You are on page 1of 21

Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikalawang Markahan - Modyul 13:
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

AIRs - LM
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Baitang 12 – Unang Semestre
Modyul 13: Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Moises M. Lopez III


Tagasuri: Mary-Nor A. Concubierta
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Jubert L. Padilla

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

ii
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Senior High School

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
Ikalawang Markahan - Modyul 13:
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
(Katuturan, Hakbang at mga Dapat
Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-
Sanaysay (Travelogue)

iii
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong, o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iv
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Sapulin

Sa nakaraang learning material, nalaman mo ang iba’t ibang konsepto at


kasanayan sa pagsulat ng akademikong sulatin tungo sa kahandaang pantrabaho.
Ilan sa mga sulating ito ay ang liham, resume, agenda, katitikan ng pulong at
panukalang proyekto. Natukoy mo rin ang mga katangian ng isang sulatin maging
ang mga mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis
sa napag-usapan. Nakapagbigay ka rin ng kahulugan sa mga terminong akademiko
na may kaugnayan sa mga ispisipiko at piniling sulatin na nabanggit sa itaas.

Samantala, pokus naman ng self-learning module na ito na makagawa ka ng


mapanghikayat na akademikong sulatin na tinatawag na lakbay-sanaysay.
Mapanghikayat sapagkat kaya nitong makapagbigay hindi lamang ng mga
impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay dahil sa mga mababasa
at matututuhan mong mga katuturan ng nasabing konsepto, mga halimbawa nito,
at ilang mga babasahing siguradong magbibigay pa sa iyo ng mga karagdagang
kasanayan at karanasan.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)


1. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan
sa piniling sulatin (CS_FA11/12PT-0m-o-90);
2. Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay
(CS_FA12PD-0m-o-89); at
3. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
(CS_FA12PU-0p-r-94).

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nalalaman ang mga mungkahing gabay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay at
nagagamit ito sa isang sulating bubuoin; at
2. Nakababasa at nakapanonood ng isang halimbawa ng lakbay-sanaysay at
nasusuri ang katangian nito.

Handa ka na bang makapagsulat ng iyong sariling lakbay-sanaysay na


makapag-iiwan sa mga mambabasa mo ng sariwa at malinaw na alaala ng isang
lugar na iyo nang napuntahan bagama’t hindi pa nila ito natutungo? Ano pa ang
hinihintay mo? Tara na’t maglakbay at matuto!

1 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Katuturan, Hakbang,
Aralin at mga Dapat Tandaan
13 sa Pagsulat ng Lakbay-
Sanaysay (Travelogue)

Simulan

Bago ka sumalang sa mismong paksang tatalakayin sa learning material na


ito, tara na’t sukatin muna ang iyong inisyal na kaalaman sa kabuoang aralin.
Sagutin ang mga sumusunod na pagtataya.

Paunang Pagtataya
Gawain 1. Natatanging Lugar
Panuto: Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang
lakbay-sanaysay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga
nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang mga pandama: paningin,
pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig.
Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang
mga karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay. Gayundin, maaari rin
itong magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang hindi kanais-nais
o hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.
May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad
mo nang marating? Magbigay ng isang natatanging lugar na iyo nang
narating. Ipaliwanag kung ano ang iyong natuklasan sa lugar na ito at
paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

Pangalan ng Lugar:
_________________________________________________________________________
Ano-ano ang iyong natuklasan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Paano ito nakaapekto sa iyong sarili?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Paano ito nakaapekto sa iyong sarili? Ano o ano-anong pagbabago sa
iyong perspektibo o paniniwala sa buhay?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain 2. #Travelpamore
Panuto: Balikan mo ang iyong timeline sa Facebook o Instagram (o anomang
social media accounts na mayroon ka) at pumili ng isang post tungkol sa
pinakamasayang paglalakbay. Kung mayroong sariling printer, i-
screenshot ang nasabing post kasama ang caption at petsa ng pagkaka-

2 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
upload nito at i-print ito kasama ng isang talatang repleksyon. Kung wala
namang printer, kopyahin muli ang iyong caption at ilarawan na lamang
ang imaheng na-upload sa iyong sagutang papel at gawin ang nasabing
sulatin.

