You are on page 1of 15

Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikalawang Markahan - Modyul 10:
Pagsulat ng Agenda

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI PINAGBIBIL

AIRs - LM
LU_FilipinoSaPilingLarang(A
kademik)_Modyul10
FILIPINO SA PILING LARANG – AKADEMIK
Senior High School
Baitang 12 – Unang Semestre
Ikalawang Markahan - Modyul 10: Pagsulat ng Agenda
Ikalawang Edisyon, 2021 ii

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I
 
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng
bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
 

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Mga Manunulat: Catherine A. Miranda at Mary-nor A. Concubierta


Mga Tagasuri: Moises M. Lopez III at Kimberly S. Estoque
Editor: Moises M. Lopez III
SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Jubert L. Padilla

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_FilipinoSaPilingLarang(A
kademik)_Modyul10
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Ikalawang Markahan - Modyul 10:
Pagsulat ng Agenda

iii

LU_FilipinoSaPilingLarang(A
kademik)_Modyul10
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_FilipinoSaPilingLarang(A iv
kademik)_Modyul10
Sapulin

Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Kumusta ka na? Nakahanda


ka na bang matuto? Halika na’t tuklasin ang mga bagong aral at kaalaman sa mga
susunod na araling ating pag-aaralan.
Ang Learning Material na ito ay tungkol sa Pagsulat ng Agenda. Ang
akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng
mahahalagang impormasyon na ginagamit upang maibahagi ng manunulat ang
kaniyang nalalaman sa ibang tao. Makatutulong ang mga akademikong sulatin na
ito sa iyo tungo sa kahandaang pantrabaho.
Mapag-aaralan at matututuhan mo sa learning material na ito ang
katuturan, hakbang, at mga dapat tandaan sa pagsulat ng Agenda.
Sa pag-aaral ng learning material na ito, matatamo mo ang sumusunod:
Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):
1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang
makabuo ng sintesis sa napag-usapan (CS_FA11/12PN-0j-l-92);
2. Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa piniling sulatin (CS_FA11/12PT-0m-o-90); at
3. Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit
ng wika (CS_FA11/12WG-0p-r-93).

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nabibigyang katuturan ang agenda;
2. Natutukoy ang kahalagahan at mga dapat tandaan sa pagsulat ng
agenda;
3. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng agenda; at
4. Nakasusulat nang maayos na halimbawa ng agenda.

Batid kong ikaw ay nakahanda na, ngayon ay maaari ka nang magsimula sa


mga gawain at pag-aralan ang mga leksiyon sa learning material na ito.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
Aralin Katuturan, Hakbang, at mga Dapat
Tandaan sa Pagsulat ng Agenda
2 (Talaan ng Pag-uusapan)
Naranasan mo na bang makatanggap ng imbitasyon para sa isang
pagpupulong? Ano kaya sa tingin mo ang magiging daloy ng usapan ng mga
pagpupulong kung walang agenda o talaan ng pag-uusapan na sinusundan?
Halika na’t pag-aralan ang pagsulat ng agenda o talaan ng pag-uusapan
nang malaman mo ang mahahalagang impormasyon ukol dito upang maisagawa ito
nang maayos kapag ikaw ay nasa sitwasyon na ng aplikasyon ng nasabing
akademikong sulatin.

Simulan

Bago tayo magtungo sa ating talakayan, sagutin mo muna ang paunang


pagtaya upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman hinggil sa paksang
tatalakayin. Ihanda mo na ang iyong sarili para sa panibagong hamon na naman ng
pagkatuto.

PAUNANG PAGTAYA
Gawain A: Tama o Mali
Panuto: Isulat sa ang TAMA kung ang nakasaad sa sumusunod na pahayag ay
wasto, MALI naman kung ito ay hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ang agenda ay talaan ng mga paksang pag-uusapan sa isang pulong.


2. Kinakailangang maibigay ang agenda sa mga taong kasangkot sa pulong bago
pa man dumating ang takdang araw ng pagpupulong.
3. Hindi na kailangang ilagay sa agenda ang pangalan ng mga dadalo sa isang
pagpupulong.
4. Nagtataglay ang agenda ng mga paksang tatalakayin sa pulong, mga taong
tatalakay o magpapaliwanag sa paksa at oras na itinakda para sa paksa.
5. Tatalakayin sa huliang bahagi ng pulong ang mga mahahalagang paksa na
kailangang pag-usapan.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
Gawain B: Mapapasulat Ka!
Panuto: Magbigay ng limang dahilan kung bakit maihahalintulad sa isang MAPA
ang talaan ng pag-uusapan kapag nagkakaroon ng pagpupulong.

