You are on page 1of 82

SHS

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Grade 12 Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagsulat ng Akademikong
Sulatin sa Pagpapahayag ng Opinyon o Saloobin
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Moises M. Lopez III at Pablo Delos Reyes


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II and Silver Estorco III

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II


Claire P. Toluyen, Librarian II
Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang
(Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Pagsulat ng Akademikong Sulatin
sa Pagpapahayag ng Opinyon o
Saloobin
Sapulin

Sa nakaraang learning material, nalaman mo ang iba’t ibang konsepto at


kasanayan sa pagsulat ng akademikong sulatin tungo sa kahandaang pantrabaho.
Ilan sa mga sulating ito ay ang liham, resume, agenda, katitikan ng pulong at
panukalang proyekto. Natukoy mo rin ang mga katangian ng isang sulatin maging
ang mga mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis
sa napag-usapan, at nakapagbigay ka ng kahulugan sa mga terminong akademiko
na may kaugnayan sa mga ispisipiko at piniling sulatin na nabanggit sa itaas.

Samantala, ang learning material na ito ay nakapokus naman sa pagsulat ng


akademikong sulatin sa pagpapahayag ng opinyon o saloobin. Malalaman mo ang
kritikal, analitikal, sistematiko at malikhaing pagdebelop ng isang sanaysay o
sulatin base sa ilang mga rekomendasyon ng iba’t ibang mga awtor o manunulat.
Sapagkat ang mga ispisipikong aralin sa learning material na ito ay tumutukoy at
nauukol sa tao, magkakaroon din ng pokus sa larangan ng humanidades o pag-
aaral na nakatuon sa kundisyong humano na ginagamitan ng iba’t ibang metodo o
pamamaraan.

Ayon kay J. Irwin Miller na binaggit nina Constantino at Zafra (2017), ang
layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na
kahulugan nito. Dagdag pa nila, ang pangunahing layunin ng larangan ng
Humanidades ay kung paano maging tao sa aspektong kaisipan, kalagayan, at
kultura. Ilan sa mga disiplina na bumubuo sa larangan ng humanidades ay ang
panitika, pilosopiya, sining, applied at industriya.

Sa pag-aaral sa learning material na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

 Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay-


Week 11-13
 Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin- Week
14-16
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika-Week 14-16
 Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan- Week14-16
 Naisasaaang-alang ang etika sa binuong akademikong sulatin-Week 14-16

Kung handa ka nang muling matuto sa asignaturang ito ay dumako ka na sa


susunod na pahina para sa unang gawain.

2
Aralin Pagsulat Ng Lakbay-
2.1 Sanaysay
(Travelogue)

Simulan

Bago ka sumalang sa mismong paksang tatalakayin sa learning material na ito, tara na’t
sukatin muna ang iyong inisyal na kaalaman sa kabuoang aralin. Sagutin ang mga
sumusunod na pagtataya.

Paunang Pagtataya

Gawain 1. Natatanging Lugar


Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang
lakbay-sanaysay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at
natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama: paningin, pakiramdam, panlasa,
pang-amoy, at pandinig.
Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga
karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin, maaari din itong
magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang di kanais-nais o hindi
nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.
May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad mo
nang marating? Magbigay ng isang natatanging lugar na iyo nang narating.
Ipaliwanag kung ano ang iyong natuklasan sa lugar na ito at paano ito nakaapekto
sa iyong sarili?

Pangalan ng Lugar:
__________________________________________________________________________________
Ano-ano ang iyong natuklasan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Paano ito nakaapekto sa iyong sarili?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Ano o ano-anong pagbabago sa iyong perspektibo o paniniwala sa buhay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3
Gawain 2. Alam-Nais-Natutuhan
Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at isulat dito ang hinihiling
na sagot sa sumusunod:

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa kalikasan o kahulugan, mga bahagi at
proseso ng pagsulat ng lakbay-sanaysay.
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa kalikasan o kahulugan,
mga bahagi at proseso ng pagsulat ng lakbay-sanaysay.
Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa kalikasan o
kahulugan, mga bahagi at proseso ng pagsulat ng lakbay-sanaysay
(sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa nasabing paksa).

ALAM NAIS MALAMAN NATUTUHAN


1. Lakbay-sanaysay

2. Mga bahagi ng lakbay-


sanaysay
3. Proseso ng pagsulat ng
lakbay-sanaysay

Gawain 3. #Travelpamore
Balikan mo ang iyong timeline sa Facebook o Instagram (o anomang social
media accounts na mayroon ka) at pumili ng isang post tungkol sa
pinakamasayang paglalakbay. Kung mayroong sariling printer, i-screenshot ang
nasabing post kasama ang caption at petsa ng pagkaka-upload nito at i-print ito
kasama ng isang talatang repleksyon. Kung wala namang printer, kopyahin muli
ang iyong caption at ilarawan na lamang ang imaheng na-upload sa iyong sagutang
papel at gawin ang nasabing sulatin.
Ang iyong isang talatang repleksyon ay kinakailangang naglalaman ng tatlo
hanggang apat na kumpletong pangungusap, ang lugar na iyong pinuntahan, ang
iyong mga natuklasan o natutunan, at one-word hashtag (halimbawa: #YOLO).

Binabati kita sa mahusay at komprehensibong pagsagot ng mga panimulang


gawain. Ngayon naman ay iyong malalaman ang iba’t ibang kahulugan, gabay
4
at mga kaugnay na konsepto sa paksang pagsulat ng lakbay-sanaysay.
Isa sa mga kagandahan ng pagkakaroon ng kasanayan sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay ay ang paglikha ng kapangyarihang dalhin ang mga mambabasa
sa lugar na napuntahan rin ng awtor gamit ang ilang sangkap sa pagsulat ng
nasabing artikulo. Sa pamamagitan ng mga tayutay, idyoma, imagery, at iba pang
mga elemento, metodolohiya at estratehiya sa pagsulat ay makapagbibigay din ng
halos kaparehas na lebel ng kasiyahan na naranasan ng manunulat sa kaniyang
mga mambabasa habang tinatahak ang inilathalang lugar gamit lamang ang
kaniyang sulatin.
Sinang-ayunan naman ito ni Patti Marxsen, sa kanyang artikulong “The Art
of the Travel Essay.” Ang isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat
makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais
na maglakbay. Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito’y
nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar
bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.
Ayon sa blog post ng Elcomblus na inilathala noong ika-22 ng Pebrero,
2020, ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar.
Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga
mamamayan sa isang partikular na komunidad.
Binigyan naman ng malikhaing kahulugan ni Nonong Carandang ang
nasabing konsepto. Tinawag niyang sanaylakbay ang terminolohiyang ito kung
saan binubuo ito ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay. Naniniwala
siyang sanaysay ang pinaka-
epektibong pormat ng sulatin upang
maitala ang naranasan sa
paglalakbay. Samantala, dapat
maalam at sanay naman sa pagsulat
ng lakbay-sanaysay ang awtor ng
nasabing sulatin sa pamamagitan ng
paggamit ng iba’t ibang elemeto sa
kaniyang awtput.
Samantala, dagdag pa ng
Elcomblus, maaari ding maging paksa
ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan
ng lugar at kakaibang mga makikita
rito. Binibigyang-halaga rito ang uri
ng arkitektura, eskultura,
kasaysayan, anyo, at iba pa. Sa pagsulat, maaaring gamitin ang pagtatangi at
paghahambing sa mga lugar upang malinang ang wastong pagtitimbang-timbang
ng mga ideya, mula sa maganda o hindi kanais-nais, kapaki-pakinabang o walang
kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap, at kapuri-puri o hindi
kapuri-puri.
Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao
ang nagbibigay-kulay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang-halaga ang
pagkilos sa lugar na narating, natuklasan sa sarili, at pagbabagong pangkatauhan
na nagawa ng nasabing lugar sa taong nagsasalaysay na maaari din maranasan ng

5
mga makababasa. Ito’y tila pagsulat ng isang magandang pangako ng lugar para sa
mambabasa.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Narito naman ang ilang mungkahi ng Elcomblus sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay na maaari mong maging gabay:

Mungkahing Gabay

Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay


dapat magsa!iksik o magbasa tungkol sa kasaysayan
nito. Pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon, at
relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at
ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na
ginagamit sa lugar na iyon.

Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan


ang naaabot ng paningin, talasan ang isip, palakasin ang
internal at external na pandama at pang-amoy,
sensitibong lasahan ang pagkain.

Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na


dapat isulat.

Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng


mga kathang-isip na ideya. Isulat ang katotohanan
sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit
ang mga malikhaing elemento.

Gamitin ang unang panauhang punto de bista at


isaalang-alang ang organisasyon ng sanaysay sa
pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat
sa pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-unawa
sa mga ideyang isusulat.

Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa


susulating lakbay-sanysay.

Basahin ang isang lakbay-sanaysay na naranasan ng


isang manlalakbay

6
Gawain 4. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at siguraduhing nasa
kumpletong pangungusap ang mga ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Base sa natamong kaalaman sa learning material na ito, ano ang iyong


pakahulugan sa konseptong sa lakbay-sanaysay?
2. Ano-ano ang mga mahahalagang gawin upang hindi makaligtaan ang mga
datos na dapat makuha sa pagbuo ng lakbay-sanaysay? Ipaliwanag.
3. Anong katangiang mayroon ang lakbay-sanaysay upang makasama ito sa
akademikong sulatin? Ipaliwanag.
4. Ano ang nakikita mong mga positibong dulot ng lakbay-sanaysay sa iyo,
sa lugar na iyong napuntahan at sa mga taong nakatira sa nasabing lugar?

SA IYO SA LUGAR SA MGA TAONG


NAKATIRA SA LUGAR
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

5. Bilang mag-aaral, ano ang mga malilinang sa iyong kakayahan kapag


nagsusulat ka ng lakbay-sanaysay?

Gawain 5: Pagtapat-tapatin
Basahin sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan o may kaugnayan na
nakatala sa Kolum A. Isulat ang titik ng angkop na sagot sa iyong sagutang papel.

KOLUM A KOLUM B
___1.Patti Marxsen A. “Ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas
na kahulugan nito.”
___2.Nonong Carandang B. Ang pinaka-epektibong pormat ng sulatin upang
maitala ang naranasan sa paglalakbay.

___3. Layunin ng C. Sanaysay, Sanay, Lakbay


humanidades
___4. Karanasan ng tao D. The Art of the Travel Essay

___5. Sanaysay E. Ito ang nagbibigay-kulay sa pagsulat ng lakbay-


sanaysay.

7
Lakbayin

Maraming mga metodolohiya at estratehiya ang maaaring gamitin o


iimplementa sa iyong lakbay-sanaysay upang mas higit na maipahayag ang mga
kapana-panabik na karanasan sa isang partikular na lugar na iyong napuntahan.
Ang mga ito ay magsisilbi rin bilang pormula o pattern upang makamit at masapol
ang damdamin, imahinasyon, at maging ang attitude o perspektibo ng mga
manunulat sa inilathalang paksa. Samantala, nagbigay naman ng mga
metodolohiya at estratehiya sina Constantino at Zafra (2017) na maaaring gabay sa
ating paglalakbay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.

Metodolohiya at Estratehiya
Gumagamit ng lapit na analitikal, kritikal, at ispekulatibo ang
Humanidades. Sa mga ito nabibigyan ng pagkakataong suriin ang isang teksto sa
paraang sistematiko at organisado. Analitikal na lapit ang gumagamit sa pag-
oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri, at mga pag-
uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa. Kritikal na lapit naman kung ginagawan ng
interpretasyon, argumento, ebalwasyon, at pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya.
Gayundin, ispekulatibong lapit naman ang pagkilala ng mga senaryo, mga
estratehiya o pamaraan ng pagsusuri, pag-iisip, at pagsulat.
Narito ang halimbawa ng mga pamamaraan at estratehiyang ginagamit sa mga
lapit na ito.

 Deskripsiyon o paglalarawan
Halimbawa:
Kahit maaga pa’y napakarami na ang taong paroo’t parito. Nangingibabaw
ang ingay at mababakas ang kasiglahan ng mga tindera sa pagsalubong sa isa
na namang bagong araw. Katakam-takam tingnan ang mga sariwang gulay, ang
kumikinang-sa-karaniwang mga isda, mga bagong dating na karne, prutas, at
iba pa.
-Feodor Villarin, “Mas Mahalaga Kaysa Uno” Binhi, 1990
 Paglilista
Sa daloy ng laro, lumalakas (“level up”) ang bawat hero sa pamamagitan ng
(1) pagpatay (“kill”) sa mga kalabang hero,(2) pagbasag ng mga tore (“tower”) ng
kalabang koponan, (3) pagbili ng mga gamit (“items”) gamit ang naiipong pera
(“gold”) ng bawat player mula sa kanilang napatay na mga enemy hero at creep.
-Gerard P. Concepcion, “ Ang Umuusbong na Wika ng
Kabataang Pilipino sa Paglalaro ng DOTA” Salindaw,
(2012)

8
 Kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari
Halimbawa:
Ang mga pangyayari sa tinatawag na telecommunication revolution ay
nagdulot ng malaking impact sa teknolohiya ng komunikasyon mula nang
maipakilala ang telegraph noong dekada 40 ng siglo 19. Kaagapay nito ang
pagsulong ng Morse Code noong 1844 (Search Unified Communication). Ang
mga tuklas na ito ang nagbunsod sa iba’t ibang modipikasyon at pagbabago sa
teknolohiya ng komunikasyon. Taong 1960 nang magkaroon ng
telecommunication satellite na isang balloon. Naging sunud-sunod na ang lalo
pang pag-unlad ng teknolohiya hanggang sa makapaglagay ng unang satellite
sa kalawakan, ang Telstar, na naging dahilan upang maging posible ang
komunikasyon ng tao sa bawat panig ng mundo (Harasim, 1993:5)
-Mary Anne S. Sandoval, “Wika sa Komnet, Isang Bagong
Rehistro ng Wikang Filipino” Salindaw, (2012)
 Sanhi at Bunga
Nakababahala para sa mga magulang kong Jejemon ang isang anak dahil
nakikita nilang nakasasama ito para sa kanilang anak. Kadalasan, kung
talagang nahumaling na ang isang tao sa paggamit ng wikang jejemon,
ginagamit niya na rin ito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Kung
hindi naiintindihan ng mga magulang ang Jejemon, magkakaroon ng isang
harang sa pagitan ng magulang at anak sa komunikasyon. Dahil dito,
maaring mapalayo ang loob ng anak sa kaniyang mga magulang.
-Vivencio M. Talegon, “Kultura at Sistemang Jejemon:
Pag-aaral sa Varayti at Baryasyon nf Filipinong
Slang”Salindaw,2012
 Pagkokompara
Kapuna-puna ang kaibahan sa Kubismong Pranses ng mga likha ni
Manansala, na kung kaniyang tawagi’y Tahimbuhay. Naiiba ang mga ito
hindi lamang sa kanilang pagpapahalaga sa kaanyuan ng mga bagay na
ipininta, kundi pati sa karamihan ng mga hugis ng mga bagay. Naririto ang
palayok, kawali, mangkok, sandok, gayundin naman ang iba’t ibang
sangkap ng anomang iluluto. Isda, kamatis, at iba pang mga gulay.
-Rod Paras Perez,”Sining ng Nagsisikip na
Dingding.”Binhi, 1990
 Epekto
Kailangang alam natin, ani Gunnar Myadal,ang sapat na pagnanasang mag-
aruga sa kapwa o ng pag-aalala sa madla (social consciousness) upang ang
mga produkto ng ating pagsulong ay maging pangmatagalan, maging
panghabambuhay.
-Pura Santillan-Castrence,”Ang Pag-unlad at ang
Pagbabago ng mga Gawi at Pag-uugali, Binhi, 1990

Samantala, sa librong Travel Writing ng pamosong manunulat ng lakbay-


sanaysay na si L. Peat O'Neil, nabigyan ng diin ang ilang panuntunan at elemento
na dapat taglayin ng isinusulat na lakbay-sanaysay. Aniya, mahalagang malaman

9
muna ang estruktura ng isinusulat na arikulong pampaglalakbay---ang mga
anekdotang ilalagay sa kwento, mga personal na karanasan, historikal na mga
detalye, impormasyon o mga datos na produkto ng pananaliksik at maging ang
paggamit ng estratehiyang flashback ay dapat malaman ng awtor upang mas
madali para sa kaniya na malaman ang mga ekspektasyon at tunguhin ng
sanaysay na isinusulat.
Ilan sa mga elemento ng isang lakbay-sanaysay ay ang mga sumusunod:

Tinatawag ding pamatnubay sa Filipino. Ang lead o


pamatnubay ay ang kapana-panabik na panimula o
Lead o introduksiyon ng artikulo upang mahagip ang atensyon ng mga
pamatnubay mambabasa. Maari itong isulat bilang tanong, impormasyon o
pigura, depinisyon, sipi, at iba pang pormat.

