You are on page 1of 17

SHS

Filipino
Piling Larang –Akademik
Modyul 1:
Tara, Sulat Tayo!
Filipino – SHS Baitang 11/12
Piling Larang: Akademik – Modyul 1: Tara, Sulat Tayo!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad Kawaksing


Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Rosemarie M. Nocedo


Editor: Leopoldo C. Brizuela Jr.
Tagasuri: Nora J. Laguda

Tagaguhit: Jotham D. Balonzo


Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul na


ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most
Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng
edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at
kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at
labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng kasanayan
at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki- pakinabang ang modyul na ito,
tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro
ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatidna kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat mag-aaral para sa
paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang
sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa lo
Ingatan mo ang modyul na ito.Huwag mong susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.Gumamit ka ng sag

ii
Tara, Sulat Tayo!
Panimula:

Magandang araw!
Kumusta ka ngayon? Ok ka lang ba?

Natutuwa ako na nasa maayos kang kalagayan! Mahilig ka bang magsulat?


Anuman ang sagot mo tiyak na magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang araling pag-uusapan
natin ngayon. Siguradong ‘di ka lang matututo mag-i-enjoy ka pa!
Halika! Umpisahan na natin.
Sa modyul na ito ay makikilala mo ang akademikong pagsulat bilang isa sa mga
uri ng pagsulat batay sa kahulugan at at mga katangian nito.
O, ano handa ka na ba?

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang nakapagbibigay-kahulugan sa akademikong pagsulat.

1
Ooops!
Bago ka magsimula, may mga bagong salita na dapat
mong kilalanin para sa araling ito. Magagamit mo ang
mga ito para ganap na maunawaan ang mga susunod
na talakay tungkol sa ating paksa.

Simulan mo na!
Talasalitaan

Basahin natin.
pagsulat -
artikulasyon ng mga ideya, konsepto,paniniwala

at na
nararamdaman ipinahahayag
sa paraang
pasulta, limbag at elektroniko.

akademya –
lipunan o kilalang
institusyon
siyentista
ng mga
iskolar,artist, o
na naglalayong
palaganapin at panatilihin ang pamantayan sa isang tiyak na larangan.

iskolar –
mag-aaral sa kolehiyo o unibersidad/ propesyonalna
nagpapakadalubhasa sa isang larangan, may mataas na antas ng karunungan.

sulating akademik –
pormal na sulating isinasagawa sa isang akademikong institusyo
partikular na larangang
intelektuwal – akademiko.
kasanayan sa paggamit ng mataas na antas ng pag-iisip.

2
Anobaangalammonasaating aralin?
Panimulang Gawain

Panuto: Basahin at suriin ang bawat talata na sinipi mula sa mga piling sulatin at
pagkatapos ay tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa mga ito. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang
kuwaderno

PAGLALAHAD C. PAGLALARAWAN
PAGSASALAYSAY D. PANGANGATWIRAN

1. Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na Italyano na


nakasapit sa ating bansa noong 1696, ang mga unang Tagalog na
naninirahan sa baybayin ng dagat at mga ilog ay sumasamba sa mga puno
ng Balite. Siya ay naglibot sa mga paligid sa Lawa ng Bai na ngayon ay
tinatawag na Lawa ng Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga
naninirahan dito.
- Halaw sa “Ang Alamat ng Bayan,”
Angono Rizal: Art Capital ng Pilipinas

2. Masyadong maikli ang panahon para sa preparasyon ng mga guro.


Kaya ba ng limang araw na pagsasanay na ibigay ang karampatang
kaalaman sa pagtuturo sa mga klaseng remedial para sa buong taunang na
karanasan ang mga gurong magtuturo ng tatlong nabanggit na asignatura,
iba pa rin ang katangian at oryentasyon ng klaseng remedial. Ang mga
estudyanteng nakapaloob dito ay malamang na mabagal umintindi kaya
kailangang maging mapanlikha sa paraan ng pagtuturo at makgaroon ng
maraming gawain. Hindi kasya ang limang araw para makapagtakda ng
pamantayan sa pagtuturo ng tatlong asignatura.
- Halaw mula sa “High School Readiness Test:
Dagdag pasanin ng mga Estudyante, Guro at
Magulang.“Konteksto ni Danila Arana Araw.

