You are on page 1of 4

Kasaysayan ng Wikang Filipino

Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito nagsimula bilang
Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.

Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda sa
penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo.
Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa
pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas."
Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika." (Art. 14, Sek. 3)
Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa
wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging
batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite
na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."
Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na
Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni
Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang
Pambansa."
Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa
pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang
pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.
Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na
nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.
Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa
Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang
batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."
Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling
binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago
ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga letra na f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang dapat
na maging baybay ng pangalan ng ating bansa ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng
ipinanukala ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio Almario sa kaniyang
librong Filipino ng mga Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng
Wikang Pambansa.
Tama rin na isama ang mga letrang tulad ng f at v kung gusto nating makapag-ambag talaga ang mga
wikang katutubo sa wikang pambansa. Halaw ang mga ito sa mga magagandang wika ng mga Ivatan,
Ifugaw, at Manuvu na katutubong grupo sa bansa. - John Iremil E. Teodoro

Ang mga titik ng alpabetong Filipino[baguhin | baguhin ang batayan]


Malalaking mga titik
N
A B C D E G H I J K L M N Ñ O P Q R S T U W X Y
G
Maliliit na mga titik
y
a b c d e g h i j k l m n ñ ng o p q r s t u w x

Bago dumating ang mga Espanyol, ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat na gamit
ang talapantigan ng Baybayin. Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang Latin na Panitik sa Pilipinas.
Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na gamit
ang Palabaybayang Kastila (Ortograpiyang Espanyol). Si Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa
pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas.[2]
Noong ipinakilala ang Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ang mambabalarilang si Lope K.
Santos ay gumawa ng bagong alpabeto na binubuo ng 20 na titik. Ito ay ginamit sa mga
pamaaralang libro sa balarilang tinatawag na balarilà. Ang abakada ay naging alpabeto ng
wikang Tagalog at ng Wikang Pambansa na Batay sa Tagalog ayon sa mungkahi ng
pagsasakatutubo ni Rizal. Sinalaunan, ang abakada ay ginamit na rin sa mga ibang wika ng
Pilipinas..

Ang mga titik ng Abakada[baguhin | baguhin ang batayan]


Malalaking mga titik
A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y
Maliliit na mga titik
a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y

Bago dumating ang mga Espanyol, ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat na
gamit ang talapantigan ng Baybayin. Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang Latin na Panitik sa
Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na siglo, ang mga Pilipinong wika ay
sinusulat na gamit ang Palabaybayang Kastila (Ortograpiyang Espanyol). Si Dr. Jose Rizal ang
unang nagmungkahi sa pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas.[2]
Noong ipinakilala ang Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ang mambabalarilang si Lope K.
Santos ay gumawa ng bagong alpabeto na binubuo ng 20 na titik. Ito ay ginamit sa mga
pamaaralang libro sa balarilang tinatawag na balarilà. Ang abakada ay naging alpabeto ng
wikang Tagalog at ng Wikang Pambansa na Batay sa Tagalog ayon sa mungkahi ng
pagsasakatutubo ni Rizal. Sinalaunan, ang abakada ay ginamit na rin sa mga ibang wika ng
Pilipinas..

Mga wika sa Pilipinas


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wika
na Filipino kasama nang mahigit sa isang-daang (100) katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang
banyaga tulad ng Ingles,Mandarin, Fookien, Cantonese, Koreano, Kastila o Espanyol, at Arabe.

Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin
ay mga wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika
na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga
watak watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa karagatang pasipiko.

Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Ngunit mas
maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga
taong gumagamit nito.

Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ay tanyag at malimit
gamitin sa bawat rehiyon ng bansa;

• Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng
iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.

• Tagalog: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng


24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan
ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON).
Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa
tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang
kabisera ng bansa.

• Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon.
Gamit sa Rehiyon 1 at 2.

• Panggasinan: Gamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang


Luzon.

• Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.


• Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
• Sebwano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang
Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang
populasyon ng bansa.

• Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang
Negros.

• Waray-Waray: Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.

You might also like