You are on page 1of 3

ZARRAGA NATIONAL HIGH SCHOOL

Jalaud Norte, Zarraga, Iloilo


FILIPINO SA PILING LARANG-TEKNIKAL-BOKASYUNAL
Ikalawang kwarter
Summative Test
Pangalan:___________________________________________ Baitang at Pangkat:________________

I. MARAMING PAGPIPILIAN:
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na kaisipan o tanong. Piliin ang tamang titik nang
wastong sagot. Isulat ang mga sagot bago ang tambilang.

___ 1. Anong bahagi ng feasibility study ang naglalarawan ng pamilihan kung saan ibebenta ang
produkto?
a. estratehiya sa pagbebenta
b. projection sa pananalapi at kita
c. kakailanganing teknikal na kagamitan
d. marketplace
____2. Anong anyong teknikal ang maaaring gawin upang maiayon ang pangangailangan sa
pamilihan?
a. Flyers b. Feasibility Study c. Manwal d. Menu
___ 3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa bahagi ng feasibility study?
a. Pabalat b. Rekomendasyon c. Marketplace d. Iskedyul
___ 4. Kailan dapat isasagawa ang pagsulat ng feasibility study?
a. Bago tuluyang magbenta ng produkto/ serbisyo sa pamilihan
b. Habang patuloy na nagbebenta ng produkto/ serbisyo sa pamilihan
c. Sa tuwing sumapit ang isang taon ng paglipas ng pagbebenta
d. Pagkatapos makalikom ng mga impormasyon sa negosyo
___ 5. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na katangian ng feasibility study?
a. mabisa, masusi, at organisado
b. masining, partikular at makabuluhan
c. pormal, tiyak, at teknikal
d. a at c
___ 6. Alin sa mga bahagi ng feasibility study ang unang makikita at mababasa?
a. Iskedyul
b. Pangkalahatang Lagom
c. Estratehiya sa Pagbebenta
d. Projection sa Pananalapi at Kita
___ 7. Ano ang pinakahuling bahagi ng feasibility study. Ano ito?
a. Iskedyul
. b. Rekomendasyon
c. Projection sa Pananalapi at Kita
d. Pangkalahatang Lagom
___ 8. Anong larangan ang kadalasang hinahandaan ng feasibility study?
a. Edukasyon b. Pagnenegosyo c. Inhinyeriya d. Politika
___ 9. Bakit kailangang isagawa ang feasibility study? Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang
PINAKATUMPAK na sagot?
a. Malaman ang sanhi at epekto ng produkto/serbisyo
b. Matukoy ang kahalagahan ng gamit ng produkto
c. Mapukaw ang interes ng mga target na mamimili
d. Matagumpayan ang larangan ng pagnenegosyo
___ 10. Ang pangunahing pangkabuhayan ng pamilya ni Arcel ay ang pagbebenta ng organic
shampoo sa pamilihan. Para maakit ang mga target na mamimili ay nilagyan ng paglalarawan ng
kalakasan at benepisyo ang sisidlan ng produkto. Anong bahagi ng feasibility study ang
binigyang-tugon para marami ang magkainteres?
a. Paglalarawan ng Produkto/Serbisyo
b. Kakailanganing Teknikal na Kagamitan
c. Estratehiya sa Pagbebenta
d. Projection sa Pananalapi
___ 11. Anong larangan ang kadalasang ginagawan ng menu?
a. edukasyon b. enhinyera c. pagnenegosyo d. politika
___ 12. Alin sa mga pahayag ang angkop na kahalagahan ng menu?
a. Magkaroon ng basehan ang taong kakain sa restawran.
b. Matiyak ang epekto ng produkto sa pamilihan
c. Matukoy lang ang presyo ng pagkain sa restawran
d. Lahat ng nabanggit.
___ 13. Ang _______ ay mahalagang kagamitan sa restawran na nagtataglay ng impormasyon sa mga
pagkaing ibinibenta.
a. Flyers b. manwal c. feasibility study d. menu
___ 14. Ang hakbang sa pagbuo ng menu kung saan ginagawa ang inisyal na pagtataya ay
tinatawag na ________.
a. Reproduksiyon b. rebisyon c. pagpaplano d. lay-out
___ 15. Si Marie ay gumawa ng menu sa isang flat screen tv at nilagay ito sa mataas na bahagi ng pader
malapit sa counter ng kanilang fastfood chain. Anong uri ng menu ang kanyang ginawa?
a. Menu board b. paper c. outdoor d. digital displays
___ 16. Si Ana ay gumawa ng menu sa isang malaking poster at nilagay ito sa mataas na bahagi ng pader
malait sa counter ng kanilang restawran. Anong uri ng menu ang kanyang ginawa?
a. Menu board b. paper c. outdoor d. digital displays
___ 17. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI batayan ng isang magandang menu:
a. Malinaw, hindi magulo at maraming teksto.
b. May kaagapay na larawan
c. May maikling deskrisyon sa bawat pagkain
d. Wala sa nabanggit
___ 18. Tanong na sinasagot sa proseso ng pagbuo ng menu kung saan itinakda ang halaga ng bilihin.
a. Ano ang pagkasunod-sunod ng pagkain?
b. Paano ang paggrupo ng pagkain?
c. Ilang pahina ang menu?
d. Magkano ang presyong illagay sa pagkain?
___ 19. Tanong na sinasagot sa proseso ng pagbuo ng menu kung saan itinakda ang pagpipilian ng
pagkain?
a. Ano ang pagkasunod-sunod ng pagkain?
b. Paano ang paggrupo ng pagkain?
c. Ilang pahina ang menu?
d. Magkano ang presyong illagay sa pagkain?
___ 20. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na katangian ng menu?
a. Organisado, batay sa uri ng pagkain
b. Masining, nagtataglay ng larawan ng pagkain at inumin
c. Tiyak at teknikal
d. Lahat ng nabanggit

