You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Agusandel Sur
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
Operating Unit (Empowered School)
Website.asnhs.webs.com
School I.D.: 304703

Filipino 10
WEEKLY HOME LEARNING PLAN
QUARTER 4
LAS 2

DAY & TIME LEARNING LEARNING COMPETENCY LEARNING TASKS MODE OF


AREAS DELIVERY
Wake up, make up your bed, eat breakfast and get ready for an awesome day!
Have a short exercise / meditation / bonding with family.
10:00-12:00 am Filipino 10 F10PB-iVa-b-83 Mga Pagsasanay
RECESS Nasusuri ang pagkakaugnay Gawain 1. Panuto: • Modular (Send
LUNCH by Barangay)
ng mga pangyayaring Makabuo ng sariling
1:00- 3:00 pm  Digitized
nabasa tungkol sa kaligirang paliwanag at mga
(messenger and
pangkasaysayan hakbangin batay sa
email)
F10PB-Iva-b-86 – Natitiyak Ladder Chart. Ilahad ang
ang kaligirang iyong mga hakbangin
pangkasaysayan ng akda sa para mapapatunayan ang
pamamagitan ng: mga salitang nasa
-pagpapatunay ng pag-iral hagdan na mula sa
ng mga kondisyong ito sa pahayag ni Dr. Jose P.
kabuuan o ilang bahagi ng Rizal
akda , pagtukoy sa layunin
ng may-akda sa pagsulat ng Gawain 2. Venn
Digram: Batay sa
akda
klasismo, magbigay ng
limang pangyayari noon
na maaaring bahagi o
makikita pa rin sa
lipunan ngayon. Gamitin
ang rubrik bilang
gabayan sa pagsagot
mula 1-5.

PAGLALAPAT:
Gawain 1. Sagot mo,
Solusyunan mo.

PAGTATASA:

Gawain 1: Pagkilala:
Basahin ang mga
pahayag at sagutan
batay sa pagpipilian.
Isulat ang titik at ang
katumbas na sagot nito.

Filipino 10- Grade 10


Quarter : 4, Week 2

LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 2

Pangalan:_____________________________ Seksyon:_________________
Paaralan:______________________________ Petsa:___________________

I. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
F10PB-iVa-b-83-Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring nabasa
tungkol sa kaligirang pangkasaysayan
F10PB-Iva-b-86 – Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang
bahagi ng akda , pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
Paksa: Si Dr. Jose P. Rizal bilang may-akda at ang El Filibusterismo
II. PANGUNAHING KONSEPTO
Alam n’yo ba?
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda - Si Dr. Jose P. Rizal ang pambansang bayani ng
Pilipinas na isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861 at binarily sa Bagumbayan (Luneta)
noong Disyembre 30, 1896. Ang kanyang ina ang kanyang naging unang guro. Ang kanyang dalawang
nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga
Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Katulad ng Noli Me Tangere, isa rin sa pinakamaalab na akda ni Dr. Jose P. Rizal ang El
Filibusterismo na nakasulat din sa satireng nobela (satire novel). Ang ibig sabihin nito ay ang nobelang
isinulat ng dakilang bayani sa wika mismo ng mananakop(Kastila) ay “nang-uuyam/mapanudyo” dahil
layunin nitong imulat ang mga Pilipino, maging ang mga dayuhan kaugnay sa korapsyon at hindi
makataong panunungkulan ng Espanya at pag-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino. Inilathala niya ang
El Filibusterismo para sa pinugutan ng ulo na tatlong paring martir na GOMBURZA (Gomez, Burgos at
Zamora) upang mabigyan-linaw ang kaisipan ng mga mambabasa sa mga nangyayaring katiwalian, pang-
aabuso at pagmamalupit noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Karugtong ang El Filibusterismo
sa naunang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere matapos ang 13 taong lumipas.
Paghahari ng Kasakiman o The Reign of Greed ang katumbas ng El Filibusterismo na nahahati sa
37 kabanata. Mababakas sa akda ang teoryang sosyolohikal dahil ang akda ay nagbibigay pansin sa
mundong ginagalawan ng mga karakter at konsteksto nito at ang mga nag-iimpluwensya dito. Makikita rin
ang teoryang klasismo dahil ito’y isang uri ng akda na kahit kailan ma’y hindi malalaos at parte na ng ating
kultura. Ang huli naman ay ang teoryang romantisismo dahil mababakas sa karakter ni Simoun o ni
Crisostomo Ibarra ang pagmamahal niya sa bayang Pilipinas at sa kanyang sinta na si Maria Clara na
umabot na sa puntong nilamon na siya ng galit at kagustuhang maghiganti sa mga lumapastangan dito.
Mga Pangunahing Tauhan:
1. Simoun - Juan Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere at nagbalik bilang isang mag-aalahas para
maghiganti. Sinisimbolo niya ang mga Pilipinong maghihiganti.
2. Basilio – sumisimbolo sa mga ulilang mag-aaral na nagsusumikap para makapagtapos.
3. Kabesang Tales – sumisimbolo ng kawalang hustisya at paghahanap ng karapatan.
4. Juli – sumisimbolo sa mg kahinaan at nararapat na karapatan ng mga kababaihan.
5. Isagani – sumisimbolo sa mga kabataang sawi sa pag-ibig ngunit lumalaban para sa mga kabataan,
alam ang tama sa mali.
6. Padre Florentino – larawan ng isang indyong Pilipino na hangad ay kapayapaan at kasiyahan ng
mga Pilipino. Siya ang pag-asa at kapayapaan ng mga Pilipino.
7. Padre Camorra – simbolo ng pang-aabuso dahil nasa mataas na posisyon, laging may pagnanasa
sa mga kababaihan at siya ang naging sanhi ng kamatayan ni Juli.
III. GABAY NA KASANAYAN:
A. Gabayang Tanong:
1. Kung susuriin ang may-akda, maaari bang maihahambing si Dr. Jose Rizal sa tauhang si
Simuon? Bakit?
Sagot: Maaaring maihambing si Dr. Rizal sa pangunahing tauhan niya sa nobela na si
Simuon dahil pareho ang kanilang adhikain- ang ipaglaban ang karapatan at pagkaalipin ng
mga Pilipino sa sarili nitong bayan. Dagdag pa ay para mapalaya mula sa pagkakasakop ng
pamahalaang Espanya ang Pilipinas lalo na sa mga mapagsamantalang mga opisyales na
kung saan ay parehong dumanas ng hirap si rizal at si Simuon.
2. Bakit inialay ni Dr. Rizal ang El FIlibusterismo sa tatlong paring martir na GOMBURZA?
Inialay ni Dr. Rizal sa GOMBURZA ang El Filibusterismo sapagkat nagsilbing insipirasyon
para sa kanya ang pagka martir ng mga pari na naakusahan ng pamahalaang Kastila na
nagpasimuno sa pag-aaklas sa Cavite laban sa kanila.

