You are on page 1of 22

Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikalawang Markahan - Modyul 9:
Pagsulat ng Liham at Resumé

AIRs - LM
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Baitang 12 – Unang Semestre
Ikalawang Markahan
Modyul 9: Pagsulat ng Liham at Resumé
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Mga Manunulat: Catherine A. Miranda at Mary-nor A. Concubierta


Mga Tagasuri: Moises M. Lopez III at Kimberly S. Estoque
Editor: Moises M. Lopez III
SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Jubert L. Padilla

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 ii
Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikalawang Markahan - Modyul 9:
Pagsulat ng Liham at Resumé

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 iii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 iv
Sapulin

Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Kumusta ka na? Nakahanda


ka na bang matuto? Halika na’t tuklasin ang mga bagong aral at kaalaman sa mga
susunod na araling ating pag-aaralan.

Ang learning Material na ito ay tungkol sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin


Tungo sa Kahandaang Pantrabaho. Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat
na kung saan ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na ginagamit upang
maibahagi ng manunulat ang kaniyang nalalaman sa ibang tao. Makatutulong ang
mga akademikong sulatin na ito sa iyo tungo sa kahandaang pantrabaho. Ang
pagsulat tungo sa kahandaang pantrabaho ay isang uri ng propesyonal o pormal na
komunikasyon kung saan ikaw na manunulat ay nagpapahayag ng iyong mensahe
para sa mga tao at sa mga namamahala sa loob ng organisasyon na gusto mong
pasukan.

Mapag-aaralan at matututuhan mo sa learning material na ito ang iba’t ibang


uri ng sulatin, paano gumawa ng liham at resume na iyong magagamit sa
paghahanap ng trabaho. Matututo ka ring gumawa ng agenda at katitikan ng pulong
gayundin ang pagsulat ng panukalang proyekto.

Sa pag-aaral ng learning material na ito, matatamo mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)


1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko;
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin (CS_FA11/12PT-0m-o-90); at
3. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
(CS_FA12PU-0p-r-94).
Mga Tiyak na Layunin:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga katangian ng mga uri ng liham at resumẽ;
2. Natutukoy ang katangian ng pagsulat ng liham at resumẽ;
3. Naihahambing ang liham sa resumệ; at
4. Nakasusulat ng isang liham at resumẽ na magagamit sa aplikasyon.

Batid kong ikaw ay nakahanda na, ngayon ay maaari ka nang magsimula sa


mga gawain at pag-aralan ang mga leksiyon para sa learning material na ito.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
Aralin
Iba’t Ibang Uri ng Liham
1 at Pagsulat ng Liham at Resumé

Simulan

Bago tayo magtungo sa ating talakayan, sagutin mo muna ang paunang pagtataya
upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman hinggil sa paksang tatalakayin.
Ihanda mo na ang iyong sarili at lahat ng iyong kakailanganin sa pag-aaral.

Paunang Pagtataya
Gawain A. Sa aking palagay
Panuto: Magtala ng mga salitang pang-akademiko gamit ang paghahabi. At bigyan
ng sariling pakahulugan nito .Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

SALITANG
PANG-
AKADEMIKO

Gawain B. Sulatan mo ako!


Panuto: Kumuha ng isang papel at sulatan mo ang kahit na sinong espesyal sa buhay
mo. Ilahad mong dahilan kung bakit siya naging espesyal sa iyo. Maaaring
may maliit o malaking bagay silang nagawa sa iyo na labis mong ikinasiya.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
Lakbayin

Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman tungkol sa aralin, ngayon


naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto
na inihanda upang maging batayan mo ng mga impormasyon. Ang pinakatiyak na
layunin ng bahaging ito ay matututuhan mo ang kahalagahan ng pag-aaral sa Filipino
sa Piling Larang Akademik sa piling sulatin.

