa himpapawid. Ang sinasagisag ng ibon ay___.
8. Dinatnan ng sigwa.Sa literal na pagpapakahulugan ang tinutukoy nito ay__.
9. Ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi sa guniguni ng mga mambabasa.
10. Ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula.
11. Ito ay nagbibigay ng mabisang kahulugan sa tula upang ito’y maging maganda, makulay at kaakit-akit.
II. Panuto: Basahin ang sumusunod na paglalarawan. Isulat sa sagutang papel ang tayutay na ginamit o
tinutukoy.
Pagtutulad Pagmamalabis Pagwawangis Pagtatao

12. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata.


13. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw.
14. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.
15. Naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.
16. Uri ng tayutay na naglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay.
17. Uri tayutay ang gumagamit ng mga salitang tulad ng, katulad ng,parang,kawangis ng,anaki’y, animo, at
iba pa.
18. Uri ng tayutay na gumagamit ng eksaherasyon sa paglalarawan sa tula.
19. O buhay! Kay hirap mong unawain.
20. Naku! Kalungkutan mo ay di matapos-tapos.
III. Tama o Mali
Panuto: Isulat sa patlang ang letrang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali.
_____21. Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa kabuuang kaisipan ng tula.
_____22. Ang tema ng tula ay tumutukoy sa matatalinghagang pananalita at kariktan ng tula.
_____23. Ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tungkol sa mapait na karanasan ng may-akda sa
pag-ibig.
_____24. Ang Babang-luksa ay may temang kawiliwili.
_____25. Ipinapakita sa tulang pamana na lahat ay gagawin ng isang magulang para sa ikabubuti ng
kanyang anak.
IV. Pagsulat (26-30)
Panuto: Pumili ng isang tula/awiting paborito mo at paghambingin ito sa akdang ating natalakay sa
araling ito. Suriin ang estilo ng tula at awit gamit ang talahanayan.

Estilo ng Tula Ang Aking Pag-ibig Paboritong awit/tula


Paksa
Mga gamit na salita
Pagpapalutang ng
damdamin/saloobin

Dating sa mambabasa

You might also like