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat ang salitang TAMA
sa linya. Kung mali naman, isulat sa linya ang salitang magpapatama sa salitang may salungguhit.

____ 1. Isa sa mga nilalaman ng isang dokumentasyon ng produkto ay ang mga kagamitang
kakailanganin sa paggawa. TAMA
____ 2.Mahalaga sa dokumentasyon ng produkto na ilahad ang mga kapani-paniwalang datos. TAMA
____ 3. Isinusulat ang dokumentasyon upang maging tala kung paano gagawin o bubuuin ang isang
bagay o produkto. GABAY
____ 4. Inpormal ang ginagamit na wika sa pagsusulat ng dokumentasyon ng isang produkto. PORMAL
____ 5. Ang do-it-yourself o mga resipe ay isang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng
produkto. TAMA
____ 6. Panatilihin ang kronolohikal na pagkakaayos ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay.TAMA
____ 7. Gumamit ng simple, payak at maingat na mga salita sa pagpapahayag ng mga hakbang sa
paggawa ng isang produkto o bagay.TAMA
____ 8. Mahalaga ang dokumentasyon ng isang produkto dahil nagbibigay ito ng kredibilidad sa mga
impormasyon na kanyang ginamit. TAMA
____ 9. Ang dokumentasyon sa paggawa ng produkto ay syang nagsisilbing gabay sa mga manggagawa.
TAMA
___ 10. Maglagay ng mga larawan upang madaling makita ang biswal na anyo ng produktong ginagawa.
TAMA
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na bahagi ng manwal ang inilalahad sa bawat pahayag.
Para sa bilang 26-30
A. Pamagat
B. Talaan ng Nilalaman
C. Pambungad
D. Nilalaman
E. Apendise
_____31. Ito ay naglalaman ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal.
_____32. Ito ay tumatalakay sa katawan ng manwal na nagpapaliwanag ng mga gabay, pamamaraan o
alituntunin.
_____33. Makikita dito ang mga kalakip na impormasyon sa pagkontak at iba pang mga tala.
_____34. Ito ay bahagi ng manwal kung saan nakasaad ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng
manwal.
_____35. Ito ay naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal at pagpapaliwanag tungkol sa
nilalaman nito mula sa
may-akda.
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung anong uri ng manwal ang angkop na
gamitin.
A. User Manwal
C. Manwal-Serbisyo
E. Manwal ng Operasyon
B. Manwal ng Pagbuo
D. Manwal ng Pagsasanay
F. Employee’s Manual
_____36. Ikaw ay naatasang alamin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa pamamalakad ng
inyong
kompanya.
_____37. Nasira ang bagong bili mong kotse at kailangan mong palitan ang mga depektibong bahagi.
_____38. Bumili ka ng bagong antenna para sa bagong bili mong TV at hindi mo alam kung paano ito
iassemble.
_____39. Ito ay uri ng manwal na ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng partikular na mga
grupo o
indibidwal.
_____40. Ito ay naglalaman ng routine maintenance ng mekanismo, troubleshooting, testing, pag-aayos
ng sira, o
pagpapalit ng depektibong bahagi.
IV. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sa mga uri ng teknikal bokasyunal na sulatin, alin ang gusto mong isulat? Alin naman ang hindi? Bakit?
Isulat
ang iyong sagot sa loob ng kahon.
2. Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng pagsulat? Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

You might also like