Mga kapana-panabik na lokasyon o lugar na inilalathala


sa iyong lakbay-sanaysay na isinusulat. Maaaring simulan ang
pagpapakilala sa isang diskripsiyon o paglalarawan sa
Saan / Lugar heograpikal na lokasyon nito, mga dahilan kung bakit ito ang
napili mong ilathala, o ang impormatibo diskusyon at
moralistikong dulot ng nasabing lokasyon.

Mahalaga ring malaman ng mga mambabasa kung kailan


ang pinakamagandang panahon, season o maging ang
ispisikong oras para puntahan ang isang lugar na inilalathala.
Halimbawa ay ang 10, 000 Roses sa Cebu na mas magandang
Kailan / pasyalan ng gabi kaysa tirik ang araw, ang Sunflower Maze sa
Panahon Pangasinan naman kapag summer, at Pebrero naman ang
itinuturing na blooming season at piyesta ng Panagbenga sa
siyudad ng Baguio.

Mabibigyan din ng pokus ang personalidad,


pagpapahalaga o values, kasanayan sa paglalakbay ang
mismong awtor. Sapagkat maaaring maisulat sa unang
panauhan at impormal na estruktura ang isang lakbay-
Sino/Awtor
sanaysay, mas mapapalapit at maiintindihan ng mambabasa
ang tunay na layunin ng tagapagsulat.

10
Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagbabasa ay upang
matuto at malaman ang iba’t ibang detalye o datos. Sa kaso ng
lakbay-sanaysay, malaking tulong ang mga impormasyong
ibibigay ng awtor sa mga mambabasang mayroong mataas na
Paano/ interes sa inilalathalang lugar. Sa elementong proseso din
Proseso maipapakita ang estruktura, balangkas o framework, ang unti-
unting pagpapakilala sa lugar, tao, kultura at iba pa na
mababasa
Mababasasa na
artikulo.
rito ang mga detalye o datos ng paglalakbay.
Ilan sa mga ito ay ang mga interbyu sa mga taong
nakakakilala sa lugar, mga restaurant o coffee shop, mga
Ano/ Mga tagong lugar, at iba pang mga impormasyong hindi nababasa
Detalye o matatagpuan sa internet o mga babasahin.

Ang pinakalayunin ng pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang


pagkakaroon ng kasiyahan at kakintalan sa mga mambabasa.
Nagbibigay din ito ng impresyon sa mga mambabasa na
Katapusan o tatatak sa kanilang mga isipan upang higit itong matandaan.
konklusyon

Galugarin

Gawain 6: Anong Say Mo?


Kopyahin sa iyong sagutang papel ang sumusunod na grapiko at ibigay ang iyong
sariling pakahulugan ng mga sumusunod na konsepto. Tiyakin na nasa
kumpletong pangungusap ang iyong ituturan.

11
SANAY
________________________
________________________
________________________
_

LAKBAY SANAYSAY
_______________________ ________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________

LAKBAY-
SANAYSAY
____________
_____________
_____________

GAWAIN 7: What it takes to be a Travel V/Blogger?


Lampas dalawang milyon ang Youtube subscribers ng pamosong travel
vlogger at Filipino-American na si Wil Dasovich. Laking San Fancisco, California
siya ngunit nagdesisyon na pumunta ng Pilipinas para mas makilala ang kultura
at tradisyon ng Pilipinas. Dahil sa magagandang content at impormatibong travel
vlogs, pumatok siya sa social media. Samantala, ang kaniyang karanasan sa isla
ng Boracay naman ang isa sa may pinakamaraming views sa nasabing website.
https://altavistadeboracay.com.ph/blog/travel-vloggers-explore-ph
Bilang isang mag-aaral na may karanasan na sa pagbisita ng iba’t ibang
lugar sa loob at sa labas ng Pilipinas at nasubukan na rin ang vlogging/blogging at
pagkuha ng mga larawan, punan ang mga kahon na nasa larawan ng mga
katangian ng isang travel blogger/vlogger na akma rin sa parte ng katawan ng
nasa imahe. Tandaan na ang iyong mga sagot ay base sa iyong malikhain at
komprehensibong perspektibo at opinion.

12
HAL: Sa parteng mata ng modelo: Katangian- Mapagmatiyag at magaling kumilatis
ng mga detalye sa isang partikular na lugar.

Palalimin

Gawain 7. Suriin mo!


Basahin ang sumusunod na halimbawa ng lakbay-sanaysay. Siguraduhing
binasa mo muna ang mga aytem pagkatapos ng nasabing teksto upang alam mo
kung ano ang susuriin, hahanapin, at sasagutin sa aktibidad na ito. Kopyahin ang
mga aytem sa iyong sagutang papel at bigyan ng pagpapaliwanag at diskusyon ang
mga ito.

13
Ang Kagandahan ng Puerto Galera sa Pananaw ng Isang Manileña

Isang Lakbay Sanaysay na Isinulat ni Zar Ramos

Sa katirikan at init ng araw tuwing panahon ng tag-init na halos


umaabot ng mahigit 38-40° C, sino ba naman ang hindi mapapaisip na
magtampisaw sa lamig ng tubig dagat o kaya namay ay mag-outing sa mga
tanyag na water park? Likas na ito sa ating mga Pilipino na dumayo sa iba’t
ibang lugar upang mag “summer getaway” matanggal lamang ang init at
hinawa sa katawan.

Ang Puerto Galera ay isang isla sa Oriental Mindoro tanyag sa


pagiging mini Boracay nito dahil sa tinataglay nitong maputi at pinong
buhangin na katulad sa Boracay. Tinagurian din ito bilang
pinakamagandang beach resort community sa buong Pilipinas. Bukod sa
pinagmamalaking pinong buhangin ng islang ito, kilala rin ito sa kanilang
mayamang kultura patungkol sa tribong Mangyan.

Ang Mangyan ay ang pangkaraniwang pangalan para sa walong


indigenous groups na matatagpuan sa islang ito. Bawat isa ay may sarili
nitong pangalan ng tribo, wika, at kaugalian. Binubuo ito ng higit kumulang
280 000 katao ngunit hindi tiyak ang pagtatalang ito sapagkat mahirap
matukoy ang kanilang kondisyon sa loob ng mga liblib na lugar.

Hindi madali ang pagpunta sa isla na ito lalo na’t kung ikaw ay
walang sariling sasakyan. Mula sa Las Piñas City ay sumakay kami ng jeep
patungo sa Alabang Bus Terminal kung saan sumakay naman kami ng bus
papunta sa Batangas Port. Mula sa Batangas Port ay sumakay kami ng
maliit na bangka, roro kung tawagin, at nasa mahigit isa’t kalahating oras
an gaming biyahe papunta dito. Sobrang nakakapagod at nakakahilo pa ito
dahil hindi ako sanay bumiyahe sa dagat.

14
Nang makarating na kami sa destinasyon ay ramdam na ramdam ko
ang lagkit ng simoy ng hangin sa aking balat at ang init mula sa tirik ng
araw ngunit hindi ko maiwasang mabighani sa taglay na ganda ng islang
ito. Hindi ko inakala na ganito kaganda ang napakaliit lamang na isla sa
Oriental Mindoro.

Noong unang araw ng aming pamamalagi ay naisipan naming


magkakaibigan na magtampisaw at maglaro ng beach volleyball sa White
Beach at halos nakababad lang kami sa initan buong araw.

Sa pangalawang araw naman, kami ay nagtungo sa Infinity Farm sa


Baco, Oriental Mindoro. Ito ay nasa higit kumulang isa’t kalahating oras na
biyahe mula sa White Beach. Matatagpuan dito ang Mangangan River, isang
ilog sa paanan ng Mt. Halcon na pinalilibutan ng iba’t ibang uri ng halaman
at punong-kahoy.

Sobrang lamig ng tubig mula sa ilog na ito na parang ikaw ay naliligo


sa yelo. Tanyag din ang resort na ito sa kanilang Love Lock Bridge na ang
konsepto ay nagmula sa Paris, France. Ito ay isang tradisyon para sa mga
magkasintahan kung saan ikakabit nila ang padlock sa tulay bilang simbolo
ng kanilang wagas masyadong nakakuha ng larawan dito dahil mas pinili ko
matamasa ang kagandahang taglay ng kalikasan.
Nakakalungkot dahil ito na ang ikatlo at panghuling araw namin sa
Puerto Galera. Gumising kami ng maaga para sa aming pinakahuling water
activity, ang mag island hopping at snorkeling. Bagamat ako ay malungkot,
hindi rin maialis sakin ang kasabikan dahil ako ay mahilig sa snorkeling at
diving. Bata pa lamang ako ay minulat na ako ng aking ama sa kalawakan
ng dagat at tinuruan niya akong lumangoy at sumisid.

Naging libangan din namin ang snorkeling at scuba diving tuwing


kami ay uuwi sa probinsya.

Muntik na kaming hindi matuloy sa aming island hopping at


snorkeling dahil sobrang namamaga ang aking mata dulot ng isang food
allergy ngunit nagpumilit pa rin ako dahil minsan lang namin maranasan
ang ganitong uri ng mga libangan. Nagpakain din kami ng iba’t ibang uri ng
isda at nakita ko na tunay ngang mayaman ang Pilipinas pagdating sa
yamang tubig. Iba’t ibang species ng isda at corals ang aking nakita at kung
hindi ka takot sumisid sa ilalim, makikita mo ang iba’t ibang uri ng kabibe o
giant pearls na ipinagbabawal ipahuli sa mga turista.

Bukod din pala sa island hopping at snorkeling ay pumasok din kami


sa isang maliit na kuweba. Ang daan sa kwebang ito ay medyo matarik,
masakit sa paa, at isang kawayan lamang ang nandoon para mahawakan.

15
Lead o
pamatnubay
Katapusan o
konklusyon

Saan/ Lugar
Ang
Kagandahan
PUERTO
ng Puerto
Mga detalye/ GALERA
Galera sa
Ano Pananaw ng
Isang Manileña

Kailan/Panahon

Paano/ Proseso

Sino/Awtor

Suriin ang teksto base sa mga sumusunod na elemento. Tiyakin na maisusulat


mo ang mga ispisipikong detalye na kahanay ng bawat elemento.

A. Lead o pamatnubay
B. Saan/ Lugar
C. Kailan/Panahon
D. Sino/Awtor
E. Paano/ Proseso
F. Mga detalye/Ano
G. Katapusan o konklusyon

16
Gawain 8: Opinyon Ko, Mahalaga!
Panuto: Sumulat ng anim hanggang walong talatang sanaysay na naglalahad ng
iyong opinyon, sariling kaalaman, pagsusuri o rekomendasyon sa travel video ng
Tourism Philippines na iTravel PINAS - episode 5 - La Union. Mapapanood ang
nasabing bidyo sa link na https://www.youtube.com/watch?v=uNk85WAGQzA.
Tiyaking masusuri mo ang mga elementong ating tinalakay sa learnin material na
ito. Isulat ang iyong sanaysay sa iyong sagutang papel. Isaaalang-alang ang rubrik
sa pagtataya ng susulating sanaysay.

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput

Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunla Nangangail


(10) (8) (6) d angan ng
(4) gabay (2)
Panimula Nakapaglahad Nakapagl Nakapaglahad Nakapagla Nangangaila
ng ahad ng ng had ng ngang
napakahusay, mahusay katamtamang papaunla paunlarin
interaktibo at na paraan ng d na ang
kawili-wiling panimula pagsulat ng kasanaya kasanayan
panimula panimula n sa sa pagsulat
pagsulat
ng
panimula
Nilalaman Naisulat ang Naisulat Naisulat ang Naisulat Hindi
katawan ayon ang katawan ayon ang naisulat ang
sa mga katawan sa isang idea katawan katawan
suportang idea ayon sa na ayon sa ayon sa
na tumutugon dalawang tumutugon sa magkakai paksang
sa kabuoan ng idea na bahagi ng bang idea dapat
sanaysay batay tumutugo sanaysay na talakayin
sa isyung n sa batay sa tumutugo
tinatalakay kabuoan isyung n sa
ng tinatalakay kabuoan
sanaysay ng
batay sa sanaysay
isyung batay sa
tinatalak isyung
ay tinatalaka
y
Transisyo Nakagamit ng Nakagami Katamtamang Papaunla Nangangaila
ng Talata katangi- t ng nakagamit ng d ang ngan ng
tanging transisyo transisyong pagkakag gabay sa
transisyong ng talata talata ayon sa amit ng pagsulat at
talata ayon sa ayon sa tunguhin ng transisyo paggamit ng
tunguhin ng tunguhin buong ng talata transisyong
buong ng buong sanaysay talata
sanaysay sanaysay
Kongklusy Naibuod nang Naibuod Katamtamang Papaunla Hindi
on buong husay ang naibuod ang d ang naibuod
ang sanaysay sanaysay sanaysay pagkakab nang tama
ayon sa ayon sa ayon sa uod ng ang
pangkabuoang tiyak na kaisipan/men buong sanaysay.

17
kaisipan/mens kaisipan/ sahe sanaysay
ahe mensahe
Gramatika Mahusay na Nailapat Katamtamang Papaunla Hindi
nailapat ang ang nailapat ang d ang nailapat ang
wastong wastong wastong pagkakala wastong
gramatika sa gramatik gramatika sa pat ng gramatika
kabuoan ng a sa sanaysay wastong sa
sanaysay kabuoan gramatika sanaysay
ng sa
sanaysay sanaysay
nang may
kakaunti
ng
kamalian

18
Aralin Paglikha ng Larawang-
2.2 Sanaysay
(Pictorial / Photo Essay)

Simulan

Isang mainit na pagbati minamahal kong mag-aaral. Iyong napagtagumpayan


ang mga gawaing inihanda para sa iyo upang matuto. Sa puntong ito, tayo’y
magpapatuloy sa ating aralin. Game ka na ba? Kung game na, simulan muli
ang pagkatuto sa unang aktibidad..