Ang iyong isang talatang repleksyon ay kinakailangang naglalaman ng


tatlo hanggang apat na kumpletong pangungusap, ang lugar na iyong
pinuntahan, ang iyong mga natuklasan o natutunan, at one-word hashtag
(halimbawa: #YOLO).

Binabati kita sa mahusay at komprehensibong pagsagot ng mga panimulang


gawain. Ngayon naman ay iyong malalaman ang iba’t ibang kahulugan, gabay, at
mga kaugnay na konsepto sa paksang pagsulat ng lakbay-sanaysay.

Lakbayin

Isa sa mga kagandahan ng pagkakaroon ng kasanayan sa pagsulat ng lakbay-


sanaysay ay ang paglikha ng kapangyarihang dalhin ang mga mambabasa sa lugar
na napuntahan rin ng awtor gamit ang ilang sangkap sa pagsulat ng nasabing
artikulo. Sa pamamagitan ng mga tayutay, idyoma, imagery, at iba pang mga
elemento, metodolohiya at estratehiya sa pagsulat ay makapagbibigay din ng halos
kaparehas na lebel ng kasiyahan na naranasan ng manunulat sa kaniyang mga
mambabasa habang tinatahak ang inilathalang lugar gamit lamang ang kaniyang
sulatin.
Sinang-ayunan naman ito ni Patti Marxsen, sa kanyang artikulong “The Art of
the Travel Essay.” Ang isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat
makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais

3 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
na maglakbay. Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-sanaysay kung ito’y
nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar
bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.

Ayon sa blog post ng Elcomblus na inilathala noong ika-22 ng Pebrero, 2020,


ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar.
Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan
sa isang partikular na komunidad.

Binigyan naman ng malikhaing kahulugan ni Nonong Carandang ang


nasabing konsepto. Tinawag niyang sanaylakbay ang terminolohiyang ito kung saan
binubuo ito ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay. Naniniwala siyang
sanaysay ang pinaka-epektibong pormat ng
sulatin upang maitala ang naranasan sa
paglalakbay. Samantala, dapat maalam at
sanay naman sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
ang awtor ng nasabing sulatin sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang
elemeto sa kaniyang awtput.

Samantala, dagdag pa ng Elcomblus,


maaari ring maging paksa ng lakbay-
sanaysay ang kasaysayan ng lugar at
kakaibang mga makikita rito. Binibigyang-
halaga rito ang uri ng arkitektura, eskultura,
kasaysayan, anyo, at iba pa. Sa pagsulat, maaaring gamitin ang pagtatangi at
paghahambing sa mga lugar upang malinang ang wastong pagtitimbang-timbang ng
mga idea, mula sa maganda o hindi kanais-nais, kapaki-pakinabang o walang
kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap, at kapuri-puri o hindi
kapuri-puri.

Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang
nagbibigay-kulay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang-halaga ang pagkilos
sa lugar na narating, natuklasan sa sarili, at pagbabagong pangkatauhan na nagawa
ng nasabing lugar sa taong nagsasalaysay na maaari ring maranasan ng mga
makababasa. Ito’y tila pagsulat ng isang magandang pangako ng lugar para sa
mambabasa.

4 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Mga Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Narito naman ang ilang mungkahi ng Elcomblus sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay na maaari mong maging gabay:

Mungkahing Gabay

Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay


dapat magsaliksik o magbasa tungkol sa kasaysayan
nito. Pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon, at
relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at
ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang Iengguwahe na
ginagamit sa lugar na iyon.

Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan


ang naaabot ng paningin, talasan ang isip, palakasin ang
internal at external na pandama at pang-amoy,
sensitibong lasahan ang pagkain.

Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na


dapat isulat.

Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng


mga kathang-isip na idea. Isulat ang katotohanan
sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit
ang mga malikhaing elemento.

Gamitin ang unang panauhang punto de bista at


isaalang-alang ang organisasyon ng sanaysay sa
pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat
sa pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-unawa
sa mga ideyang isusulat.

Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa


susulating lakbay-sanysay.