3
3. “Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang
siya pa ang dapat tuhugin ng kawayan at ihawin sa nagbabagang uling.Bilog na bilog ang kanyang k

4. Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng


dinurog.Timplahan ng asin, budburan ng kaunting paminta at ihalo ang harina.Gumawa ng katamtam

- Mula sa Masarap na Luto Natin nina Maria Salud Paz at Martha E. Jacobo

5. Ngunit ang kanilang marangyang pamumuhay ay hindi po


nagtagal. Labing-isang taong gulang si Rizal nang dakpin ang kanyang ina, palakarin ng limampung k

- Mula sa “Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal” Binigkas sa pagdiriwang na Ika – 150 A

4
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 19 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka kaya nabibilang?

5 tamang sagot– NAPAKAHUSAY 3-4 tamang Sagot – MAGALING


1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA 0 tamang sagot– KAYA MO YAN

Wow!!! Ang galing!!!

O, diba kayang-kaya mong sagutin ang gawain.

Sakaling nahirapan ka sa pagsagot sa ibinigay na paunang pagtataya, huwag kang mag-aalala. Ang b

Handa ka na ba?

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.

Pagsulat sa Mataas na Antas


Ni: Rosemarie M. Nocedo

Isa sa pinakamahirap hasaing kasanayan sa komunikasyon ang pagsulat. Totoong


ang pagsulat ay isang komplikadong proseso na nangangailangan ng sapat
na panahon upang maging mahusay rito. Hindi ito dapat katakutan dahil ang
pagsasanay sa pagsulat ay nagdudulot ng higit na pagkatuto at pag-unlad sa ating
pagkatao. Ang isang taong nagnanais na maging dalubhasa sa larangang ito ay
nangangailangan magkaroon ng malawak na kaalaman lalo na sa mga uri ng pagsulat na
ginagawa sa iba’t ibang larangan.

5
Karaniwang ang mga uri ng pagsulat ay nagkakaiba-iba sa paksa, anyo o estruktura,
layunin at maging sa antas ng kaalamang nais ipabatid sa target na mambabasa. Natatangi sa
mga ito ang akademikong pagsulat.

Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay isang uri ng
pagsulat na ginagawa ng mga iskolar para sa mga iskolar. Madalas na ito ay
nakalaan sa mga paksa at tanong na pinag-uusapan at intertesante sa akademikong
komunidad at naglalahad ng mga importanteng argumento. Ito ay isang masinop na at
sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng
marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

Ano ang akademikong pagsulat?

Tama! Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagawa ng mga


iskolar para sa mga iskolar. Tandaan na nakalaan ito sa mga paksang interesante
sa akademikong komunidad at naglalahad ng importanteng argument.

Maituturing na natatangi akademikong pagsulat pagkat ito ay intelektuwal na pagsulat


na naglalayong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mambabasa. Ilan sa mga
katangian taglay nito ang pormal at piling-piling paggamit ng pananalita, pagiging
obhetibo, may paninidigan, may pananagutan, at may kalinawan.

?
Ano-ano ang mga katangian ng akademikong pagsulat?

Tama! Ang akademikong pagsulat ay pormal, obhetibo, may paninidigan,


may pananagutan, at may kalinawan.

6
Ano ang layunin ng akademikong pagsulat?

Tumpak! Layunin ng akademikong pagsulat ang pataasin ang antas ng kaalaman


ng mga target na mambabasa.

Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng


isang indibidwal. Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may
kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag- organisa, ng mga ideya, lohikal
mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad, at may inobasyon at
kakayahang gumawa ng sintesis.( Arrogante et .al 2004)

Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at


isinasalang-alang ang mga mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng wastong bantas at
baybay ng mga salita dahil nakatuon ito sa pagbibigay ng kaalaman.

Kung nais mong maging mahusay na manunulat sa larangang akademik

Ang galing! Taglay mo dapat ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat,


kakayahan sa pangangalap ng datos, pag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip,
mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad, at may inobasyon at
kakayahang gumawa ng sintesis.

7
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat (gaya ng maikling kuwento, tula, dula
at nobela) ang akademikong pagsulat ay nangangailanagn ng mas mahigpit na na
tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Layunin nitong magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang.

Layunin din nitong:

- manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan at


ebidensiyang maaari mong paniwalaan;
- mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon gayundin ng mga
baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli;
- magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at
pagpapalalim sa kaalaman ng mambabasa.
-
Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na
inihahanay ang mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga
ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng nito ay may simula kung saan
nakalahad ang introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman
ng resolusyon, kongklusyon , at rekomendasyon.

Saang aspekto nagkakaiba ang akademikong pagsulat at malikhaing pagsulat?

Magaling! Maliban sa paksa at estrtruktuira, nagkakaiba rin ang akademikong


pagsulat at malikhaing pagsulat sa layunin.

Oh, nasusundan mo ba ang ating


pagtalakay? Mabuti kung gano’n. Ngayon,
paano ba “iniuulat o sinasabi” ng manunulat
ang mga impormasyong nais niyang ipabatid
sa mga target na mambabasa?

Para malaman mo ang sagot, ipagpatuloy mo


ang pagbasa.

8
Narito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ang mga ideya sa akademikong
pagsulat:

1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o


nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o
anumang paksa na nararapat na alisan ng pag-
aalinlangan.

2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa


pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito.

3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga


magkakaugnay na pangyayari.

4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning


manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga rason at ebidensya.

Paano naiiba ang paraan ng pagpapahayag sa akademikong pagsulat sa iba pang uri n

Tumpak! May malaki ngang pagkakaiba.

Bagaman may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa akademikong


pagsulat gaya ng sa iba pang uri ng pagsulat, karaniwan ang layunin nito ay
manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan at
ebidensiyang maaari mong paniwalaan, mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag
at ebalwasyon gayundin ng mga baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli ang
magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalalim sa
kaalaman ng mambabasa.

9
Posible bang magkaroon ng kombinasyon sa mga uri o paraan ng pagpapahayag sa iisang

Tama ka! Posible nga. Balikan mo ang tekstong sinuri at tukuyin ang mga bahaging
ginamitan ng paglalahad, paglalarawan, pangnagtwiran at pagsasalaysay.

Yehey!!! Aprub ba sa’yo ang ating talakay?

Mabuti kung ganoon. Natutuwa akong unti-unting nagiging malinaw sa iyo


kung ano ang akademikong pagsulat

Ngunit gusto kong malaman mo na nakatuon lang tayo ngayon sa kahulugan


at mga katangian ng akademikong pagsulat.

Ipagpatuloy mo pa.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman? Makatutulong kaya ang mga ito sa iy
Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan Naunawaan Naguluhan

Ngayon, alam kong handa ka na para sa mga inihandang pagsasanay para sa’yo. Game ka
na ba?

10
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

ISULAT MO!
Panuto: Isulat sa kwaderno ang salita o Pagsasanay 1
konseptong katumbas ng katangiang taglay nito
batay sa araling tinalakay.

Paglalarawan

Pagsasalaysay

Pangangatwiran Paglalahad

Akademikong Pagsulat

1. Ito ay nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at


bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.

2. Ito ay nakapokus na pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga


pangyayaring aktwal na naganap.

11
3. Nagsasaad ito ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, at
damdamin ng manunulat hinggil sa isang bagay, tao lugar, o
pangyayari.

4. Ito ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinag-


uusapan ng o interesante sa akademikong komunidad.

5. Ito ay nagpapahayag ng katwiran o argumentong


pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa
manunulat.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 19.

Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1? Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy n

12
B. Panuto Sagutin ang tanong nang hindi bababa sa limang pangungusap.

1. Ano ang akademikong pagsulat? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng
pagsulat? (5 puntos)
2.Ano sa tingin mo ang naidudulot ng pagbasa at pagsulat ng mga sulating
akademik sa tulad mong mag-aaral? (5 puntos)

Sanggunian

 Rodriguez, Rommel.“Ika-80 Kaarawan ni Dr. Bienvenido Lumbera, Guro at Artista


Ng Bayan, Ipagdiriwang.” Pinoy Weekly. 13 Abril 2012.Web.Inakses noong 5
Pebrero 2016.http://pinoyweekly.org/new/2012/04/ika-80-kaarawan- ni-dr-
bienvenido-lumbera-guro-at-artista-ng-bayan-ipagdiriwang/

 Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Senior High School Applied Subject-


Filipino sa Piling Larang -Akademik (Curriculum Guide). Disyembre 2013.

 Santos, Corazon L. at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling Larang-


Akademik (Kagamitan ng Mag-aaral). Kagawaran ng Edukasyon, Unang
Limbag 2016.

 Santos, Corazon L at Concepcion, Gerald P. Filipino sa Piling Lang-


Akademik
(Patnubay ng Guro). Kagawaran Ng Edukasyon. Unang Limbag 2016.

 https://www.tagaloglang.com.

 https://www.academia.edu/5641061/PAGSULAT.

 https://elcomblus.com

 https://www.coursehero.com

13
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288
Email Address:

You might also like