Katangian ng Akademikong Pagsusulat

❖ Kompleks - Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa


leksikon at bokabularyo. Kompleksidad ng gramatika.
❖ Pormal - Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita.
❖ Tumpak - Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad
nang walang labis o kulang
❖ Obhetibo - Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong
nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo
o ang kanyang mambabasa.
❖ Eksplisit - Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa
kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa.
Gumagamit ng "signaling words."
❖ Wasto - Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang
manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas pagkamalian ng mga
karaniwang manunulat
❖ Responsible - Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo
na sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay, o anomang nagpapatibay sa
kanyang argumento. Responsable sa hanguan ng impormasyong kanyang
ginamit kung ayaw niyang marapatan na isang playgyarista.
❖ Malinaw na layunin - Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan
ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong na ito ang nagbibigay ng
layunin.
❖ Malinaw na pananaw - Akademikong pagsulat ay ‘di lamang listahan ng mga
katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources. Ang manunulat
ay naglalahad ng idea at saliksik ng iba, layunin ng kanyang papel na
maipakita ang kanyang sariling pag-iisip ‘’ Punto debista ‘’ ng manunulat.
❖ May Pokus - Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa
tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kailangan, hindi
nauugnay, hindi mahalaga, at taliwas na impormasyon.
❖ Lohikal na organisasyon - Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na
istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihang akademikong
papel ay may introduksyon, katawan, at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal
na nauugnay sa kasunod na talata.
❖ Matibay na suporta - Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at
kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.
Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa,
deskripsyon, karanasan, opinyon, ng mga eksperto, at siniping pahayag o
quotations.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
❖ Malinaw at kompletong eksplanasyon - Bilang manunulat, kailangang
matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel
at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kompleto ang
pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
❖ Epektibong pananaliksik - Kailangang gumamit ng napapanahon,
propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Napakahalaga
ng pananaliksik sa akademikong pagsulat. Mahalagang maipamalas ang
intelektwal na katapatan sa pamamagitqn ng dokumentasyon ng datos. Ang
dokumentasyon ay iminumungkahe gamit ang estilong APA.
❖ Iskolarling estilo sa pag sulat - Sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian.
Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya't
napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling,
pagbabantas, at bukabolaryo.

Pagsulat ng Liham

Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o


komunikasyon sa isang tiyak na pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang
nakalimbag o nakatitik. Ang isang liham ay katulad din ng personal na pakikipag-
usap na kababakasan ng tunay na personalidad ng taong sumusulat. Mababatid din
sa liham kung ang sumusulat ay matamang nag-isip at malinaw na
nakapagpapahayag ng kaniyang tunay na damdamin sa pamamagitan ng mga
mapitagan at magalang na pananalita.

Iba’t-ibang Uri ng Liham

1.Liham Pagbati (Congratulation Letter)


➢ Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinomang nagkamit ng tagumpay,
karangalan, o bagay na kasiya-siya. Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala
sa isang nakagawa ng anomang kapuri-puri o kahanga-hangang bagay sa
tanggapan.

2.Liham Paanyaya (Letter of Invitation)


➢ Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging
tagapanayam, o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na
okasyon.

3.Liham Tagubilin (Letter of Instruction)


➢ Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung
may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang
magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito.

4.Liham Pasasalamat (Letter of Thanks)


➢ Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang
paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, idea at
opinyon, at tinanggap na mga bagay.

5.Liham Kahilingan (Letter of Request)


➢ Liham na inihahanda kapag nangangailangan o humihiling ng isang bagay,
paglilingkod, pagpapatupad, at pagpapatibay ng anomang nilalaman ng
korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga,
transaksiyonal man o opisyal.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
6.Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation)
➢ Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na
makabubuti sa operasyon ng isang tanggapan. Maaaring samahan ng
kondisyon ang pagsang-ayon kung kinakailangan.

7.Liham Pagtanggi (Letter of Negation)


➢ Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di pagsang-ayon
sa paanyaya, kahilingan, panukala, at iba pa hinggil sa pangangailangang
opisyal at transaksiyonal.

8.Liham Pag-uulat (Report Letter)


➢ Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat
isakatuparan sa itinakdang panahon.

Tinatalakay dito ang:


a. Pamagat,
b. Layunin,
c. Kalikasan ng proyekto;
d. Bahagdan ng natamo batay sa layunin;
e. Kompletong deskripsiyon ng progreso ng kasalukuyang gawain, pati
na ang mga tauhan, pamamaraan, mga hadlang, at mga remedyo; at
mga gawaing kailangan pang isagawa upang matapos sa itinakdang
panahon ang proyekto.