Basahin ang isang lakbay-sanaysay na naranasan ng


isang manlalakbay

5 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Samantala, sa librong Travel Writing ng pamosong manunulat ng lakbay-
sanaysay na si L. Peat O'Neil, nabigyan ng diin ang ilang panuntunan at elemento
na dapat taglayin ng isinusulat na lakbay-sanaysay. Aniya, mahalagang malaman
muna ang estruktura ng isinusulat na artikulong pampaglalakbay---ang mga
anekdotang ilalagay sa kuwento, mga personal na karanasan, historikal na mga
detalye, impormasyon, o mga datos na produkto ng pananaliksik at maging ang
paggamit ng estratehiyang flashback ay dapat malaman ng awtor upang mas madali
para sa kaniya na malaman ang mga ekspektasyon at tunguhin ng sanaysay na
isinusulat.

Ilan sa mga elemento ng isang lakbay-sanaysay ay ang sumusunod:

Tinatawag ding pamatnubay sa Filipino. Ang lead o


pamatnubay ay ang kapana-panabik na panimula o
introduksiyon ng artikulo upang mahagip ang atensyon ng mga
Lead o mambabasa. Maari itong isulat bilang tanong, impormasyon o
pamatnubay pigura, depinisyon, sipi, at iba pang pormat.

Mga kapana-panabik na lokasyon o lugar na inilalathala


sa iyong lakbay-sanaysay na isinusulat. Maaaring simulan ang
pagpapakilala sa isang diskripsiyon o paglalarawan sa
heograpikal na lokasyon nito, mga dahilan kung bakit ito ang
Saan / Lugar napili mong ilathala, o ang impormatibo diskusyon at
moralistikong dulot ng nasabing lokasyon.

Mahalaga ring malaman ng mga mambabasa kung kailan


ang pinakamagandang panahon, season o maging ang ispisikong
oras para puntahan ang isang lugar na inilalathala. Halimbawa
ay ang 10, 000 Roses sa Cebu na mas magandang pasyalan ng
Kailan / gabi kaysa tirik ang araw, ang Sunflower Maze sa Pangasinan
Panahon naman kapag summer, at Pebrero naman ang itinuturing na
blooming season at piyesta ng Panagbenga sa siyudad ng Baguio.

Mabibigyan din ng pokus ang personalidad,


pagpapahalaga o values, kasanayan sa paglalakbay ang
mismong awtor. Sapagkat maaaring maisulat sa unang
panauhan at impormal na estruktura ang isang lakbay-
Sino/Awtor sanaysay, mas mapapalapit at maiintindihan ng mambabasa
ang tunay na layunin ng tagapagsulat.

6 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagbabasa ay
upang matuto at malaman ang iba’t ibang detalye o datos. Sa
kaso ng lakbay-sanaysay, malaking tulong ang mga
impormasyong ibibigay ng awtor sa mga mambabasang
mayroong mataas na interes sa inilalathalang lugar. Sa
Paano/ Proseso elementong proseso din maipapakita ang estruktura,
balangkas o framework, ang unti-unting pagpapakilala sa
lugar, tao, kultura at iba pa na mababasa sa artikulo.

Mababasa na rito ang mga detalye o datos ng paglalakbay. Ilan


sa mga ito ay ang mga interbyu sa mga taong nakakikilala sa
lugar, mga restaurant o coffee shop, mga tagong lugar, at iba
Ano/ Mga pang mga impormasyong hindi nababasa o matatagpuan sa
Detalye internet o mga babasahin.

Ang pinakalayunin ng pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang


pagkakaroon ng kasiyahan at kakintalan sa mga mambabasa.
Nagbibigay din ito ng impresyon sa mga mambabasa na
Katapusan o
tatatak sa kanilang mga isipan upang higit itong matandaan.
konklusyon

Galugarin

Gawain 3: Pagtapat-tapatin
Panuto: Basahin sa Kolum B ang bawat pahayag na naglalarawan o may kaugnayan
na nakatala naman sa Kolum A. Isulat ang titik ng angkop na sagot sa iyong
sagutang papel.

7 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
KOLUM A KOLUM B
___1. Patti Marxsen A. “Ang gawin tayong tunay na tao sa
pinakamataas na kahulugan nito.”
___2. Nonong Carandang B. Ang pinaka-epektibong pormat ng sulatin
upang maitala ang naranasan sa paglalakbay.

___3. Layunin ng humanidades C. Sanaysay, Sanay, Lakbay

___4. Karanasan ng tao D. The Art of the Travel Essay

___5. Sanaysay E. Ito ang nagbibigay-kulay sa pagsulat ng


lakbay-sanaysay.

Gawain 4: Anong Say Mo?


