You are on page 1of 3

PAARALAN Agoncillo College Inc.

BAITANG 7
DAILY LESSON GURO Rhoda S. Punzalan ASSIGNATURA Filipino 7
PLAN ARAW NG PAGTUTURO Dalawang Araw KWARTER Unang kwarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang
pangnilalaman Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag – unawa sa mga akdang pampanatikan sa panahon ng mga katutubo, Espanyol, at
Hapones
B. Pamantayan sa
Nakububuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo
pagganap

C. Most Essential Learning  Nakakasulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan na angkop sa kasulukuyang kalagayan (F8PS-
Competencies la-c-20)
 Nahuhulaan ang mahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang napakinggan (F8PNla-c-20)
 Nakikilala ang bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan na ginamit sa napanood na pelikula o programang
pantelibisyon (F8PD-la-c-19)
 Mga Layunin:
 Naiisa – isa ang katangian ng alinman sa bugtong, salawikain, o sawikain;
 Nakakasulat ng sariling bugtong at salawikain;
 Naiuugnay ang kasalukuyang kalagayan sa ginawang sariling bugtong at salawikain.

II. NILALAMAN
A. PAKSA ARALIN 2: Bugtong, Salawikain, Sawikain, at Kasabihan
REX EDUCATION
B. SANGGUNIAN Filipino 8 kuwater 1 Modyul 1
Pahina: 11 - 21
C. KAGAMITAN Modyul, Panulat, at Laptop
III. PAMAMARAAN

Panimulang Pagsusulit:
INTRODUKSIYON
Bilang simulant ang pagbasa sa nilalaman ng modyul, subukin mo muna ang iyong nauunawaan tungkol sa paksa.
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang letra ng tamang sagot. (10 bilang)

Pagbabalik Aral
Naalala mo pa baa ng mga bugtong na natalakay sa inyong klase sa mga nakalipas na taon? Magtala ng lima at ibigay rin ang
sagot.

Pagtuklas
Ngayon naman, sikapin mong sagutin ang sumusunod na bugtong.
Basahin mo nang may pang – unawa ang teksto.
PAGPAPALALAGO O
PAGTATALAKAY
Ang Bugtong Bilang Isang Uri ng Libangan

Natukoy mo ba ang sagot sa mga ibinigay na bugtong? Paano mo ito nasagot? Gusto mo bang magsulat ng iyong sariling
bugtong at salawikain? Basahin at unawain ang teksto sapagkat makatutulong ito sa iyo sa pagbuo ng sarling bugtong at
salawikain
Ayon kina Angeles at Matienzo (1971), kabilang sa mga unang tula ang bugtong sa ating kapuluan. May apat itong katangian –
tugma, sukat, kagandahan, at diwa.

Pagtitiyak sa Naunawaan
1. Paano nabuo ang mga bugtong?
2. Ano-ano ang katangian ng bugtong?
3. Ano ang layunin sa paglalaro ng bugtong?

Mahalagang Kaalaman
Ang bugtong ay kalinangang pamana mula sa ating mga ninuno. Ito ay nagtataglay ng sukat, tugma, at talinghaga.
PAGLILINANG Naaalala mo pa ba ang mga katangian ng bugtong at salawikain? Handa ka na bang magsulat ng iyonh sariling bugtong at
salawikain? Ngayon naman ay dumako ka sa mahahalagang gawain. Maari kang humingi ng gabay mula sa iyong mga magulang o
nakakatandang kasama sa bahay para magabayan ka sa mga ginabayang gawain. Sa mga malayang gawain naman ay sikapin
mong magawa ang mga ito nang mag – isa.

Ginabayang Gawain:
Sumulat ng sariling bugtong at isang sawikain. Sundin ang sumusunod na gabay sa pagsulat: (tatlong gabay)
PAGLALAPAT Pumili ng isang programang pantelebisyon o pelikula. Pagkatapos, itala ang mga bugtong, salawikain, o sawikain na ginamit
dito. Isulat ang iyong sagot sa talahanayan.
Natapos mo ba ang lahat ng Gawain? Magaling kung matagumpay mo itong naisagawa. Ngayon naman ay lagumin mo ang
IV. PAGTATAYA iyong mga natamong kaalaman. Ilista sa dayagram na nasa kasunod na pahina ang mga natatandaan mo tungkol sa karunungang
– bayan, talinhaga, at katangian ng bugtong at salawikain.

Inihanda ni:
Gng. Rhoda S. Punzalan
Guro sa Filipino

Pinagtibay ni:
G,Christopher C. De Leon
Punongguro

You might also like