9.Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter)


➢ Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na
naipadala na, subalit hindi nabibigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalaala
upang bigyang-aksiyon ang naunang liham. Ang uri ng liham na nararapat
subaybayan ay ang liham kahilingan, paanyaya; at maging ang pag-aaplay o
pamamasukan sa trabaho. Sa pagsulat, magalang na banggitin sa liham ang
petsa at layunin ng naunang komunikasyon.

10.Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation)


➢ Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o
umalis sa pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang
kadahilanan.

11.Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon (Letter of Application)


➢ Ang sinomang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay
kailangang magpadala o magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga idea at tuwirang pananalita na nakapaloob sa
nilalaman ng liham ay nakahihikayat ng magandang impresyon. Tukuyin ang
posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam anomang oras na
kinakailangan.

12. Liham Paghirang (Appointment Letter)


➢ Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng tungkulin,
pagbabago/paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang tanggapan, o
promosyon (promotion) para sa kabutihan ng paglilingkod sa tanggapan.
Isinasaad sa liham ang dahilan ng pagkahirang at ang pag-asang
magagampanan ang tungkuling inaatas sa kanya nang buong kahusayan.

13.Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction)

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
➢ Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa
isang tanggapan upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay
ng anomang transaksiyon.

14.Liham Pagkambas (Canvass Letter)


➢ Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod:
a. halaga ng bagay/aytem na nais bilhin;
b. serbisyo (janitorial services, security services, catering services,
venue/function halls at iba pa sa isang tanggapan.

15.Liham Pagtatanong (Letter of lnquiry)


➢ Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa
mga opisyal na impormasyon o paliwanag.

16.Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence)


➢ Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak
na naulila.Nagpapahayag ito ng pakikiisa sa damdamin subalit hindi dapat
palubhain ang kalungkutan ng mga naulila. Nararapat itong ipadala agad
matapos mabatid ang pagkamatay ng isang tao.

17.Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy)


➢ Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak
na nakaranas ng sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit,
bagyo, lindol, baha, sunog, aksidente o anopamang sakuna ngunit buhay pa.

18.Liham Panawagan (Letter of Appeal)


➢ Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa
pagpapatupad o implementasyon ng kautusan, kapasiyahan, at pagsusog/
amyenda ng patakaran.

19.Liham Pagpapatunay (Letter of Certification)


➢ Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa
tanggapan ay nagtungo at/o dumalo sa isang gawaing opisyal sa isang
partikular na lugar at petsa na kung kailan ito isinagawa. Nilalagdaan ito ng
puno ng tanggapan, tagamasid pampurok, puno ng rehiyon.

Katangian ng Liham

1. Malinaw (Clear)
➢ Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid
sa liham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideang ipapaloob.
Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang pagkakapahayag ng bawat idea

2. Wasto (Correct)
➢ Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng katugunan ay
dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat,
dapat alamin ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-
kanilang priyoridad.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
3. Buo (Complete)
➢ Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapagkat kapag
nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng sumulat, lalabas na kapos
o depektibo sa pangunahing sangkap ang liham. Upang maging kasiya-siya
ang tugon ng sinulatan, dapat na unang-unang nakasisiya o sapat ang
isinasaad sa liham ng sumulat.
4. Magalang (Courteous)
➢ Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Hindi dapat mabakas sa
sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal.
Nakatatawag-pansin ang pagkamagalang, kaya’t agad nakukuha ang tugon o
reaksiyon sa liham.

5. Maikli (Concise)
➢ Sikapin na ang bawat isusulat ay makatutulong sa pagpapabatid ng nais
sabihin sa nilalaman. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang
kabuluhan. Ito ay isa lamang pag-aaksaya ng panahon at nakapapawi ng
interes ng nilihaman.

6. Kumbersasyonal (Conversational)
➢ Masasabing mahusay ang pagkakapaghanda ng isang liham kapag ang
bumabasa nito ay parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural
na pamamaraan ang nais iparating nang sa gayon ay higit na maging epektibo
ang pagkakaunawaan

7. Mapagsaalang-alang (Considerate)
➢ Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat. Bigyan-diin ang
mensaheng nagbibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging
mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa gayon ay maipadama ang
pagtitiwala at kabutihang loob.

Mga Bahagi ng Liham

1.Pamuhatan (Heading)
➢ Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, adres, telepono, at numero
ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung mayroon).

May dalawang uri ng pamuhatan


a. Nilimbag na pamuhatan (Printed letterhead) Ang nakalimbag na
pamuhatan ay karaniwang nasa gitnang itaas o sa itaas ng papel. Ang
logo o sagisag ng tanggapan o kompanya ay karaniwang inilalagay sa
itaas o sa kaliwa ng pamuhatan.
b. Minakinilya (typeset) /Sulat-kamay na Pamuhatan Ito ay sinisimulan
mula sa isa’t kalahati (1 ½ ) hanggang dalawang (2) o maaaring pitong
(7) espasyo mula sa itaas ng papel

2. Petsa (Date)
➢ Ang Petsa ay bahagi ng pamuhatan.
➢ Maaari itong ilagay sa kaliwang bahagi para sa anyong full-block at kanan o
gitnang bahagi para sa anyong semi-block.

3. Patunguhan (Inside Address)


➢ Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong ng liham.
Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong sinusulatan,

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
ang kaniyang katungkulan (kung mayroon), tanggapang pinaglilingkuran at
direksiyon. Iwasan ang pagdaglat sa pagsulat ng adres o direksiyon, hal. ave.,
st..

Halimbawa: Kagalang-galang na Alkalde Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong


Lungsod Mandaluyong, Metro Manila

4. Bating Pambungad (Salutation)


➢ Ito ay pagbati sa sinusulatan. Sa bating pambungad, ang bantas na marapat
gamitin ay tutuldok o colon ( : ). Ang karaniwang ginagamit ay ang
sumusunod: Mahal na Ginoo: Mahal na Tagapangulong Libatique: Ginoo:
Mahal na Punong Mahistrado Sereno: Mahal na Ginang: at iba pa.

5. Katawan ng Liham (body of the letter)


➢ Ito ang tampok na bahagi ng liham na nagsasaad ng paksa/mensahe sa
sinusulatan.

Katangian ng Maayos na Mensahe


a. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi dapat
lumikha ng anomang alinlangan sa pinadadalhan o babasa nito.
b. Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita,
pangungusap, talata, at mga bahagi ng liham.
c. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga
salita, banghay, at bantas.

Bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham


a. Panimula – Naglalaman ito ng maikling pahayag sa layon o pakay ng
liham.
b. Katawan – Naglalaman ito ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa pakay
ng liham.
c. Huling talata – Nagsasaad ito kung ano ang inaasahang aksiyon sa
ipinadalang liham.

6.Pamitagang Pangwakas (Complimentary Close).


➢ Nagsasaad ito ng pamamaalam sa nililihaman.

Mga Dapat Tandaan sa Pamitagang Pangwakas


a) Ang bating pambungad at ang pamitagang wakas ay iniaangkop sa
katungkulan o kalagayang panlipunan ng taong sinusulatan.
b) Kung ano ang antas ng pamimitagang ipinahihiwatig sa bating pambungad
ay siya ring isinasaad sa pamitagang pangwakas.
c) Ang pamitagang pangwakas ay may dalawang espasyo mula sa huling
salita ng katawan ng liham. Isulat buhat sa kalagitnaan pakanan, na ang
dulo ay hindi lalampas sa palugit at lagyan ng kuwit at isulat sa malaking
titik ang unang letra ng salita. Ginoo: Kagalang-galang Mahal na Bb.
Santos at iba pa.

7. Lagda (Signature)
➢ Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham. Ito ay nagpapakilala
ng kapangyarihan at pananagutan sa nilalaman ng liham. Ang mga babae,
kung nais nila, ay maaaring gumamit ng Bb., Gng. Ms. sa unahan ng kanilang
pangalan. Hindi gumagamit ng G. (Mr.) ang kalalakihan sa unahan ng kanilang
pangalan.
➢ Halimbawa: Matapat na sumasainyo, (Lgd.) CARMELITA C. ABDURAHMAN
Komisyoner Programa at Proyekto

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
Anyo ng Liham
1. Ganap na Blak (Full Block Style) - Mapapansin na mas madaling tandaan ang
Ganap na Blak na anyo ng liham. Lahat ay magsisimula sa pinaka-kaliwang bahagi
ng liham

2. Modifay Blak (Modified Block Style) - Ang Modifay Blak ay halos katulad ng Ganap
na Blak, ang kaibahan lamang ay ang pamuhatan at ang bating pangwakas at lagda
ay nasa bandang kanan ng liham

3. Semi-Blak (Semi-block Style) - Dito ang pamuhatan lamang ang nasa kanan. Ang
unang mga salita sa kanan ay naka-indent of nakaurong ng konti sa kanan.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
Pagsulat ng Resumé
Ang isang resume ay isa sa mga requirements na hinahanap ng mga
employers sa mga nagnanais magtrabaho para sa kanila o sa kanilang kumpanya.
Nilalaman nito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa aplikante na may
kinalaman sa gusto niyang pasuking trabaho.

Mga impormasyon na dapat ilagay sa Resume

1. Pangalan- Totoo at buong pangalan.


2. Contact number- Mahalaga sa employer na alam nila kung paano ka nila
makokontak lalo na kapag natanggap.
3. E-mail address- May mga employer na sa e-mail nagpapadala ng update
tungkol sa aplikasyon.
4. Home address- Kailangang malaman ng employer kung hindi masyadong
malayo sa trabaho.
5. Objective- Ano ang layunin para sa trabahong gustong pasukan.
6. Work Experience- Kailangang ilagay at malaman kung ano ang ginagawa sa
mga nakaraang trabaho.
7. Educational Attainment- Ilagay ang kursong natapos at school kung saan
nagtapos.
8. Skills- Mga kakayahan na alam mo, angat ka sa iba, makakatulong sa trabaho
na idagdag sa resume.
9. Mga dinaluhang seminar at Workshop
10. Sanggunian

Tips sa Pagggawa ng Resume

1. Maglagay ng maayos na litrato


2. Ang resume ay ipi-print sa isang bond paper.
3. Pumili ng maayos at malinis tingnan na Font halimbawa Arial, Calibri, Times
New Roman o Georgia.
4. Siguraduhin na ang font size ay hindi gaanong malaki at maliit.
5. Siguraduhin na ang layout ng iyong resume ay malinis at maayos.
6. Puting bondpaper ang gamitin.
7. Ang resume ay hindi nobela

10

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
Halimbawa ng Resume

JUAN DUTERTE DELA CRUZ


# 30 Urayong, Caba,
La Union 2502 Philippines
Mobile Phone No.: +63902-021-3627
Email Address: juandelacruz@gmail.com
2x2 picture

LAYUNIN:

Umaasang mabigyan ng pagkakataong maibahagi ang kahusayan at kadalubhasaan sa trabaho ng isang


guro, upang matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad sa abot ng makakayang paraan.

PERSONAL NA MGA DATOS


Petsa ng Kapanganakan : Setyembre 19, 1990
Gulang : 30 Taong Gulang
Taas : 5’1”
Timbag : 60 kg.
Lugar ng Kapanganakan : Caba, La Union
Tirahan : # 30 Urayong, Caba, La Union
Kasarian : Lalaki
Pagkamamamayan : Filipino
Relihiyon : Iglesia Ni Cristo
Pangalan ng mga Magulang : Juana D. Dela Cruz
Juancho E. Dela Cruz

MGA KASANAYAN / INTERES


❖ Computer Literate
o MS Office Applications
o Multimedia Applications
o Computer Programmingand Webpage Designing Basics
❖ Marunong makipagkomunika
❖ Malikhaing Pagsulat
❖ Pagluluto, Pagsayaw, Pag-awit

EDUKASYON
Humanities and Social Sciences (HUMSS) 2018 – 2020
Don Eulogio de Guzman Memorial National High School - Senior High School
Calumbaya, Bauang, La Union

Karangalan:
❖ With Highest Honors
❖ Student Leader of the Year
❖ Journalist of the Year

Basic Education Curriculum 2014 – 2018


Don Eulogio de Guzman Memorial National High School - Junior High School
Calumbaya, Bauang, La Union

Karangalan:
❖ With High Honors
❖ Student Leader of the Year
❖ Journalist of the Year

Calumbaya Elementary School 2008 –2013


Calumbaya, Bauang, La Union

Achievements:
❖ With Honor

SEMINAR/WORKSHOP NA DINALUHAN
2013 Regional Schools Press Conference
Urdaneta I Central School, Urdaneta City, Pangasinan on February 13 – 15, 2013

2012 Division Schools Press Conference


Aringay Central Elementary School (West Compound), Aringay, La Union on December 10-12, 2006

11

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
Galugarin

Gawain C: Sagutin mo!


