You are on page 1of 4

AGONCILLO

COLLEGE INC.
Pagsulat sa Filipino sa Piling
Poblacion, Agoncillo, Batangas
Larangan (Akademik)
Tel: (043) 2102228 / (043) 2102905
email: agoncillocollege_inc.@yahoo.com

L M PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko

ABM
E O PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa
pananaliksik

A D
HUMSS MELCS:
R U 

Nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin

N L
GAS LAYUNIN

I E  Pagkatapos sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:

Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.

N S PANIMULA:
Kumusta ka na? Handa ka na ba sa bagong aralin?

STEM Madali lamang ang modyul na ito, kailangan lamang na mag-ukol

G kang muli ng oras upang matagumpay na maisakatuparan ang mga gawaing


kaugnay ng aralin. Tunghayan mo sa ibaba ang bago mong matututuhan.

for

Grade 12 SANGGUNIAN:
Unang Markahan Paglalagon (Sinponis)
Modyul 1 Piling Larangan by Corazon B. Santiago
Week 4 - 6 Pages 28 - 47
INIHANDA NI:
RHODA S. PUNZALAN

RONALD M. CABRERA
GURO SA FILIPINO SA PANGALAN: __________________________________________________________
PILING LARANGAN
PINAGTIBAY NI: ANTAS AT SEKSYON: _________________________________________________
CHRISTOPHER C. DE LEON
PUNONGGURO
Aralin 1 Paglalagom (Sinopsis)
Ang maayos na pagsulat ng lagom ay isang kasanayang dapat mong matutuhan. Ang paglalagom ay ang pinasimple at
pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Bukod sa kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang
teksto, marami pang kasanayan ang mahuhubog sa isang mag-aaral habang naglalagom. Tutulungan ka ng modyul na
ito na makasulat ng maayos na paglalagom (sinopsis). Simulan mo sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kaalaman
tungkol dito.

Ang Paglalagom na Sinopsis

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad
ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula, video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay
maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang ng
buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman
ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling
pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunin din
nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang
pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di-tuwirang nakalahad kaya
mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy
ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito,
magiging madali ang pagsulat ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung
anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat at pinanggalingan ng akda .

Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi galing sa
iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag
tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito .

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod


1. Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito.

2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot ,dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.

3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga
suliranin kanilang kinakaharap.

4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay ( gayunpaman,kung gayon, samakatuwid,gayundin, sa kabilang


daku ,bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis ay
ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.

5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat.

6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis


1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng
diwa nito.

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.

5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng
pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit nito.Tiyakin ang pananaw
o punto de vista kung sino ang nagkukwento.

6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong
magiging mabisa ang isinusulat na buod.

Narito ang halimbawa ng sinopsis o lagom

Ang Alamat ng Ko So Thah


ni : Joaquin Sy

May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan sa paanan niyon si HAI SENG at
kanyang asawa at kapatid. Bagamat mahirap,may paggalang at pagmamahal sila sa isa’t isa kung kaya’t kuntento at
masaya silang namumuhay.Ngunit heto’t dumating ang matinding tagtuyot hindi lamang sa bukirin kundi pati sa
karagatan. “Wari’y bigla ring naglaho ang isda sa dagat!” Dahil sa pag-aalala sa kanilang kahihinatnan, matatag ang
pagpapasya ni Hai Seng na humanap ng ikabubuhay sa ibayong dagat. Sumakay siya bangkang may layag.Humayo siya
habang hinahatid ng tanaw ang maghipag. Narating niya ang isang napakalayong pulo ngunit tila mailap ang kapalaran.
Ilang taon na siyang namalagi roon kahit nangungulila sa asawa at kapatid.

Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal ng panahong hindi bumalik si Hai Seng. Umakyat sila sa tuktok ng
bundok para maghintay . Araw-araw nila itong gagawin.Sa bawat akyat nila, may dala silang mga batong isinasalansan
nila pataas para lalo nilang matanaw ang kalawakan ng karagatan pero wala pa rin ang hinihintay. ,kayat sumulat ng
liham ang asawa sa pamamagitan ng dugong dumaloy sa kinagat na daliri. Ikinabit ang liham sa isang ginawang
saranggola at ipinailanlang ito sa kalawakan upang tangayin ng hangin.

Sa ibayong dagat, nakita ng Hai Seng ang saranggola habang nangungulila itong nakatanaw sa dalampasigan.
Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may layag na gawa ng mga kasamahan sa pulo.Laking tuwa niya nang
matanaw ang tuktok ng bundok at makita ang asawa at hipag. Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking alon
ang kanyang sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita ito ng maghipag. Agad silang bumaba ng bundok at tinangka
siyang sagipin ngunit pati sila’y nilamon ng mabagsik na karagatan.Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito , nagtayo sila
ng pagoda sa salansan ng mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng Maghipag o Ko So Thah.

Gawain 1.

Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Tukuyin at sagutin ang mga katanungan .

1.Ano-ano ang layunin ng pagbubuod / synopsis:


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

2.Bakit kailangang banggitin ang pamagat at pinanggalingan ng akda sa iyong pagbubuod?


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

3. Batay sa paksa ,masasabi mo bang kapaki-pakinabang ang pagsunod sa mga pamamaran sa paggawa ng Sinopsis / ?
Bakit?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

4. Isulat ang paraan o hakbang na ginagamit sa ikalawang pangungusap ng sinopsis ng Ang Alamat ng Ko So Thah “May
isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan sa paanan niyon si HAI SENG at kanyang asawa
at kapatid.” _______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

5. Bakit kailangang basahin o panoorin ang buong seleksyon ,akda o pelikula bago ka sumulat ng buod ?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

6..Kunin ang mga panghalip na panao na nasa ikatlong panauhan na maaaring( isahan at maramihan) mula sa
halimbawang sinopsis. “Ang Alamat ng Ko So Thah” hal. sila
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

7. Kunin din ang lahat ng pandiwang(verb) nasa pangkasalukuyang aspekto sa “Ang Alamat ng Ko So Tah” hal.
naninirahan - __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
8. Ganoon din ang lahat ng pang-ugnay sa “Ang Alamat ng Ko So Thah”. hal.bagamat
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Gawain 2.

Panuto:

PAGBUBUOD SA PARABULA: Basahin ang parabula at gumawa ng sinopsis o buod sa tulong ng pagsunod NG mga
hakbang sa pagsulat nito . Isulat ito sa bondpaper.

Ang Alibughang Anak

Lukas 15:11-32

Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi sa kanya ng bunso, “Ama, ibigay na
po ninyo sa akin ang mamanahin ko.” At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw,
ipinagbili[a] ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat
niyang kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang
maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang
gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga
bungangkahoy na pinapakain sa mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili,
‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking
ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging
anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”’ 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.

“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap,
at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging
anak ninyo.’ 22 Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan
ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at
magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’
At sila nga'y nagdiwang. 25 “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, narinig
niya ang tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?’ 27
‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong
kapatid ay nakabalik nang buháy at walang sakit.’ 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay.
Pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming
taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing
para magkasayahan kami ng aking mga kaibigan. 30 Subalit nang dumating ng anak ninyong ito, na lumustay ng inyong
kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!’ 31 Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi
kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat
namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’

Gawain 3.

Panuto: PAGSULAT NG KWENTO SA BUHAY: Ang isa sa


katangian ang tekstong naratibo ay ang pagkakaroon ng
maayos na banghay na magpapakita sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari. Gamitin ang bondpaper at
sundin ang proseso ng mga pangyayaring bubuo sa
banghay ng akdang “KWENTO AKING BUHAY. Isulat ang
pamagat at may-akda nito.

You might also like