Gawain 1: Bugtongan sa mga Letra


Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat bugtong at ilagay sa kahon na nakahanay
sa aytem ang inisyal o simula ng letra ng iyong sagot. Pagkatapos ay ayusin ang
mga inisyal sa mga kahon na nasa ibaba upang makabuo ng isang salitang
bibigyan mo ng isang pangungusap na depinisyon.
Halimbawa:
Kung madampi ay titiklop sa sobrang pagka mahiyain
Sagot: Makahiya
Inisyal ng sagot: M

a. Hindi tao, hindi bagay kung sumipsip matibay _________________

b. Hindi nagsasalita, hindi naglalakad,


Ngunit marunog mag lahad _________________

c. Hindi hinihingi ng tao,


pero kusang ibinibigay ito.
Basta kaya mong ipakita,
Sa iyo ay ibibigay nang kusa. _________________

d. Hampas ni ama, sunod sunod ang tama _________________

e. Pasaway na magkakapatid
kung maglinis ay magkakaapid _________________

f. Maliit man sa hanay, pero taga tibag ng bahay _________________

g. Puno ng buhay
Mula ulo hanggang paa'y
Kapakipakinabang _________________

Sagot:
19
Gawain 2: Picture ko, Caption mo!
Ikaw ay mahilig kumuha ng litrato o larawan gamit ang iyong kamera sa
cellphone o DSLR camera. Ipagpalagay na ikaw ang kumuha ng mga larawan
na nasa ibaba at ito ay ipopost mo sa isang Facebook o Instagram account. Ano
ang sasabihin mo sa mga larawan? Itala ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
Huwag kalimutan ang iyong hashtag.

20
Ang galing mo! Binabati kita’t nagawa mo ang gawain. Ngayon naman
ay atin nang pag-aaralan ang iba’t ibang kahulugan, mga terminolohiya o
konsepto na mayroong relasyon sa paksang pagsulat ng larawang-sanaysay.

Ano ang Pictorial Essay o Larawang-sanaysay?

LARAWANG-SANAYSAY

Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph


shouldn’t be just a picture, it should be a philosophy.” Ang litrato ay
isang larawan sa pisikal na anyo, subalt mayroon itong katumbas na
sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan,
opinyon o perspektibo. Kaya naman karaniwang kamangha-mangha
ang resulta kapag pinagsama-sama at inayos ang mga larawan. Ang
pag-aayos na ito ng mga larawan upang maglahad ng mga ideya ay
tinatawag na larawang-sanaysay (tinatawag ding nakalarawang
sanaysay) o pictorial essay.

Ang larawang sanaysay/pictorial essay ay isang uri ng artikulong


pang-edukasyon na naglalayong makapagbigay ng babasahin at
larawang magpapakita ng isang isyung maaaring mapag-usapan.

Ang larawang sanaysay ay ang mga inihahanay at sunod-sunod


na larawang naglalayong magbigay ng kwento o di kaya ay magpakita
ng emosyon. Maaaring ito ay larawan lamang, larawang mayroong
kapsyon, o larawang mayroong maikling sanaysay.

Kombinasyon ito ng potograpiya at wika. Kaiba ito sa picture


story na nakaasyos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at
ang layunin ay magsalaysay o magkwento.

. Isa itong kamangha-manghang anyo ng sining nanagpapahayag


ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang
sinusundan ng maiikling deskripsyon / kapsyon kada larawan.

21
Dalawang Sangkap ng Larawang Sanaysay

• Madalas na may "journalistic feel"


• Kailangan maikli lamang ang sanaysay para sa larawan,
maaaring 1,000 hanggang 2,000 na salita lamang nag haba,
Teksto at mayroong nilalamang mapakikinabangang mensahe mula
sa larawan.

• Ito ay kaiba sa picture story sapagkat ito ay may iisang ideya


o isyung nais matalakay
• Ang mga larawan ay inaayos ayon sa pagkasunod-sunod ng
Larawan mga pangyayari at ang layunin nito ay magsalaysay o
magkwento

Gawain 3: Subukin ang Natutunan


Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na katanungan na may kaugnayan sa
paksang tinalakay. Ang sagot ay mayroon dapat haba na dalawa hanggang tatlong
pangungusap na naglalahad ng detalye na susuporta sa iyong diskusyon. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

1. Paano nakapagpapahayag ng mga ideya ang isang larawan?

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Kailan nagiging makabuluhan ang paggawa ng isang photo essay?


__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

3. Paano nagkakatulad ang photo essay sa iba pang tradisyunal na sanaysay?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
22
Gawain 4: 1Pix-4words

Pag-aralan ang sumusunod na larawan na kuha ni G. Moises Lopez III. Ang


subject ng larawan ay isang mag-aaral ng elementarya na papunta sa kaniyang
paaralan na Bacsil Elementary School sa bayan ng Agoo. Punain ang pisikal na
itsura ng subject, damdaming namumutawi, at iba pang isyung panlipunang
maaring maihanay sa larawan.

Kopyahin ang pormat sa iyong sagutang papel at punan ng apat na salitang


maaaring maglarawan sa imahe. Pagkatapos ay magbigay naman ng isang
pangungusap sa bawat salita na magiging diskusyon o katwiran. Isulat ito sa loob
ng katawan.

SALITA 1:

PALIWANAG:

SALITA 2:

PALIWANAG:

SALITA 3:

PALIWANAG:

SALITA 4:

PALIWANAG:

SALITA 5:

PALIWANAG:

23
Lakbayin

Elemento ng Larawang Sanaysay


Ayon kay Collective Lens I Photography for Social Change, narito ang mga
element na mahalagang taglayin ng isang larawang sanaysay:

1. Sa kuwento, dapat makapagsalaysay ang piyesa kahit walang nakasulat na


artikulo. Hayaang magsalaysay o magbigay ng komentaryo ang mga larawan.

2. Ang mga uri ng larawan ay tumutukoy sa barayti ng mga retrato gaya ng wide
angle, close up at portrait na mahalagang mailahok sa isang piyesa.

3. Mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng mga larawan upang mabisa


itong makapagkuwento sa paraang kaakit-akit at lohikal.

4. Mahalagang maglahok ng mga larawang nagtataglay ng impormasyon at ng


emosyon.

5. Ang paglalarawan o caption ay mahalaga upang masigurong maiintindihan


ng mambabasa ang kanilang tinutuhangyan

Uri ng Larawan
1. Ang pangunahing larawan (lead photo) ay maihahalintulad sa mga unang
pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahahalagang impormasyon
na sino, saan, kalian, at bakit.

2. Ang eksena (scene) ang pangalawang litratong naglalarawan ng eksena ng isang


larawang sanaysay.

3. Ang isang larawang sanysay ay kailangan may larawang ng tao (portrait).


Ipinapakita nito ang tauhan sa kwento.

4. Ang mga detalyeng larawan (detail photo) ay nakatutok sa isang element gaya
ng gusali, tahahan, mukha, o mahalagang bagay.

5. Gaya ng detlayeng larawan, pagkakataon ng mga larawang close-up na tumuon


sa ilang bagay.

6. Ang signature photo ay ang larawang magbubuod sa sitwasyong inihapag sa


larawang sanaysay.

7. Ang panghuling larawan (clincher photo) ay ang huling larawan sa serye ng mga
litrato. Mahalagang piliin ang huling larawan na magbibigay sa mga
mambabasa ng emosyong nais mong iparating tulad ng pakiramdam ng pag-
asa, inspirasyon, pagkilos o paglahok, at kaligayahan.
Pag-aralan ang isang halimbawa ng larawang sanaysay na dinebelop ni
Clifford Jay O. Lachica. Kung bibigyan natin ng diin, ang pictorial essay ay mga
24
koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang makapaglahad ng mga
pangyayari at kalimitang naglalaman ng maikling panimula at buod ng istorya.

Tumatanda nga bang pabalik ang mga Pilipino?

25
Nagbigay naman si Garcia (2016) ng mga dapat mong isaalang-alang sa pagsulat
ng larawang-sanaysay:

 Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.

 Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.

 Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.

Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o

 emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.

Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang

 larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang


mga larawan.

Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan.

 Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga


salita

Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing,

 komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang


kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa
pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.

26
Galugarin

Gawain 5: Panuto: Larawang Kupas


Gamit ang mga lumang magazine o pahayagan, gumupit ng limang
litratong maaaring makapagpahayag ng paksang nais mong gawing sanaysay.
Idikit ito sa kahon at gawan ng maikling tekstong maglalahad ng nais nitong
ikwento. Isulat ang ginawa mong teksto katabi ng larawan. Sundin mo ang mga
bagay na dapat isaalang-alang sa paglikha ng larawang sanaysay. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

27
Gawain 6: Click o Shot

Panuto: Basahin mong maiigi ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang salitang
CLICK kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng mga bagay na dapat isaalang-alang sa
paglikha ng larawang sanaysay at salitang SHOT naman kung hindi.

__________1. Si Marga ay inatasan ng kanyang guro na gumuwa ng isang pictorial


essay tungkol sa larong basketball. Namomoblema si Marga kung paano niya ito
gagawin sapagkat wala siyang kahilig-hilig sa ibinigay na paksa.

__________2. Napakaganda ng nagawang larawang sanaysay na ipinasa ni Michael


sa kanyang guro. Halos lahat ng mga larawan ay nagbibigay diin sa paksang napili.

__________3. Madaling natapos ang pictorial essay nina Mike at Carlos sapagkat
hindi sila nagsagawa ng pananaliksik bago ito gawin.

__________4. Kaaya-aya ang mga larawang nailagay ni Bridgette sa kanyang


larawang sanaysay dahil lahat ng mga ito ay nagtataglay ng mga damdaming dapat
na mamayani sa mga mambabasa.
__________5. Magulo at hindi naglalahad ng kapani-paniwala at natatanging
kwento ang mga larawan na inilakip ni Michelle sa kanyang sanaysay kung kaya’t
nakakuha ito ng mababang marka mula sa kanyang guro.

28
Gawain 7: Dugtungan Tayo
Panuto: Dugtungan mo ang mga pahayag na hinihingi ng mga negative films

Ang pictorial essay ay…..

Sa paggawa ng isang larawang sanaysay, dapat na….

Ang mga larawan sa pictorial essay ay kailangang….

29
Palalimin

Gawain 8: Silang Wala sa Mapa


Panuto: Basahin ang photo essay na may pamagat na “Silang Wala sa Mapa.”
Mababasa ito sa: http://www.gmanetwork.com/news/stroy/313214/newstv/
reeltime/photo-essay-silang-wala-sa-mapa. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong pagkatapos itong basahin at isagawa ito sa iyong sagutang papel.
Siguraduhing ang iyong pagpapaliwanag at katuwiran ay:

 organisado, malikhain, at kapani-paniwala


 maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
 may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan
 naisasaaang-alang ang etika sa binuong akademikong sulatin

1. Sapat ba ang bilang ng ginamit na larawan upang maipahatid sa


mambabasa ang mensahe? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Paano magiging organisa ang mga larawan sa binasang photo essay?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. May kaisahan ba ang mga ginamit na larawan?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Kapag tinanggal ang nakasulat na teksto, mauunawaan mo ba ang mensahe
sanaysay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5. Sa kabuuan, nagtagumpay ba para sa iyo ang binasang pictorial


essay? Pangatwiranan ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

30
Gawain 9: Photojournalist ng Taon!

Ngayong lubusan mo nang nauunawaan ang aralin tungkol sa pagsulat ng


larawang sanaysay, natitiyak kong magiging mahusay ka sa presentasyong iyong
gagawin bilang produkto ng iyong natutunan.

Ihanda mo na ang iyong kamera dahil isa


ka sa mga kontestant para sa lalaban ng
Regional Press Conference sa Baguio City.
Kumuha ka ng mga larawan ng tradisyon o
kulturang ipinagmamalaki ng inyong lugar o
barangay. Pagkatapos, bumuo ka ng isang
sanaysay na maaari mong gamitan ng
pananaliksik. Ipasa ang larawang sanaysay sa
pormat na A4 Portrait.

Isangguni sa guro ang iyong sagot. Kung


nakakuha ka ng pasadong marka binabati
kita! Maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na modyul. Kung mababa ang iyong marka,
balikan ang aralin at sagutan ang susunod na
gawain.

Rubric sa pagmamarka ng Photo Essay


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Kawastuhan Ang mga inilagay na larawan at paliwanag at 7
tumutugma sa paglalarawan at konsepto ng isang
isyu at hamong panglipunan
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang impormasyon. May 6
pinagbatayang pag-aaeal, artikulo o pagsasaliksik
ang ginamit na datos.
Organisasyon Kumprehensibo at malinaw ang daloy ng photo 4
essay.Maayos na naipahayag ang konsepto ng isyu at
hamong panlipunan gamit ang mga larawan at datos.
Pagkamalikhain May sariling istilo sa pagsasaayos ng photo essay. 3
Gumagamit ng mga angkop na disenyo at kulay
upang maging kaaya-aya ang kaanyuan ng produkto.
Kabuuan 20

31
Aralin Pagwawasto ng Sipi ng

2.3 Isinulat Na Papel


(Copyreading)

Simulan

Sa mga nakalipas na aralin, sinamay kang magdebelop ng mga kuro-kuro


at opinsyon sa iba’t ibang pamamaraan. Sa puntong ito naman, mas lalo mong
masusubok ang iyong kakayahan upang matukoy kung ano ang maingat, wasto,
at angkop na paggamit ng wika sa isang partikular na okasyon. Handa ka na
bang iwasto ang mga maling pagkakagamit ng mga elemento sa wika? Simulan
na natin!

Gawain 1: Nasaan ang mali?


Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin
kung ano ang MALI sa bawat pangungusap. Piliin at isulat ang KAUKULANG
TITIK ng iyong sagot sa iyong sagutang papel. Kung walang matukoy na mali mula
sa pangungusap, isulat ang titik D sa patlang.

_____ 1. Kinuha ni Michael ang walis tingting upang walisin ang bakuran ng bahay.
A B C

_____ 2. Isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang


A
ipakita ang maling gawa ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
B C

_____ 3. Iyong pahiran ang luhang tumutulo mula sa iyong mga mata upang hindi
A B
nila mahalata ang iyong pag-iyak.
C
_____ 4. Siya’y biglang nagising ng may biglang humiyaw sa labas ng kanyang silid.
A B C

_____ 5. Sumayaw ng mga bata ang tinikling noong pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
A B C
_____ 6. Ang pamilya ay kumain ng itlog at pandesal para sa hapunan kaninang umaga.
A B C
_____ 7. Kasalukuyang nagalit ang guro dahil hindi nagawa ng mga mag-aaral ang
A B
kanilang takdang aralin.
C
32
_____ 8. Siya ay naluha nang kanyang mabalitaang siya’y tinanggal ng scholarship
A B
dahil sa kanyang mabababang marka.
C

_____ 9. Kanyang nilasap ang sarap nang nilagang baboy na niluto ng kanyang ina.
A B C

_____ 10. Inutusan ng guro ang isang mag-aaral na sabihin ang klase ng kanilang
A B
kailangang tapusin bago matapos ang araw.
C

Pagwawasto Ng Isinulat Na Papel

Ayon sa ilang dalubhasang manunulat, “the foundation of a writer is his


cultural knowledge of writing.” Mahalagang salik sa maunlad na pagsulat ang
institusyong pinagmulan ng mag-aaral sa tulong ng mga taong kanyang
nakakasama at nagtuturo. Gayundin, ang mga kaasalan, gawi, at tradisyon ay
yamang mapagkukunan ng mga impormasyon sa kanyang pagsusulat.
Marapat na maipadama at matutuhan ang wastong impormasyon sa
pagsulat ng mga mag-aaral mula sa mabuting paggabay ng guro. Nararapat na
matutuhan nila ang wastong pagbasa at pagwawasto ng kanilang isinulat na papel
o manuskrito.

