Professional Documents
Culture Documents
AIRs - LM
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul 4
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Modyul 4: Pagsulat ng Buod at Sintesis
Ikalawang Edisyon, 2021
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi
nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Senior High School
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Sapulin
1
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Simulan
Paunang Pagtataya
Gawain 1: Paghambingin Mo!
Panuto: Basahin mo ang dalawang dokumentaryo ni Kara David na naging palasak
sa palabas na I-Witness ng GMA 7. Gumawa ng Venn Diagram sa iyong
sagutang papel. Gamit ang mga salitang nasa hugis ulap, ihanay ito sa
hinihingi ng dayagram.
TUYOM
Pumapalaot para sumisid at pagkatapos nama'y aakyat sa matarik na bundok
para mangahoy. Ganito ang takbo ng pamumuhay ng trese anyos na si Carlo
kasama ang iba pang mga kabataan ng Brgy. Basdio, Guindulman sa probinsya
ng Bohol. Dala ng kahirapan, maaga silang namulat sa pagbabanat ng buto.
Pagputok ng araw, pumapalaot na si Carlo kasama ang kanyang mga kaibigan
para sumisid sa dagat at manguha ng sea urchin o kung tawagin sa kanila,
“tuyom.” Hindi alintana ng mga bata ang matinding sikat ng araw, ang malalim
na tubig pati na ang matutulis na tinik ng tuyom – makarami lang sila ng kuha.
Pagkaahon, babalatan nila ang mga ito, isasalin sa bote saka ilalako. Kung
minsan, sa kalahating araw na pagpapalaot – sisenta Pesos lang ang kinikita ng
mga bata, na kailangan pa nilang paghatian. Kaya imbis na maglaro at maglibang
gaya ng karaniwang mga bata, sa hapon aakyat naman sila sa matarik na bundok
para mangahoy.
2
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Dahil walang kuryente sa kanilang lugar, naibebenta nila ang mga ito bilang
panggatong. Puputul-putulin nila ang mga kahoy saka papasanin pababa ng
bundok. Pero kung minsan, tila hindi nakiki-ayon ang panahon at inaabutan pa
ng ulan ang mga bata.
Ang lubos na kahanga-hanga kay Carlo, na bagama't maagang namulat sa
pagtatrabaho, hindi niya itinigil ang pag-aaral at kasalukuya'y nasa ika-anim na
baytang na. Ang perang kinikita ay kanyang ipinambabaon para hindi na humingi
sa kanyang mga magulang.
Lamang-dagat
Abaca
Kahirapan Pagkain
Kamote
Malnutrisyon
Bangka Kabataan Bundok Kita
Pag-aaral
Gutom Panggatong
Timbangan
Dagat Pamilya
3
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Gawain 2: Buoin Mo Ako!
Panuto: Bumuo ka sa iyong sagutang papel ng isang makabuluhang talata hinggil
sa pangunahing idea ng ‘Minsan sa Isang Taon’ at ‘Tuyom’ ni Kara David
gamit ang mga salitang inilista sa kahon.
Kahirapan
Kita
Kabataan
Pamilya
Gutom
Pagkain
Edukasyon
Kinabukasn
Lakbayin
Buod
Siksik at pinaikling bersyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaring nakasulat,
pinanood, o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at
sumusuportang ideya o datos. Mahalaga kung gayon, ang pagtutok sa lohikal at
kronolohikal na daloy ng mga idea ng binuod na teksto. Kadalasan, nakatutulong
ang pagbubuod sa paglilinaw sa lohikal at kronolihiya ng mga idea lalo na sa mga
hindi organisado o komplikadong paraan ng pagsulat sa teksto.
Katangian ng Pagbubuod
4
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
3. Mga ⅓ ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.
Sintesis
Sa larangan ng pagsulat, ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga
impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring idea o datos mula sa
iba’t ibang pinanggalingan (tao, libro, pananaliksik, at iba pa) ay mapagsama-sama
at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuoan o identidad. Mula sa prosesong
ito, kung saan tumutungo sa sentralisasyon ng mga ideya, makabubuo ng bagong
ideya.
5
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Datos Datos
Idea
Analisis Sintesis
Galugarin
Tata Selo
ni Rogelio R. Sikat
6
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong
magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
“Hindi mo na sana tinaga ang kabesa,” anang binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-
bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas
ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po
ako pupunta kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo
ang kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin,
mapaaalis ka niya ano mang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi niyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting
wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos.
“Alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang
magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko
pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po ako hindi nagbibigay ng kahit isang
pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masaka ko man
lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina. ‘Kung maaari lang po sana,
‘Besa,’ wika ko po, ‘kung maaari po sana, huwag naman ninyo akong paalisin.
Kaya ko pong magsaka, ‘Besa, Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po
nama’y malakas pa.’ Ngunit…Ay! Tinungkod po niya ako nang tinungkod.
Tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata
Selo at lumapit sa isang pulis.
“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang
batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang
isang magbubukid, o anak ng magbubukid na maniniwala sa kanya. Nakataas
ang malapad na sumbrerong buli ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at
binti ay may halas.* May sukbit itong lilik.
“Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag si Tata Selo. “Doon
ba sa may sangka.** Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika’y iba na raw ang
magsasaka. Nang makiusap ako’y tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, amang.
Nakikiusap ako, pagkat kung mawawalan ako ng saka, saan pa ako pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa
kanya ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo
siya sa balikat.
“Pa’no po niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang
maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina
Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna
sa fiesta ng mga magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang
pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
7
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas onse na nang dumating
ito, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abot-abot
ang busina ng jeep na sinasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y
di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang jeep sa di kalayuan sa istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang pinagpapawisang tao. Itinaas ng may
katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay.
Nanulak ang malaking lalaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang hintuturo sa sulok ng bibig,
hinugot iyon at mariing inihagod hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang
ngipin.”
Nagkagulo ang tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan.
Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng
istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang
kumuha kay Tata Selo sa istaked.
“Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa
silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay niya nang ipatong niya iyon
sa salamin ng mesa.
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Binabawi po niya ang aking saka, President,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko
pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang
po at naembargo—“
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nabubugnot na
alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa alkalde, may
nakasungaw na luha sa kanyang malabo at tila lagi nang may inaaninaw na
mata.
“Ako po naman ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong
magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako,
President, malakas pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng
butas sa pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kaya po naman
pinagbubuti ko ang paggawa, para makita niyang ako po’y talagang malakas pa,
na kaya ko pa pong magsaka. Wala ano-ano po, tinawag niya ako at nang ako
po’y lumapit, sinabi niya, makaaalis na ako sa aking saka pagkat iba na ang
magsasaka.
“Bakit po naman,’Besa?’ tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po
ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.”
Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po’y…..Ay!
tinungkod po niya ako nang tinungkod.”
8
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
“Tinaga mo na no’n,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin—may mga empleyadong
nakapasok—ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw
ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa
makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang maputik, maalikabok at
luyang paa.*
“Ang anak mo, na kina Kabesa raw?” usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
“Umuwi po si Saling, President.”
“Kailan?”“Kamakalawa po ng umaga.”
“Di ba’t kinakatulong siya ro’n?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang maputing ulo ni Tata Selo. Naiiyak na
napayuko siya.
“May sakit po siya.”
Nang sumapit ang alas-dose-inihudyat iyon ng sunod-sunod na tugtog ng
kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo—ay umalis ang alkalde
upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo. Kasama ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay mo pala ang Kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Tumayo ito
sa harap ni Tata Selo na nakayuko at di tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako ng tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig
ang labing katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa
sahig, napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa unipormeng khaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod…Ay! Tinungkod po niya ako nang
tinungkod.”
Sa may pinto ng tanggapan, nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si
Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan
ng hepe.
Mapula ang araw na sumikat kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo,
naiwan ang kalat nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok,
gayong sa pagdating ng buwang iyo’y dapat nang umuulan. Kung may umiihip
na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng maliliit na papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabisera, Selo,” anang bagong paligo at bagong bihis
na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruming sementadong lapag
nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na
tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang
kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa
kanyang tila walang butong mga kamay.
9
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dinding ng
istaked. Malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maitim na
kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ang alkalde. Nagsindi
ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayin na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig si Tata
Selo. “Napatay ko po ang kabesa. Patayin na rin ninyo ako.”
Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang
rehas ngunit pinagkiskis niya ang mga palad saka tiningnan kung may alikabok
iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti sila kaysa
kahapon. Nakapasok sila sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na
pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay
Tata Selo. Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y
nagtataka, hindi makapaniwala. Nagtataka at hindi makapaniwalang
nakatingin sila kay Tata selo, na tila isang di pangkaraniwang hayop na
itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas
dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit
itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang
tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis
ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Halos
bitbitin siya ng pulis.
Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakas si
Tata Selo. Nakita niya ang babaeng nakaupo sa harap ng mesa ng president.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling.” Wika ni Tata Selo na napaluhod. “May
sakit ka, Saling, may sakit ka!”
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang
gusot niyang buhok, ang damit na suot ay tila iyong suot pa nang nagdaang
dalawang araw. Matigas ang kanyang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin
sa nakaupong alkalde at sa mga pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na…bayaan mo na.
Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi.”
Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa
istaked. Pagkabalik sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.
“Kinabog* kagabi,” wika ng isang nagbubukid. “Binalutan ng basang sako
sa tiyan, hindi nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo.
Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang
muling ipinapakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang
niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandal
ring iyo’y tila huhutukin.
10
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis.
Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa
sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila
gumigising sa kanya.
“Tata Selo. Tata Selo.”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang
tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
“Nando’n amang, si Saling sa Presidente. Wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang
umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling
bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nagbantulot,
pagkaraa’y takot na sumunod.
Mag-aalas kuwatro na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit
mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dinding na steel
matting ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa
harap ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang
may inaaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng
istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kanina. Sinasabi ng bata
na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya
pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay
kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuha na sa kanila.
11
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Gawain 4: Halika. Usap Tayo!
Panuto: Maghanda ka ng isang buong papel at humanda sa isang panayam.
Maghanap ng isang babae, lalaki, asawang babae at isang lalaki na naging
ama na ngayon. Gayahin ang pormat at ilista ang iyong paglalarawan sa
iyong sagutang papel.
Nangangailangan ng
Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad
Krayterya Gabay
(10 puntos) (8 puntos) (6 puntos) (4 puntos)
(2 puntos)
Naipahayag nang Naipahayag nang Katamtaman ang Papaunlad ang Hindi nagampanan
sobrang husay mahusay ang pagkasulat ng pagsulat ng ang layunin ng
ang sintesis sintesis sapagkat sintesis sapagkat sintesis sintesis sapagkat
Nilalaman sapagkat lantad lantad ang apat lantad ang sapagkat lantad gumamit lamang ng
ang limang batis na batis ng tatlong batis ng ang dalawang isang impormasyon.
ng impormasyo. impormasyo. impormasyon. batis ng
impormasyon.
Napakamasining Masining ang Katamtaman ang Papaunlad ang Hindi masining ang
Kasiningan ang pagkasulat ng pagkasulat ng pagkasulat ng pagkasulat ng pagkasulat ng
sintesis. sintesis. sintesis. sintesis. sintesis.
Mahusay na Nailapat ang Katamtamang Papaunlad ang Hindi nailapat ang
nailapat ang wastong nailapat ang pagkakalapat wastong gramatika
wastong gramatika sa wastong ng wastong sa sulating
Gramatika gramatika sa sulating gramatika sa gramatika sa akademiko
sulating akademiko nang sulating sulating
akademiko may kakaunting akademiko akademiko
kamalian
12
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Palalimin
Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang
mga kaalamang natututuhan at natutuklasan tungkol sa wika. Sa tanong na
“ano nga ba ang wika?” napakaraming makukuhang sagot mula sa iba’t ibang
dalubhasa sa wika.
Pinakagamitin at popular ang kahulugan ng wika na ibinigay ng
lingguwistikang si Henry Gleason (mula sa Austero et al.1999). Ayon sa kaniya,
ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura. Sa aklat nina Bernales et al. (2002), mababasa ang kahulugan ng
wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan
ng simbolikong cues na maaring berbal o di-berbal. Samantala, sa aklat naman
nina Mangahis et al. (2005), binanggit na may mahalagang papel na
ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginamit sa
maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Marami pang Pilipinong dalubwika at manunulat ang nagbigay ng kanilang
pakahulugan sa wika. Ayon sa mga edukador na sina Pamela C. Constantino at
Galileo S. Zafra (2000), “ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang
pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-
usap ang isang grupo ng mga tao.”
Binaggit ng Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Bienvenido
Lumbera (2007) na parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang
kamtin ang bawat pangangailangan natin. Para naman sa lingguwistang si
Alfonso O. Santiago (2003), “wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati,
pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.”