Panuto: Kopyahin sa iyong sagutang papel ang sumusunod na grapiko at ibigay ang
iyong sariling pakahulugan ng sumusunod na konsepto. Tiyakin na nasa
kumpletong pangungusap ang iyong ituturan.

SANAY
________________________
________________________
________________________
_

LAKBAY SANAYSAY
_______________________ ________________________
_______________________ _________________________
_______________________ _________________________

LAKBAY-
SANAYSAY
____________
_____________
_____________

GAWAIN 5: What it takes to be a Travel V/Blogger?

Panuto: Lampas dalawang milyon ang Youtube subscribers ng pamosong travel


vlogger at Filipino-American na si Wil Dasovich. Laking San Fancisco,
California siya ngunit nagdesisyon na pumunta ng Pilipinas para mas
makilala ang kultura at tradisyon ng Pilipinas. Dahil sa magagandang
content at impormatibong travel vlogs, pumatok siya sa social media.
Samantala, ang kaniyang karanasan sa isla ng Boracay naman ang isa sa
may pinakamaraming views sa nasabing website
https://altavistadeboracay.com.ph/blog/travel-vloggers-explore-ph.

8 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Bilang isang mag-aaral na may karanasan na sa pagbisita ng iba’t
ibang lugar sa loob at sa labas ng Pilipinas at nasubukan na rin ang
vlogging/blogging at pagkuha ng mga larawan, punan ang mga kahon na
nasa larawan ng mga katangian ng isang travel blogger/vlogger na akma rin
sa parte ng katawan ng nasa imahe. Tandaan na ang iyong mga sagot ay
base sa iyong malikhain at komprehensibong perspektibo at opinion.

Halimbawa: Sa parteng mata ng modelo: Katangian- Mapagmatiyag at


magaling kumilatis ng mga detalye sa isang partikular na lugar.

Guhit ni Silver Estorco III

9 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Palalimin

Gawain 6. Suriin mo!


Panuto: Basahin ang sumusunod na halimbawa ng lakbay-sanaysay. Siguraduhing
binasa mo muna ang mga aytem pagkatapos ng nasabing teksto upang
alam mo kung ano ang susuriin, hahanapin, at sasagutin sa aktibidad na
ito. Kopyahin ang mga aytem sa iyong sagutang papel at bigyan ng
pagpapaliwanag at diskusyon ang mga ito.

Ang Kagandahan ng Puerto Galera sa Pananaw ng Isang Manileña

Isang Lakbay Sanaysay na Isinulat ni Zar Ramos

Sa katirikan at init ng araw tuwing panahon ng tag-init na halos


umaabot ng mahigit 38-40° C, sino ba naman ang hindi mapapaisip na
magtampisaw sa lamig ng tubig dagat o kaya nama’y mag-outing sa mga
tanyag na water park? Likas na ito sa ating mga Pilipino na dumayo sa iba’t
ibang lugar upang mag “summer getaway” matanggal lamang ang init at
hinawa sa katawan.

Ang Puerto Galera ay isang isla sa Oriental Mindoro, tanyag sa pagiging


mini Boracay nito dahil sa tinataglay nitong maputi at pinong buhangin na
katulad sa Boracay. Tinagurian din ito bilang pinakamagandang beach resort
community sa buong Pilipinas. Bukod sa pinagmamalaking pinong buhangin
ng islang ito, kilala rin ito sa kanilang mayamang kultura patungkol sa
tribong Mangyan.

Ang Mangyan ay ang pangkaraniwang pangalan para sa walong


indigenous groups na matatagpuan sa islang ito. Bawat isa ay may sarili
nitong pangalan ng tribo, wika, at kaugalian. Binubuo ito ng higit kumulang
280 000 katao ngunit hindi tiyak ang pagtatalang ito sapagkat mahirap
matukoy ang kanilang kondisyon sa loob ng mga liblib na lugar.

Hindi madali ang pagpunta sa isla na ito lalo na’t kung ikaw ay walang
sariling sasakyan. Mula sa Las Piñas City ay sumakay kami ng jeep patungo
sa Alabang Bus Terminal kung saan sumakay naman kami ng bus papunta
sa Batangas Port. Mula sa Batangas Port ay sumakay kami ng maliit na
bangka, roro kung tawagin, at nasa mahigit isa’t kalahating oras ang aming
biyahe papunta dito. Sobrang nakapapagod at nakahihilo pa ito dahil hindi
ako sanay bumiyahe sa dagat.

10 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Nang makarating na kami sa destinasyon ay ramdam na ramdam ko
ang lagkit ng simoy ng hangin sa aking balat at ang init mula sa tirik ng araw
ngunit hindi ko maiwasang mabighani sa taglay na ganda ng islang ito. Hindi
ko inakala na ganito kaganda ang napakaliit lamang na isla sa Oriental
Mindoro.

Noong unang araw ng aming pamamalagi ay naisipan naming


magkakaibigan na magtampisaw at maglaro ng beach volleyball sa White
Beach at halos nakababad lang kami sa initan buong araw.

Sa pangalawang araw naman, kami ay nagtungo sa Infinity Farm sa


Baco, Oriental Mindoro. Ito ay nasa higit kumulang isa’t kalahating oras na
biyahe mula sa White Beach. Matatagpuan dito ang Mangangan River, isang
ilog sa paanan ng Mt. Halcon na pinalilibutan ng iba’t ibang uri ng halaman
at punong-kahoy.

Sobrang lamig ng tubig mula sa ilog na ito na parang ikaw ay naliligo


sa yelo. Tanyag din ang resort na ito sa kanilang Love Lock Bridge na ang
konsepto ay nagmula sa Paris, France. Ito ay isang tradisyon para sa mga
magkasintahan kung saan ikakabit nila ang padlock sa tulay bilang simbolo
ng kanilang wagas masyadong nakakuha ng larawan dito dahil mas pinili
kong matamasa ang kagandahang taglay ng kalikasan.

Nakalulungkot dahil ito na ang ikatlo at panghuling araw namin sa


Puerto Galera. Gumising kami ng maaga para sa aming pinakahuling water
activity, ang mag island hopping at snorkeling. Bagamat ako ay malungkot,
hindi rin maialis sakin ang kasabikan dahil ako ay mahilig sa snorkeling at
diving. Bata pa lamang ako ay minulat na ako ng aking ama sa kalawakan ng
dagat at tinuruan niya akong lumangoy at sumisid.

Naging libangan din namin ang snorkeling at scuba diving tuwing kami
ay uuwi sa probinsya.

Muntik na kaming hindi matuloy sa aming island hopping at snorkeling


dahil sobrang namamaga ang aking mata dulot ng isang food allergy ngunit
nagpumilit pa rin ako dahil minsan lang naming maranasan ang ganitong uri
ng mga libangan. Nagpakain din kami ng iba’t ibang uri ng isda at nakita ko
na tunay ngang mayaman ang Pilipinas pagdating sa yamang tubig. Iba’t
ibang species ng isda at corals ang aking nakita at kung hindi ka takot
sumisid sa ilalim, makikita mo ang iba’t ibang uri ng kabibe o giant pearls na
ipinagbabawal ipahuli sa mga turista.

Bukod din pala sa island hopping at snorkeling ay pumasok din kami


sa isang maliit na kuweba. Ang daan sa kuwebang ito ay medyo matarik,
masakit sa paa, at isang kawayan lamang ang nandoon para mahawakan.

11 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Lead o
pamatnubay
Katapusan o
konklusyon

Saan/ Lugar
Ang
Kagandahan
PUERTO
ng Puerto
GALERA
Galera sa
Mga detalye/
Ano Pananaw ng
Isang Manileña

Kailan/Panahon

Paano/ Proseso

Sino/Awtor

Suriin ang teksto base sa sumusunod na elemento. Tiyakin na maisusulat mo


ang mga ispisipikong detalye na kahanay ng bawat element.

A. Lead o pamatnubay
B. Saan/ Lugar
C. Kailan/Panahon
D. Sino/Awtor
E. Paano/ Proseso
F. Mga detalye/Ano
G. Katapusan o konklusyon

12 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Gawain 7: Opinyon Ko, Mahalaga!
Panuto: Sumulat ng anim hanggang walong talatang sanaysay na naglalahad ng
iyong opinyon, sariling kaalaman, pagsusuri o rekomendasyon sa travel
video ng Tourism Philippines na iTravel PINAS - episode 5 - La Union.
Mapapanood ang nasabing bidyo sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=uNk85WAGQzA. Tiyaking masusuri
mo ang mga elementong ating tinalakay sa learning material na ito. Isulat
ang iyong sanaysay sa iyong sagutang papel. Isaaalang-alang ang rubrik sa
pagtataya ng susulating sanaysay.