Unawain Natin

Hindi kaila na maraming kabataan ang nangangarap ding maging


manunulat. Ang pagsusulat ay hindi gawain na basta lamang ginagawa. Kung
madali lamang ang magsulat, marami na siguro ang nagtangkang pasukin ang
ganitong larangan para lamang madagdagan ang kitang sapat lamang dito sa
bansang Pilipinas.
Isa sa mahalagang pagdadaanan ng isang manuskrito ay ang tinatawag na
proofreading. Kailangan ito upang makasiguro na malinis at kanais-nais na
mailalathala ang akda.

Nagbigay naman si Garcia (2016) ng mga dapat isaalang-alang ng mga


proofreader sa pagwawasto sa teksto. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

 Kadalasan, kapag ang teksto ay naksulat sa wikang Filipino,


ay nago-autocorrect ang function sa kompyuter kung kayat
binabago ng word processor ang ispeling ng mga salita.
Ispeling Maari din namang sa paraan ng pagsulat ng may-akda kung
minsan, lalo na kung unang pagtatangka pa lamang ang
isinumeting manuskrito ay may makikitang pagkakamali sa
ispeling.

33
 Kinakailangang ang proofreader ay nagtataglay ng matalas na
paningin sa pagbasa ng teksto kapag nagmamarka at
kinakailangang kaunti na lamang o mangilan-ngilang
Diwa Ng pagwawasto na lamang ang dapat gawin matapos itong
Akda dumaan sa editing.

 Ang pisikal na anyo ng teksto ay nakikita sa uri ng tipo o font.


Kailangang masunod ang wastong pamantayan para sa uri ng
publikasyong ilalathala. Binibigyang-pansin ng proofreader
Anyo Ng ang wastong gamit ng malaking titik at maliit na titik at kung
Anyo ng italiko o hindi ang mga hiram na salita. Sinisiyasat din niya
Akda O ang pahina at tumatakbong pang-ulo (running head) na dapat
Teksto ay sunod-sunod ang mga pahina ng teksto at nailalapat nang
wasto.

Tinitiyak din niya ang wastong espasyo sa bawat salita at linya. Gayundin
ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng teksto para sa isang
publikasyon.

Gawain 2: Itama ang mga Pagkakamali


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga pahayag. Iwasto ang mga salita kung
may pagkakamali. Isulat ang iyong bersiyon sa sagutang papel.

1. Ang mga pangunahng ideya o kaisipan ay higit na mauuunawaan sa tulong ng


malalaking detalye?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan na


magbuklod-buklod at tangkilikin ang sariling produkto.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Si Shariful-hashin abubakar ang kauna-unahang naging sultan.


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Pumili ka ng isang gawaing mahal mo, at hindi mon a kakailanganin pang


magtrabaho ni isang araw sa buong buhay moa yon kay Confuciousness.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Tayo ay mga Pilipinong naniniwala sa kapangyarihan ng demokrasya at


nasyonalidad.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

34
Lakbayin

Mga Simbolong Ginagamit sa Pagwawasto ng Sinulat na Papel o Teksto

(Copyreading symbols)

alisin (delete)

pagdugtungin; tanggalin ang espasyo

maglagay ng espasyo #

pagpalitin (transpose) b tr
bagong talata ¶

indent [

panatilihin/huwag baguhin
stet
i-posisyon sa gitna ][

iurong pakaliwa (move left)

iurong pakanan (move right)

ayusin ang hanay (align vertically) ||

maglagay ng panipi (isahin or dalawahan) ‘ ’ “ ”

maglagay ng tuldok .

maliit na titik (lower case) / o lc

malaking titik

boldface
bf
ibalik sa orihina
rom
italiko ital
baybayin (spell out)
sp

Mga Gawain Ng Editor Sa Pagwawasto Ng Kopya


1. Tiyaking tumpak ang mga datos sa artikulo. Magsaliksik kung kinakailangan.
2. Ang akdang ililimbag ay may wastong gramatika at pagbabaybay ng mga
salita.

35
3. Magwasto ng kamalian ng mga datos batay sa kahalagahan nito.
4. Pumutol o magkaltas ng mga hindi mahahalagang datos.
5. Mag-alis ng mga salitang nagsasaad ng opinyon kung ang winawasto ay balita.
6. Magpalit ng mga saitang mahirap maunawaan ng karamihang mambabasa.
7. Sinunsunod nito ang istilo ng pahayagan kung tumutukoy sa dyuranalismo.
8. Tinitiyak nitong malaya sa anumang libelong pamamahayag ang akda.
Pag-aralan ang sumusunod na balita. Pansinin ang pagkakasunod-sunod ng
bawat talata, ispeling ng ilang mga salita, mga marka o bantas, tamang
kapitalisasyon ng mga inisyal ng salita at iba pa. Ang nasabing teksto ay iniwasto
ni Sonairah Olama, isang campus journalist.

Sa kaslukuyan ay sa brain-wasting disease ay walang gamot ang


pinakakaraniwang uri ng dementia, na sa taya ng Alzheimer’s Disease
International ay dinaranas ng apatnapung na milyong sa buong mundo, katao at
inaasa hang magiging triple pagsapit ng 2050

london (afp) natukoyy ng isang pagaaral sa Britain ang blood proteins na


lumalabas sa mga pasyenteng nasuring may Aizheilmer, nagdulot ito ng pag-asa sa
test na makatutulong sa paghananap ng kalunas

Ang testpara mas maagangg ang sakit masuri ay magpapahintulot sa


mananaliksikna sobaybayann ang mga passyente bagu sila nagdebelop ng
advancedsymptoms na makatu tulong ng lunas sa pag hananal. Ang pagaaral na
inilat hala sa journalna Alzheimer’s &Dementia ay galling sa pagsubaybay sa
dalawang daa’t dalawangpung pasynetena maild cognitive impairment.

Tinukoy ng mana naliksik and sapung proteins na nasa dugo ng 87 porsiyentong


nasa grupo na ay nasuring kalaunan may Alzheimer sa loob ng isang taon

Many of our drug trials fail because by the time patients are given the drugs the
brain has already been to severely affected sabi ni Oxford University neuroscience
professor Simon Lovestone, na nanguna sa pagaaral sa King’s College London

A simple blood test could help us identify patients at a much earlier to take part in
new trials and hopefully develop treatments which could prevent the progression of
the disease. The next step will be to validate our findings in further sample sets.

Nagba bala si James Pickett head of research sa Alzheimer’s Society, na ang


accuracy ayunder 90 percent kaya kailangan pa itong mapabuti bagu mapakina
bangan ang test

Only through further research will we find answers to the biggest questions around
dementia, so we will watch the progress of this study with interest ani Picket.

Nakita mo rin ba ang mga mali sa tekstong binasa? Ngayon naman ay pag-
36 nilapatan na ng mga simbolo upang
aralan natin ang bersyon ng teksto na
maiwasto ito.
Pagwawasto:

37
Galugarin

Gawain 3: Analitikal na Pag-iisip


Panuto: Basahin nang maayos ang mga sumusunod na may kaugnayan sa
paksang tinalakay. Kopyahin ang mga tanong at sagutin ito sa iyong sagutang
papel. Tiyakin na ang sagot ay hindi makakakitaan ng anomang pagkakamali sa
aspketong gramatika o balarila.

1. Kung nais mong maging isang proofreader, ano-anong katangian ang dapat
mong taglayin sa pagwawasto ng babashing teksto?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ano-anong mahahalagang detalye ang dapat bigyang-pansin ng isang


proofreader sa tekstong kanyang iwinawasto? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Bakit inaasahan na ang diwa ng teksto na babasahin ng proofreader ay hindi


na gaanong marami ang mali?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang isinasaalang-alang sa pagwawasto ng pisikal na anyo ng


manuskrito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Ano-ano ang bahagi ng isang publikasyon na dapat bigyang-pansin ng isang


proofreader?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 4: Ituwid Mo
Pag-aralang mabuti ang mga nakasulat sa ibaba. Pagkatapos, muling isulat
ang wastong anyo ng teksto sa mga espayong nakalaan sa ibaba. Isaalang-alang
ang mga simblo na dapat gamitin sa pagwawasto ng papel.

1. Kung hindi nman valid, kinakailangan siguro ang higit pang pag-aaral hinggil
dito sa pammagitan ng pagbibigay ng batayam o saligan kung paano nakuha
ang mga ideyang ipapahayag. Malapit ang mga ito sa kasanayan sa pagkilala
kung ang mga ideyang ipinahahayag ay katotohanan o opinyon lamang.
38
2. Ang isang matalinOng mambabasa ay mahusay magsuri ng tekstong
kanyang binabasa. Napaglilimi-limi niya kung katanggap-tanggap ba ang mga
ideyang inilalahad dito o hindi.
3. Ano ang balid at hindi Valido?
4. Ang pagkakaiba lamangang opinyon ay maring masabing katanggap-tanggap
rin nman kung ang isasaalang-alang ay ang paggalang o rispetto sa taong
nagpapahayag nito. Tandaan natin, walang tama o maling opinyon?

Palalimin

Gawain 5: Copyreading101
Panuto: Gamit ang mga copyreading symbols na iyong natutunan, ituwid mo ang
sumusunod na ulat o balita ng Pilipinas Star Ngayon na inilathala noong 12:00AM
ng ika 31 ng Hulyo, 2020 sa kanilang website. Isa sa mga kalikalasan ng balita ay
ang pagkakaroon ng isang pangungusap sa bawat talata, kung kaya’t ang ayos na
nasa ibaba ay likas ito para sa nasabing uri ng dyurnalistikong artikulo, ngunit
mayroon pa ring sinadyang maliin upang iyong iwasto. Gumamit ng lapis sa
pagtutuwid.

Pinas nalagpasan na ang China sa COVID-19 cases

MANILA, Philippinis — Nalagpasan na ng Pilipinas ang bilang ng positibong kaso


ng COVID-20 ng Chinas kung saan nagmula ang virus

“Hindi tayo mag-panic kailangan kapag nakakarinig tayo ng malalaking numero,”


pahayag naman ni Health secretary Maria Rosario Vergeire.

Sinabi ni Vergeire na ayos lang magkaroon ng paghahalintulad dahil sa


gumagawa ng benchmarking ngunit mahirap umanong pagkumparahin ang
Pilipinas at Taiwan dahil sa iba’t ibang kun-disyon.
“Ang sa China naman ay iba yung sa kanilang datos. Iba ‘yung settings nila. ‘Yung
sa atin, nakakakita tayo ngayon ng pagtaas in specific areas of the country katulad
ng NCR,” ayon kay Vergeire.

Iginiit ni Vergeire na magkaiba ang ‘settings’ ng dalawang bansa at magkaiba rin


ang sistema sa kalusugan.

Noong Miyerkules, umakyat na sa 85,486 ang naitatalang kaso sa Pilipinas


habang ang China ay mayroong 84,060.

Muling itinuro ni Vergeire ang mga dahilan ng pagtaas ng kaso sa bansa tulad ng
pagpapaluwag sa mga ‘lockdown measures’, hindi pagsunod ng publiko sa health
39
standards at pagbabalik ng mga istranded na tao sa kani-kanilang mga bayan
Ngunit idiniin din ng opisyal ang mababang datos ng bilang ng nasasawi sa
Pilipinas na mas mababa pa sa tatlong porsyento ng kaso ng COVID-19.

Sinuportahan rin ng kagawaran ang localized lockdown kung saan hindi kailangan
na buong lungsod ang isasarado upang patuloy n mabuhay ang ekonomiya. Sinabi
ni Vergeire na naging epektibo naman ito sa ibang mga bansa

Gawain 6: Repleksyon
Panuto: Kopyahin ang sumusunod na mga tanong na nasa ibaba sa iyong
sagutang papel at subukang ibigay ang iyong hinuha, opinyon, o repleksyon sa
paksang ito.

Mga tanong:
I. Ano ang mga pagbabagong intelekwal na naranasan mo
pagkatapos ng paksang ito?

_______________________________________________

_______________________________________________

II. Paano mo ito ia-aplay sa iyong buhay bilang isang estudyante


o mamamayan ng isang lipunan?

_______________________________________________
_______________________________________________

III. Panahon ng mga Hapones


_____________________________________________________
_____________________________________________

40
Aralin
Pagsulat ng Posisyong Papel
2.4 (Position Paper)

Bago magpatuloy, subukin muna natin kung hanggang saan ang nalalaman
mo sa ating aralin sa pamamagitan ng pagsagot ng paunang-pagtataya sa susunod
na pahina .

Simulan

Gawain 1: Fact or Bluff


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na nasa ibaba. Pagkatapos, sagutin
ito ng “fact” kapag ito ay nagsasabi ng katotohanan o akma sa tinutukoy na sagot
kapag ito naman ay hindi akma sagutin ito ng “bluff”. Ilagay ang inyong sagot sa
hiwalay na sagutang papel.
______1.Sa intoduksyong bahagi ng posisyong papel ipinakikilala ang panauhing
pandangal siyang sentro ng paksa.
______2.Kailangan ang paliwanag sa mga katuwiran na inihayag sa iyong posisyong
papel.
______3.Hindi kailangan ang katuwiran ng kabilang panig sa pagsulat ng posisyong
papel.
______4.Maaring magbigay ng karagdagang ebidensiya sa iyong paliwanag para
lalong kapani-paniwala ang iyon paliwanag.
______5. Sa posisyong papel di dapat banggitin ang pangkahatang paninindigan sa
usapin.
______6. Kalimitang mababasa ang paksa sa unang bahagi ng posisyong papel.
______7.”Dapat nang ibalik ang parusang kamatayan” ay isang proposisyon.
______8. Sa isang posisyon papel sapat nang maibahagi ang saloobin sa isang
paksa ng may paninindigan.
______9. “Gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang alternatibong anggamot.”
isang proposisyon.
______10. Ang posisyong papel ay isang sulatin na paninindigan lamang ng isang
indibidwal.

41
Para mas lalo mong maunawaan ang aralin, kailangang gawin ang
mga sumusunod na gawain. Handa ka na ba? Simulan na, subukan ang
galing!

Gawain 2: May Paninindigan Ka ba?


Panuto: Basahin ang sumusunod na usapan ng magkumare. Alamin kung ano ang
kanilang posisyon sa isang paksa at tukuyin ang katuwirang sumusuporta at
katuwirang kumukontra. Gamitin ang teybol sa ibaba para sa inyong sagot na
nasa nakalaang sagutang papel.

Isang araw nagkita ang magkumareng Jona at Lina sa palengke.

Jona: “Oh, mareng Lina! Kumusta nakabili ka na ba ng gadyet


Lina: “Mare kaw pala! Lam mo Mareng Jona ang dalawa kong anak ayokong
mahawa sa kumakalat na virus nakakatakot kaya kailangan kong bumili ng
multi-vitamins pampalakas ng kanilang resistensya. Mahirap na!
Di muna sila papasok mare hangga’t walang bakuna sa COVID-19.
“Dapat nang suspendihin ang pagsisimula ng klase sa Agosto”
Jona: “Ay mare sayang naman ang isang taon” Di naman sa kontra ako sa iyo
mare, pero ang DepEd ay pinanhahadaan naman ay tugon sa edukasyon
na di kailangang pumasok sa paaralan. May alternatibong paraan silang
isasagawa gaya ng Distance learning. May module na ibibigay na maaring
nakalimbag o kaya eh online / offline na modyul, Mare!
Lina: Sabihin mo ngang ganun mare eh kulang naman kami sa gamit gaya ng
smartphone, Tablet at internet connection para sa online learning na yan.
Imbes na pambili ko ng pagkain eh mapupunta pa sa pagbili ko ng gadyet
at load.