PANUTO: Upang higit na mapalawak ang iyong kaalaman hinggil sa larangang ito,
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

1.Batay sa iyong binasang katuturan ng pagsulat ng Liham at Resume. Alin para sa


iyo ang pinakamabisang kahulugan ng pagsusulat? Ipaliwanag ito sa sariling
pananalita.

2. Sa iyong palagay, anong pakinabang ang naidudulot ng pagsusulat sa tao?


Magbigay ng tatlo.

3. Bakit sinasabing magkakambal ang utak at ang pagsulat?

Gawain D. i-Venn mo na ‘yan!


PANUTO: Gumawa ng Venn Diagram sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat
sa sagutang papel.

Liham Resumé
Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad ➢

➢ ➢

➢ ➢

➢ ➢

12

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
Gawain E. Repleksyon
PANUTO: Sundan ng angkop na mga salita ang pahayag sa ibaba.

Ang pagsusulat pala ay________________________________________________________


sapagkat______________________________________________________________________.
Natutuhan kong_______________________________________________________________
Kung kaya’t___________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

Palalimin

Gawain F: Aplay na!


Panuto: Sumulat ng isang Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon (Letter of
Application) sa anomang organisasyon, business firm, o eskuwelahang gusto
mong pasukan. Isulat o i-print nang malinis sa isang maikling bond paper
ang iyong liham gamit ang mga alituntuning napag-aralan.

PAMANTAYAN Puntos
May maayos ng nilalaman 15
Kompleto ang mga bahagi at tamang pormat 10
Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pananalita 10
Malinis at presentable ang papel 5
Kabuoan 40

Gawain G: Aplay na!


Panuto: Gumawa ng isang Resume at ilapat ito sa Liham Aplikasyon na iyong ginawa
sa Gawain F. Siguraduhing pareho ang mga elementong nakapaloloob dito.
I-print nang malinis sa isang maikling bond paper.

PAMANTAYAN Puntos
May maayos na nilalaman /impormasyon 15
Kompleto ang mga bahagi at tamang pormat 15
Malinis at presentable ang papel 5
Kabuoan 35

13

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
Sukatin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na aytem. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

______1. Ginagamit ang liham na ito sa pagpapahayag ng paghalal o pagpapaupo sa


posisyon ng isang tao
A. Liham Pagpapatunay
B. Liham Paghirang
C. Liham Pagpapakilala
D. Liham Pakikiramay

_______2. Sa bahaging ito ng liham makikita ang pinagmulan o adres ng sumulat.


A. Katawan ng Liham
B. Bating Panimula
C. Pamuhatan
D. Patutunguhan

_______3. Ano ang totoo tungkol sa Liham na Pormal?


A. Ang Liham na Pormal ay may patutunguhan samantalang ang Di-
pormal naman ay wala.
B. Ang Liham na Pormal ay walang patutunguhan samantalang ang Di-
pormal naman ay mayroon.
C. Hindi na kinakailangan pa ang paglalagay ng pamuhatan sa
parehong uri ng liham.
D. Parehong walang patutunguhan ang Liham na Pormal at Di-pormal.

_______4. Alin sa sumusunod ang anyo ng liham na Ganap na Blak (Full Block Style)?
A. B. C. D.
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________

_________________________________ ______________
________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
_________________________________ ___________________________________
________________________________ _____________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ _________________________________
_________________________________ __________________________________
__________________________________ _____________________________________
______________
______________ ________________________________
______________ ______________
______________ ______________
______________ ______________
______________
______________
______________ ______________

_______5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa sistemang block?


A. Ganap na Blak
B. Modifayd Blak
C. Semi-blak
D. Kumbensyunal

14

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
________6. Sumulat si Jay sa isang kompanya upang mapagbigyan ang hinihinging
pabor. Anong uri ng liham ang ipinapahayag ng sitwasyong ito?
A. Pag-apply
B. Pagkambas
C. Pagtatanong
D. Pangkahilingan

________7. Sumulat si Roy sa isang kompanya para alamin ang presyo ng mga
produktong kakailanganin niya sa kanyang negosyo. Anong uri liham
ang ipinapahayag ng sitwasyong ito?
A. Paghingi ng pabor
B. Pagkambas
C. Pagtatanong
D. Pagsosyo