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput

Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad Nangangailan


(10) (8) (6) (4) gan ng gabay
(2)
Panimula Nakapaglahad Nakapaglah Nakapaglahad Nakapaglahad Nangangailang
ng ad ng ng ng papaunlad ang paunlarin
napakahusay, mahusay na katamtamang na kasanayan ang kasanayan
interaktibo at panimula paraan ng sa pagsulat sa pagsulat
kawili-wiling pagsulat ng ng panimula
panimula panimula

Nilalaman Naisulat ang Naisulat Naisulat ang Naisulat ang Hindi naisulat
katawan ayon ang katawan ayon katawan ayon ang katawan
sa mga katawan sa isang idea sa ayon sa
suportang idea ayon sa na magkakaiban paksang dapat
na tumutugon dalawang tumutugon sa g idea na talakayin
sa kabuoan ng idea na bahagi ng tumutugon sa
sanaysay tumutugon sanaysay kabuoan ng
batay sa sa kabuoan batay sa sanaysay
isyung ng sanaysay isyung batay sa
tinatalakay batay sa tinatalakay isyung
isyung tinatalakay
tinatalakay
Transisyong Nakagamit ng Nakagamit Katamtamang Papaunlad Nangangailang
Talata katangi- ng nakagamit ng ang an ng gabay sa
tanging transisyong transisyong pagkakagamit pagsulat at
transisyong talata ayon talata ayon sa ng paggamit ng
talata ayon sa sa tunguhin tunguhin ng transisyong transisyong
tunguhin ng ng buong buong talata talata
buong sanaysay sanaysay
sanaysay

Kongklusyon Naibuod nang Naibuod Katamtamang Papaunlad Hindi naibuod


buong husay ang naibuod ang ang nang tama ang
ang sanaysay sanaysay sanaysay pagkakabuod sanaysay.
ayon sa ayon sa ayon sa ng buong
pangkabuoang tiyak na kaisipan/men sanaysay
kaisipan/mens kaisipan/m sahe
ahe ensahe

13 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
Gramatika Mahusay na Nailapat Katamtamang Papaunlad Hindi nailapat
nailapat ang ang nailapat ang ang ang wastong
wastong wastong wastong pagkakalapat gramatika sa
gramatika sa gramatika gramatika sa ng wastong sanaysay
kabuoan ng sa kabuoan sanaysay gramatika sa
sanaysay ng sanaysay sanaysay
nang may
kakaunting
kamalian

Sukatin

Gawain 8: Pangwakas na pagtataya


Panuto: Basahin ang sumusunod na katanungan/pahayag at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot ayon sa learning material na ito at ayon na rin sa iyong
pagkakaintindi ng bawat aytem. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Sino ang sumulat ng “The Art of the Travel Essay” na naniniwala ring ang
isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi
lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay?
A. Elcomblus C. Nonong Carandang
B. J. Irwin Miller D. Patti Marxsen
2. “Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar.
Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga
mamamayan sa isang partikular na komunidad.” Sinong awtor ang lumikha
ng depinisyon ng lakbay-sanaysay na iyong nabasa?
A. Elcomblus C. Nonong Carandang
B. J. Irwin Miller D. Patti Marxsen
3. Ayon kay N. Carandang, ang lakbay-sanaysay ay mayroong tatlong
mahahalagang konsepto. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa
binanggit ng awtor sa kaniyang pagpapaliwanag?
A. Lakbay C. Sanaysay
B. Sanay D. Saysay
4. Kung bibigyan ng sintesis ang mga rekomendasyon ng iba’t ibang awtor sa
iyong binasang learning material, alin kaya sa sumusunod ang least o
pinakahuling paksang maaring isusulat ng awtor ng isang lakbay-sanaysay?
A. Mismong karanasan ng awtor
B. Kasaysayan ng isang lugar
C. Pagtuligsa sa gobyerno o mamamayan ng lugar na pinuntahan
D. Mga paraan o estratehiya upang mapuntahan ang lugar na inilathala
5. Anong perspektibo o punto-de-bista (panauhan) naisusulat ang lakbay-
sanaysay?
A. Ikalawa C. Malaya
B. Ikatlo D. Una
6. Ano ang pinaka-epektibong pormat ng sulatin naisusulat ang lakbay-
sanaysay upang matarget ang mga layunin nito?
A. Maikling Kwento C. Sanaysay
B. Nobela D. Tula
7. Ang pinakalayunin ng pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang pagkakaroon ng
kasiyahan at kakintalan sa mga mambabasa. Nagbibigay din ito ng impresyon