Posisyon Katuwirang Katuwirang


Sumosuporta Kumokontra

42
Lakbayin

Gawain 3: Dunong Sagwan

Ano nga ba ang posisyong papel? Ano nga ba ang dahilan bakit sumusulat
ng posisyong papel may kaugnayan na ito sa iyong paninindigan sa buhay?

Mas maiintidihan ang mga ito kung sasamahan mo ako sa pagbasa sa ating
aralin. Halika na’t simulant ng magbasa, isagwan dunong tungo paglawak ng iyong
kaalaman.

Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na


paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensya para
suportahan ang paninindigan. Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng
sumulatm mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwiran ng kataliwas
o katunggaling panig. Karaniwang maikli lamang ang posisyong papel, isa o
dalawang pahina lamang, upang mas madali itong mabasa at maintindihan ng
mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paninindigan ng sumulat ng
posisyong papel.
Maraming dahilan kung bakit makabuluhang sumulat ng posisyong papel.
Sa panig ng may akda, nakakatulong ang pagsulat ng posisyong papel upang
mapalalim ang pagkakaunawa niya sa isang tiyak na isyu. Pagkakataon ito para sa
may akda na magtipon ng datos, organisahin ang mga ito, at bumuo ng isang
malinaw na paninindigan tungkol sa isang usapin.
Para sa lipunan naman, ang posisyong papel ay tumutulong para maging
malay ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa usaping panlipunan.
Mahalagang pagtuunan ang dalawang salitang paulit-ulit na gagamitin sa
aralling ito ang katuwiran at paninindigan. Mas magandang gamitin ang katuwiran
kaysa sa argumento at paninindigan kaysa sa posisyon. Ang katuwiran ay galing sa
salitang tuwid na nangangahulugang tama, maayos, may direksyon at layon. Ang
paninindigan naman ay salitang galing sa tindig na nangangahulugang pagtayo,
pagtatanggol at paglaban, at maari ding pagiging tama.

Natutuwa ako pagkat nakarating ka na sa bahaging ito. Nawa’y dagdagan


mo pa ang pagsagwan nang marating mo ang layon.

Ngayong may sapat ka ng alam sa kung ano ang katuturan ng posisyong


papel. Tukuyin naman natin ang mga hakbang kung pano ito sulatin. Hand aka na
ba? Simulan na natin.

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Tiyakin ang paksa


May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa ng
posisyong papel. Una, puwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping
43
kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa, pwedeng tugon lamang ito sa isang
suliraning panlipunan.
Sa una, karaniwang ang posisyong papel ay binubuo para sumangkot sa
isang napapanahong usaping panlipunan na pinagtatalunan. Halimbawa, ang
legalisasyon ng marijuana. Noon, hindi sumagi sa isip ng marami na gawing leagal
ang paggamit nito. Ngunit nang matuklasan ang medical na benepisyo ng
marijuana, nagkaroon ng dalawang makatuwirang panig sa isyu. Sa isang panig,
naroon ang mga magulang at simbahan na di-pabor sa legalisasyon sa paggamit ng
marijuana. Sa kabilang banda naman, naroon ang mga magulang din ng mga may
malubhang karamdaman at ilang doctor na pabor sa legalisasyon. Maaaring
sumulat ng posisyong papel para suportahan ang dalawang panig at sumangkot sa
kasalukuyang debate tungkol sa usapin.
Sa pangalawa, maari din naman bumuo ng posisyong papel bunsod ng isang
napansing problema sa kapaligiran o sa lipunan. Halimbawa, ang pagbabalik ng
death penalty. Maaaring hindi naman ito mainit na pinag-uusapan, pero kung may
nakapansin na lumalala na naman ang krimen sa lipunan, maaaring pasiglahin
ang pagtatalo hinggil sa pagbuhay sa parusang kamatayan.

2. Gumawa ng panimulang saliksik


Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik. Lalo na kung
napapanahon ang isyu, maaring magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-tanong ng
opinion sa mga taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkakaunawa
sa usapin. Sikaping maging bukas muna ang isip para makabuo ng matalino at
makatuwirang posisyon. Iwasan munang kumiling sa isang panig na maaaring
humadlang para makita ang iba’t ibang pananaw sa usapin.

3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inhanay na mga katuwiran


Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig upang
matimbang ang dalawang posisyon. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga
katuwiran sa dalawang hanayan para magkaroon ng biswal na representansyon ng
mga ito. Maaari ding pagtapat-tapatin ang bawat katuwiran at kontra-katuwiran
para Makita kung alin ang walang katapat o hindi pa nasasagot. Tandaan na hindi
ito pahabaan ng listahan ng katuwiran. Kailangan ang bigat at halaga ng bawat isa
upang makabuo ng sariling paninindigan.

4. Gumawa ng mas malalim na saliksik


Matapos matiyal ang sariling paninindigan sa isyu, maaaring magsagawa ng
mas malawakan at malaliman saliksik tungkol sa usapin. Sa yugtong ito, maaaring
patuunan na ang mga katuwiran para sa panig na napiling panindigan. Maaaring
sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. Maaaring makipanayamm sa
mga taong may awtoridad sa paksang pinagtatalunan. Mahalaga ring gumamit ng
mga mga ulat ng ahensiya ng pamahalaan, NGO, pribading organisasyon,
pahayagan at magasin upang makapagtampok ng napapanahong mga datos o
impormasyon.

44
5. Bumuo ng balangkas
Matapos matipin ang mga datos, gumawa ng balangkas para matiyak ang
direksyon ng pagsulat ng posisyong papel. Maaring gamitin ang gabay ang
sumusunod na huwaran:

 Introduksiyon-ipakilala ang paksa. Dito ipaliwanag ang konteksto ng


usapin. Maari na ring banggaitin ditto ang pangkalahatang paninindigan
sa usapin.
 Mga Katuwiran ng Kabilang Panig.-Ipaliwanag nang bahagya ang bawat
katuwiran. Banggitin din ang sanggunian o pinagkunan ng katuwirang
ito-mga dokumento, memorandum, interbyu at iba pa.
 Mga Sariling Katuwiran- Isa-isa naman ihanay rito ang sariling
katuwiran. Sikaping may katapat na katuwiran ang bawat isa sa
kabilang panig. Bukod ditto, maari ding magbigay ng iba pang katuwiran
kahit wala itong katapat. Sa gayon, maipakita ang kalamangan ng
sariling paninindigan.
 Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran-dito maararing palawigin ang
paliwanag sa sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay ditto ng
karangdagang ebedinsya para lalong maging kapani-paniwala ang sarilin
mga katuwiran.
 Huling paliwanag kung bakit ang napiling paninindigan ang dapat
lagumin ditto ang mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling
paninindigan ang pinakamabuti at karapat-dapat.
 Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o mungkahing pagkilos-Sa isa
o dalawang pangungusap na medaling tandaan, muling ipahayag ang
paninindigan. Sikaping gawing maikli, malinaw at medaling tandaan ang
huling pahayag.

6. Sulatin ang posisyong papel


Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang posisyong
papel. Kailangan buo ang tiwala sa paninindigan at mga katuwiran. Kailangang
maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa na kapani-paniwal ang mga sinabi
sa posisyong papel. Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin. Patunayan na
ang sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.

7. Ibahagi ang posisyong papel


Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publliko.
Maaaring magparami ng kopya at ipamigay sa komunidad, ipaskil sa mga mataong
lugar, ipalathala sa diyaryo, estasyon ng radio at telebisyon o kaya sa social media
upang maabot ang mas maraming mambabasa.

45
Galugarin

Gawain 4: Layag-Diwa
Pahayag para sa Pagpapatibay sa Wikang Filipino bilang mga Sabjek sa Kolehiyo

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas


Kolehiyo ng Arte at Literatura
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
18 Hunyo 2014
1. Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipin at Panitikan ng Pilipinas ay
matinding tumututol sa pagbabago sa siyam na yunit na kahingian sa wikang
Filipino sa General Education Curriculum ng Commission on Higher Education
(CHED) sa pamamagitan ng ipinalabas na CHED Memorandum Order No, 20
Series of 2013. Naniniwala Kaming ang panukala ng CHED Memorandum
Order N0. 20 Series of 2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa
kasaysayan, karunungan, at diwa ng kasarinlang mahabang panahon
ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Filipino.
2. Narito an gaming batayan.
3. Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang
Filipino sa kolehiyo. Ang pagsasabing ang walong core GE ay maaring ituo sa
Ingles o Filipino ay mapanlinlang. Mula sa umiiral na sitwasyong may tiyak na
siyam nay unit ng wikang Filipino, inilalagay na ngayon ang kapalaran ng wika
sa kamay ng mga unibersidad, kolehiyo, departamento, mga guro’t mag-aaral,
gayundin sa iba pang mga puwersa sa loob at labas na akademiya. Ang
kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na maaring ituro kapuwa sa Filipino at
Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika, bukod pa sa
malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ang inimaheng “wika ng
edukado” at “wikang susi ng kaunlaran”
4. Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang
lehitimong dominyo ng karunungan. Sa bagong GE Curriculum, nababanggit
lamang ang Filipino, kahanay ng Ingles bilang midyum o daluyan ng
pagtuturo. Binabalewala ng ganitong pagtingin ang integridad ng wikang
Filipino bilang ganap na dominyo ng karunungan at isa ring paraan ng pag-
unawa sa lipunan at sa mundo, na dominyo ng karunungan at isa ring paraan
ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo, at kung gayon, nag-aambag sa
pagpanday ng kaisipan at pananagutan sa lipunan.
5. Pangatlo, ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa
kasaysayan ng wikang pambansa at mapagtakdang papel ng wika sa
pagpapaunlad ng isang bayan.
6. Ang wikang Filipino ay kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan na
ang wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa Sistema ng edukasyon noong
dekada 1940, hanggang sa maing midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng
Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970 yumabong na ang Filipino bilang
46
isang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang pandaigdig. Isa
rin itong maunlad na larangan-maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng iba’t
ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal na ugnayan nito sa ibang laramgan
gaya ng pantikan, pilosopiya, anteopolohiya, kasaysayan, sikolohiya at
politika. Isa sa mahahalagang trajectory ng pag-unlad ng Filipino ay ang
intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng ipinunlang kasanayan at oryentasyon
sa mga kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba sa senior high school ang
pagtuturo ng mga kasanayan nararapat kung gayon na maging lunan pa ang
mga kursong GE sa Filipino ng pagsustine sa pagpapaunlad ng gamit ng
Filipino sa mga diskursong panlipunan sa iba’t ibang disiplina
7. Ang wikang Filipino ay identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan ang
wikang Filipino, dahil nasa wika mismo ang kaalaman sa sariling pisikal at di-
pisikal na daigdig hindi lamang usapin ng wikang panturo ang Filipino kundi
usapin higit na pagkilala sa pagka-Filipino. Sasaklawin ng sabjek na Filipino
ang iba’t ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Filipino na
magpapatibay sa pagkaugat ng mg estudyante sa sariling identidad. Ito ang
magiging matibay na pundasyon ng mag-aaral upang maging handa sa
pagharap sa mabilis na pagbabago ng kasaysayang global ngayon
8. Ang wikang Filipino ay susi ng kaalaman bayan. Nasa wika ang pagtatanyag
ng kaalamang-lokal mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa
bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang
dunong-bayan at kaalamang pinanday sa akademiya. Layuni dapat ng
edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong-bayan na
pakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersiyarya
ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing
kapaki-pakinabang ang at makinapili nilang disiplina sa pang-araw-araw na
buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga mag-aaral sa UP
Manila sa pagbibigay nila ng srbisyong pangkalusugan sa mamamayan.
Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipan gtalastasan sa wikang
Filipino upang mapakinabang ng mamamayan ang kanilang kaalaman.
9. Pang-apat ang pagtatanggol ng siyam nay unit ng Filipino sa kolehiyo ay isang
anyo ng karanasang pangkamalayan. Nilulusaw nito ang pagpapahalaga sa
kasaysayan at kabihasnang tanging wikang Filipino ang makapagpapaliwanag.
Ang pagsisikap ng ating mga ninuno sa pagkilala sa galing at integridad ng
lahing Filipino ay mapapalis kung hindi ito maipapakilala sa wikang
nakakaunawa ng pasakit at pakikipagsapalaran ibinuwis nila makamit lang
ang kasarinlan
10. Napatagumpayan nan g mga naunang bayani ng bayan ang mga tinatamasa
nating pagkilala sa wikang Filipino bilang isang wikang mayaman at taglay ang
karunungang matalas at nangunguna sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.
Nasa wikang Filipino ang karunungang makapagpapatulos ng pagka-Filipino
sa mabilis na nagbabagong daigdig.
11. Buo ang pagkilala naming na ang layunin ng higher education at general
education na pumanday ng mga estudyante na may matatag na pagkilala sa
kanilang kasaysayan at tungkulin bilang Pilipino , ay hinding-hindi matatamo

47
kung ang pangunahing kasangkapan para matamo ito-ang wikang Filipino-ay
buburahin ng institusyon na dapat sanay nagtataguyod at pumapanday nito.
12. Kaya kaming mga guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino
kasa na kaming mga kapuwa guro, manunulat, mananaliksik, at artistang
nagmamahal sa wika at kaalamang Filipino at naininindigang dapat ituro ang
Filipino bilang regular na kurso sa antas tersiyarya.
13. Ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa kolehiyo!
14. Ibasura ang CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013!

Palalimin

Gawain 5: Lambat-Datos
Panuto: Suriin ang posisyong papel. Isaalang-alang ang mga sumusunod na gabay
sa pagsusuri. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel para sa pagsusuri.

1. Ano ang paksa o usapin ng posisyong papel?


__________________________________________________________________________
2. Sino ang sumulat ng posisyong papel?
__________________________________________________________________________
3. Sino ang may kataliwas na paninindigan?
__________________________________________________________________________
4. Ano ang paninindigan ng sumulat ng posisyong papel na ito?
__________________________________________________________________________
5. Ano-ano ang ginamit na katuwiran para suportahan ang paninindigang ito?
__________________________________________________________________________
6. Ano-ano ang hinihiling na aksiyon ng posisyong papel mula sa publiko?
___________________________________________________________________________
7. Sa palagay mo, sapat ba ang paliwanag sa bawat katuwiran para paniwalan
ito?
__________________________________________________________________________
8. Sino kaya ang nais maabot ng posisyong papel na ito?
___________________________________________________________________________
9. Alin sa mga gabay sa Dunong-Sagwan ang nasunod at di-nasunod sa
halimbawang ito?
___________________________________________________________________________
10. Nahikayat ka ba ng paninindigan na nakalahad sa posisyong papel na ito?
Bakit?
___________________________________________________________________________

Gawain 6: Lambat-Datos
Panuto: Basahin at unawain ang posisyong papel na nasa sa ibaba. Pagkatapos,
isulat sa teybol sa ibaba ang iyong sagot na naaayon sa impormasyong hinihingi.