Lakbayin

Ang Agenda ay nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa isang pulong. Ito ay


talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong (Baiza-Jullian at Lontoc
2017, 43). Ang agenda ay ginagawa upang bigyan ng impormasyon o kaalaman ang
mga taong dadalo sa pulong tungkol sa kung ano ang mga paksang pag-uusapan
sa nasabing pulong. Ito ay parang mapa. Nagsisilbi itong gabay na nagbibigay ng
malinaw na direksiyon kung paano mararating nang mabilis ang patutunguhan ng
isang pulong.

Karaniwan na ang nagpapatawag ng pulong ang responsable sa pagsulat ng


agenda. Madalas silang nakikipagtulungan sa kanilang mga kalihim sa
paghahanda nito dahil ang mga kalihim din ang siyang responsable sa
pamamahagi nito sa lahat ng mga kalahok.

Kinakailangang maibigay ang agenda sa mga taong kasangkot bago pa


dumating ang araw mismo ng pulong dahil pag-aaralan muna nila ang mga
nakatalang agenda upang magkaroon sila ng panahong siyasatin ang laman nito at
makapagbigay ng mga karagdagang mungkahi o idea patungkol dito.

Dahil madalang na lamang ang face to face dahil sa kasalukuyang sitwasyon


na dulot na rin ng pandemya, maaari rin itong isagawa sa pamamagitan ng virtual
gamit ang Google Meet, Zoom o kahit na anong aplikasyon sa internet.

Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng pagkakaroon ng Agenda ng pulong,


mga hakbang sa pagsulat ng agenda at mga dapat tandaan sa pagsulat ng Agenda,
ayon kina Baiza-Jullian at Lontoc 2017 (43-46).

Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Agenda ng Pulong:

1. Ito ay nagsasaad ng sumusunod na impormasayon:


a. Mga paksang tatalakayin
b. Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng paksa
c. Oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-
sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang
mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na
ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging
handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga
paksang tatalakayin sa pulong.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Agenda

Tulad ng paggawa ng iba pang uri ng sulatin, mayroon ding sinusundang


hakbang ang paggawa ng agenda. Ayon kina Baisa-Julian at Lontoc (2017), ang
sumusunod ay ang mga hakbang na dapat sundan sa pagsulat ng agenda:

1. Magpadala ng memo na maaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang


e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na
paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.

2. Ilahad sa sulat na kailangan nila itong lagdaan bilang katibayan ng kanilang


pagdalo o kung e-mail naman, kinakailangang magpadala sila ng kanilang
tugon. Ipaliwanag din sa sulat na sa mga dadalo, mangyaring ipadala o
ibigay sa gagawa ng agenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at
maging ang bilang ng minutong kanilang kailangan upang pag-usapan ito.

3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga


agenda o paksa ay nalikom na. Higit na magiging sistematiko kung ang
talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka table format kung
saan makikita ang agenda o paksa, taong magpapaliwanag at oras kung
gaano ito katagal pag-usapan.

4. Ipadala ang sipi ng agenda sa mga taong dadalo, mga isa o dalawang araw
bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong
at kung kailan at saan ito gaganapin.

5. Sundin ang nasabing agenda sa pagsasagawa ng pulong.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Agenda

Ayon naman kay Garcia (2017), ang sumusunod ay ang mga dapat tandaan sa
pagsulat ng agenda.

1. Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng agenda. Gawin ito sa


araw mismo ng pagkakaroon ng desisyon sa petsa at tema upang
matiyak na maisasagawa nang maayos ang susunod na pagpupulong, at
masiguradong mayroong kaisahang patutunguhan ang mga pag-
uusapan sa pulong.
2. Bigyang halaga ang lugar na pagdadarausan ng pulong at ang oras kung
kailan ito magsisimula at matatapos. Dapat tiyakin ng tagapagpadaloy
ng pulong na nakapokus lamang sa agenda ang pag-uusapan upang
masunod ang itinakdang oras at hindi abutin nang matagal na nagiging
sanhi ng walang kabuluhang pagpupulong.

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
 Dahil nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, maaari itong isagawa ng
virtual gamit ang Google Meet, Zoom o kahit na anong aplikasyon sa
internet. Ilagay lamang sa gagawing agenda ang link o aplikasyon na
gagamitin nila para makadalo dito.

3. Bigyang halaga ang layuning inaasahang makamit sa araw ng


pagpupulong. Tiyaking malinaw ang layunin upang mapaghandaan ng
mga kasapi ang mangyayari sa pulong.

4. Bigyang pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin ng pulong. Dapat na


maikli lamang ang bahaging ito. Siguraduhing lahat ng pag-uusapan ay
mailalagay sa agenda.

5. Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat
dumalo sa pulong.

Narito ang halimbawang balangkas ng karaniwang agenda:

Petsa: Oras:
Lugar na pagdarausan ng pulong:
(Link kung ito ay virtual)

Paksa/Layunin:

Mga Dadalo:
1.
2.
3.
Mga Agenda Taong Tatalakay Oras ng Pagtalakay

Tagapagdaloy:

Narito naman ang isang halimbawa ng agenda:

Petsa: Nobyembre 13, 2021 Oras:2:00-


3:30n.h.
Lugar na pagdarausan ng pulong: Rosario Integrated School SHS - Silid aralan ni

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
Gng. Valdez

Paksa/Layunin: Eleksiyon para sa HPTA officers, at HPTA project na magagamit


ng mga mag-aaral kung sakaling mayroong face to face.

Mga Dadalo: (Isulat lahat sa bahaging ito ang lahat ng dumalo.)


1. Gng. Jill Valdez (Adviser)

Mga Magulang
2. Vilma Reyes
3. Neo Somera
4. Wally Sotto
5. Chantal Abalos
6. Gerlie Marata
7. Joel Cenizal
8. Ara Castro
9. Judy Lontoc
10. Tres Gonzales
11. Ailene Samoy
12. Cathleen Santos
13. Ronnie Estacio
14. Richie Ramos
15. Kikay Ramirez

Mga Agenda Taong Tatalakay Oras ng


Pagtalakay
Pambungad na pananalita Gng. Valdez 15 minuto
Mga anunsiyo

Eleksiyon para sa HPTA officers Mga magulang 30 minuto


Pagpaplano para sa HPTA project Mga magulang 15 minuto
kung mayroon ng face to face

Tagapagdaloy: Gng. Valdez

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
Galugarin

Narito ang isang aktibidad para sa iyo, sa bahaging ito iyong sasagutin ang mga
katanungan tungkol sa pagsulat ng agenda na iyong napag-aralan. Malaya ka sa
pagbibigay ng iyong opinyon para masagutan ito nang maayos. Galingan mo!

Gawain A: Tanong ko, Sagutin mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong, gumamit ng ibang papel para
ilagay ang iyong mga sagot. Kopyahin mo muna ang mga tanong bago
mo ito sagutin.

1. Ano ang agenda? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng sulating iyo nang
napag-aralan?

2. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang mapag-aralan at matutuhan mo


ang pagsulat ng agenda?

3. Bakit mahalagang buoin ang agenda bago pa ang pagpupulong? Ipaliwanag.

4. Batay sa iyong sariling pag-unawa, ano-ano ang mga dapat tandaan sa


pagsulat ng agenda?

5. Ano-ano naman ang mga hakbang sa pagsulat ng agenda?

Gawain B: Sa Pula, Sa Puti

Panuto: Magsaliksik sa internet ng iba pang halimbawa ng agenda. Suriin ito


at gumawa ka ng pagkukompara sa iyong napag-aralan at nasaliksik.
May pagkakapareho at pagkakaiba ba ang mga ito? Isulat sa loob ng
kahon ang iyong nasaliksik at napag-aralan. Isulat naman sa ibaba ng
kahon ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ito. Gawin ito sa
ibang papel.

