You are on page 1of 1

Eljun Brokx P.

Abasola

Pimagmulan Ng Wika

Alam naman nating lahat na ang Wikang Filipino ay opisyal na wika sa bansang
Pilipinas.Ito’y nagumpisa sa ika-12 ng Nobyembre 1936.Sa araw na ito,ang unag Pambansang
Asembleya ay nagpatatag ng unang surian ng wikang Pambansa.Kahit na ang pangunahing
ginagamit sa Wikang Filipino ay Tagalog,magkaiba pa rn ang dalawang ito.
Sa katunayan,ang Filipino ay hindi lamang Tagalog kundi sakop nito ang ang
kabuuang mga wika at diyalekto na matatagpuan sa Pilipinas.Ang wika ay ginagawa ng tao
upang maipahayag ang saloobin nito o damdamin ang nagudyok ng kaniyang isip.Bawat tao ay
nakakalikhang sariling wika na kanyang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa iba.Ang wika ay
maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na gumamit ng mga komplikadong Sistema ng
pangkomunikasyon.Matibay na kasangkapan sa pakikipagtalastasan.Ito ang sinasalita o sinisigaw
sa isng partikular na lugar o pook.Ito ang dahilan kung bakit may pagbabayanihan at
pagkakaisa.Nang sinakop ng mga Kastilang mananakop ang Pilipinas,pilit na binago ng mga ito
ang Kulturang Pangkatutubo ng mga sinaunang Pilipino.Binura ng mga Espanyol ang mga
paganong pag-uugali ng mga katutubo,kabilang na ang pag-iiba sa sitema ng pagsulat,pagbasa at
mga salita ng mga ito.Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon na alibata,ang
abecedario o ang alpabetong Espanyol.Matapos ang matagal-tagal ding pananakop ng mga
Kastila sa Pilipinas,namulat ang damdaming Makabayan ng mga Pilipinong natutong
maghimagsik sa pang-aabuso ng mga mananakop.
Maraming nasulat na panitikan sa wikaing Tagalog-tula,sanaysay,kwento atbp mga
akdang hitik sa damdaming makabayan.Nagpatatag ang Katipunan at naisulat ang Kartilya ng
Katipunan sa Taglaog.

You might also like