48
Posted on August 13, 2017 by unstapamelvz
LIBRENG EDUKASYON SA KOLEHIYO PARA SA LAHAT: DAPAT ISULONG
UPANG MATUGUNAN ANG KAHIRAPAN NG MAMAYANG PILIPINO.
Paninindigan ni Ginoong Melvin Rosetes sa karapatan ng bawat Pilipino sa pag
sulong ng Libreng Matrikula sa Kolehiyo

Gawing libre ang matrikula sa kolehiyo upang matulungan ang mga mahihirap
sa panahon ngayon.

Isinagawa ni Duterte ang pagpirma sa kabila ng pag-aalangan ng ilang miyembro


ng economic team niya sa gagastusin ng gobyerno upang pasanin ang libreng
tuition.

Nauna nang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na maaaring hindi


kayanin ng gobyerno na pasanin ang libreng tuition sa SUCs, at maaaring
maglabas ng P100 bilyon ang gobyerno kada taon para rito sakaling maging batas
ang panukala.

Isinaalang-alang naman umano ng pangulo ang pangmatagalang epekto at


benepisyo na idudulot ng libreng tuition sa publiko, ayon kay Guevarra.

Dagdag pa ni Guevarra, maaaring ibinase ni Diokno ang kanyang kalkulasyon sa


pag-aakalang ipatutupad nang sabay-sabay ang lahat ng aspekto ng batas,
kasama na ang mga non-mandatory provision.

Base sa datos ng Commission on Higher Education, kakailanganin ng inisyal na


halagang P16 bilyon upang maipatupad ang mga kondisyon ng batas, gaya ng
libreng tuition at miscellaneous fees, ani Guevarra.

Ngayong pirmado na ang libreng tuition, nasa Kongreso na ang hamon para
hanapan ng pondo ang implementasyon ng batas. Tiniyak din ni House committee
on appropriations chair Rep. Karlo Nograles na may lugar para rito sa isinumiteng
P3.7 trilyon na proposed budget para sa susunod na taon.

Tinatantiya pa ng Department of Budget and Management kung magkano ang


gagastusin ng gobyerno para malaman kung magkano ang maaaring pondohan
mula sa 2018 budget.

Kung magkataon, maaaring kailanganin ang isang supplemental budget para rito.

Umaasa na rin ang gobyerno na makatanggap ng tulong at grants mula sa mga


lokal at international donors para maipatupad ang batas.

Magiging epektibo man ang batas 15 araw matapos itong maimprenta sa diyaryong
na may pangmalawakang sirkulasyon sa bansa, mararamdaman naman umano
ang mga benepisyong dulot nito sa susunod na enrollment.

49
Sa unang semestre pa ng school year 2018-2019 maaaring ipatupad ang libreng
tuition dahil hindi retroactive ang implementasyon ng batas, ayon kay Diokno.

Magtatatag naman ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary
Education board ng isang fund upang magbigay ng tulong pinansiyal para sa iba
pang gastusin sa pag-aaral, gaya ng mga libro, matitirahan ng estudyante, student
loans, at scholarships.

Ang mga bibigyan ng tulong-pinansiyal sa pag-aaral maliban sa libreng tuition ay


iyong mga ‘bottom 20 percent’ ng mga estudyante, o iyong mga nasa
pinakamababa ang estado sa buhay.
Tanong Sagot / Tugon
Paksa

Mga Katuwiran ng
Kabilang Panig

Mga Sariling Katuwiran

Mga Pansuporta sa
Sariling Katuwiran
Muling Pagpapahahayag
ng Paninindigan o
Mungkahing Pagkilos
Mga Ahensiya o
Awtoridad na ginamit
para sa kredibilidad ng
posisyong papel

50
Aralin
Pagsulat ng Replektibog
2.5 Sanaysay

Simulan

Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na
kaalaman tungkol sa kasunod na paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Gawain 1: Maalaala Mo Kaya


Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, magtala ng iyong sariling karanasan
na hindi malilimutan na nagbigay sa iyo ng aral. Isulat mo ang iyong sagot
sagutang papel.

Mga Karanasang Hindi Malilimutan

Hindi malilimutan dahil Hindi malilimutan dahil Hindi malilimutan dahil

51
Ang aking natutunan ay

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang replektibong sanaysay ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi


Iamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa
pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa. Maaaring
sabihing isa itong akademikong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol
sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan. Ito ay sa kadahilanang
inaasahan na ang mambabasa ay nagsusuri din at humuhusga sa halaga, bigat, at
katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa piyesa.

Taliwas sa sinasabi ng karamihan, hindi madali ang pagsulat ng


replektibong sanaysay o ang mismong replektibong pagsulat. Bilang manunulat at
indibidwal, may mga pagkakataong nais mo na lamang itago sa iyong kalooban ang
ilang mga personal na salaysay at hindi na paabutin ang mga ito sa iyong panulat
(University of Reading). Sa mga ganitong pagkakataon, kinakailangan ang tibay ng
kalooban, maging matalino sa pagpili ng mga salita, at piliing maging obhetibo sa
pagsasalaysay. Sa kabila ng lahat, ang mga manunulat naman ay narito upang
tumulong sa pagpapahusay at pagpapabuti ng sangkatauhan.
Ang terminong Repleksyon ay nangangahulugan ng pagbabalik tanaw.
Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang
anyong tuluyan o prosa. Ang Replektibong Sanaysay ay angangailangan ng sariling
perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isa itong masining na pagsulat na
may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na
pangyayari.

Layunin ng Replektibong sanaysay


Nais iparating ng replektibong sanaysayn ang pansariling karanasan at
natuklasan sa pananaliksik. Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na
mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung
maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian

52
Mga Konsiderasyon sa Pagsulat ng Replektibong sanaysay
 Naglalahad ng interpretasyon.
 Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang gamitin.
 Pagandahin ang panimulang bahagi.
 Nagtatalakay ng ibat-ibang aspeto ng karanasan.
 Ang konklusyon ay dapat magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay.
 Ang malinaw at direktang punto de vista ay mabisa upang makuha agad ng
mambabasa ang kaniyang ideya.
 Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon.

Mga Halimbawa ng Literaturang Replektibong sanaysay:

Proposal konseptong papel editorial sanaysay talumpati

Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay


1. Panimula
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o
gawain. Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa.
Ang mahalaga ay mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na
pupukaw sa interes ng mambabasa.
2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang
maigting na damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at
natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga
manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang
kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at
kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito..
Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa
pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.

53
Lakbayin

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng replektibong sanaysay. Pagkatapos,


sagutin ang mga sumusunod na tanong na nasa ibaba ng replektibong sanaysay.
Simulan na! Alam kong kayang-kaya mo yan sa taglay mong galing at sipag lahat
ay matatapos sa ayon sa inaasahan. Galingan.
Finish Line

Abril 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa


Filipino. May titser na sina Aling Auring at Mang Primo.Tandang-tanda ko pa ang
butas ng karayom na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man, sinuong ko ang
bagyong signal kuwatro.
Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang mag-aaral lamang
noon na nagsikap makapasa sa entrance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa
EARIST. Isa rin ako sa kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP.
Banta ko sa unibersidad na iyon, babalik ako ngunit wala akong duduruging
anuman (may himig yata iyon ng pagka-GMA telebabad).
Nakapasa ako. Namuhay nga ako ng apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan
ako sa mga propesor para sa ulat at grado. Naghabol din ako sa pasahan ng mga
proyekto. Marami akong hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng
cashier at registrar. Maikli pa naman ang pila noon. Humahabol ako sa mga
kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation. Hinabol ko ang aking
mga kamag-aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y nakipaghabulan. Pati
guwardiya ay hinabol na rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.
Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa paghabol upang marating ang
finish line. Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan—ang
diploma ko.
Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado. Doon ay
nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban.Isang hapon iyon nang
ikuwento ko sa aking mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa rin sa Filipino ang
aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng klase,” biro pa ng
mga mambobolang Filipino major.
“Parati tayong may hinahabol. lyon ay dahil sa may gusto tayong makamit.
Ang mahalaga matapos ng paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka
babalik. Ako ay inyong guro pero babalik at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko.
May mga pagkakataong ako ang inyong mag-aaral. Natututo ako sa mga
pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko ang aking sarili,” dagdag-hirit ko sa kanila.
“Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas.”

Gawain 2: Lambat-Datos

Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan.


1. Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong sanaysay?
_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

54
2. Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng replektibong
sanaysay?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng


repleksiyon?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

4. Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

5. Ano ang mahahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng replektibong


sanaysay? Bakit?
_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

Gawain 3: Isabuhay Mo Na

Balikan ang binasang replektibong sanaysay (Finish Line). Pagkatapos,


tukuyin ang mahalagang aral na pumukaw sa iyong isipan at bigyan ng
repleksiyong pansarili.
Mahahalagang aral na pumukaw sa aking kaisipan:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pag-uugnay sa sariling karanasan:


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

55
Pagsasabuhay sa natuklasan sa iyong sarili.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Galugarin

“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”


Sa panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang


walang katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong
‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay
walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit
na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating
buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at
makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating lipunang
kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay
nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging
sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-
unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng
edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa
gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa
makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang
edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi


kong ako ay parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay
masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa
akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa
aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga
matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan
kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga karaniwang talakayin,
prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito
rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang
ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t
ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking daldalhin
habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Ang
karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.

Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala
akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang
bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang
tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa
kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating
ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na
56
lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado kasama ng
kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko
mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay
tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga
magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko
itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya
ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong
buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang
katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag


at umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi
naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa
mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong
alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang
maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro
sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa panahong iyon subalit
napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag
subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin
ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko
rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman ang batid na
ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang
lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng
aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan
mula sa ating mga guro nararapat ding maunawaan natin ang tunay na
karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at
nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa
kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap
sa buhay.

Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang
sa aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga
prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng
aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa
ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon
nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing
proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano
mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.

Gawain 4: Matutukoy mo ba?

Panuto: Basahin at unawain ang halimabwa ng replektibong sanaysay ukol sa Pag-


ibig sa Edukasyon. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

1. Ano ang mga mahahalagang tinalakay ng may-akda ukol sa kanyang paksa na


tinalakay sa bahaging introduksyon ng replektibong sanaysay? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
57
2. Paano niya ito sinuportahan o bingiyang halaga sa katawan ng replektibong
sanaysay? Bigyang patunay at ipaliwanag ito.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bilang pagtatapos ng kanyang sanaysay, ano ang nagging konklusyon ng


manunulat sa paksang kanyang tinalakay na nagbigay ng kanyang aral o
repleksiyon sa kanyang buhay. Patunayan sa pamamagitan ng pagbanggit sa
mga mga sinabi sa akda at bigyan ito ng paliwanag.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Palalimin

Gawain 5: Likhain Mo, Opinyon Mo Mahalaga

Panuto: Sumulat ng isang replektibong sanaysay na naglalahad ng iyong sariling


karanasan (positibo o negatibo) na hindi malilimutan na nagbigay sa iyo ng
realisasyon matamo ang kabatiran ng mga bagay-bagay sa buhay. Ang iyong
sulatin ay dapat magtaglay ng magandang panimula, may nakakaakit na katawan
at may nakakaantig na repleksiyon ukol sa iyong karanasan sa buhay. Subukang
magsulat, hindi mo kailangan maging magaling para magsimula kailangan
lang magsimula patungo sa pagiging magaling. Sulat na! Magtiwala sa
sarili.

____________________________________________________
Pamagat
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

58
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput

Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad Nangangailangan


ng gabay (2)
(10) (8) (6) (4)

Panimula Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nangangailangang


napakahusay, mahusay na katamtamang papaunlad na paunlarin ang
interaktibo at panimula paraan ng kasanayan sa kasanayan sa
kawili-wiling pagsulat ng pagsulat ng pagsulat
panimula panimula panimula

Nilalaman Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Hindi naisulat ang
katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa
mga suportang dalawang idea na isang idea na magkakaibang paksang dapat
idea na tumutugon sa tumutugon sa idea na tumutugon talakayin
tumutugon sa kabuoan ng bahagi ng sa kabuoan ng
kabuoan ng sanaysay batay sanaysay batay sanaysay batay sa
sanaysay batay sa isyung sa isyung isyung tinatalakay
sa isyung tinatalakay tinatalakay
tinatalakay

Transisyong Nakagamit ng Nakagamit ng Katamtamang Papaunlad ang Nangangailangan


Talata katangi-tanging transisyong talata nakagamit ng pagkakagamit ng ng gabay sa
transisyong talata ayon sa tunguhin transisyong talata transisyong talata pagsulat at
ayon sa tunguhin ng buong ayon sa tunguhin paggamit ng
ng buong sanaysay ng buong transisyong talata
sanaysay sanaysay

Kongklusyon Naibuod nang Naibuod ang Katamtamang Papaunlad ang Hindi naibuod
buong husay ang sanaysay ayon sa naibuod ang pagkakabuod ng nang tama ang
sanaysay ayon sa tiyak na sanaysay ayon sa buong sanaysay sanaysay.
pangkabuoang kaisipan/mensahe kaisipan/mensahe
kaisipan/mensahe

Gramatika Mahusay na Nailapat ang Katamtamang Papaunlad ang Hindi nailapat ang
nailapat ang wastong nailapat ang pagkakalapat ng wastong gramatika
wastong gramatika sa wastong wastong sa sanaysay
gramatika sa kabuoan ng gramatika sa gramatika sa
kabuoan ng sanaysay nang sanaysay sanaysay
sanaysay may kakaunting
kamalian

59
Sukatin

I. MULTIPLE CHOICE. Basahin ang mga sumusunod na katanungan/pahayag at


piliin ang titik ng pinakatamang sagot ayon sa learning material na ito at ayon na
rin sa iyong pagkakaintindi ng bawat aytem. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot
sa iyong sagutang papel.