IV. MALAYANG KASANAYAN:

Gawain 1. Panuto: Makabuo ng sariling paliwanag at mga hakbangin batay sa Ladder


Chart. Ilahad ang iyong mga hakbangin para mapapatunayan ang mga salitang nasa
hagdan na mula sa pahayag ni Dr. Jose P. Rizal.
Bayan

Ako bilang kabataan


Pag-asa

Kabataan

Paliwanag: ________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Mga Hakbangin: ____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 2. Venn Digram: Batay sa klasismo, magbigay ng limang pangyayari noon na


maaaring bahagi o makikita pa rin sa lipunan ngayon. Gamitin ang rubrik bilang gabayan sa
pagsagot mula 1-5.
NOON NGAYON

1. K 1.
L
2. A 2.
S
3. I 3.
S
4. 4.
M
5. O 5.

Gabayang Rubrik:
Sagot Bilang Antas ng Obserbasyon Paliwanag Batay sa sagot sa NOON
1 Palaging makikita
2 Madalas makikita
3 Minsan makikita
4 Madalang makikita
5 Di makikita
V. PAGLALAPAT:
Gawain 1. Sagot mo, Solusyunan mo.
1. Batay sa sagot sa NGAYON sa Venn Diagram, sumulat ng isang sanaysay kung paano mo
masosolusyunan at mapapaunlad bilang kabataang pag-asa ng bayan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Gabayang Rubrik:
Ganap na Bahagyang Hindi
Kratirya sa pagbibigay ng iskor Naisagawa Naisagawa Naisagawa
(5) (4) (3)
1. Organisasyon sa pagkakasulat
2. Kaangkupan ng mga salitang ginamit
3. Naging malinaw ang paglalahad ng sanaysay
4. Magkakaugnay ang tanong sa nilalaman
5. Mababasa ang mungkahing solusyon

VI. PAGTATASA:

Gawain 1: Pagkilala: Basahin ang mga pahayag at sagutan batay sa pagpipilian. Isulat ang
titik at ang katumbas na sagot nito.
1. Karugtong ng Noli Me Tangere na sinulat ni Dr. Jose P. Rizal.
a. Ibong Adarna b. Florante at Laura c. El Filibusterismo d. Huling Paalam
2. Teoryang nagsasaad ng pagmamahal ni Simoun sa kanyang bayan at kay Maria Clara.
a. Klasismo b. Sosyolohikal c. Realismo d. Romantisismo
3. Unang guro ng ating dakilang bayani.
a. Ama b. kuya c. ate d. ina
4. Sinisimbolo niya ang mga Pilipinong maghihiganti.
a. Isagani b. Basilio c. Simuon d.Kabesang Tales
5. Sinisimbolo niya ang kahinaan ng mga babae sa lipunan.
a. Maria Clara b. Juli c. Juliet d. ate

VII. SANGGUNIAN:
https://www.buhayofw.com
https://brainly.ph
https://en.mwikipedia.org

You might also like