Nasaliksik na agenda Napag-aralang agenda

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
1. Pagkakapareho:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Pagkakaiba:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Palalimin

Sa bahaging ito ay masusukat naman ang iyong husay sa paggawa ng


agenda ng pulong. Gagawa ka ngayon ng sarili mong agenda ng pulong bilang
pagpapalalim ng iyong kaalaman sa aralin at sa pagsulat.

Gawain A: Ikaw ang in-charge!


Panuto: Mag-isip at gumawa /sumulat ng iyong sariling halimbawa ng agenda
para sa isang pulong na gaganapin sa inyong Barangay. Ipagpalagay
natin na ikaw ang SK chairman ng inyong lugar. Gamitin ang balangkas at
mga dapat tandaan sa pagsulat ng agenda na ating napag-aralan.
Gumamit ng ibang papel sa pagsulat.
Narito ang pamantayan para sa pagtataya ng iyong gagawing agenda.
PAMANTAYAN PUNTOS
Nagamit nang maayos ang balangkas sa paggawa ng agenda 5
Kompleto ang mga detalye at mga bahagi ng agenda. 5
Naisagawa/Nasundan nang maayos ang mga dapat tandaan sa 5
paggawa ng agenda ng pulong.
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa ginawang agenda ng 5
pulong.
Kabuoang puntos 20

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
Sukatin

Binabati kita sapagkat narito ka na sa Pagwakas na Pagtataya.


Siguraduhing basahin mo muna ang mga tanong o pahayag bago ito sagutin.
Gamitin ang iyong sagutang papel para sa iyong awtput.

Gawain A: Agenda, gaano ka nga ba kahalaga?


Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng agenda sa isang pulong. Kopyahin ang pormat
na nasa ibaba at gawin ito sa iyong sagutang papel.

A
G
E
N
D
A

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
Gawain B: Tama o Mali
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang nakasaad sa sumusunod na pahayag ay
wasto, MALI naman kung ito ay hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.

________1. Ang pagsulat ng agenda ay ginagawa sa araw mismo ng


pagkakaroon ng desisyon sa petsa at tema upang matiyak na
maisasagawa nang maayos ang susunod na pagpupulong.

________2. Dapat mahaba ang bahagi ng pagtatalakay sa mga isyung pag-


uusapan sa pulong.

________3. Hindi na kailangang gumawa ng balangkas para sa mga


tatalakayin sa pulong dahil kayang kaya na ito ng tagapagdaloy
kahit wala siyang tinitignan na bakangkas.

________4. Kinakailangang maibigay ang agenda sa mga taong kasangkot


bago pa dumating ang araw mismo ng pulong.

________5. Mahalagang bahagi ng isang pulong ang mga layunin at mga


paksang pag-uusapan dito.

________6. Ang agenda ay talaan ng mga paksang pag-uusapan sa isang


pulong.

________7. Hindi na kailangang ilagay sa agenda ang pangalan ng mga


dadalo sa isang pagpupulong.

_________8. Nagtataglay ang agenda ng mga paksang tatalakayin sa pulong,


mga taong tatalakay o magpapaliwanag sa paksa at oras na
itinakda para sa paksa.

________9. Napakahalagang maisagawa ang agenda nang maayos at


maipabatid ito sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

________10. Tatalakayin sa huliang bahagi ng pulong ang mga


mahahalagang paksa na kailangang pag-usapan.

Kumusta ang iyong module journey, mahal kong mag-aaral?


Naniniwala akong anomang oras ay handang-handa kang
magsulat ng isang agenda ng pagpupulong dahil sa iyong
bagong kakayahang natuklasan. Ihanda mo muli ang iyong
sarili sa kasunod na modyul – ang Modyul 11: Pagsulat ng
Katitikan ng Pulong.

Susi sa Pagwawasto
10

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10
Sanggunian
A. Aklat

Ailene Baisa-Julian at Nestor Lontoc, Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang


(Akademik), (Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017), 43-46.

Florante Garcia, Pintig Senior High School Filipino sa Piling Larang (Akademik),
(Quezon City: SIBS Publishing House, Inc., 2017), 96

B. Elektroniko

Elcomblus Contributor, “Pagsulat ng Agenda (Talaan ng Pag-uusapan)” August 20,


2020
https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-agenda-talaan-ng-pag-uusapan/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriclum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

11

LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul10

You might also like