_____1. Alin sa mga sumusunod na layunin ng humanidades ang pinakatunguhin


ng nasabing aspekto ayon kay J. Irwin Miller?
A. Gawin tayong tao sapagkat hindi tayo marunong makitao
B. Gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito
C. Gawing humane o makatao ang tao para maging pinakamataas sa
lahat
D. Gawing pinakamataas na species ang tao sa lahat ng aspektO

_____2. Ang mga sumusunod ay mga larangan ng humanidades, alin sa mga


sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit na larangan?
A. Kemestri C. Pilosopiya
B. Panitikan D. Sining

_____3. Sino ang sumulat ng “The Art of the Travel Essay” na naniniwala ring ang
isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng
mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay?
A. Elcomblus C. Nonong Carandang
B. J. Irwin Miller D. Patti Marxsen

_____4. “Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng


lugar. Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga
mamamayan sa isang partikular na komunidad.” Sinong awtor ang lumikha ng
depinisyon ng lakbay-sanaysay na iyong nabasa?
A. Elcomblus C. Nonong Carandang
B. J. Irwin Miller D. Patti Marxsen
C.
_____5. Ayon kay N. Carandang, ang lakbay-sanaysay ay mayroong tatlong
mahahalagang konsepto. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa binanggit
ng awtor sa kaniyang pagpapaliwanag?
A. Lakbay C. Sanaysay
B. Sanay D. Saysay

_____6. Kung bibigyan ng sintesis ang mga rekomendasyon ng iba’t ibang awtor sa
iyong binasang learning material, alin kaya sa mga sumusunod ang least o
pinakahuling paksang maaring isusulat ng awtor ng isang lakbay-sanaysay?
A. Mismong karanasan ng awtor
B. Kasaysayan ng isang lugar
C. Pagtuligsa sa gobyerno o mamamayan ng lugar na pinuntahan
D. Mga paraan o estratehiya upang mapuntahan ang lugar na inilathala

60
_____7. Basahin at unawain ang mga sumusunod na mungkahing gabay sa
pagsulat ng lakbay-sanaysay pagkatapos ang ayusin ang pagkakasunod-sunod
nito kung kinakailangan. Piliin ang titik ng iyong napiling sagot.
I. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsa!iksik o
magbasa tungkol sa kasaysayan nito.
II. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
III. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng
paningin, talasan ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at
pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.
IV. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag
gamit ang mga malikhaing elemento.
A. I, II, III, IV C. I, III, II, IV
B. IV, III, II, I D. I, IV, III, II

_____8. Anong perspektibo o punto-de-bista (panauhan) naisusulat ang lakbay-


sanaysay?
A. Ikalawa C. Malaya
B. Ikatlo D. Una

_____9. Ano ang pinaka-epektibong pormat ng sulatin naisusulat ang lakbay-


sanaysay upang matarget ang mga layunin nito?
A. Maikling Kwento C. Sanaysay
B. Nobela D. Tula

_____10. Ayon sa awtor ng learning module na ito, isa sa mga kagandahan ng


pagkakaroon ng kasanayan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang paglikha ng
kapangyarihang dalhin ang mga mambabasa sa lugar na napuntahan rin ng awtor
gamit ang ilang sangkap sa pagsulat ng nasabing artikulo. Paano ito makakamit?
A. Sa pamamagitan ng analitikal na kasanayan sa mga datos na
isusulat
B. Sa pamamagitan ng mga kasanayan, estratehiya, elemento ng
pagsulat at maging ang holistikal na kasanayan ng isang
manunulat upang matarget ang mga layunin nito
C. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga larawan upang mas higit
na maintindihan ng mga mambabasa ang inilalarawan ng awtor
D. Sa pamamagitan ng pagtataglay ng research skills upang
masaliksik ang mga importanteng datos ng iyong susulating
sanaysay

_____11. Basahin ang sumusunod na talata at tukuyin kung anong metodolohiya o


estratehiya ang ginamit:
Halos magsara ang daluyan ng paghinga ni Odette, 43 taong gulang matapos
magpositibo sa covid-19 ayon sa espesyalistang nag-eksamin sa kanya. Impit na
iyak lamang ang maririnig mula sa bibig niyang nanginginig habang yakap-yakap
niya sa bewang ang noo’y positibo ring asawang si Lance. Bagaman nais pa nilang
mabuhay, kitang-kita naman sa mga kuko nilang nagbibitak-bitak at nangingitim na
dahil sa araw-araw na pangangalakal ng basura sa kahabaan ng Tondo.
A. Kronolohiya C. Paglilista
B. Paglalarawan D. Sanhi at Bunga

61
_____12. Basahin ang sumusunod na talata at tukuyin kung anong metodolohiya o
estratehiya ang ginamit:
Bago pa lamang magbagong taon (2020), hinikayat na ng mga pro-Pilipino
ang administrasyong Duterte na isara ang internasyunal na Paliparan ng Pilipinas
mula sa mga turista at mamamayan ng Tsina partikular na sa Wuhan upang
maiwasan ang paglaganap ng Covid-19 sa Pilipinas, ngunit dahil sa personal at
pang-alyansang kasunduan ng ating bansa sa bansang Tsina, hindi ito naisagawa
kung kaya’t sinisisi ang gobyerno ngayon dahil sa libo-libong kasong naitatala
araw-araw.
A. Epekto C. Paglilista
B. Pagkokompara D. Sanhi at Bunga

_____13. Ang pinakalayunin ng pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang pagkakaroon


ng kasiyahan at kakintalan sa mga mambabasa. Nagbibigay din ito ng impresyon
sa mga mambabasa na tatatak sa kanilang mga isipan upang higit itong
matandaan.
A. Awtor C. Mga detalye
B. Katapusan o konklusyon D. Proseso

_____14. Mabibigyan din ng pokus ang personalidad, pagpapahalaga o values,


kasanayan sa paglalakbay ang mismong awtor. Sapagkat maaaring maisulat sa
unang panauhan at impormal na estruktura ang isang lakbay-sanaysay, mas
mapapalapit at maiintindihan ng mambabasa ang tunay na layunin ng
tagapagsulat.
A. Awtor C. Panahon
B. Mga Detalye D. Proseso

_____15. Mahalaga ring malaman ng mga mambabasa kung kailan ang


pinakamagandang panahon, season o maging ang ispisikong oras para puntahan
ang isang lugar na inilalathala. Halimbawa ay ang 10, 000 Roses sa Cebu na mas
magandang pasyalan ng gabi kaysa tirik ang araw, ang Sunflower Maze sa
Pangasinan naman kapag summer, at Pebrero naman ang itinuturing na blooming
season at piyesta ng Panagbenga sa siyudad ng Baguio.
A. Awtor C. Panahon
B. Mga Detalye D. Proseso

_____16. Sinong awtor ang nagpahayag na ang isang imahe ay hindi lamang dapat
basta isang simpleng larawan, ito dapat ay isang pilosopiya.
A. Amit Kalantri C. Garcia (2016)
B. Collective Lens I Photography D. Lahat ng nabanggit
for Social Change

_____17. Alin sa mga sumusuno na konsepto ang tumutukoy sa masining at


kamangha-manghang pag-aayos ng mga larawan upang maglahad ng mga ideya?
A. Lakbay-sanaysay C. Posisyong Papel
B. Larawang sanaysay D. Replektibong sanaysay

_____18. Aling sangkap ng larawang sanaysay ang mayroon dapat journalistic feel
at kinakailangang maikli lamang ang mga salita sa paglalarawan?
A. Facts C. Pamagat
B. Larawan D. Teksto

62
_____19. Anong elemento ng larawang sanaysay ang tumutukoy sa barayti ng mga
imahe o larawan na gagamtin?
A. Kuwento C. Paglalarawan o caption
B. Pagkakaayos ng mga larawan D. Uri ng larawan

_____20. Ito ay isang uri ng larawan na maihahalintulad sa mga unang


pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahahalagang impormasyon na
sino, saan, kalian, at bakit.
A. Clincher photo C. Lead photo
B. Detail photo D. Scene
_____21. Ayon kay Garcia (2016), mayroong mga dapat isaalang-alang sa pagsulat
ng larawang-sanaysay, alin dito ang hindi umuugnay sa kaniyang mga ibinigay na
pahayag?
A. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
B. Isaalang-alang din ang perang gagamitin sa pambayad sa iyong
mga subject sa larawan sa kapalit ng kanilang pag-arte sa kamera
C. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
D. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.

_____22. Alin sa mga sumusunod na salik o dapat isaalang-alang sa pagsulat ng


larawang-sanaysay ang tumutukoy sa kronolohikal o hayrarkikal na
pagkakasunod-sunod ng mga larawang iyong gagawan ng sanaysay?
A. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
B. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
C. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit
ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay
rito ang mga larawan.
D. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing,
komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad
ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa
iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.

_____23. Kung ikaw ang mag-aanlalisa ng mga larawang wala pang sanaysay o
caption na magpapaliwang sa mga ito at nakita mo ang mga larawan ukol sa isang
indibidwal na naka-uniporme ng asul, nakasaludo sa kanilang hepe pagsikat pa
lamang ng araw sa umaga, inaalalayan ang mga tumatawid sa kalsada, nagsusulat
ng report sa araw na iyon, nakapugay sa watawat ng Pilipinas pagsapit ng hapon
ng Biyernes sa harapan ng isang munisipyo, uuwi sa kanilang tahanan at yakap-
yakap ang kaniyang mag-iina pagsapit naman ng gabi, ano kayang paksa ang
maaaring tumukoy sa mga ito base sa standard ng paglikha ng isang larawang
sanaysay?
A. Hindi totoo ang batas military
B. Isyung kinakaharap ng mga frontliners
C. Pagpapakitang gilas ni Mamang Lespu
D. Sa isang araw sa buhay ng isang tagapagpatupad ng batas

_____24. Magulo at hindi naglalahad ng kapani-paniwala at natatanging


kwento ang mga larawan na inilakip ni Michelle sa kanyang sanaysay kung kaya’t
nakakuha ito ng mababang marka mula sa kanyang guro. Anong salik ang HINDI
ikinonsidira ni Michael?
A. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
B. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.

63
C. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit
ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay
rito ang mga larawan.
D. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan.
Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga
salita

_____25. Si Marga ay inatasan ng kanyang guro na gumuwa ng isang pictorial


essay tungkol sa larong basketball. Namomoblema si Marga kung paano niya ito
gagawin sapagkat wala siyang kahilig-hilig sa ibinigay na paksa. Anong salik ang
HINDI ikinonsidira ni Marga?
A. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
B. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
C. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
D. Isaalang-alang din ang perang gagamitin sa pambayad sa iyong
mga subject sa larawan sa kapalit ng kanilang pag-arte sa kamera

II. Kumpletuhin ang kahon sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat ng mga simbolo


ng copyreading. Tiyakin na tama ang isusulat na mga simbolo. Isang puntos sa
bawat tamang simbolo. Kopyahin ang kahon at sagutan ito sa iyong sagutang
papel.

alisin (delete) 26.


pagdugtungin; tanggalin ang espasyo 27.

maglagay ng espasyo 28.


pagpalitin (transpose) 29.
bagong talata 30.
indent 31.

panatilihin/huwag baguhin 32.

i-posisyon sa gitna 33.


iurong pakaliwa (move left) 34.
iurong pakanan (move right) 35.
ayusin ang hanay (align vertically) 36.
maglagay ng panipi (isahin or dalawahan) 37.
maglagay ng tuldok 38.
maliit na titik (lower case) 39.
malaking titik 40.
boldface 41.
ibalik sa orihina 42.
italiko 43.
baybayin (spell out) 44.

64
III. Lambat-Likha. Panuto: Sumulat ng isang Posisyong Papel mula sa mga
nabanggit na proposisyon sa teybol na sumusunod sa huwarang balangkas ng
posisyong papel. Ang awtput ay mabibigyan ng puntos ayon sa pamantayan o
rubriks sa pagsulat ng sulatin. Isulat ang sagot o posisyong papel sa hiwalay na
papel.
Posisyon / Proposisyon

1. Dapat nang baguhin ang pagsisimula ng klase-mula Hunyo patungong Agosto.

2. Dapat na magsuot ng uniporme ang mga estudyante mula elementarya


hanggang kolehiyo.
3. Dapat na ipagbawal ang paggamit ng plastic sa lahat ng tindahan sa buong
bansa

4 Dapat nang ibalik ang parusang kamatayan.


5.Dapat nag awing legal ang paggamit ng marijuana sa panggagamot

Rubrik sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Pamantayan Puntos Iskor

Paksa: Naipapaliwanag ang konteksto ng 10


paninindigan sa posisyong papel

Mekaniks. Walang pagkakamaling 10


gramatikal

Teknikal. 10
1.Nasunod ang balangkas ng posisyong
papel

2.Nagsaliksik para akmang datos mula sa 10


ahensya, awtoridad, aklat, magasin,at
pahayagan para sa kredibilidad ng
posisyong papel.

3.Nagbigay ng katuwiran mula sa 10


magkabilang panig

50

_______________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
65
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

