You are on page 1of 8

Senior High School

FILIPINO SA
PILING LARANG
Quarter 2- LAS 1
Natutukoy ang mahahalagang
impormasyon sa isang pulong
upang makabuo ng sintesis sa
napag-usapan.

FOR TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL USE ONLY


DepEd Learning Activity Sheets (LAS) Sample Template

Name of Learner : ___________________________________________________


Grade Level : ___________________________________________________
Section / Strand : ___________________________________________________
Date : Week __2__________________________________________

FILIPINO SA PILING LARANG


Learning Area
AKADEMIKONG SULATIN- POSISYONG PAPEL
Topic

Most Essential Learning Competencies (MELC) with code / Kasanayang


Pampagkatuto at koda:

Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang


makabuo ng sintesis sa napag-usapan. CS_FA11/12PN0j-l-91

Layunin:

Pagkatapos ng araling ito,inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:

1. Nakikilala ang akademikong sulatin ayon sa katangian nito.


2. Natitiyak ang mga gamit sa pagsulat ng akademikong sulatin
3.Nakasusulat ng isang organisado,malikhain at kapani-paniwalang
sulatin.

Kagamitan:
n
Pluma, Kwaderno at Papel

Panuto:
Panuto:
ppPanut

Basahin at unawain ang paksa.Sundin ang mga proseso sa pagsagot ng


mga Gawain .
Nilalaman:

Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng


mga matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang isyu. Kagaya ng isang
debate, naghihikayat itong maipaglaban ang pinapaniwalaang tama. Ang
pangangatwiran ang isang uri ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa
opinyon manunulat. Sa bawat argumento ginagamitan ito ng mga matitibay
na ebidensya mula sa pinagkakatiwaang datos. Mahirap paniwalaan ang
isang isyu kung walang pinagbabatayang ebidensya. Ang mga ebidensya ay
maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis,
abogado, dalubhasa, doctor o propesor, atbp) upang maipakita na
makakatohanan ng ipinaglalabang isyu.

Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang madepensahan ito


upang mapatunayang mali o di kapanipaniwala ang mga binabatong isyu.
Mas makatotohan ang pinapanigang isyu kung may tatlo o higit pang
matitibay na ebidensya na magpapatunay.

Nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa


pangangatwiran ayon kina Constantino at Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat
nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).

1. Mga katunayan (facts) - nakabatay ito sa makakatotohanang ideya


mula sa mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama. Maaarin
gumamit ng mga taong nakasaksi o mga nakaranas ng pangyayari ngunit
siguruduhin ang mga testimonya ay mapagkakatiwalaan. Ang mga datos ay
hindi ibig sabihin pangmatagalan na ebidensya maari itong magbago
depende sa mga bagong tukas na datos.
2. Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o
sariling pananaw. Hindi ito makatotohan sapagkat nakabatay lamang ito sa
sariling pagsusuri o judgement. Maaaring gamiting itong ebidensya pero
kinakailangan ang mga opinyon ay nanggaling sa mga taong may awtoridad
o mga kilalang tao sa lipunan kagaya ng mga iskolar, propesyunal, politiko
at siyentipiko.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Sa pagsulat ng posisyong papel, mahalagang pag-ukulang pansin ang


ibabahaging paksa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa
pagsulat ng posisyong papel upang matulungan na makumbinsi ang
mambabasa ng panigan ang nasabing isyu.

Narito ang mga hakbang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong


papel mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).
1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o
posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoing ang balangkas ng posisyong papel.

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa pagsulat ng


posisyong papel.

1. Panimula

Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng maayos ang


paksa at ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang
mga mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon. Kapag sa simula ay
maipakita ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi ang
mambabasa na paniwalaan ang posisyon.

2. Katawan (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at


mga ebidensya)

Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod-sunod


ng mga argumento at mga ebidensya. Sa bawat argumento, mahalagang
mapatunayan na mali o walang katotohanan ang binabato o mga
argumentong tumutol sa iyong tesis. Sa bawat paglalahad ng
pangangatwiran bigyan ito ng mga matitibay na mga batayan mula sa mga
pinagkakatiwalaang datos upang maipakita na makatotohanan ang iyong
posiyong pinaglalaban. Mas higit na kapanipaniwala kapag may tatlo o higit
pang matitibay na mga ebidensya na gagamitin para madepensahan ang
pinapanigang posisyon.

3. Kongklusyon

Sa kongklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang


magiging implikasyon nito.

Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu. May mga
sang-ayon at may mga di-sang-ayon sa isyu. Ang posisyon ng bawat
indibidwal ay makakatulong upang magkaroon ng kamalayan sa pangyayari
sa ating lipunan. Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga
Kolehiyo at Unibersidad. Anong Paninindigan mo tungkol sa nasabing isyu?

Sang-ayon ka ba o di ka sang-ayon?

Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay inilalahad


na nang malinaw na komposisyon ng pagtututol. Dapat isa- isahin ang
malilinaw na batayan sa simpleng paraan at maiintindihan ng karaniwang
tao. Dapat isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan sa pagsulat ng
posisyon. Isa sa layunin ng Posisyong papel ay manghikayat.

Pamamaraan:

Gawain 1. Isyung Kasalukuyan


Panuto: Magsaliksik ng mainit na isyu sa ating kasalukuyang panahon.
Isulat sa talahanayan sa unang hanay. Pagkatapos maghanap ng
limang makakapanayam para kunin ang kanilang sagot kung pabor ba
sila o di-pabor sa isyu at ano ang dahilan. (Sa bahay lamang ito
gagawin ang panayam)

Isyu Mga Sagot Dahilan


Pabor di-pabor
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2. Paksa Ko, Gawan ng Posisyong Papel Ko

Panuto: Pumili ng isang napapanahong paksa at gawan ng posisyong papel. Dapat


lagyan ng kawili-wiling introduksyon, lohikal na pagkakasunod-sunod na
argumento, mga ebidensya at pagtalakay sa implikasyon bilang kongklusyon.

GABAY SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng
posisyong papel. 5
Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang
5
sulatin na posisyong papel.
Nakakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto, at
5
angkop na paggamit ng wika.
Nakabatay sa pananaliksik at matitibay na ebidensya ang
5
posisyong papel na nabuo.

KABUUAN 20
Pagtataya:

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung
wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat
ang MALI.
___ 1. Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad
ng tradisyunal na sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit
ang mga salita lamang.
___ 2. Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay,
hindi kinakailangang taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang
katangian ng isang mananaliksik.
___ 3. Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang
sanaysay ay hindi lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng
matibay na argumento, kundi ito ay naghahasa rin sa
pagkamalikhain ng mag-aaral.
___ 4. Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan
upang mabisa itong makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraang
kaakit- akit at lohikal ay mas madali makuha ang impormasyong
hatid nito.
___ 5. Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang
dyornal o kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig,
naaamoy o anumang obserbasyon sa isang lugar.
___ 6. Kailangang mapatunayang tama ang counterargument na
nailahad.
___ 7. Sinusuportahan ng mga matitibay na ebidensya ang
akademikong sulatin.
___ 8. Ang iyong posisyon o stand tungkol sa isyu ay mababasa sa
kongklusyon.
___ 9. Mapagkakatiwalaan ang mga testimonyang nakabatay sa
nakita, narinig, naamoy at nadama.
___ 10. Ang mga ebidensya ay mula sa obserbasyon, mga pahayag ng
awtoridad (pulis, abogado, doctor, atbp.).

Susi ng Pagwawasto

PAMANTAYAN SA PAGTATAYA
Pamantayan Puntos
Nilalaman 20
Kaugnayan sa paksa 15
Orinalihidad 15
Kabuuan 50
Pagninilay:

Ang natutunan ko sa araling ito ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________.

Ang nais ko pang malaman sa araling ito ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________.

Sanggunian:

Mga Sanggunian

Constantino, Zafra G. Filipino sa Piling Larangan (Unang


Edisyon). REX Book Store. pp. 72.

Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang


(Akademik)Kagamitan ng Mag-aaral. Inilathala ng Kagawaran
ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma:


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon
City: Phoenix Publishing House Inc.

Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa


Piling Larangan (Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.
Development Team of the Self-Learning Activity Sheets

Writer: Jackielyn A. Lim, T-III

Editor: Rizza M. Quinatac-an ,T-II

Reviewer: Jennipher P. Curada, T-III

Illustrator: Mia O. Laorden, MT-II; Ronel B. Cordovez, SST-III

Management Team: Romulo T. Laorden, P-I

Mia O. Laorden, MT-II

Joeconsly L. Valeroso, MT-I

Adonis Don G. Oplo, MT-I

Kit Jude Q. Minion, MT-I

For inquiries or feedback, please write or call

TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT TEAM – TNSHS

Tabon – tabon Quezon, Tandag City, Surigao del Sur

Telephone: 214-5827

Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com

You might also like