14 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
sa mga mambabasa na tatatak sa kanilang mga isipan upang higit itong
matandaan.
A. Awtor C. Mga detalye
B. Katapusan o konklusyon D. Proseso
8. Mahalaga ring malaman ng mga mambabasa kung kailan ang pinakamagandang
panahon, season o maging ang ispisikong oras para puntahan ang isang lugar na
inilalathala. Halimbawa ay ang 10, 000 Roses sa Cebu na mas magandang
pasyalan ng gabi kaysa tirik ang araw, ang Sunflower Maze sa Pangasinan naman
kapag summer, at Pebrero naman ang itinuturing na blooming season at piyesta
ng Panagbenga sa siyudad ng Baguio.
A. Awtor C. Panahon
B. Mga Detalye D. Proseso
9. Ayon sa awtor ng learning module na ito, isa sa mga kagandahan ng pagkakaroon
ng kasanayan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay ang paglikha ng
kapangyarihang dalhin ang mga mambabasa sa lugar na napuntahan rin ng awtor
gamit ang ilang sangkap sa pagsulat ng nasabing artikulo. Paano ito makakamit?
A. Sa pamamagitan ng analitikal na kasanayan sa mga datos na isusulat.
B. Sa pamamagitan ng mga kasanayan, estratehiya, elemento ng pagsulat at
maging ang holistikal na kasanayan ng isang manunulat upang matarget
ang mga layunin nito.
C. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga larawan upang mas higit na
maintindihan ng mga mambabasa ang inilalarawan ng awtor.
D. Sa pamamagitan ng pagtataglay ng research skills upang masaliksik ang
mga importanteng datos ng iyong susulating sanaysay.
10. Basahin at unawain ang sumusunod na mungkahing gabay sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay pagkatapos ay ayusin ang pagkakasunod-sunod nito kung
kinakailangan. Piliin ang titik ng iyong napiling sagot.
I. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsaliksik o
magbasa tungkol sa kasaysayan nito.

II. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.

III. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng


paningin, talasan ang isip, palakasin ang internal at external na pandama
at pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.

IV. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag


gamit ang mga malikhaing elemento.

A. I, II, III, IV C. I, III, II, IV


B. IV, III, II, I D. I, IV, III, II

Lubos na mahusay! Binabati kita sa


matiyaga mong pagsama sa pagtalakay at
paglalakbay sa aralin na ito. Naniniwala akong
kaya mo nang magsulat ng isang lakbay-sanaysay
na nakagagamit ng mga elemento upang
makapagdulot ng impormasyon at kagustuhang
maglakbay rin. Ihanda mo ang iyong sarili at
camera sa kasunod na modyul – Modyul 14:
Pagsulat ng Larawang-Sanaysay.

15 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13 16
ARALIN 5: Katuturan, Hakbang, at mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
(Travelogue)
SIMULAN
Gawain 1. Natatanging Lugar
Gawain 2. #Travelpamore
LAKBAYIN
Gawain 3: Pagtapat-tapatin
GALUGARIN
Gawain 3: Pagtapat-tapatin 1. D
2. C
3. A
4. E
5. B
Gawain 4: Anong Say Mo Iba-iba ang sagot
Gawain 5: What it takes to be a Travel V/Blogger? Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 6: Suriin mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 7: Opinyon Ko, Mahalaga! Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. D 6. C
2. A 7. B
3. D 8. C
4. C 9. B
5. A 10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Constantino, Pamela C. at Zapra, Galileo S. 2016 Filipino sa Piling Larangan


(Akademik). Quezon City: Rex Printing Company, Inc.

Garcia, Fanny A. at Festin, Rowena P.2017. Malikhaing Pagsulat. Quzon City:


Rex Printing Company, Inc.

Garcia, Florante C. PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS


Publishing House, Inc. Quezon City Writing the Travel Essa

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

17 LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul13

You might also like