66
67
ARALIN 2.1 PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY (TRAVELOGUE)
Simulan
Gawain 1. Natatanging Lugar Iba-iba ang sagot.
Gawain 2. Alam-Nais-Natutuhan Iba-iba ang sagot.
Gawain 3. #Travelpamore Iba-iba ang sagot.
Gawain 4. SUKATIN NATIN Iba-iba ang sagot.
Gawain 5: Pagtapat-tapatin
1. D
2. C
3. A
4. E
5. B
Galugarin
Gawain 6: Anong Say Mo? Iba-iba ang sagot.
Gawain 7: What it takes to be a Travel V/Blogger? Iba-iba ang sagot.
Palalimin
Gawain 8. Suriin mo! Iba-iba ang sagot.
Gawain 9: Opinyon Ko, Mahalaga! Iba-iba ang sagot.
Susi sa Pagwawasto
68
ARALIN 2.2 PAGLIKHA NG LARAWANG SANAYSAY (PICTORIAL/PHOTO
ESSAY)
Simulan
Gawain 1: Bugtongan sa mga Letra
a. lamok-L
b. aklat-A
c. respeto-R
d. alon-A
e. walis-W
f. anay-A
g. niyog-N
SAGOT: LARAWAN
Gawain 2: Picture ko, Caption mo! Iba-iba ang sagot.
Gawain 3: Subukin ang Natutunan Iba-iba ang sagot.
Gawain 4: 1Pix-4words Iba-iba ang sagot.
Galugarin
Gawain 5: Larawang Kupas Iba-iba ang
sagot.
Gawain 6: Click o Shot Iba-iba ang sagot.
1. SHOT
2. CLICK
3. CLICK
4. CLICK
5. SHOT
Gawain 7: Dugtungan Tayo Iba-iba ang sagot.
Palalimin
Gawain 8: Silang Wala sa Mapa Iba-iba ang sagot.
Gawain 9: Photojournalist ng Taon! Iba-iba ang sagot.
69
ARALIN 2.3 PAGWAWASTO NG SIPI NG ISINULAT NA PAPEL
(COPYREADING)
Simulan
Gawain 1: Nasaan ang mali?
Gawain 5: Copyreading101
1. B 6. B
Palalimin
2. B 7. A
3. A 8. B
4. B 9. B
5. D 10. B
Gawain 2: Itama ang mga Pagkakamali Iba-iba ang sagot.
Galugarin
Gawain 3: Analitikal na Pag-iisip Iba-iba ang sagot.
Gawain 4: Ituwid Mo
70
Gawain 6: Repleksyon Iba-iba ang sagot.
Gawain 3: Dunong Sagwan 71 Iba-iba ang sagot.
Gawain 4: Layag-Diwa Iba-iba ang sagot.
Gawain 5: Lambat-Datos (Layag-Diwa) Iba-iba ang sagot.
Panuto: Suriin ang posisyong papel. Isaalang-alang ang mga sumusunod na gabay
sa pagsusuri. Maaaring gumamit ng hiwalay na papel para sa pagsusuri.
1. Ano ang paksa o usapin ng posisyong papel?
Ang paksa ay tungkol ay ang matinding pagtutol sa pagbabago sa siyam na
yunit na kahingian sa wikang Filipino sa General Education Curriculum ng
Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng ipinalabas na
CHED Memorandum Order No, 20 Series of 2013.
2. Sino ang sumulat ng posisyong papel?
Sinulat ang posisyong papel na ito ng mga propesor ng Departamento ng
Filipin at Panitikan ng Pilipinas.
3. Sino ang may kataliwas na paninindigan?
Ang may kataliwas na paninindigan ay ang CHED sa kanyang pagpapalabas
ng CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013.
4. Ano ang paninindigan ng sumulat ng posisyong papel na ito?
Sila ay tutol sa panukala ng CHED ayon sa kanilang pahayag na ito “Kaya
kaming mga guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino
kasa na kaming mga kapuwa guro, manunulat, mananaliksik, at artistang
nagmamahal sa wika at kaalamang Filipino at naininindigang dapat ituro
ang Filipino bilang regular na kurso sa antas tersiyarya.” “Ituro ang Filipino
bilang regular na kurso sa kolehiyo! “Ibasura ang CHED Memorandum Order
No. 20 Series of 2013!”
5. Ano-ano ang ginamit na katuwiran para suportahan ang paninindigang ito?
-Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang
Filipino sa kolehiyo. Ang pagsasabing ang walong core GE ay maaring ituo sa
Ingles o Filipino ay mapanlinlang. Mula sa umiiral na sitwasyong may tiyak
na siyam nay unit ng wikang Filipino, inilalagay na ngayon ang kapalaran ng
wika sa kamay ng mga unibersidad, kolehiyo, departamento, mga guro’t
mag-aaral, gayundin sa iba pang mga puwersa sa loob at labas na
akademiya. Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE na maaring ituro
kapuwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang
wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ang
inimaheng “wika ng edukado” at “wikang susi ng kaunlaran”
-Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang
isang lehitimong dominyo ng karunungan. Sa bagong GE Curriculum,
nababanggit lamang ang Filipino, kahanay ng Ingles bilang midyum o
daluyan ng pagtuturo. Binabalewala ng ganitong pagtingin ang integridad ng
wikang Filipino bilang ganap na dominyo ng karunungan at isa ring paraan
ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo, na dominyo ng karunungan at isa
ring paraan ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo, at kung gayon, nag-
aambag sa pagpanday ng kaisipan at pananagutan sa lipunan.
Pangatlo,ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa
kasaysayan ng wikang pambansa at mapagtakdang papel ng wika sa
pagpapaunlad ng isang bayan.
72
Ang wikang Filipino ay kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang
kasaysayan na ang wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa Sistema
ng edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa maing midyum ito ng
pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970
yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa
pakikipag-ugnayang pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan-
maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang sub-erya at dahil sa
interdisiplinal na ugnayan nito sa ibang laramgan gaya ng pantikan,
pilosopiya, anteopolohiya, kasaysayan, sikolohiya at politika. Isa sa
mahahalagang trajectory ng pag-unlad ng Filipino ay ang
intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng ipinunlang kasanayan at
oryentasyon sa mga kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba sa senior high
school ang pagtuturo ng mga kasanayan nararapat kung gayon na
maging lunan pa ang mga kursong GE sa Filipino ng pagsustine sa
pagpapaunlad ng gamit ng Filipino sa mga diskursong panlipunan sa
iba’t ibang disiplina
1. Ano-ano ang hinihiling na aksiyon ng posisyong papel mula sa publiko?
Ang hiniiling ng posisyong papel na ito sa publiko ay suportahan ito at
ibalik ang siyam nay unit sa kolehiyo bilang isang displina upang
maipagpatuloy ay nasimulang ng ating mga ninuno upang
maipagpatuloy ang layon ng mga pumanday nito.
2. Sa palagay mo, sapat ba ang paliwanag sa bawat katuwiran para
paniwalan ito?
Sa palagay ko sapat na ito upang mahimok ang kamalayan ng bawa
Pilipino na supurtahan ang pagtataguyod ng wikang Filipino. Kung ang
ibang bansa gaya ng Hawaii, Japan at Russia ay tinataguyod ang Filipino
tayo pa kaya na kumakatawan ng wikang ito. Ang wika ay salamin ng
ating lahi at ito ang ating pagkakakilanlan.
3. Sino kaya ang nais maabot ng posisyong papel na ito?
Ang pamunuan ng CHED, Taumbayan at mga tagapagtaguyod ng wikang
Filipino
4. Alin sa mga gabay sa Dunong-Sagwan ang nasunod at di-nasunod sa
halimbawang ito?
Sa palagay ko lahat naman ay nasunod ng halimbawang ito ang
balangkas ng posisyong papel.
5. Nahikayat ka ba ng paninindigan na nakalahad sa posisyong papel na
ito? Bakit?
Labis akong nahikayat ng posisyong papel na ito pagkat sino ba ang
aasahan mong magmahal at magtaguyod nito kundi tayo mismong mga
Pilipino pagkat ang taong di marunon magmahal sa sariling wika ay
masahol pa sa malansang isda mula mismo sa ating pambansang bayani
na si Gat Jose Rizal.
73
Gawain 6: Lambat-Datos
Tanong Sagot / Tugon
Paksa
LIBRENG EDUKASYON SA KOLEHIYO PARA SA
LAHAT: DAPAT ISULONG UPANG MATUGUNAN
ANG KAHIRAPAN NG MAMAYANG PILIPINO.
Mga Katuwiran ng Nauna nang sinabi ni Budget Secretary Benjamin
Kabilang Panig Diokno na maaaring hindi kayanin ng gobyerno na
pasanin ang libreng tuition sa SUCs, at maaaring
maglabas ng P100 bilyon ang gobyerno kada taon
para rito sakaling maging batas ang panukala.
Base sa datos ng Commission on Higher
Mga Sariling Katuwiran Education, kakailanganin ng inisyal na halagang
P16 bilyon upang maipatupad ang mga kondisyon
ng batas, gaya ng libreng tuition at miscellaneous
fees, ani Guevarra.
Ngayong pirmado na ang libreng tuition, nasa
Kongreso na ang hamon para hanapan ng pondo
ang implementasyon ng batas. Tiniyak din ni House
committee on appropriations chair Rep. Karlo
Nograles na may lugar para rito sa isinumiteng P3.7
trilyon na proposed budget para sa susunod na
taon.
Isinaalang-alang naman umano ng pangulo ang
Mga Pansuporta sa pangmatagalang epekto at benepisyo na idudulot ng
Sariling Katuwiran libreng tuition sa publiko, ayon kay Guevarra.
Tinatantiya pa ng Department of Budget and
Management kung magkano ang gagastusin ng
gobyerno para malaman kung magkano ang
maaaring pondohan mula sa 2018 budget.
Kung magkataon, maaaring kailanganin ang isang
supplemental budget para rito.
Tinatantiya pa ng Department of Budget and
Management kung magkano ang gagastusin ng
gobyerno para malaman kung magkano ang
maaaring pondohan mula sa 2018 budget.
Umaasa na rin ang gobyerno na makatanggap ng
tulong at grants mula sa mga lokal at international
donors para maipatupad ang batas.
Magiging epektibo man ang batas 15 araw matapos
74
itong maimprenta sa diyaryong na may
pangmalawakang sirkulasyon sa bansa,
mararamdaman naman umano ang mga
benepisyong dulot nito sa susunod na enrollment.
Sa unang semestre pa ng school year 2018-2019
maaaring ipatupad ang libreng tuition dahil hindi
retroactive ang implementasyon ng batas, ayon kay
Diokno.
Muling Pagpapahahayag Magtatatag naman ang Unified Student Financial
ng Paninindigan o Assistance System for Tertiary Education board ng
Mungkahing Pagkilos isang fund upang magbigay ng tulong pinansiyal
para sa iba pang gastusin sa pag-aaral, gaya ng
mga libro, matitirahan ng estudyante, student
loans, at scholarships.
Ang mga bibigyan ng tulong-pinansiyal sa pag-aaral
maliban sa libreng tuition ay iyong mga ‘bottom 20
percent’ ng mga estudyante, o iyong mga nasa
pinakamababa ang estado sa buhay.
Mga Ahensiya o 1. Tanggapan ng Pangulo
Awtoridad na ginamit 2. DBM Sec. Benjamin Diokno
para sa kredibilidad ng 3. CHED
posisyong papel 4. Unified Student Financial Assistance System
for Tertiary Education
Gawain 7: Lambat-Likha Iba-iba ang sagot.
ARALIN 2.5 PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY (REFLECTIVE
ESSAY) 75
Gawain 1: Maalaala Mo Kaya Iba-iba ang sagot.
Gawain 2: Lambat-Datos
Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng replektibong
sanaysay?
Ang mahalagang layunin dapat malinang sa pagsulatng
replektibong sanaysay ay nais iparating ng replektibong sanaysay ang
pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik. Naglalayon din ito
na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang
mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga
batayan o talasanggunian Ang konklusyon ay dapat magkaroon ng
repleksyon sa lahat ng tinalakay.
2. Bakit kailangang gumamit ng deskriptibong wika sa pagsulat ng
replektibong sanaysay?
Ang replektibong sanaysay ay nasusulat sa deskripttiv o
aglalarawan para mailarawan ng manunulat ang mga bagay-bagay para
sa ikalilinaw ng sanaysay ng mas medaling maintindian ng mambabasa
3. Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng
repleksiyon?
Ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng repleksiyong
sanaysay ay ang mga sumusunod: 1.Naglalahad ng interpretasyon; 2.
Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang
gamitin; 3.Pagandahin ang panimulang bahagi; Nagtatalakay ng ibat-
ibang aspeto ng karanasan; 4. Ang konklusyon ay dapat magkaroon ng
repleksyon sa lahat ng tinalakay; 5.Ang malinaw at direktang punto de
vista ay mabisa upang makuha agad ng mambabasa ang kaniyang ideya.
4. Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin?
Ang pepleksyong sanaysay ay mahalaga na matutuhan upang maging
daan ito na maibubulalas ng mga manunulat ang mga natatanging nilang
karanasan nang maging basehan din ng mga mambabasa sa kanilang
matamang pagdidisisyon nila sa buhay
5. Ano ang mahahalagang sangkap na dapat mayroon sa pagsulat ng
replektibong sanaysay? Bakit?
Ang isang replektibong sanaysay ay marapat lamang na magkaroon ng
magandang panimula na siyang pupukaw sa interes ng mambabasa. Ang
katawan nito na siyang magbibigay ng maigting na damdamin at mga
pangyayari tungo sa realisasyon at natutuhan ng at nais baguhin sa
karanasan, Sistema. At sa bahaging kongklusyon ay dapat magtaglay ng
kakintalan sa mga mambabasa sa kahalagahan ng kanyang tinatalakay
tungo sa pagpapabuti ng kaalaman at katauhan.
Gawain 3: Isabuhay Mo Na Iba-iba ang sagot.
76
Gawain 4: Matutukoy mo ba?
Panuto: Basahin at unawain ang halimabwa ng replektibong sanaysay ukol sa
Pag-ibig sa Edukasyon. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa
ibaba.
1. Ano ang mga mahahalagang tinalakay ng may-akda ukol sa kanyang
paksa na tinalakay sa bahaging introduksyon ng replektibong sanaysay?
Ipaliwanag.
Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang
walang katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong
‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay
walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng
nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat
umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan
upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa
ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit
buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu
ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama”
hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay
nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa
edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong
magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang panahon
ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.
Sa puntong ito nagkaroon ang manunulat ng isang pagkalahatang
pananaw ukol sa edukasyon na ito ay isang malaking pundasyon sa ating
buhay at mahabang panahon ang gugugulin ng isang tao para matamo ito.
2. Paano niya ito sinuportahan o bingiyang halaga sa katawan ng
replektibong sanaysay? Bigyang patunay at ipaliwanag ito.
Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo.
Wala akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng
isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding
paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang
pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon
na sa tuwing darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa
kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa
harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang
kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman,
subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay
nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang
pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit
wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang
unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit
na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy
na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.
77
Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at
umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi
naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa
mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa
akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”.
Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag.
Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa panahong
iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko
maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting
nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng
edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong
kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay
naglalayon din itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng
pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang
dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding
maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako
nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa
paaralan. Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay
papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.
Bilang patunay sa kanyang sinimulang opinion ukol sa edukasyon na ang
edukasyon ay hindi lamang basta na lamang pumasok dahil sa kagustuhan n
gating mga magulang kundi dapat ang edukasyon ay umangkla sa paghubog ng
ating sarilig katauhan, hindi pumasok sa paaralang kundi umayon din sa mga
pamantayan ng paaralan at ang edukasyon ay pagbuo ng pamilya, samahan at
pagkakaibigan na may iisang adhikan tungo sa magandang kinabukasan.
1. Bilang pagtatapos ng kanyang sanaysay, ano ang nagging konklusyon ng
manunulat sa paksang kanyang tinalakay na nagbigay ng kanyang aral o
repleksiyon sa kanyang buhay. Patunayan sa pamamagitan ng
pagbanggit sa mga mga sinabi sa akda at bigyan ito ng paliwanag.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi
lamang sa aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang
mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa
kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating
mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng
edukasyon, ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang
karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa
ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating
panahon.
Ito ang konklusyon ng manunulat bilang patunay na nagsilbing
repleksiyon ukol sa edukasyon na ang pag-aaeal ay hindi madali may kaakibt
itong pagkikusa, papupursigi at pagsasakripisyo na magagamit mong sandata
upang matamo ang inaasam na edukasyon pagkat malaki ang magiging papel
nito sa aking kinabukasan.
Gawain 5: Likhain Mo, Opinyon Mo Mahalaga Iba-iba ang sagot.
Sukatin 78
I.
1. B 6. C 11.B 16.A 21.B
2. A 7. C 12.D 17.B 22.C
3. D 8. A 13.B 18.D 23.D
4. A 9. C 14.A 19.D 24.C
5. D 10.B 15.C 20.C 25.A
II.
III. Lambat-Likha. Iba’ t- ibang sagot
Sanggunian
Makalimbag na Materyales:

Constantino, Pamela C.. at Zapra, Galileo S. 2016 Filipino sa Piling Larangan


(Akademik). Quezon City: Rex Printing Company, Inc.

Garcia, Fanny A. at Festin, Rowena P.2017. Malikhaing Pagsulat. Quzon City:


Rex Printing Company, Inc.

Garcia, Florante C. PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS


Publishing House, Inc. Quezon City Writing the Travel Essay.

Kagawaran ng Edukasyon, Modyul sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) –


Larawan Sanaysay) Kagamitan ng Mag-aaral mula sa https://www.scribd.com
/document/423193542/Modyul-Sa-Filipino-Sa-Piling-Larang-Akademik-
Larawang-Sanaysay

Website:

DeanGorilla3974 (2018), Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik


Lakbay-Sanaysay mula sa https://www.coursehero.com/file/
32011312/download-2pdf/
Maestro, Valle Rey (July 23, 2019), Lakbay Sanaysay (Kahulugan at Layunin mula
sa https://philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/

Olama, Sionairah, August 25, 2013, Pagwawasto At Pag-Uulo Ng Balita mula sa


https://www.academia.edu/10598407/1_PAGWAWASTO_AT_PAG-
UULO_NG_BALITA

Pagsulat ng Lakbay – Sanaysay (February 22, 2020) mula sa


https://elcomblus.com/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay/

Ramos, Zar. Ang Kagandahan ng Puerto Galera sa Pananaw ng Isang Manileña,


mula sa https://galalakbaylakad.wordpress.com/2018/05/22/ang-
kagandahan-ng-puerto-galera-sa-pananaw-ng-isang-manilena-2/

https://brainly.ph/question/477069#readmore
http://2.bp.blogspot.com/_AsW-lOVBuzE/TDBnMD1fW3I/AAAAAAAADus/
3klahsiY0qk/s1600/parts_of_the_body_(labelling)%5B1%5D.jpg
http://mgabugtongatsagot.blogspot.com/

https://dianmantiles.wordpress.com/2017/04/15/your-girl-is-back/

https://melvinrosetesblog.wordpress.com/2017/08/13/posisyong-papel-ukol-sa-
libreng-matrikula-sa-kolehiyo/

79
https://debbiecerrillo.wordpress.com/2018/03/13/replektibong-sanaysay-
isang-natatangin-karanasan-bilang-isang-magaaral/

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/07/31/2031859/
pinas-nalagpasan-na-ang-china-sa-covid-19-cases

80

You might also like