________8. “Magandang Araw!”. Anong bahagi ng liham ang pahayag na ito?


A. Bating panimula
B. Pambungad
C. Pamuhatan
D. Patutunguhan

________9. “Business Loan Officer.” Ang mga salitang ito ay nabibilang sa


anong bahagi ng liham pangnegosyo?
A. Bating Pangwakas
B. Lagda
C. Patutunguhan
D. Ulong sulat

________10. Sa huliang bahagi ng liham, pagkatapos isulat ang buong pangalan ng


sumulat, ano ang kaniyang ilalagay sa taas ng pangalan nito?
A. Panggitang Pangalan
B. Lagda
C. Uulitin ang buong pangalan
D. Titulo

________11. Ano ang tawag sa katangiang akademikong pagsusulat na mayaman sa


leksikon at bokabularyo, at kompleksidad ng gramatika?
A. Eksplicit
B. Kompleks
C. Malinaw na Layunin
D. Malinaw na pananaw

________12. Alin ang hindi kasama sa katangiang akademikong pagsusulat?


A. Lohikal nap ag-aayos’
B. Malinaw na Layunin
C. Malinaw na Pananaw
D. Matibay na Suporta

15

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
________13. Ito ay nagpapahayag ng pasasalamat sa naihandog na tulong, kasiya-
siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon,
opinyon at tinatanggap na mga bagay. Anong uri ng Liham ang tinutukoy
sa pahayag?

A. Liham kahilingan
B. Liham Pasasalamat
C. Liham Pagsang-ayon
D. Liham Pagtanggi

________14. Ang sinomang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay


kailangang magpadala o maghanap ng liham. Anong uri ng Liham ang
tinutukoy sa pahayag?
A. Liham Pagsubaybay
B. LihamPagbibitiw
C. Liham Pag-uulat
D. Liham kahiligan ng Mapapasukan

________15. Alin sa pahayag ang hindi kasali sa Tips ng paggawa ng Resumẽ?


A. Ang resumệ ay nobela
B. Maglagay ng maayos na litrato
C. Puting bondpaper ang gagamitin
D. Siguraduhin na nag layout ng iyong resumẽ ay malinis at maayos

Lubos na Mahusay! Binabati kita sa


matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa
mga aralin at pagsagawa ng mga gawain
upang matamo mo ang mga nailistang
kasanyan. Alam kong naitatak na sa isipan
mo ang Pagsulat ng Liham at Resumé at
kayang-kaya mo ng gumawa ng mga awtput
na io. Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod
na modyul – Modyul 10: Pagsulat ng Agenda.

16

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9
17
Aralin 1. Pagsulat ng Liham at Resumẽ
Simulan:
Gawain A.
1.kompleks
2.Pormal 7.Malinaw na layunin
3.Obhektibo 8.Malinaw na Pananaw
4.Ekplesit 10.May Pokus
5.Wasto 11.Lohikal na organisasyon
6.Responsible
Gawain B. Iba-iba ang sagot
Galugarin:
Gawain C. Iba-iba ang sagot
Gawain D. Iba-iba ang sagot
Palalimin:
Gawain E. Iba-iba ang sagot
Gawain F. Iba-iba ang sagot
Sukatin: Panghuling Pagtataya
1.D 6. B 11. B
2.B 7.C 12. A
3.A 8.A 13. B
4C 9.C 14. D
5B 10.D 15.A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Aklat
Florante Garcia, Pintig Senior High School Filipino sa Piling Larang (Akademik),
(Quezon City: SIBS Publishing House, Inc., 2017),71-74, 79-80

B. Elektroniko
Elcomblus Contributor, Pagbasa sa Filipino sa Piling Laramg: Akademik
“Pagsulat ng Iba’t ibang Liham , February 22, 2020,
https://elcomblus.com/ibat-ibang-uri-ng-liham/

Marijoy Bautista, Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang, October


19,2018, https://www.slideshare.net/StemGeneroso/akademikong-sulatin-sa-
filipino-sa-piling-larang

Fiilipino Ppt (Liham Report) https://www.slideshare.net/beyoumerch/filipino-


ppt-liham-report

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriclum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

18

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9

You might also like