Kung sasangguni naman sa mga diksiyonaryo tungkol sa kahulugan ng
wika, ang wika ay sistema ng komunikasyon ng mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat o pasalitang simbolo. Samantala, ayon sa UP Diksiyonaryong
Filipino (2001) ang wika ay “lawas ng mga salita at Sistema ng paggamit sa mga
ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at
pook na tinatahanan.”
Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan ng wika na tinatalakay sa itaas,
masasabi na ang wika ay kabuoan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na
binibigkas o sinasalita at mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao. Kasangkapan
13
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
ang wika upang maipahayag ng tao ang kaniyang naiisip, maibahagi ang
kaniyang mga karanasan, at maipadama ang kaniyang nararamdaman.
Gayundin, bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at
kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika nasasalamin ang kultura at
pinagdaanang kasaysayan ng isang bansa.
Analisis Sintesis
WIKA
WIKA
Nangangailangan
Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad
Krayterya ng Gabay
(10 puntos) (8 puntos) (6 puntos) (4 puntos)
(2 puntos)
Naipahayag Naipahayag Katamtaman Papaunlad Hindi
nang sobrang nang mahusay ang pagkasulat ang pagsulat nagampanan ang
husay ang ang sintesis ng sintesis ng sintesis layunin ng sintesis
sintesis sapagkat lantad sapagkat sapagkat sapagkat gumamit
Nilalaman
sapagkat lantad ang apat na lantad ang lantad ang lamang ng isang
ang limang batis batis ng tatlong batis ng dalawang impormasyon.
ng impormasyo. impormasyo. impormasyon. batis ng
impormasyon.
Napakamasining Masining ang Katamtaman Papaunlad Hindi masining
ang pagkasulat pagkasulat ng ang pagkasulat ang ang pagkasulat ng
Kasiningan
ng sintesis. sintesis. ng sintesis. pagkasulat ng sintesis.
sintesis.
Mahusay na Nailapat ang Katamtamang Papaunlad Hindi nailapat ang
nailapat ang wastong nailapat ang ang wastong
wastong gramatika sa wastong pagkakalapat gramatika sa
Gramatika gramatika sa sulating gramatika sa ng wastong sulating
sulating akademiko nang sulating gramatika sa akademiko
akademiko may kakaunting akademiko sulating
kamalian akademiko
14
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Sukatin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa
iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
15
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
_____ 4. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensya sa
pagbubuod.
_____ 5. Iwasan ang paggamit ng mga signal word o mga salitang nagbibigay-
transisyon ng ideya sa pagbubuod.
16
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
17
ARALIN 4 (Pagsulat ng Buod / Sintesis)
SIMULAN
Gawain 1: Paghambingin Mo! Iba-iba ang sagot.
Minsan sa Isang Taon Tuyom
Pagkakatulad
Pagkakaiba Pagkakaiba
➢ Abaca ➢ Kahirapan ➢ Dagat
➢ Kamote ➢ Bundok ➢ Pag-aaral
➢ Malnutrisyon ➢ Pamilya ➢ Lamang-dagat
➢ Timbangan ➢ Pagkain ➢ Panggatong
➢ Gutom ➢ Bangka
➢ Kita
➢ Kabataan
Gawain 2: Buoin Mo Ako! Iba-iba ang sagot.
GALUGARIN
Gawain 3: Siksik, Liglig! Iba-iba ang sagot.
Gawain 4: Halika. Usap Tayo! Iba-iba ang sagot.
Gawain 5: Ipamalas Mo Kaibigan! Iba-iba ang sagot.
PALALIMIN
Gawain 6: Antas Ko, Saliksikin Mo! Iba-iba ang sagot.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Pagpipilian B. Tama o Mali C. Pagkasusunod-sunod
1. A 1. Mali 2
2. D 2. Tama 4
3. B 3. Tama 3
4. A 4. Tama 1
5. B 5. Mali 5
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
“ASEAN 20th Century Literatures Selected Poems and Short Stories from the
Philippines,” Nahango noong Hunyo 24, 2020, https://pingpdf.com/queue/pdf-
asean-20th-century-literatures-selected-poems-and-.html
“GMA News Online: TUYOM Dokumentaryo ni Kara David.” Nahango noong Hunyo
25, 2020,
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/iwitness/683561/tuyom-
dokumentaryo-ni-kara-david-ngayong-sabado-sa-i-witness/story/
18
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
19
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul4